chapter 21: Ligawan

~Jasmin's POV~

Hindi pa ako maka tulog kaya nag open muna ako ng facebook, matagal na din akong hindi nakaka pag open eh.

Pagbukas ko, nakita ko agad 'yung notifications ko at friend requests.

31 friend requests

20 notifications

32 messages

'Ian Zabala sent  you a friend request'

'Avon Zabala sent you a friend request'

'Nicole Galejo sent you a friend request'

'Nathan Lee sent you a friend request'

'Yung iba mga kaklase ko na. In accept ko lahat pwera lang kay Nathan. Nung nakaraang linggo pa pala 'to. Hindi ko na dapat siya i accept dahil iniiwasan ko na siya, tama.

From: Beshy

'Uy, thanks sa advice mo kanina ah, bati na kami ni love at alam na din ni kambal 'yung tungkol sa amin'

To beshy:

'Haha wala 'yun, sabi ko naman sa 'yo maaayos din 'yan eh'

Nag scroll lang ako at maya may nakita akong post ni Avon, picture nilang dalawa sa restaurant at kaka post niya lang. Ang saya nila sa picture at mukhang in love na in love sila sa isa't isa. Siguro nga seryoso na si Nathan kay Avon, masaya ako para sakanila.

Matutulog na sana ako ng biglang tumunog nanaman ang cellphone ko. Notification nanaman, hindi ko na sana titignan pero nakita ko 'yung name ni Ian.

'Ian Zabala reacted on your profile picture❤'

Naks naman, pinusuan niya pa ang Dp ko. Bigla akong naka receive ng message mula sakanya.

From: Ian

'Hi ms. Fangirl'

To: Ian

'Haha fangirl ka diyan. Hi mr. fanboy'

From: Ian

'Bakit nga pala gising ka pa?' Hayys, baliw din 'to, malamang chinat niya ko kaya nagising ako.

To: Ian

'Malamang minessage mo ko, hahaha. Matutulog na sana ako pero nag appear 'yung message mo kaya tinignan ko'

From: Ian

'Hindi natuloy 'yung sasabihin ko kanina kasi dumating 'yung Nathan na 'yun, kainis nga eh hanggang detention room ako ang sinisisi niya'

To: Ian

'Pagpasensyahan mo na lang ang OA na 'yun. Ano nga pala 'yung sasabihin mo?'

From Ian:

'Yun nga, gagawa ako ng paraan para makapunta tayo sa concert ng BTS, pero sa tamang paraan ha. Haha alam ko na kasi 'yang nasa isip mo' Huh? Ano kasing paraan ang sinasabi niya? Paligoy ligoy pa kasi eh.

To: Ian

'Ano ba kasing paraan ang sinasabi mo? Sabihin mo na kasi'

From: Ian

'Haha surprise. Hintayin mo na lang. Basta makakapunta tayo sa concert nila, wag ka masyadong ma excite diyan haha. Sige na tulog ka na, 11:09 na oh, good night. Sweet dreams.

To: Ian

'Sige na nga. Good night'

Natulog na din ako kahit naguguluhan pa ako sa mga sinasabi ni Ian.

Nagising ako dahil sa ingay ni ate. Hindi ko na kailangan ata ang alarm clock ko dahil kay ate, boses niya pa lang kahit patay magigising tss.

"Gising na biik! Baka ma late ka!" Sabi niya sabay yugyog sa katawan ko. Huhu, kailan ba ako makakatulog ng maayos? Ng walang istorbo?

"Oo na! Kahit kailan ka talaga ate eh! Saka wag mo na nga akong tatawagin na Biik, hindi na ako 'yung grade 3 noon na sobrang taba!"

"Hahaha!, basta para sa akin ikaw parin ang biik namin. Sige na, maligo ka na ang baho mo na kasi eh" Sabi niya at lumabas na siya ng kwarto ko. Hayys..kahit kailan talaga.

Naligo na ako at nagbihis saka bumaba para mag break fast.

"Oh pa, bakit hindi pa ata kayo pumapasok sa trabaho niyo?" Tanong ko kay papa na mukhang biyernes Santo ang mukha. Ano kayang problema nila?

"Tinanggal na ako ng boss ko eh" Malungkot nilang sagot. Lumapit ako sakanila at niyakap ko sila.

"Okay lang 'yan papa, makakahanap pa kayo ng bagong trabaho" Nginitian ko sila. Kawawa naman si papa, mahal na mahal pa naman niya ang trabaho niya dun sa kompanyang pinagtratrabahuan niya.

"Salamat nak. Sige na kumain ka na, baka ma late ka pa"

Tinignan ko 'yung orasan namin at 7:00 na pala. Mala late na ako kaya nagbaon na lang ako ng sandwich at nagpaalam na ako kala mama.

Habang nag mamaneho si Mang Danny nakakita ako ng isang coffee shop. Mukhang bago pa lang dito 'yun. Hindi naman ako mahilig mag kape eh, kaya lang ang dami ng costumers nila, mukhang masarap ang kape nila.

"Mang Danny, punta po tayo dun sa Thonse café. Bibili lang po ako saglit"

"Okay mam"

"Nubayan mang Danny. Wag niyo na po ako mina mam" Natawa na lang tuloy ako sakanila.

Pumila ako sa may counter para umorder ng kape. Nagulat ako ng si Vincent 'yung kumuha ng order ko.

"Oh, nag pa-part time job ka ba dito Vincent?"

"Hahaha ako magtratrabaho? Ni way. Nautusan lang ako ni mama na ako daw muna ang tumao dito sa coffee shop namin dahil may pupuntahan sila ni papa"

"So, kayo ang may ari ng coffee na 'to? Mukhang maraming costumers ah"

"Haha oo nga eh, siyempre gwapo ang nag ma-manage eh. Ano nga palang order mo?"

"Isang latte"

"Coming"

Maya maya dumating na din 'yung order ko. Aabsent daw muna ngayon si Vincent dahil nga wala sila mama niya. Palabas na sana ako ng may bigla akong nabunggong lalake. Ang tangkad niya naman kasi eh, kaya 'di ko napansin. Parang poste kasi, haha dejoke.

"Ahy sorry!"

"Okay lang 'di naman ako natapunan eh" Sabi niya at ibinaba niya ang sombrero niya dahilan para hindi makita ang mukha niya. Ang weird niya ah. Pagkatapos nun umalis na siya agad na para bang nagmamadali.

Lumabas na lang ako at sumakay ulit sa kotse. Habang nasa kotse kami kinain ko na 'yung sandwich at ininom 'yung kape. Naalala ko na naman 'yung lalaki kanina, ang weird kasi eh. Parang nagtatago siya.

Pagkarating ko sa loob ng gate ng school namin nakita ko agad na naglalakad sila Avon at Nathan. Malamang ihahatid niya din si Avon sa room niya, nukaba Jasmin, nag patuloy na lang ako sa paglalakad ng may biglang kumalabit sa likod ko.

"Huy! Ms. Fan girl. Morning" Nakangiting bati niya sa akin. Ayan na naman 'yung mata niya eh, nagiging moon crescent.

"Morning din Mr. Fanboy"

"'Yung assignment pala natin, natapos mo ba?" Huh? Anong sinasabi niyang assignment ? Wala naman ah.

"Wala naman tayong assignment eh"

"Anong wala? Sinabi na ni Ace kahapon sa GC na may pinapagawang homework si ma'am Estralita ah. 'Di mo nabasa?" Shocks, hindi ko nabasa 'yun.

"Aiish! Hindi ko nabasa. Ikaw ba, tapos mo na?"

"Oo naman! Ako pa. Sipag ko kaya" Aba, ang yabang din ng Ian na 'to.

"Hahaha edi ikaw na. Huhu, mamaya mapagalitan pa ako ni mam dahil 'di ko nagawa homework ko" Nakakainis naman! Second subject pa naman namin ang history.

"Edi papakopyahin na lang kita"

"Wag na! Nukaba, pinaghirapan mong gawin 'yung homework mo tapos kokopyahin ko lang. Kahiya naman noh"

"Basta! Kopyahin mo na lang 'to. Easy lang naman gawin 'yan eh" Nilagay niya sa kamay ko 'yung notebook niya. Hayys, makopya na nga lang, baka kasi mapagalitan pa ako ni ma'am pag pag wala akong na gawa.

"Thanks"

Umupo na ako sa upuan ko at kinopya 'yung assignment niya habang wala pa ang teacher namin. Mala late daw sila eh.

"Wow. Kaninong homework 'yan? Mukhang hindi sa 'yo ah" Tss, ayan na naman siya sa pagpapapansin niya. Hindi ko na lang siya pinansin, BC din ako sa pagsusulat.

"Yah! What's the problem?!" Ang kulit din niya talaga eh noh. Sige lang Jasmin, wag mo siyang papansinin. Pinuntahan ko si Ian at ibinigay na sakanya ang notebook niya.

"Bakit di mo ko kinakausap ha?!"

"HUY! MIN MIN!" Aiish nakakainis na talaga siya. Ang ingay niya, pinagtitinginan na tuloy kami ng mga kaklase namin, para kasi siyang nasa bundok eh.

"Bakit ba?!" Ayan tuloy, sabi ko nga 'di ko na siya kakausapin, ang ingay niya kasi.

"Bakit 'di mo ko pinapansin mula kahapon pa? May problema ka ba sa akin?" Sa 'yo wala, kay Stella meron.

"Wala akong problema sa 'yo okay? Kaya pwede ba wag ka ng maingay? Tss" Sa wakas malapit na akong matapos dito sa sinusulat ko kahit na ang ingay pa ng katabi ko.

"Hayy naku. Hindi gagawa ng assignment tapos ko--" Tinakpan ko ang bibig niya dahil dumating na ang ma'am namin sa history, baka mamaya ma principal's office pa ako dahil kay Nathan eh.

"Yah! Can you shut your mouth just for a while? Huh!"

"Tell me first kung kanino galing 'yang sagot mo sa homework natin. Kaninong notebook ba 'yan?" Kulit din niya ah, sasabihin ko na nga para matahimik na siya.

"Galing 'to kay Ian, oh ayan happy ka na?"

"Tss. Kay Ian pala, for sure mali lahat ng sagot niyan"

"Duh! Balita ko kaya, noon mas nangunguna si Ian sa klase noon kaysa sa 'yo"

"Tignan na lang natin kung sino ang mas mangunguna ngayong second grading" Nakangising  sagot niya. Pssh! Yabang. Pu

"Okay class, pass your notebook now. 'Yung mga 'di gumawa ng assignment nila, alam niyo na ang parusa ha"

"YES MA'AM"

Luh! Ano kaya 'yung parusa nila? Di bale, nakagawa naman ako eh.

Na pasa na namin ang mga notebook namin, at aba! May assignment din pala 'tong si Nathan akala ko kasi puro mobile legend na lang ang inaatupag niya eh. Tss, pake ko naman.

Nag discuss pa si ma'am at eto naman ako nakakapikit pikit pa, medyo hindi kasi ako nakatulog kagabi tapos maaga pa ako ginising ng magaling kong ate. 'Yan tuloy 'di ko pa napakain si Mik Mik, wawa naman ang baby ko wala kong time sakanya, naalala ko bigla 'yung asong binili ni Nathan nung nakaraang linggo, pinapakain niya kaya 'yun? Sana naman inaalagaan niya 'yung aso, mukhang hindi pa naman siya marunong mag alaga ng aso. Tsk, pingalan niya pa sa akin, hindi naman ako mukhang aso ah.

"Class dismiss" Sabi ni ma'am at nagsi alisan na ang mga kaklase ko, pinauna ko muna sila ayoko kasing makipag sisksikan. Sa wakas lunch na.

Dumeretso na ako sa cafeteria, sila Natasha tapos na mag lunch nakisabay Kahit nga mga kaibigan niya nagtataka dahil mukhang iniiwasan ko si Nathan, pero siyempre sabi ko hindi.

Habang kumakain ako lumitaw sa harap ko si Nathan, ano na naman bang problema niya? 

"Ibili mo ko ng Egg sandwich" Utos niya naman. Ano siya swineswerte?

"Ako ba kausap mo?"

"Ahy hindi 'yung lamesa siguro. Nagsasalita 'yan 'di ba? Tss, malamang ikaw kausap ko" Aiish! Napaka pilosopo niya.

"Edi bumili ka mag isa mo" Kainis.

"Remember We. Have. A. Deal" Madiing sabi nito sa akin. Kairita siya, pero 4 na araw na lang naman at makakalaya na ako sa deal namin. Yehey!

"Aiish! Amina 'yung pambili!" Inis na singhal ko sakanya at tinignan niya ako na parang ang tanga ko. Problema naman niya?

"Ano?"

"Siyempre libre mo. Dali, bumili ka na nagugutom na ako" Tss, napaka bossy pa ng pagsabi niya niyan. Bumili na din ako ng egg sandwich.

"Oh ayan!" Pabalibag kong binigay sakanya 'yung sandwich saka ako kumain na para bang wala siya sa harapan ko.

"Uy Min Min, umamin ka nga, bakit ka umiiwas sa akin?" Gusto ko sanang sabihin ang totoo para hindi na siya lumapit sa akin, kaya lang alam kong hindi niya naman susundin si Stella eh, kahit ako. Siguro wala naman siyang pake kahit bumagsak ako dahil sa ex niya, bahala na nga.

"Hindi kita iniiwasan okay? Kaya pwede ba wag mo na akong kausapin" Hayys, baliw din ako eh noh? Hindi umiiwas tapos sinabi kong wag niya na akong kausapin.

"You're a bad liar. Sa susunod mag workshop ka pa ah, 'di ka pa kasi magaling na artista eh. Bakit nga kasi iniiwasan mo ko? Ano bang dahilan? Or sinong dahilan?" Nakakunot noong tanong niya. Jasmin, sige lang umisip ka ng paraan para 'di mo siya sagutin.

"Wala nga. Alis na ko" Nag walk out na lang ako dun. Baka mamamaya mangulit nanaman siya eh.

Pagkalabas ko ay may humatak sa braso ko. Hindi ba talaga ako titigilan ni Nathan?

"Ilang--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil hindi pala si Nathan ang kaharap ko ngayon.

"Oh Jasmin, marunong ka naman pala sumunod eh. Kailangan ka pang takutin, mabuti na 'yang nilalayuan mo na si Nathan. Keep it up" Sabi niya sa akin habang nakangiti. Alam mo 'yung ngaiting aso? 'Yun 'yun.

"Teka nga lang Stella, alam mo naman na sigurong may girlfriend na si Nathan 'di ba? Wag mo sabihing gusto mo paring makipagbalikan sakanya after all of this?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya. Alam niya naman na kasing sila na ni Avon at Nathan, pero mukhang gusto niya pang agawin si Nathan.

"Eh ano naman sa 'yo kung gusto ko pa makipagbalikan kay Nathan? Ha? Napaka pakialamera mo talaga" Aiish, ang maldita talaga ng Stella na 'to. Abot langit na ang kilay niya.

"Wala naman akong pake, but look, Nathan have a girlfriend. Now, you want to ruined their relationship? You look so desperate" Naiiling na sagot ko sakanya. Itataaa niya sana ang palad niya para sampalin ako pero nahawakan ko 'yun.

"Ginawa ko na ang gusto mo, kaya tumupad ka naman sa usapan, wag mo na akong guguluhin. Baka mamaya hindi pa ako makapagtimpi sa 'yo" Binagsak ko ang kamay niya at umalis na dun.

Pumunta muna ako sa gym. Wala namang estudyante dun ngayon eh, kailangan ko muna magpalamig ng ulo dahil sobrang na high blood ako sa babaeng 'yun.

"Bakit ba kasi hanggang dito sa school na 'to, may nanggugulo pa rin sakin?" Medyo naiiyak na ako dahil sa inis, kahit kailan talaga hindi magiging mapayapa ang pag aaral ko.

"Uso humanap ng kausap. Hindi 'yung nagsasalita ka mag isa" Nagulat ako ng may biglang nag salita. Napatayo tuloy ako sa inuupuan kong bleach.

"Ano ba 'yan Xander! Nakakagulat ka naman. Bakit ka nandito?" Para namang siyang kabute, kung saan saan sumusulpot.

"Dito sana kami mag se-sex ng isang kong chicks kaya lang nakita kita dito kaya iniwan ko muna siya sa labas" Ano ba yan! Kadiri naman 'tong lalakeng 'to.

"Yuck! Kadiri!"

"Hahaha eto naman. Joke lang. Nakita kasi kita dito at parang umiiyak ka na kaya na curious ako"

"So, gusto mo lang makasagap ng chismis ganun?" Tss, chismoso talaga siya.

"Bakit ka kasi umiiyak?" Tanong niya at kinapa ko ang pisngi ko, may luha nga. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Ah, wala lang 'to" Mukhang 'di ako magaling umarte dahil mukhang hindi siy a naniniwala.

" 'Yung totoo. Saka wag ka ngang umiyak diyan, ang panget mo eh!" Sabi niya sabay tawa, loko 'to ah. Binatukan ko nga.

"Ouch naman!" Luh! Ang hina naman ng batok ko ah.

Sasabihin ko ba sakanya? Kailangan ko din naman ng kausap ngayon para gumaan ang loob ko, siguro hindi niya naman sasabihin kay Nathan.

"May sasabihin ako, but promise me na hindi mo sasabihin kay Nathan? At kahit na sino?" Biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Promise."

"Sabi kasi ni Stella kapag hindi ko pa daw layuan si Nathan ay mapapahamak ang grades ko, kaya nspapansin niyo na hindi na ako sumasabay sa inyo kapag break time at lunch 'di ba? Kasi nga iniiwasan ko siya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hanggang ngayon may nanggugulo pa sa akin, dati nung elementary pa lang ako na bu-bully na ako pero bakit hanggang ngayon? Hindi na ba magiging maayos ang pag aaral ko?" Hindi ko na napigilan na umiyak at naramdaman ko na lang na niyakap na pala ako ni Xander.

"Shh..taha na. Gusto mo i report ko si Stella sa principal?"

"Wag na. Ayoko ng lumaki pa ang gulo, pero kasabay ng pag iwas ko kay Nathan ay ang pag iwas ko din sa inyo, nalulungkot lang ako dahil mababawasan nanaman ang mga kaibigan ko.."

"Haha! baliw ka talaga! Pwede mo naman siyang iwasan ng hindi kami iniiwasan eh. Stupid" Sabay pitik sa noo ko. Nubayan! Okay na sana eh.

"Aray ah!" Sabi ko at nagtawanan lang kaming dalawa. Buti may mga kaibigan na ako dito, may masasandalan at may masasabihan ako ng problema.

"Hatid muna kita sa room mo"

"Sige"

Pumunta na kami sa klase ko at buti hindi pa nagsisimula ang klase.

"Thank you, Xander. Akala ko puro problema lang dala mo, pero marunong ka rin naman pa lang makinig sa problema ng ibang tao haha!"

"Ano ka ba! Hindi ka na iba sa akin, babe kaya kita hahaha!" Sabi niya at tumawa ng malakas, pinagtinginan tuloy kami ng mga kaklase ko, 'yung iba ang sama ng tingin sa akin at parang sinasabunutan na ako sa isip nila.

"Babe mo mukha mo!"

"Hahaha! Joke lang, 'di ako pumapatol sa pandak. Bye!" Babatukan ko pa sana siya pero umalis na siya. Ako pandak? Hindi naman ah! Sakto lang kaya ang height ko!

Umupo na lang ako sa upuan ko at nag advance reading.

"Wow, ang sweet naman, may pahatid hatid pang nalalaman.." Hindi ko na pinansin si Nathan, bahala siya diang mahsalita mag isa.

Sa wakas natapos na din ang last subject namin at dismissal na. Biglang nag beep ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yun sa bag ko. Naka receive ako ng text mula kay ate.

From: Ate
[Punta tayong Starbucks ngayon. Uwian mo na 'di ba?]

'Oo, bakit pala na pag tripan mo mag Starbucks?'

From: Ate

[Nakaka stress kasi ang work ko. Basta kita na lang tayo ah]

'K-_-'

Nagpaalam na ako kala Azumi na may pupuntahan pa kami ni ate kaya nauna na ako sakanila.

Maya maya dumating na din si ate at umorder na kami ng makakain at maiinom.

"Ate, bakit mukhang haggard na haggard ka?" Tanong ko sakanya dahil mukhang losyang ma talaga siya. Nag ipit siya saka uminom muna.

"Hayys! Kasi naman, may hinuhuli kaming isang grupo ng Gangsters kanina pero hindi namin sila nahuli. Kilala sa pagiging malakas ang grupo nila pero ni isa sa mga napagtatanungan ko hindi alam ang mga pangalan nila. Nskakainis nga eh, mahuhuli ko na sana 'yung isang member nila kaso dumating 'yung isang lalaki, mukhang boss nila, kaya ayun naka sakay sa kotse at hindi na namin sila nahabol" Halata kay ate na pagod siya sa pagsasalita niya pa lang.

"Okay lang 'yan, mahuhuli niyo din sila"

"Sana nga"

Habang nagkwekwentuhan pa kami ni ate ay tumunog 'yung cellphone niya.

"Hello?.. Ahh sige chief pupunta na ako diyan"

"Ano daw 'yun?"

"May naiwan daw kasi na mga gamit 'yung gang nila dun sa warehouse, kailangan pa namin mag imbistiga. Sorry sis ah. Bye!" Pagpapaalam niya tapos nagmadali na siyang umalis. Hayy naku, naiwan nanaman ako mag isa.

Uminom na lang ako ng drinks ko, nakita ko naman sila Nathan at Avon na papasok din dito sa Starbucks. Hala! Aalis ba ako? Pero saglit nga lang, bakit naman ako aalis? Ano bang nangyayari sakin? Makakain na nga lang.

Habang kumakain ako ay nakita ko sa harap ko sila Nathan.

"Hi Jas. Mukhang wala kang kasama ah, pwede ba kami makiupo?"

"Oo naman"

"Bakit mag isa ka lang?" Tanong sa akin ni Avon.

"Si ate kasi nauna na. Kayo? Bakit kayo nandito?" Aiish! Stupid question Jasmin! Kahit kailan ka talaga!

"Malamang nag da-date kami hahaha! Eh ikaw hindi mo ba kasama si Ian ngayon? Mukha kasing nagkakamabutihan na kayo" Natatawang sambit ni Nathan. Pero halata mo naman na hindi talaga siya natatawa, pinipilit niya lang. Abnormal talaga siya.

"Hi--" Hindi ko na naituloy 'yung sinasabi ko ng biglang may umakbay sa akin. Bakit namanaman siya nandito?!

"Sinong nagsabing mag isa lang ang mahal ko?" Huh?! Nalilito na talaga ako. Tumingin siya sakin " Sorry na late ako ah"

"Ikaw?! Kayo na ba?!" Gulat na tanong ni Nathan, kahit ako naman nagugulat.

"Haha hindi pa, kasi nililigawan ko pa lang siya" Nginitian niya ako sabay kindat.

Gosh! Anong nangyayari?!

~~~~~

A: Hi Sa mga nakabasa ng chapter na 'to, sorry sa cliff hanger! ^_^ Sino kaya 'yung manliligaw ni Jasmin? Haha kahit ako 'di ko pa alam. Chos. Tell me, kung anong nararamdaman niyo sa chapter na 'to, please.. *puppy eyes ni Jasmin*

Sana mag enjoy pa kayo sa susunod pang mga kabanata. Love u all!:-*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top