Chapter 6: I'm Sorry

~Jasmin's POV~

Medyo nagiinat pa ako dahil kakagising ko lang at napangiti ako ng makita sa labas ng bintana ko na maganda ang weather ngayon. Inayos ko muna ang kama ko at binuksan ko ang bintana  saka dumungaw sa labas,pero biglang nag ring ang cellphone ko.

Kung minamalas ka ba naman oh!

Pagkakita ko ang name ng tumatawag ay nawala agad ang ngiti ko at napalitan ng inis,bakit ba kasi natalo niya ako?!,hayys sana hindi na lang ako nakipag deal sa hinayupak na 'to.

"Hello My Slave" Sabi niya sa kabilang linya. Akala ko pa naman magandang araw ang bubungad sa akin ngayon yun pala pambabanas lang.

"Anong kailangan mo?" Iritang tanong ko sakanya.

"I want you to come here in my house" Wow!,house niya talaga?!

"And why?"

"Kailangan ko ng magluluto ng breakfast ko kasi umalis na si Natasha tapos wala dito si manang" Sagot niya naman sa akin pero susundin ko kaya 'to?,ako nga 'di pa nagbre-breakfast tapos siya uutusan lang ako?!

"And if I don't like?" Paasar na tanong ko sakanya.

"Ms.Jasmin Gomez,remember,we have a deal.Isesend ko na lang sayo yung adress" Paseryosong sagot niya.

"Sige na nga,sige na nga,maliligo  lang ako saglit. Give me 30 minutes" Naiinis na sagot ko sakanya.

"Bilisan mo,gutom na ako" Sabi niya saka binabaan na ako.

Seriously?!, napapasunod niya ako?!,wow!,saka bihira lang ako magluto pero pag natikman nila ang special recipe ko napapanganga na lang sila sa sobrang...pangit.

Pagkatapos ko maligo nagbihis na ako at nagsuklay at bumaba, pero nagulat ako ng may biglang may nagsalita. Bumungad sa akin si papa na nagkakape at nagbabasa ng newspaper.

"Ang aga mo ata ngayon"

"Ahy anak ka ng tatay mo!--ikaw pala 'pa,good morning" Bati ko kay papa na ngayon ay medyo natatawa dahil nagulat niya ako.

Hayy naku.Meet my papa, ang dakilang tripper ang hilig kasing mang trip palagi,gusto niyang palagi akong naaasar,pero yan si papa super protective yan, pero in a good way naman at hindi ako nasasakal.

"Mag almusal ka muna" Alok sa akin ni papa pero tumanggi na ako at sinabing may tatapusin pa akong project kasama sila Azumi,Sherry at Natasha.

Pinuntahan ko na ang adress na binigay sa akin ng mokong na yun at sa sobrang kaswertehan ko ,wala pa akong kotse dahil hiniram nanaman ng magaling kong ate kasi 'di pa daw tapos ayusin yung kotse niya kaya nag commute na lang ako.

Wow, ang laki pala ng bahay nila,kaya pala siya nag hahari-harian sa school kasi parang palasyo ang bahay nila.

Parang pa castle ang kabuuan ng bahay nila pag nakita mo ng buo sa labas, at maganda ang blending ng pintura ng bahay,color red ang roof,peach mix with white ang ibang part at yung gate naman nila color white.

Hindi naman sarado ang pinto nila kaya pumasok na ako. Ng makita ko ang loob ng bahay nila medyo natulala ako kasi ang ganda ng pagka design at ang ganda din ng sala at yung sofa nila sobrang lambot parang nakaupo lang ako sa mga feathers.

Habang ineenjoy ko pa ang pagupo ko sa sofa ay narinig ko na ang boses niya.

"Tumaas ka na dito!" Sigaw niya mula sa taas at tumingala naman ako pero wala siya at mukhang nasa loob pa siya ng kwarto niya,pero paano ko malalaman kung saan dito ang kwarto niya?,sobrang dami naman kasing kwarto dito.

"Bilisan mo!" Sigaw niya ulit.

"Coming!" Pasigaw na sagot ko din sakanya.

Ng matapos ng mahabang lakaran sa mahaba nilang hagdan ay sa wakas nakaakyat na ako at nahanap ang kwarto niya at binuksan ang pinto pero hindi ko inaasahan ang nakita ko.

"Oh my god my virgin eyes!!" Napasigaw ako ng makitang wala pang damit pang itaas si Nathan at nakapantalon pa lang siya.

Bigla na lang akong tumalikod at tinakpan ang mata ko habang siya naman ay tawa ng tawa.Bwisit! Pervert!

"Bakit 'di mo sinabing 'di ka pa tapos magbihis?!" Singhal ko sakanya habang nakatalikod pa rin at nakatakip ang dalawang kamay ko sa mata ko.

"Eh hindi ka naman nagtanong" Natatawang sagot niya naman.

"Magluto ka na lang sa baba,pagkababa mo kumaliwa ka saka diretsuhin mo lang yun tapos pag nakita mo na yung color blue na pinto dun yung kusina.Susunod na lang ako pagkatapos ko magbihis,unless...gusto mo kong panoorin magbihis..." Sabi niya sa akin at agad ko namang sinarado ang pinto at mabilis na bumaba.

Hayys bwisit talaga siya!,'di ako tuloy makahinga ng maayos,pero in fairness well built ang katawan niya--oops teka anong pinagsasabi ko?!,hayy kinikilabutan ako sa mga naiisip ko,makapagluto na nga lang.

Wala akong balak na magluto ng adobo,kare-kare,o kung ano man na mahirap iluto dahil alam kong pangit ang kalalabasan kaya nagprito na lang ako ng bacon, eggs saka toasted bread tapos naglagay sa dalawang baso ng gatas at inilagay na sa dining table.

"Bakit 'yan lang ang niluto mo?" Nakakunot noong na tanong ni Nathan saka kumain na at syempre kumain na din ako.

"Mmm...'di ako marunong mag luto" Sagot ko na ikinatawa niya at halos mailuwa na niya yung kinakain niya.

Mukha mo!,mabilaukan ka sana!
Ng tumigil na siya kakatawa ay nagsalita na siya.

"Sana ako na lang ang nagluto" Patawang bulong niya pero narinig ko.

"Oh alam mo naman pala magluto eh bakit hindi na lang ikaw ang nagluto ng almusal mo?!" Singhal ko at uminom ng gatas.

"Para saan pa at naging slave kita?" Nakangising sagot niya.

"Hoy!,sumusunod lang ako sa napagkasunduan,but I'm not a 'Slave' " Padiing sagot ko sakanya.

"Whatever,let's go" Aya niya sa akin.

Huh?,it means sabay kami papasok?,sira ba 'to?

"Anong ibig mong sabihin,sabay tayo?"

"Bakit?,sabi mo kanina nag commute ka lang 'di ba?" Tanong niya habang kinukuha ang susi ng kotse niya.

"Oo"

"Bakit gusto mo ulit mag commute?,sige ka bahala ka jan" Sabi niya ng aktong lalabas na pero agad ko siyang hinabol.

"Saglit lang!,sasabay na ako!" Sigaw ko at sumakay na kami sa loob.

After ilang minutes nakarating na kami sa harap ng school building at naghanap na ng pagpa parkingan si Nathan. Pagkalabas naman namin ay maraming mga mauusisang tingin ang bumungad sa amin.

Hanggang sa pagpasok namin sa room ay marami parin ang nakatingin saamin,ano bang problema ng mga 'to?

"Uy,bakit sabay kayo ni Nathan?" Hayys isa pa 'tong si Natasha.

"Oo nga" Sabay na sabi pa nila ni Sherry at Azumi habang naniningkit ang mata.

"Teka lang,teka lang,nasa hot seat ba 'ko ngayon?"

"Basta sagutin mo na lang" Sabay na sagot nilang tatlo.

"Ok ieexplain ko.Bago mag exam nag deal kami ni Nathan,pag nataasan ko siya susundin niya lahat ng ipapagawa ko sa loob ng 1 month,pero pag mas mataas siya susundin ko lahat ng utos niya sa loob ng isang buwan, kaya lang..."

"Kaya lang?" Naiinip na tanong ni Sherry.

"Kaya lang natalo ako.So heto ako sinunod ang utos niya na ipagluto siya ng breakfast niya,saka hindi ko gamit ang kotse ko ngayon kasi hiniram ni ate kaya nag commute ako papunta sakanila saka nag offer na din si Nathan na sumabay na ako sakanya,so ganun"

"Ayiiee,nakakakilig" Asar naman ni Natasha.

Anong nakakakilig dun?nakakabwisit kaya,hayys kilala ko na 'tong sila Natasha dahil matagal na din kaming magkakaibigang tatlo. Si Natasha yung tipo ng kaibigan na baliw, soft hearted and fragile, mahilig mang asar pero 'pag inasar mo na siya kay Kiefer bigla na lang tatahimik.

"Anong nakakakilig dun?,mas nakakakilig kaya kayo ni Kiefer" Asar ko din sakanya at natawa na lang ako ng bumalik na siya sa upuan niya.

Natapos na din ang period namin at walang nabago.Klase,break time,lunch at sa wakas uwian na. Nagpaalam na ako kila Azumi na mauuna na ako sakanila.

Naglalakad ako sa corridor ng mapahinto ako sa harap ng music room. Pumasok ako doon at nag play ng piano at kumanta pero 'di ko namalayan na nakatulog na ako,nagising na lang ako ng biglang sumara yung pinto.

'Di ko na alam kung anong gagawin ko kundi umiyak,parang naaalala ko na naman ang nangyari sa akin nung elementary pa ako.

Sa kakaiyak ko ay unti unting nawawalan na ako ng hininga at bumibigat ang talukap ko at unti unti ng naging black ang lahat.

~Nathan's POV~

Habang naglalakad kami ng mga kaibigan ko ay napahinto ako sa harap ng music room dahil nakita ko si Jasmin sa loob na natutulog. Mapagtripan nga.

"Bro anong ginagawa mo?" Nakakunot-noong  tanong ni Kurt habang nilo-lock ko ang pinto.

"Obvious ba?,pinagtri tripan ko si Jasmin"

"Hayys loko ka talaga pre,mamaya mapahamak tayo niyang ginagawa mo" Wow nanggaling talaga 'yang salitang 'yan kay Drake ah,eh siya nga ang dakilang maloko sa amin.

"Tara na,mga isang oras lang naman.Bubuksan ko din yan mamaya" Sabi ko at naglakad na ako pababa at sumunod naman sa akin yung anim.

Makalipas ang isang oras ay pumunta na kami sa music room.

"Haha siguro takot na takot na yun ngayon" Natatawang sambit ko sakanila pero mukhang di sila natatawa.

"Ikaw ba naman kasi ang makulong sa loob ng room eh" Sabi naman ni Xander na medyo natatawa.

"Not funny" Walang ganang sabi sa akin ni Kiefer at isinuot na ang headset niya.

Hayys knowing Kiefer,hindi siya matutuwang mang trip ng babae.Wala kayang kasiyahan sa katawan yan kundi ang makasama ang mga libro niya.

Nagulat na lang ako ng makita kong nakatayo sa harap ko si Ian.

"Gago ka!" Sigaw nito sa akin at bigla akong sinuntok saka tumakbo at binuksan ang music room.

Naistatwa ako sa kinalalagyan ko ng makita kong bitbit bitbit niya si Jasmin na walang malay.

Shit! anong nagawa ko?!

Tuloy tuloy lang naglakad si Ian habang bitbit si Jasmin at sa tingin ko ay papunta silang clinic.

"Bro,sabi ko sayo mapapahamak ka niyan sa ginawa mo" Sabi sa akin ni Drake habang umiiling.

"Oo nga,saka patay ka nagalit sayo si Ian.Mukhang pa namang may gusto siya kay Jasmin" Pananakot naman ni Vincent.

Pero kahit anong sinasabi nila ay 'di ko parin pinapansin dahil nakatingjn lang ako kanina kung saan dumaan sila Ian at isang salita lang ang lumabas sa bibig ko habang nakatulala.

"I'm sorry."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top