chapter 26: Volleyball


~Nathan's POV~

Sasabihin ko na ba na pinapatawag sila ng guidance councilor namin? Siguradong mala misa na sermon ang maririnig ko. Saka pagbibigyan ba nila ako sa hihilingin ko sakanila? Ah! Bahala na nga.

Pagkapasok ko ng gate namin nakita ko na ang kotse nila dad, nandito nga sila ngayon, hayys... Papaakyat na sana ako ng kwarto ko ng marinig kong may nagsisigawan sa kabilang kwarto.

"Hon! Hindi naman kita pinagbabawalan makipag relasyon sa Dianne na 'yun eh! Ang sa akin lang, wag kayong magpakita sa public at sa mga employees natin!" Galit na sigaw ni mom.

"Anong magpakita? It's just about the meeting! You're so paranoid!"

"May nagsabi sa akin na nakita daw niya kayo  na naglalandian sa mismong office mo! Nakakadiri kayo! Ano? Will you denied it again?" Wala akong narinig na sagot mula kay dad hanggang sa makarinig ako ng malakas na pagsampal kasabay ng hagulgol ni mom.

Pumasok na lang ako sa kwarto ko at pabalibag na binaba ang bag, sa susunod ko na lang sasabihin na pinapatawag sila. Sa sobrang galit ko pinagsusuntok ko 'yung pader,wala na akong pake kahit dumudugo na 'yung kamay ko.

Bakit ba ganito ang pamilya ko? Hindi nga kami broken family pero mas malala pa dun ang ipinaparamdam nila sa amin MAS masakit pa sa broken family ang nararamdaman ko. Ganyan na lang sila palagi, kung hindi namromroblema sa kompanya nagaaway.

Hindi ba pwedeng maging ayos muna kaming lahat kahit isang beses lang? Nung namatay si kuya wala silang prinoblema kundi ang kompanya, para ngang wala silang pake nung namatay si kuya eh. Tinawagan ko sila noon kaso nasa Paris sila kaya ayun mas inuna ang isang business namin dun, sa libing na lang sila naka punta. Hindi ko matanggap noon na wala na talaga si kuya kaya umalis ako noon sa hospital at kinabukasan na bumalik. Buti pa nga ang mga kaibigan ko nakiramay sa amin eh ang mga magulang ko? Tss, wala.

Magaling lang naman sila sa paghahanap ng magiging asawa ko, oo ASAWA, dati pa nila pinaplano ang kinabukasan ko at sa sobrang pagpla-plano nila sa future ko, nakalimutan na nilang pagtuunan ng pansin ang present ko, ni hindi pa nga kami nagkaka bonding eh. Kakain na lang kami pero kada magkakasama kami sa hapag kainan palagi na lang nila inoopen ang topic tungkol sa dapat akong matuto kung paano ang tamang pagpapatakbo sa kompanya, 'yun palagi ang tinatatak nila sa utak namin ni Natasha. Pag aaral, trabaho. Bata pa lang kami pina mulat na sa amin ang mundo ng business kaso lang wala talaga kaming interes dun. May kanya kanya kaming pangarap ni Natasha, but I guess our dream will stay as a dream and it will never come true.

Kahit isang beses lang gusto ko maramdaman kung paano magkaroon ng masayang pamilya, simpleng pamilya.

"Kambal! Kambal!" Pinunasan ko agad ang luha sa mata ko nung marinig kong kumakatok si Natasha. Fuck. Umiiyak na pala ako. Takte naman, nakaka bakla.

"Bakit?"

"Anong nangyari sa kamay mo?!" Tanong niya habang tinuturo ang kaliwang kamay ko. Itinago ko agad ito sa likod ko.

"Wala lang 'to. Nahiwa lang nung nagluluto ako"

"Weh, mukhang hindi naman hiwa 'yan eh, teka lang kukunin ko 'yung first aid kit"

"Wag na. Ako na mamaya. Bakit ka nga pala kumakatok?" Tanong ko at napunta ang tingin ko sa hawak niyang notebook. Parang alam ko na ang pakay neto...

"Hehe, pagawa ko lang 'yung assignment natin sa Math. Hirap kasi eh" Ngumiti siya, 'yung ngiting 'please'. Tss, sabi ko na nga papagawa 'to ng assignment eh, ayaw niya kasi ang subject na Math parang si Jasmin lang.

"Bakit kasi hindi ka magpaturo sa boyfriend mo? Kay Kiefer! Magaling 'yun sa Math" Pagkasabi ko nun bigla niya akong binatukan.

"Yah! Inaano ka ba?!"

"Wag ka ngang maingay diyan! Andiyan sila mommy, alam mo naman na wala pa silang alam tungkol samin"

Natigilan ako bigla. Paano kaya kung malaman nila dad na boyfriend na ni Natasha si Kiefer? Tututol ba sila? Pinapayuhan ko na nga sila na umamin na kila mom at dad kaso lang hindi pa sila handa kaya nirespeto ko na lang ang desisyon nila. Ang akin lang naman, gusto ko lang sumaya ang kambal ko at hindi matulad sa akin na inirereto na lang sa kung sino sinong mayaman.

"Ayaw pa kasi umamin eh. Amina" Binigay niya na sa akin 'yung notebook niya sabay yakap.

"Thanks kambal! Da best ka talaga" Ginulo ko 'yung buhok niya saka pumasok na ko ulit sa kwarto ko.

Pagbukas ko nung notebook niya may nakita akong naka ipit. Picture namin nila mommy at daddy. Ang saya namin dito, nung bata pa kami ni Natasha dito sa litaratong 'to. Sana katulad parin kami nung mga bata pa kami, walang iniisip na problema. Takte naman! Ang drama ko na!

~Jasmin's POV~

Hanggang ngayon pinag iisipan ko pa 'yung mga sinabi sa akin ni Avon. Gagawin ko ba? Hindi ba parang nanghihimasok na ako sakanila? Saka ang unggoy na 'yun! Hindi pala talaga niya girlfriend si Avon dahil nagpapanggap lang sila sa mga parents nila. Nagulat ako nung una kaya lang nalungkot ako nung nagka usap kami ni Avon kahapon.

Inamin niya ngang hindi totoo ang relasyon nila ni Nathan, pero inamin niyang may gusto talaga siya kay Nathan kaso lang walang gusto sakanya si Nathan. Bakit ganun? Parang may parte sa sarili ko na natutuwa nung nalaman kong fake ang relationship nila? Hayys! Ang gulo ko! Kahit ako naguguluhan na sa mga nararamdaman ko. Ewan ko ba! Kalimutan na nga natin 'yun.

Tutulungan ko ba siya? Eto nanaman, parang ayaw ko na parang gusto ko. Nakakalito. Pero sabi niya nga, mag kaibigan naman kami, siguro tutulungan ko na lang siyang mapa lapit siya kay Nathan, susubukan ko.

Matutulog na sana ako ng biglang may tumalon sa tiyan ko. Hayys, si Mik Mik, siguro hindi din 'to maka tulog.

"Bakit? Hindi ba maka tulog ang baby ko?" Hinimas ko ang malambot niyang balahibo.

"Arf! Arf!" Kumahol siya tapos humiga sa gilid ko. Ang lambing talaga ng aso ko.

Biglang nag beep ang phone ko kaya kinuha ko 'yung sa table sa gilid ng kama ko. Binuksan ko ang messenger ko at nakita ko ang name ni Nathan.

From: Nathan

'Totoo bang hindi kayo ni Ian? Na hindi mo siya pinayagang manligaw sa 'yo?'

Paano naman nalaman neto na gustong manligaw sa akin si Ian? Saka ang chismoso niya ah. Pake niya ba kung kami na o hindi?

To: Nathan

'San mo ba kasi narinig na kami na? Saka paano mo nalaman na gustong manligaw sa akin ni Ian?'

From: Nathan

'Narinig ko 'yung pag uusap niyo ni Ian nung nag gro-grocery tayo. So ano nga? Binusted mo?'

Hanga na talaga ako sa ka chismosohan netong lalaking 'to. Hindi na nahiyang magtanong, saka nakinig pa sa usapan namin, tss.

To: Nathan

'Kaibigan lang ang tingin ko sakanya. Teka nga, ano namang pake mo? Bakit mo pa tinatanong?'

From: Nathan

'Wala akong pake sa inyo nuh! Na curious lang ako. Sungit mo naman-_-"

Wow ha! Ako pa masungit eh siya diyan 'yung chismoso eh. Bigla kong naalala 'yung sinabi ni Avon kanina.

"Jasmin, sana pagbigyan mo ang favor ko. Ngayon ko lang naramdaman eh at sakanya lang. Please...tulungan mo ko"

Siguro dapat ko ng simulan dito.

To:Hot boss

'Alam mo? Maganda si Avon, mabait, sexy. Halos lahat na nga na sakanya eh. Bagay kayo:-D'

Aiish! Ano bang klaseng text 'yun?!

From: Hot boss

'Huh? Pinagsasabi mo?'

To: Hot boss

'Wala. Bagay lang talaga kayo, sana forever na kayo...'

Hindi ko alam kung bakit nag alinlangan pa ako i send 'yan.

From: Hot boss

'Ewan sa 'yo. Tulog ka na nga. Sour dreams:-* '

Aba! Loko 'to ah, sour dreams, sour dreams siya diyan tas may kiss emoji? Baliw.

To: Hot boss

'Enjoy you're nightmare. Sour dreams din:-* '

Akala niya siya lang may pang asar ah. Mukha talagang ayaw niya kay Avon, pero dapat mapa lapit ko sila sa isa't isa.

.
.
.
.
"Una na ko ma!" Pagpapaalam ko sakanila at lumabas na ng gate.

"Hindi ka na ba kakain ng almusal?!"

"Hindi na ma! Alis na po kami!" At nag drive na si Mang Danny papuntang school.

Bumaba na ako ng kotse at sinabi na lang na mamayang 6:00 na lang nila ako sunduin sa may food court. Balak namin kasing mag food trip nila Natasha.

Pumunta ako sa may locker ko para kunin ang P.E uniform ko, nubayan! Ka uma-umaga P.E agad ang unang subject, kakaligo ko pa lang eh mapapawisan na ako agad! Geez!

Dumeretso na ako sa Gymnasium, dun kasi ang P.E class namin at parang ayaw ko pa pasukan ang first subject na 'to. Wala naman kasi along alam na sports maliban sa Badminton.

Pag dating ko andun na ang teacher namin.

"Oh guys! 10 minutes stretching muna tayo bago maglaro ng volleyball!" Sabi naman ng teacher namin kaya ayun, nilapag ko muna ang bag ko sa floor.

Volleyball?! Eh hindi ko nga alam maglaro nun! Bahala na nga, titignan ko na lang ang mga kaklase ko kung paano 'yun. Nakakahiya naman kasing sabihin ko na 'di ko alam 'di ba? Ayan nag ii-stretch na ako.
.
.
.
Maya-maya nakita ko sila Stella papasok din sa Gym at naka P.E uniform din sila. Wait...'di ba iba ang section nila? Saka grade eleven na sila eh. Bakit dito din ang P.E class nila? Ewan, bahala na lang sila diyan. Hindi na naman ako ginugulo ni Stella eh, kaya sivil na lang kami.

"Okay! Tapos na ang 10 minutes. Nandito pala ang mga best players ng section 5-B para maka laban niyo. Marami kayong matututunan na skills mula sakanila. So, girls muna" Lumapit sa amin si Sir para bulungan kami.

"Guys! Pakita niyong mas magaling kayo sakanila kahit senior high na sila ah?! Dapat ma proud ako sa laro niyo at pag nanalo kayo may tig iisa kayong points sa performance task, okay?" Naka ngiting saad ni Sir.

Huhu,wag sana akong mag mukhang tanga dito mamaya. Nakaka tuwa lang na chinicheer pa kami ni Sir kaso lang magmumukha akong timang mamaya eh.

"Yes Sir!"

"Okay! Puwesto na!" At ayun nag puntahan na kami sa kanya-kanya naming puwesto.

"3...2...1...start!"

Ibinigay muna sa amin ang bola at ang mag se-serve ngayon ay si Chlaret, mukhang sisiw lang sakanya mag laro ng volleyball habang ako dito...mukhang sisiw din...ang itsura! Tss.

Itinira na niya ang bola at lumagpas naman sa net kaya nasalo ng kalaban, tinaas na nung kalaban ang bola at itinira din. Pumunta lang ako kung saan pwede lumanding ang bola para masalo ko. Ginaya ko lang ang posisyon ng iba kong kaklase. Ipinagsalikop ko ang mga kamay ko habang naka focus sa bola.

Pagkatira nung kalaban, napunta naman kay Natasha. Pinalo niya din ang bola, pero napunta sa akin kaya ako ang tumira ang magkasalikop kong kamay ay ngayon naka buka na at pinalo ko ang bola. Lumagpas sa net at napunta naman kay Celine. Ngumisi siya at ewan ko kung bakit.

Pagkatapos niyang itira ng malakas natamaan si Azumi pero hindi ininda ni Azumi kahit alam kong nasaktan siya. Buiset na babae 'yun ah! Patay talaga siya sa akin mamaya pag tapos ng game! Itinira din ni Azumi ang bola at napasa naman 'yun kay Sherry. Medyo lumayo si Sherry para abutan 'yung bola pero hindi niya na abot, sinubukan ko ding abotin at itira kaso ang layo sakin, kaya ayun lumagpas na sa line.

Section 4A- 4

Section 5-B- 6

Haa! Bahala na! Marami pa namang time na natitira. Kahit hindi ako masyado marunong, i ttry ko parin ang best ko! Fighting para sa plus points!

Lumipas na ang ilang minuto at nag tie na kami ng mga grade 11.

Nasa kabilang team naman ang bola ngayon at si Amanda naman ang mag se-serve. Naka ngisi din siya habang hawak ang bola at driniball niya ng dalawang beses bago tinira at sakto naman sa braso ni Sherry. Aba! Sumusobra na sila ah! Tinanong ko kung okay lang ba si Sherry at sabi niya okay lang daw siya pero halata mo na nasaktan din siya kagaya ni Azumi at nag pipigil din siya ng inis.

Pagkatira ng isa naming kaklase sa bola, medyo kinulang lang sa lakas kaya hindi umabot sa dulo ng net kaya tumakbo ako para tirahin 'yung bola at sakto naman. Napunta kay Stella 'yun bola pero hindi kagaya ng mga kaibigan ni Stella, si Stella seryoso ang mukha niya, hindi ko mabasa kung ano ang expression niya. Bigla niya na lang itinira 'yung bola at sakto sa mukha ko. Sinasadya na talaga nila 'to...

Parang nahihilo na ako sa lakas ng impact...nakita ko...

Section 4A- 19

Section 5-B- 21

Pagkatapos nun lumapit pa sila ng mga kaibigan niya at binato ako ng ibang bola. Hindi ako makatayo dahil sa umiikot na ang paningin ko. Maya-maya tumigil 'yung pagbato nila. Anong nangyari? Wala na ba? Umalis na ba sila? Hindi na ba nila ako binabato?

Iminulat ko ang mata ko at tumingala. Hindi ko inasahan 'yung nakita ko. Si Nathan naka harap sa akin at siya ang natamaan ng bolang binato sa akin ngayon ni Stella. Nagulat sila Stella, mukhang 'di nila inaasahan na ang matatamaan ay si Nathan.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya at pinunasan ang ilong ko. May dugo na pala.

"Nasisiraan ka na ba?! Ako tinatanong mo diyan eh ikaw 'yang dumudugo din ang ilong!" Sigaw ko sakanya at 'di niya ako pinansin. Lumapit siya kila Stella na ngayon ay gulat na gulat na parang natatakot.

Medyo nakakatakot na nga ang itsura ni Nathan. Mukhang galit siya kasi. Gusto ko siya pigilan but damn! I can't! Medyo nahihilo na ako.

"Ano? Tapos na kayo?" Malamig na tanong ni Nathan. Naka tingin na lang lahat sa amin ang mga estudyante ngayon.

"N-Nathan, hindi namin si-sinasadya" Panghihingi ng tawad ni Stella.

"Anong 'di sinasadya?! Mga tanga ba kayo?! Siguro naman alam niyo ang mga rules sa volleyball 'di ba?! Kitang kita ko na sinadya niyong tamaan si Jasmin! Mga dirty players!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si Nathan, maging sila Stella natigilan.

"H-Hindi! Nadulas lang sa kamay namin 'yung bola at napalakas ang bato namin!" Natatakot na tugon ni Stella.

Lalo pang lumapit si Nathan sa kanila. Bigla siyang natawa.

"Heh! Patawa ba kayo? Ako pa ginawa niyong tanga" Biglang sumeryoso 'yung mukha niya. "Alam mong di ako pumapatol sa babae Stella, so don't force me to do that...to you"

Lumapit na siya sa akin.

"Bakit ba pinagtatanggol mo siya?! Gusto mo ba siya?!" Pa sigaw na tanong ni Stella. Humarap sakanya si Nathan habang naka ngisi.

"And if I said yes? It's none of your business" Sagot niya at inulan naman kami ng mga bulungan. Hinila na niya ako palabas dun.

"Di ba may girlfriend na si Nathan my loves? Eh bakit ang sweet niya dun sa girl?!" Girl #1

"Oo nga! Talagang sinalag niya pa 'yung bola para dun sa babaeng 'yun! Bueset! Kinikilig naman yung babae" Girl #2

"Oo nga. Namunula pa! Landi!" Girl #1

Hindi ko na lang sila pinansin at dumeretso na kami sa clinic. Pagkarating namin dun, agad na sinalubong kami ng nurse.

"Ano pong nangyari sakanila?" Tanong ng nurse na medyo dalaga pa din.

"Hayys! Hindi mo ba nakikita? Dumudugo 'yung ilong niya oh! Saka nahihilo din siya! Bilisan niyo! Kumuha na kayo ng gamot!" Nagulat ako sa sigaw ni Nathan sa nurse. Yung mukha niya hindi ko ma explain kung anong expression niya, pero mukha siyang nag aalala.

Mukhang alalang alala siya, pero bakit? Tss, lahat naman siguro mag aalala pag may nakitang tao na dumudugo ang ilong. Nagulat 'yung nurse at agad agad na kumuha ng gamot at cotton.

"Ano ka ba Nathan! Dumudugo din 'yang ilong mo oh!" Sabi ko naman sakanya at umupo lang siya sa kama sa tabi ko at pinunasan niya 'yung ilong niya gamit ang polo niya.

"At ako pa talaga ang inisip mo. You're so stupid!" Sigaw niya nanaman. Dumating na 'yung nurse na may dalang mga gamot.

"At bakit naman ako naging tanga? Ha?!"

"Ahm...sir kayo din po, mukhang nahihilo na. Unahin ko na po kayo?" Tanong naman ng nag papa cute na nurse. Buiset! Dumadagdag lang siya sa inis ko kila Stella. Mag pa cute daw ba sa harap ng estudyante?

"Malamang hindi! Siya ang dinala ko dito kaya siya ang gamutin mo! Aiish, bakit ba uso ang mga tanga ngayon...." Naiinis na wika ni Nathan. Maka tanga naman wagas!

"Hoy! Kung maka tanga ka diyan! Eh tanga ka din naman! Bakit ka kasi humarang kanina dun?" Sigaw ko at ininom na ang gamot na ibinigay sa akin ng pabebeng nurse na 'yun.

"Ikaw na nga ang tinulungan diyan eh, tapos ako pa tanga? Wow lang ha. Sino kaya 'tong tanga tanga din na hindi umiwas kanina sa bola? Ako ba?!"

Kinuha na niya 'yung gamot at tumalikod saka uminom ng tubig. Ngayon mukha na talaga kaming tanga. Sabi ng nurse, mgapahinga na daw muna kami dun ng ilang oras. Excuse na din kami sa morning subjects namin sabi ng Sir namin sa P.E

"Eh sa nahihilo ako eh. Dun ka na nga sa kabilang bed" Pagtutulak ko naman sakanya. Alangan naman kasing tabi kami dito 'di ba? Dadalawa lang ang bed dito.

"Oo na" Binuksan niya ang kurtinang naghaharang sa katabing kama namin.

Pagkabukas niya ng kurtina, tumambad sa amin si Kurt na natutulog, may cool fever na naka dikit sa noo niya. Luh! May sakit ba 'to?

"Hoy! Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw naman sakanya ni Nathan para magising. Rinding rindi na ako sa boses ng lalakeng 'to.

"Oo nga anong ginagawa mo dito? May lagnat ka ba?" Tanong ko din.

"Wala. Leche ka Nathan! Sakit sa tenga ng sigaw mo! Ano bang ginagawa pag nasa clinic? Tumatae? Masakit kasi ulo ko kaya ako nandito" Sagot naman ni Kurt na naka upo na. Hanep talaga 'to si Kurt, ginawa pang bedroom niya 'tong clinic.

"Tae mo Kurt! Lokohin mo lolo mong panot. Gusto mo lang matulog kaya ka nandito noh?"

"Oh alam mo naman pala eh. Nagtanong ka pa...tss. Anyare naman sainyong dalawa? Bakit may mga bulak 'yang ilong niyo?" Natatawang tanong naman ni Kurt.

"Kanina kasi nung P.E class namin naglaro kami ng volleyball kasama 'yung mga grade 11 section B. Ayun tinamaan ako ng bola ni Stella" Naiinis na sagot ko.

"Eh bakit pati si Nathan?"

"Ewan. Napadaan lang ata sa kalagitnaan ng pag lalaro namin kaya ayan, natamaan" Sagot ko ulit at umiwas ng tingin.

Hanggang ngayon pala isipan parin sa akin kung bakit niya 'yun ginawa eh. 

"Napadaan lang ako nun saka tanga naman kasi 'yan eh. Hindi umiwas, eh alam naman niyang sinasadya 'yun ni Stella" Sabat naman ni Nathan.

"Sabi ng nahihilo na ako nun eh! Saka masisira 'yung game at mawawala 'yung plus points namin sa performance task! Wala na nga eh. Talo na kami." Nadidismaya kong sagot. Sayang talaga...

"So the plus points is more important than your life? Huh?! "

"Ang Oa mo naman! Para sa dumugo lang 'yung ilong ko eh. Bakit ba kasi humarang ka dun kanina?!" Hayys, hindi ko na din mapigilan na sumigaw, nakaka inis na kasi siya eh!

"Imbis na magpasalamat ka na lang eh naninigaw ka pa! Tss, dahil nga sa 'yo kung bakit dumudugo ilong ko"

Aba at ako pa talaga sinisi niya huh!

"Sino ba naman kasing tanga ang sumalag ng bola huh? Ako ba? Tsaka ano ba talagang problema mo at kanina ka pa naninigaw?" Medyo mahinahon na ako ngayon.

Nakaka hiya naman dun sa pabebeng nurse na kanina pa nakaka tingin sa amin, i mean kay Nathan lang pala. Kung maka tingin naman siya parang tinutunaw na niya si Nathan eh.

"My problem is you and your stupidness! Dati naman lumalaban ka kay Stella 'di ba? Bakit 'di mo ginawa kanina?" Natigilan ako sa sinabi niya.

Hindi. Hindi niya pwedeng malaman ang napagka sunduan namin ni Stella. Hindi lang naman dahil sa nahihilo ako kaya hindi ako naka iwas kay Stella eh, may pinagkasunduan kami. Ayokong pati grades ko madamay pa, kung makaka iwas ako sa gulo, gagawin ko.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong lumaban, kung kaya mo namang umiwas...umiwas ka na lang para 'di ka masaktan" Sagot ko habang naka titig sakanya.

Hindi ko alam kung anong meron sa mga mata niya, pero parang nang aakit 'yun at tinatawag ako. Ano bang nangyayari sa akin? Ano ba 'tong nararamdaman ko? Ewan! Hindi ko na lang 'to papansinin.

"Eh nasasaktan ka na nga eh! Hindi ganyan ang kilala kong Jasmin. Ang kilala kong Jasmin, matapang at palaban!"

"Teka, bakit ka ba ganyan? Bakit ang oa mo mag react? Huh?! Hindi mo na sana ako dinala dito sa clinic kung sesermonan mo lang ako!" Tss, nakaka inis na talaga siya!

"Gusto mong malaman kung bakit ganito ako mag react?!" Tss, kanina ko pa nga tinatanong 'di ba?

"Oo!"

"Dahil nag alala ako sa 'yo!"

H-huh? Hanudaw? N-Nag alala siya sa akin at ayaw niya kong nakikitang nasasaktan?

"Dahil nag-alala ako sa 'yo"

"Dahil nag-alala ako sa 'yo"

P-pero bakit? At bakit natigilan ako sa sinabi niya? Ang bilis ng tibok ng puso ko at bakit ang init din ng pisngi ko? Naka aircon naman dito pero bakit ang init? Saka 'yung tiyan ko...'yung tiyan ko parang may lumilipad na ewan. Hayys! Siguro sa hilo at gutom lang 'to, tama. Ipapahinga ko na lang 'to.

"At bakit ka naman nag aalala sa akin? Ha?!"

"Kasi--"

"Hoy dalawang love birds! Kung gusto niyong mag sigawan dun kayo sa gubat! Dun sa wala kayong maiistorbong gwapo katulad ko. Tss, gigising gisingin niyo ko tapos sigawan niyo pa maririnig ko" Reklamo naman ni Kurt habang humihiga. Tama ba narinig ko?

"ANONG LOVE BIRDS?!" Sabay naming sigaw ni Nathan. Loko talaga 'to si Kurt.

"Aiish! Sakit niyo sa tenga. Bala na nga kayo diyan, tulog na ko..."

"Hoy, hoy! Alis diyan. Matutulog ako diyan" Pagpapaalis naman ni Nathan sakanya. Alangan naman kasing tabi pa kami 'di ba?

"Nek nek mo"

"Isa, alis na diyan sabi eh"

"Zzzzz..." Nag peke ng hilik si Kurt, para siyang ewan. Binato naman siya ng unan ni Nathan.

"In a count of one...two..." Pagbibilang naman ni Nathan at tumayo na si Kurt sabay punta sa kamang kinauupuan ko.

"Sige na nga. Diyan ka na, dito na ako" Aktong hihiga na sana ai Kurt sa tabi ko ng bigla siyang kwelyohan ni Nathan. Napaka brutal talaga netong lalaking 'to ngayon.

"Balik dun" Sabi ni Nathan habang tinuturo ang hinigaan kanina ni Kurt. Napa ngisi naman si Kurt. Ano kayang ibig sabihin ng ngisi niya? Nagmukha lang siyang aso dun eh.

"Hahaha! Nagseselos ka kasi tatabihan ko si Jasmin noh?" Mapang asar na sambit niya.

"Babalik ka dun o uupakan ko 'yang pagmumukha mo?" Sagot ni Nathan habang sinasamaan siya ng tingin.

"Woah! Wag naman ang gwapo kong mukha. Eto na nga oh...babalik na ko...hihiga na..." Sabi pa ni Kurt habang humihga at tuluyan na siyang natulog.

"R.I.P Kurt" Sabi ko naman.

"Heh! Tahimik. Matutulog ang gwapo" Akala ko tulog na siya.

Napunta ang atensyon ko kay Nathan na humihiga na sa kama katabi ko.

"Hoy! Baki--"

"Shhh...ayoko ng makipag talakan sa 'yo. Masakit ulo ko. Kaya pwede ba patulugin mo na lang ako?" Sagot niya naman habang nakapikit na ang mata.

"Dun ka na tumabi kay Kurt!" Pagtutulak ko ulit sakanya pero hindi siya kumilos.

"Ayaw ko katabi 'yun. Tulo laway 'yun"

"Edi w--"

Natigilan ako sa pagsasalita ng bigla niya akong hinila pahiga. Parang may malakas na voltage ng kuryente ang dumadaloy sa katawan ko ngayon. Ang init na talaga, ano ba 'tong nararamdaman ko?! The hell! I hate this feeling!

Naka harap siya sa akin ngayon habang natutulog. Ang amo talaga ng mukha niya kapag tulog, hindi mo iisiping parang dragon siya kapag nagagalit at parang mega phone ang boses kapag sumisigaw. Saka 'yung lips niya nanaman! Naalala ko tuloy 'yung sa park. Sabi niya aksidente lang daw 'yung kiss na 'yun pero parang sinadya niya naman.

Stop thinking about that Jasmin! Ang assuming mo masyado! Bakit niya naman sasadyaing i kiss ka? Tss.

Hinawakan ko 'yung pisngi niya. Ano ba 'tong ginagawa ko? Nasisiraan na ata ako ng bait. Ang gwapo niya pala lalo kapag malapitan-- what? Did I just said na gwapo siya? Well, 'di naman maitatanggi 'yun eh.

"Ang gwapo ng best friend ko noh?" Nagulat ako kasi biglang bumukas 'yung kurtina at tumambad sa akin ang ngiting nakaka loko ni Kurt.

"Ahy palaka!" Ayan tuloy! Napa sigaw ako. Buti na lang 'di nagising si Nathan.

"Sa gwapo kong 'to, palaka? Tss. Geh, tuloy mo na 'yang pagpapantasya mo sakanya, alis na ako" Pagpapa alam niya. Babatuhin ko pa sana siya ng unan kaso naka labas na ng pinto eh. Buiset.

Natulog na lang din ako, sakit na din na kasi ng ulo ko.

.
.
.
.
.

Pagkagising ko wala na si Nathan sa tabi ko. Langya 'yun ah, 'di man lang ako ginising. Ano na bang oras? Pagka tingin ko sa cellphone ko 1:00 na! Hala! Di na ako naka pasok sa iba kong subjects. Teka, baka maka abot pa ako sa iba. Biglang tumunog 'yung phone ko.

Hot boss calling...

"Hoy! Di mo man lang ako ginising ah! 1:00 na kaya oh! Di tuloy ako naka pasok sa ibang subjects! Hayys, papasok na nga lang ako sa second subject"

"Hoy ka din! Sinong nagsabing papasok ka sa second subject?! Tinawagan ko na si tita Mary sabi nila pauwiin na daw kita. Saka excuse ka na sa ibang subjects"

"Huh?! Pina excuse ba ako ni mama? Hindi! Papasok pa ako. Sasabihin ko na lang sa--"

"Gusto mo bang pumunta pa ako diyan para kaladkadin ka pauwi sa inyo?!!!!" Lechugas! Ang ingay ng lalakeng 'to.

Huhuhu, kakatapos nga lang mag dugo ng ilong ko, ngayon naman 'yung ear drums ko 'yung balak niyang paduguin. Ano ba kasing nakain ng lalakeng 'to at high blood siya ngayon?

"Hehe...sabi ko nga uuwi na ako" Sagot ko sa kabilang linya at kinuha na ang bag ko saka lumabas ng clinic. Ang sama pa ng tingin sa akin nung nurse na babae, sinamaan ko nga din ng tingin.

"Good. Naghihintay na sa labas si manong Danny. Bye"

"Hoy! Ang bos--" Too toot...

Bad trip na 'yun! Binabaan ba naman ako ng phone. Maka uwi na nga lang, tinanggal ko na 'yung cotton na nasa ilong ko, alangan naman lumabas ako ng may bulak sa ilong. Pupunta muna ako ng cafeteria para bumili ng pizza, gutom na kasi ako eh, 'di pa ako nag lunch saka 'di ako masyado nakakain ng almusal. Wawa naman ako huhu.

"TATLONG SLICE NGA PO NG HAWAIIAN PIZZA" Teka sino 'tong bumibili din ng pizza?

Nanlaki ang mata ko ng makita kung sinong lalake 'yung bumibili din ng pizza, siya 'yung sa mall. 'Yung kamukhang kamukha ni Jefferson at tumawag sa akin ng Babe.

"Ahm, sorry mga bata pero tatlo lang din 'yung natitira na pizza dito. Mag papa deliver pa lang kami bukas" Sabi naman sa amin nung nagbebenta.

"Okay. Sakanya na lang" Sagot nung kamukha ni Jefferson.

"H-hindi na po. Sakanya na lang po" Sabi ko dun sa nagtitinda. Kahit tatlo 'yun, 'di sapat sa buhaya sa tiyan ko 'yun.

"Mag boyfriend girlfriend naman ata kayo ah, edi share na lang kayo. Okay ba 'yun?" Tugon naman ng babaeng nagtitinda. Luh?!

"Hala! Hindi ko po siya boyfriend ate" Sabi ko sakanila habang wini-wave ang kamay ko. Natawa naman 'yung lalakeng kamukha ni Jefferson.

"Oo nga po. Hindi ko po siya girlfriend. Sige na miss, sa 'yo na lang 'yung tatlo, mukhang gutom na gutom ka eh" Sabi niya naman sa akin habang nakangiti.

Bakit parang iba ang nararamdaman ko sakanya? Saka 'yung ngiting 'yan, pamilyar sa akin. 'Yung magaganda niyang ngiti. Erase erase! Gutom lang 'to.
Na offend naman ako sa sinabi niya. Gutom na gutom? Ganun ba ako ka obvious.

"Hoy! Hindi ako gutom na gutom! Tara share na lang tayo oh" Tss, nasungitan tuloy kita. Papakita ko sa 'yong 'di talaga ako gutom. Babayaran ko na sana 'yung binibigay na pizza nung tindera kaso lang naunahan na niya ako.

"Samahan niyo na po ng mango juice, dalawa saka dalawang order po ng carbonara" Sabi niya at iniabot ang 2,000. Teka, may sinabi ba akong ilibre niya ako? Wala naman ah!

"Hoy! Wag na!" Hindi niya ako pinansin at kinuha na lang ang mga pagkain na binili niya. Umupo na kami sa bandang gitna at ipinatong ang mga pagkain sa may table.

"Wala naman akong sinabi na ilibre mo ko"

"Pag nilibre ka ng isang tao 'di ba dapat mag thank you ka na lang? Haha, oh eto mango juice. Favorite mo 'yan 'di ba?" Sagot niya at iniabot sa akin ang juice.

"Huh? Paano mo nalaman na paborito ko ang mango juice? Stalker ba kita? Saka kung maka kausap ka sa akin akala mo matagal na tayong magkakilala ah. Sino ka ba talaga?" Sabi ko at kumagat ng malaki sa pizza ko. Psh, was pake na kahit magmukha akong matakaw, eh sa gutom ako eh.

"First of all, hula ko lang 'yun. Second, I'm not your stalker, haha assuming ka pala. Third, i'm just being nice to the people around here in my new school,well especially to girls," Napa hagod siya sa buhok niyang blond dahilan kung bakit nagmumukha siyang hot--aiish ano ba 'tong sinasabi ko? "And you wanna know my name?" Tanong niya at inilapit ang mukha niya sa akin. Umatras naman ako. Diyos ko po, bakit ang gwapo ng nilalang na 'to?

"I'm Jonathan Zellas. You, what's your name?" This time bumalik na siya sa pagkaka sandal niya sa upuan. Hayys, bumigat ang paghinga ko ah. Napa inom ako tuloy ng juice at naubos ko 'yun.

"You don't have to know," Sagot ko at ako naman ang lumapit sa mukha niya. "Kamukha mo talaga si Jefferson...saka ikaw 'yung lalake na tumawag sa aking babe dun sa mall dati 'di ba?" Sabi ko at pinagmasdan pa lalo ang mukha niya.

Kung may eye glass lang talaga siya, magmumukha talaga silang magka kambal ni Jefferson, kaso lang may earing pa 'to at mukhang play boy na bad boy. Iba sa personality ni Jeff. Hayys, naalala ko nanaman siya, bakit ba kasi ang tanga tanga ng puso ko? Bakit hindi niya magawang limutin ang lalakeng minahal niya?!

"Damn! Bakit ba lahat kayo ang tawag sa akin Jefferson? Kesyo kamukha ko 'yung Jefferson na 'yun. Pati 'yung ungas na Nathan na 'yun sinuntok pa ako dahil kamukha ko daw ang Jefferson na 'yun! Sino ba talaga siya?!" Inis na tanong niya. Nagulat naman ako sa sigaw niya kaya napa atras ako. Kinain na niya 'yung pizza niya at sumispsip sa juice niya.

"Wag mo ng alamin. Saka sinong Nathan na ungas 'yung sinasabi mo?" Tanong ko at kinain ko na din ang carbonara na nangangalahati na dahil sa bilis kong kumain.

"Nathan Lee, 4th year highschool section A. Dahil sakanya kung bakit sumasakit ngayon ang panga ko. That idiot, he's getting into my nerve"

"Ha?! Si Nathan? Sino namang Jefferson ang tinutukoy niya at sinuntok ka niya? Ha?" Tanong ko ulit kahit mukhang na babad trip na siya kapag nababanggit ang pangalan ni Nathan.

"Ewan, malay ko dun"

"K. Pero ikaw nga 'yung lalake dun sa mall 'di ba? Bakit mo nga ko tinawag na babe non?" Pagtatanong ko ulit. Napa tingin naman ako sa isang pizza na natitira sa plato, huhu gutom pa ako.

"Haha, dami mong tanong. Yep, ako 'yun, sorry akala ko kasi ikaw 'yung ka date ko nun kaya ayun napagkamalan lang kita" Sagot niya at ngumiti muli. Bakit ang hilig niya ngumiti? Parang si Jefferson lang.

"Pwedeng akin na lang 'yang natitirang pizza? Hehe" Shet. Bahala na kahit nakakahiya. Gutom much na si aquoeh.

"Hahaha! Yan pala ang 'di gutom ah, ang takaw mo pala. Geh, sa 'yo na" At inurong niya 'yung plato sa harap ko. Kinuha ko naman 'yun at kinain.

"Teka, ano nga ulit ang pangalan mo? Ang daya naman. Ang dami mo ng natanong sa akin pero 'di ko parin alam ang pangalan mo" Naka ngusong saad niya. Ang cute niya pala, pero mas cute si N--he! Magtigil ka ngang utak ka! Ahy wait, paano pala ako makaka pag isip kung titigil ang utak ko? Hayys!

"Sinabihan mo kong matakaw tapos tatanungin mo ang pangalan ko"

"When you don't want to tell me your name the I call you love instead. In short for lovely" Sabi niya sabay kindat. Hayys! Nakaka pang init naman ng ulo ang Jonathan na 'to.

"Tigilan mo nga ako sa love, love na 'yan! Kainis, kung 'di lang ako gutom eh..." Bulong ko at ininom ko na 'yung juice niya. Siyempre tinanggal ko 'yung straw.

"Woah. Kakaiba ka ah, it's like there's a living dragon in your stomach. Bakit ka nga pala wala sa klase mo?"

"Natamaan kasi ako ng bola kanina nung P.E class namin kaya ayun na clinic ako. Eto naman si Nathan, sabi niya excuse na daw ako sa iba kong subjects. Ikaw? Bakit nandito ka pa? Wala kang klase?" Ayy! Teka, bakit parang ang komportable niya kausap? Palagay na ang loob ko sakanya kahit kakakilala ko pa lang sakanya. Ang weird...

"Oh, parang close na close kayo ng ungas na 'yun ah. Well, nag skip ako sa iba kong subjects, boring kasi eh" Tamad na sagot niya. Tss, sabi na nga eh, bad boy 'to.

"Tch, hindi ka lang pala mukhang playboy na bad boy, skipper ka rin pala" Sabi ko at aktong aalis na kaso lang hinahawakan niya ako sa braso ko kaya natigilan ako.

"How can you be so surr that I'm a playboy and bad boy? Do you know me already?" Naka ngisi niyang tanong. Tama, magkaiba sila ni Jefferson, dahil si Jefferson mahiyain at hindi nag ii-skip sa klase. Hindi kagaya niya.

"Just by the look at you, I can tell that you're a play boy and bad boy. I'll go ahead, bye" At nag lakad na lang ako palabas.

Walk, walk walk--

"Judgemental ka rin pala miss. Well, tama ka rin naman sa sinabi mo, so how about try me?" Natigilan ako sa paglalakad. Ang gwapong lalakeng 'to kas--este ang buiset na lalake na 'to kasi sinusundan pa ako hanggang sa hallway palabas ng school.

"Anong 'try me'?"

"Be my girlfriend for one month, siguro mahaba haba na din ang isang buwan para sa isang relasyon noh?" Naka ngiti niyang tanong. Napa tawa na lang ako dahil sa inis.

"Girlfriend your ass! Di ba may girlfriend ka na nga? 'Yung ka date mo kamo? Tss, hanep ka din ah!" Tss, nakaka inis talaga ang ugali ng isang 'to.

"Break na kami nun, 'di ko nga matandaan kung anong pangalan nun eh. So ano? Payag ka na?" Aba ang kapal talaga ng mukha niya ah, panipisin kaya natin...

"Ouch! Hey! What was that for?!" Sigaw niya at pinagtinginan na kami ng ibang estudyante ma dumadaan sa hallway. Sinampal ko kasi, medyo makapal na ang mukha niya eh.

"For asking me to be your girlfriend! Hayys, ibang iba ka pala talaga kay Jefferson, bakit ko ba kasi pinagkamalan na ikaw siya? Tss" Sabi ko at nagpa tuloy na sa paglalakad pero sumusunod parin siya. Kainis naman oh! May narinig akong binulong niya kaso lang malabo kaya hindi ko na naintindihan.

"Yah! Nilibre na nga kita diyan eh tapos sinampal mo pa ko? Grabe ka talagang babae ka. Pangalan mo na nga lang ang hinihingi ko as a gratitude pero hindi mo pa sabihin sa akin"

Nag patuloy lang ako sa paglalakad papunta sa parking lot at hindi siya pinansin. Natigilan ako ng makita ko si Nathan sa harap ng kotse namin at kausap ang isang guidance councilor. Natigilan din si Jonathan sa paglalakad.

"So, kailan mo balak tawagin ang parents mo Mr. Lee? Gusto mo bang ako pa mismo ang pumunta sa bahay niyo?" Sabi ng guidance councilor kay Nathan na kasalukuyang tamad na nakatingin lang sakanila na para bang hindi guidance councilor ang kausap niya.

Huh? Bakit ipapatawag ang parents ni Nathan? May ginawa nanaman bang kalokohan ang lalakeng 'to?

"You deserve that, you freaking bastard" Biglang saad ni Jonathan habang nakatingin kila Nathan. Naka ngisi pa siya.

"Huh? At bakit naman niya deserve 'yun? Ha?!" Ewan ko ba, parang nainis ako ng tawagin niyang bastard si Nathan.

"Remember 'yung sinabi kong sinuntok niya ako? That's what he get for punching me. Ngayon pinapatawag ang mga magulang niya. Tch"

"Oo na nga po Sir Wrinkles--este Sir Velasco. Mamaya sasabihin ko na po na pinapatawag niyo sila, at bukas 'yun na rin ang katapusan niyo. So better enjoy your job now cause it will end tomorrow..." Naka ngising tugon ni Nathan dun sa Sir Velasco. Tss, pasaway talaga siya.

"What do you mean that my job will end tomorrow? Huh? Remember that you are talking with the guidance councilor. Matuto kang gumalang Mr. Lee"

"Paano ako gagalang sa isang taong katulad niyo na bias sa estudyante? Tell me, how? Tss sige po, kita na lang tayo bukas sa guidance office"

At umalis na ang guidance councilor na mukhang pikon na pikon kay Nathan. Nag wave pa nga si Nathan habang naglalakad pa alis si Sir Velasco. Nanlaki ang mata niya ng makita niya kami at agad siyang tumakbo at inilayo ako kay Jonathan. Hinigit niya ako sa tabi niya. H-hindi ko na talaga siya maintindihan.

"Bakit kasama mo ang lalakeng 'yan?! Huh?! Magpaliwanag ka!" Galit na tanong niya sa akin.

"Kas--"

"At sumasagot ka pa talaga ha!" Tignan mo 'to, sabi niya sumagot daw ako tapos ngayong sumasagot ako sinigawan naman ako. Abnormal. Bumaling ang tingin niya kay Jonathan. " At ikaw mokong ka, layu-layuan mo si Jasmin kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso"

"Bakit ko naman siya lalayuan? Sino ka ba niya? Kuya?" Mapang asar na sambit ni Jonathan. Hayys, mukhang nagkakainitan na sila. Magsasalita pa lang sana ako ng bigla akong...

I-inakbayan ni Nathan. W-What the?! Ano nanaman kayang binabalak niya?

"I'm not his brother. I'm her boyfriend, so back off you brat!" Mapang asar na sagot niya din.

Ano daw?! Nasisiraan na ba siya? Wala akong naaalala na may boyfriend ako at lalong wala akong naaalala na boyfriend ko siya. Magsasalita pa ulit sana ako ng bigla niyang tinapat ang kamay niya sa bunganga ko at pinahiran ang labi ko.

"May sauce ka pa sa labi mo oh...kaw talaga babe ang kalat mo kumain..." He said in a sweet tone.

Ang sweet ng boses niya to the point na hindi na nga ako nakapag salita.

"Kung asawa nga naaagaw, girlfriend pa kaya?" Pang aasar nanaman ni Jonathan.

"Mahal niya ako kaya walang makaka agaw sakanya na kahit sino. Even you"

"Wag ka pakakasiguro pre--"

"Jonathan. My name is Jasmin Gomez. 'Yan nalaman mo na pangalan ko, kaya pwede ba lubayan mo na ako?" Sabi ko sakanya. Baka mamaya dito pa sila mag away, nakakahiya na talaga. Lalo na't ang daming mga estudyante ang naka tingin sa amin.

"Your name suits you and your name is beautiful like you. Pero sana hindi ko na pala tinanong ang pangalan mo kasi mas gugustuhin ko pang tawagin kang LOVE" Naka ngising sagot niya sa akin. Nagulat na lang ako ng bigla siyang kwinelyohan ni Nathan.

"Gago ka talaga ah! Anong bang gusto mo? Away o gulo? Ano sabihin mo at pagbibigyan kita!"

"Yung girlfriend mo. Ano ibibigay mo ba?"

Hayys, hindi ko na sila maawat.

Inalis ni Jonathan ang pag kaka hawak ni Nathan sa kwelyo niya at nagpatuloy sa pag ngisi.

"Eh kung pasa kaya ang ibigay ko sa 'yo!" Susuntukin na sana ni Nathan si Jonathan pero buti na lang at nahila ko na siya paatras. Hayy! Ang hirap niya hilain ah!

"Jonathan umalis ka na nga! Wag kayo dito mag away!" Pag aawat ko naman sakanila.

"Ok. Ok. Kita na lang tayo ulit bukas! Sabay ulit tayong mag miryenda sa cafeteria ah! Bye bye Love!"

Hayys salamat...sasakay na sana ako sa kotse ng bigla nanaman aakong hinila ni Nathan. Namumuro na 'to sa akin ah!

"Hoy ikaw babae! Magpaliwanag ka nga! Bakit kasama mo ang mokong na 'yun? Saka ano? Sabay ULIT kayo magmimiryenda? Close ba kayo?!"

Nagulat ako paano ba naman kasi bigla siyang sumigaw.

"Hoy huminahon ka nga diyan. Tatatlo lang 'yung natirang pizza kanina, nagkasabay kami sa pagbili nun. Eh gutom ako kanina eh, hanggang ngayon nga gutom parin ako. Nilibre niya lang ako, so 'di na ako tumanggi. Ikaw nga ang mag paliwanag, bakit sinabi mong boyfriend kita huh?! Yuck!"

"Sinabi ko lang 'yun para layuan ka na niya, gago 'yun, kaya wag ka maglala lapit dun. Mukha ka pang lugi sa ating dalawa huh! Kung maka yuck ka wagas! Napilitan lang ako kaya akong sabihin 'yun. Nakaka suka nga eh!" Sagot niya sa akin.

At aba! Siya pa ang nandiri eh siya nga ang nagsabi nun!

"Sino ka ba para mag sabing layuan ko siya? Saka bakit ka ba nandito ngayon? Di ba may klase tayo ngayon?" Tanong ko naman.

"Vacant natin ngayon. Saka ikaw kaya pala ang tagal mo eh nag da-date pa kayo ng Jonathan na 'yun! Nag aalala na sa 'yo 'yung mama mo kaya tinawagan niya ako, hahanapin na sana kita kaso nga dumating ka na. Wag ka ng sasama dun ulit huh! Sige na. Pasok na" Sabi niya habang tinutulak na ako papasok sa kotse. Buiset talaga 'tong lalakeng 'to, kung maka sermon akala mo tatay ko siya eh. Tch.

"Teka nga lang! Bakit ba pinapatawag 'yung parents mo? Siguro may ginawa ka nanamang kalokohan noh!" Sabi ko habang naka bukas pa 'yung kotse.

"Wala ka na dun. Sige na mang Danny, iuwi niyo na 'yang madaldal na 'yan"

"Sinong madaldal huh?! Ikaw nga diyan ang sigaw ng sigaw eh!"

"Kasi nakaka inis ka!"

"Mas nakaka inis ka!"

"Pinaka nakaka ini--"

"Excuse me sir, ma'am. Hindi po pa po ba kayo tapos mag LQ?" Pagsisingit naman ni manong.

"TUMIGIL NGA KAYO!" Sabay naming sigaw ni Nathan. Ano daw?! LQ?! Pwee! Kadiri!

"He he, sorry po. Sige sir Nathan, alis na kami" Sabi ni manong at sinarado ko na 'yung pinto ng kotse sabay belat sakanya. Binelatan din naman ako. Buiset talaga!
.
.
.
.
.

Pag dating namin sa bahay agad akong lumabas at didiretso na sana sa kwarto ko para mag pahinga ng bigla akong tinawag ni mama.

"Halika dito Anak. May pag uusapan tayo..."

Hala...ang sersyoso na ng mukha ni mama. Ano kayang pag uusapan namin? Nakaka takot ngayon si mama.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top