chapter 5: My Slave
~Nathan's POV~
"Jefferson Valdez?!" Sigaw ko ng makita ang isang litrato habang sila naman ay nakakunot ang noo.
"Kilala mo ang leader nila?" Tanong sa akin ni Kurt habang nakakunot ang noo dahil naguguluhan.
Mas nagtataka ako ngayon kung sino ang sinsasabi nilang leader,si Jefferson ba?,imposible namang maging gangster siya dahil noon ay isa lamang siyang nerd na palaging binubully ng mga kaklase namin.
Isa siya sa pinakamatalik na kaibigan namin ni kuya noon. Nakilala namin siya sa back building, nakita kasi namin siyang binubugbog ng dalawang lalaki kaya sinaklolohan namin siya at sa hindi inaasahang pagkakataon ay business partner pala ni Dad ang Papa niya,so dun,lalo kaming naging close.
Classmate ko siya mula grade six hanggang grade eight pero grade eight na ako ng maging kaibigan ko siya and then afters two years,pagkatapos ng pagkamatay ni kuya nawalan na kami ng balita tungkol sa kanya at sa pamilya niya.
Umalis siya nung panahong kailangan ko siya.Umalis siya kung kailan kailangan ko ng masasandalan.Umalis siya kung kailan kailangan ko ng karamay at kaibigan.
"Oo, kaibigan namin siya ni kuya noon, kaya lang pagkamatay ni kuya bigla siyang nawala at ang pamilya niya. Siguro nangibang bansa, tumakas sa kasalanan niya. Pero leader?" Naguguluhang tanong ko sakanila.
"Oo,siya ang leader ng Devil Phantom gang" Sagot sa akin ni Kurt na nagpatayo sa mga balahibo ko.
Devil Phantom gang,Devil Phantom gang...,parang pamilyar sa akin ang pangalan ng grupong yun ah, aiishh!, please utak gumana ka naman!
Ang mabait at ininuturing na namin na kapatid ni kuya turns into a leader of that fucking Devil Phantom gang?!
Ang daming mga tanong ang gumugulo ngayon sa isipan ko at naghalong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Galit dahil naalala ko nanaman kung paano namatay si kuya, gulat dahil nakilala ko na ang pumatay kay kuya na matalik na kaibigan pala namin.
"Yan naman sila Christian,Grey,Carlo,Bryan,at Jason,mga kagrupo niya" Sabi sa akin ni Xander habang isa-isang itinuturo ang mga pictures na hawak ko.
"Pito din sila?,Venom Striker vs Devil Phantom,wow! exciting 'to ah!" Manghang manghang sigaw ni Javis.
Hayys kahit kailan talaga may sira ang ulo ng isang 'toh,hindi ko nga alam kung bakit ko siya naging kaibigan.
"Baka 'di natin sila kayanin, balita ko marami na silang napatumbang gangs" Wika ni Drake at ramdam ko ang pagkabahala sa boses niya.
"Oo nga, tignan mo nakapatay na sila at yun pa ang kuya ni Nathan" Pagsang ayon ni Xander at 'di ko alam kung bakit ako napangisi sa mga sinasabi nila. Mukhang minamaliit nila ang kakayahan namin.
"Bakit?,sila lang ba ang may kayang pumatay?" Tanong ko sakanila habang nakangisi.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong sa akin ni Xander na ngayon ay naguguluhan parin.
"Sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ang ginawa nila kay kuya" Madiin kong sagot sakanila.
Ang ngisi ko ngayon ay napalitan na ng galit habang naaalala ko kung paano namatay si kuya.
Flashback...
"Oh ganito ang plano ah, alam mo naman na ang pinaplano ko dahil narinig mo na habang kinakausap ko ang girlfriend ko sa phone. So ipapaalala ko lang. Bago dumating si Natasha dapat nakahanda na yung mga handa at may decoration na 'tong bahay saka dapat makapag celebrate na kayo bago ang birthday niyo kasi alam mo naman si mommy, parang siya ang may birthday dahil puro business partners at kaibigan niya ang invited" Sabi sa akin ni kuya na mukhang excited pa kaysa sa amin na birthday celebrant.
"Bibili na ako ng cake,sama ka?"
"Sige hintayin mo lang ako saglit, magbibihis lang ako"
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na kami at sumakay sa kotse niya.
"Mamaya ipapakilaka ko na ang girlfriend ko sainyo" Nakangiting sabi niya habang nagda drive.
"Anong pangalan niya?"
"Mamaya ko din sasabihin" Nakangising wika niya saakin.
Hayys mukhang seryoso na siya girlfriend niya ah,ngayon lang siya magpapakila ng girlfriend niya saamin dahil noon ay 'di niya mapakilala saamin ang mga naging girlfriend niya dahil naghihiwalay agad sila.
Habang pumipili kami ng cake ni kuya ay napapansin kong kanina pa siya may tinitignan sa labas at parang kilala niya yung taong yun kaso lang 'di niya makita ng bahagya dahil nakatalikod ito.
"Kuya sino yan?" Tanong ko habang nakatingin pa sa cake.
"Nathan tumawag ka ng pulis! Bilisan mo!" Sigaw niya sa akin saka tumakbo na palabas habang ako ay naguguluhan, pero kahit na naguguluhan ako ay tumawag na lang ako ng pulis.
Tumakbo ako papunta sa direksyon ng tinakbuhan ni kuya at naistatwa ako sa kinatatayuan ko ng makita kong sinaksak nung isang lalaki si kuya habang yung anim ay nakahawak dun sa babae na sa tingin ko ay girlfriend ni kuya,hindi ko namukhaan yung mga lalaki dahil may takip sila sa mukha.
Gusto kong tumakbo at tulungan siya pero bakit di ako makakilos?! Ng mahimasmasan na ako ay tumakbo ako at inalalayan si kuya.
"Sinong gumawa sayo nito?!" Tanong ko sakanya habang patuloy na bumabagsak ang mga luha sa pisngi ko.
"H-hindi ko nakita ang mukha nila" Naghihingalong sagot niya sa akin.
"Halika dadalhin kita sa hospital" Sabi ko sakanya habang tinatayo siya pero pinigilan niya ako kahit sobrang nanghihina na siya.
"N-Nathan makinig ka,ikaw na lang ang mag ayos ng birthday party niyo Pakisabi na rin kay N-Natasha na sorry dahil hindi ako makakarating sa birthday niyo" Sabi niya habang pinipilit niya pang huminga.
"Kuya wag mong sabihin yan!" Sigaw ko habang patuloy na umaagos ang mga luha ko pero tinawanan niya lang ako at alam kong kalungkutan ang nasa likod ng tawa niya.
"N-Nathan malaki ka na,stop crying like a baby!" Natatawang sabi niya sa akin "Saka iuwi mo na si-" Itutuloy niya pa sana ang pangalan ng girlfriend niya pero nawalan na siya ng malay.
Mabilis ko siya na inakay papunta sa kotse habang nakasunod ang girlfriend niya saakin na umiiyak,pero wala akong pake sakanya,dahil sakanya kung bakit nag aagaw buhay si kuya.
Sa sobrang bilis ng pagda drive ko ay mabilis kaming nakarating sa hospital at agad naman siyang dinala ng mga nurse sa emergency room.
Maya maya ay lumabas na ang doctor.
"Doc kamusta na siya?" Nagaalalang tanong ko.
"Sorry but we did our best" Malungkot na sagot sa akin ng doctor at tinapik ako ng bahagya sa likod at napaluhod na lang ako.
Tumigil ang pag ikot ng mundo ko ng marinig ang mga katagang yun Ipinapangako ko sayo kuya hahanapin ko ang pumatay sayo.
End of flashback...
"Kung ano man ang binabalak mo Nathan wag mo ng ituloy, ipaubaya mo na lang ang lahat sa batas" Sabi ni Kiefer na ngayon ay nsgsalita na pero kanina tutok na tutok siya sa phone niya. Hayys pareho sila ni Natasha.
"Batas?,walang magagawa ang batas na yan. Dalawang taon na ang makalipas pero 'di parin nila nahanap ang mga pumatay kay kuya,yun ba ang batas?" Malamig na wika ko sakanya.
"Alam mo naman na hindi tayo pumapatay at kailanman ay 'di tayo papatay" Madiin na sagot sa akin ni Kiefer.
I know that they can't kill a person but they are not in my position,that's why they can't understand me.
"I can't assure you that" Seryosong sagot ko kay Kiefer.
"Paano niyo pala sila nahanap?" Tanong ko sakanila habang tinataas ang pictures na hawak ko.
"We have our own ways" Nakangising sagot saakin ni Javis.
"Well thanks to your 'ways',una na ako" Sabi ko at umuwi na ako agad.
~Jasmin's POV~
Pinaghandaan ko ang exam ngayon,sa wakas makakaganti na ako sa mga pangaasar saakin ni Nathan.Ano kaya ang mga ipapagawa ko sakanya?,haha iniisip ko pa lang ang mga ipapagawa ko natatawa na 'ko.
Ipadikit ko kaya ang papel sa likod niya na may nakasulat na 'I am a monkey',good idea.
Nag start na ang exam namin at late na pumasok si Nathan,aasarin ko sana siya pero mukhang wala siya sa mood dahil seryosong seroso ang mukha niya.
Mabilis din natapos ang exam namin at ipinast na namin ang test paper namin.
"Ilan ka?" Tanong sa akin ni Nathan na ngayon ay nakangiti na,akala niya siguro matataasan niya ako.
"86,ikaw ba?" Proud na proud na sagot ko sakanya habang napalitan ng ngisi ang ngiti niya.
"91" Nakangising sagot niya sa akin.
What the--paanong naka 91 siya?!
"Nangopya ka noh?!" Pasigaw na tanong ko sakanya at buti wala na si ma'am.
"FYI nagreview ako,saka tanggapin mo na lang na talo ka" Asar niya sa akin.
Oh God!,Jasmin calm down...
"Anong ipapagawa mo?" Walang ganang tanong ko sakanya.
"Amina 'yang phone mo"
"Tek--" Bago ko pa siya pigilan ay kinuha na niya ang cellphone ko na nakalagay sa ibabaw ng arm chair ko.
Ng silipin ko kung ano ang ginagawa niya,nakita kong kinukuha niya ang number ko.
"Bakit mo kinuha ang number ko?" Tanong ko sakanya ng ibalik na siya saakin ang phone ko.
"Para tawagan ka pag may ipapagawa na ako sayo,saka andiyan na din yung number ko.
Ng tignan ko ang contacts ko ay nakita ko ang nickname niya na 'Hot Boss',wow! ang kapal!
"Tsk,Hot Boss talaga ah,ang kapal naman" Bulong ko pero mukhang narinig niya.
"Haha talaga,saka may nickname ka din sa akin"
"Ano naman yun?" Inis na tanong ko sakanya habang siya naman ay nagpipigil tumawa.
"My Slave" Sagot niya habang tawa ng tawa at nakalagay pa ang kamay sa tiyan.
Bwisit ka talaga sumakit sana 'yang tiyan mo sa kakatawa mo.
Napansin niya na tahimik na ako at sa kahit anong oras ay handa na akong sumabog sa galit.
"Oh chill...,sige alis na ako,see you later My Slave...." Pagpapaalam niya pa sa akin habang tumatawa.
Hayys alam ko na ngayong araw na magsisimula ang paghihirap ko,huhu.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top