chapter 20: Bar (Natasha and Kiefer moments)
~Jasmin's POV~
"Bakit pa kasi kailangan mong layuan si Nathan eh alam mo namang walang magagawang masama sa 'yo si Stella" Hayys, medyo nakakairita na din sila Azumi ah. Uminom muna ako ng juice bago sila sagutin.
"Guys, napag usapan na natin 'to diba? Ayaw kong maapektuhan ang grades ko ng dahil lang kay Nathan"
"Bakit maaapektuhan ang grades mo ng dahil kay Nathan?"
"Ahy palaka! Anubayan Kiefer bigla bigla ka na lang sumusulpot!" Gulat na sabi ko. Muntikanan ko ng maibuga 'yung kinakain ko dahil sakanya.
"Bakit nga maapektuhan ang grades mo dahil sakanya?" Pag uulit niya pero iniwasan ko siya ng tingin.
"Mali ka ng rinig"
"Anyway, Natasha pwede ba tayong mag usap?" Tanong ni Kiefer pero hindi sumasagot si Natasha. LQ siguro 'tong mga 'to.
"Bitiwan mo ko Kiefer" Inalis ni Natasha ang kamay ni Kiefer sa kamay niya. Hayys, LQ nga sila, kaya ako ayaw ko ng magka lovelife ulit dahil ang love sobrang komplikado.
"Teka, may problema ba kayong dalawa?" Tanong ni Sherry pero tumayo si Natasha sa upuan niya at nag walk out.
"Jasmin, kausapin niyo naman 'yung kaibigan niyo. Patawarin niya na ko please pakisabi.." Pagmamakaawa niya.
"Ano ba ang pinag awayan niyo?"
"Misunderstanding lang naman eh. Nagseselos siya kay Katrina eh hindi niya alam na kababata ko 'yun, sinabi ko na sakanya pero ayaw niyang maniwala"
"Anong ginawa mo nung nagalit siya?" Tanong ko ulit.
"Hinayaan ko lang siya, kasi baka mamaya lalo lang uminit ang ulo niya sakin" Hayys, napa hawak na lang ako sa sintido ko.
"Ano ka ba! Dapat suyuin mo siya, kayong mga lalaki dapat ang unang gumagawa ng moves hindi kami" Payo ko at mukhang naguguluhan pa siya.
"Oo nga, gawan mo ng effort 'yung pag so-sorry mo. Dapat galing din sa gawa, hindi lang sa salita" Tama naman si Azumi.
"Sige, thank you sa advice. Una na ko" Nakangiti niyang sabi at mukhang nakaisip na siya ng paraan para magkaayos sila ni Natasha. Good luck sakanya.
"Tara na, baka mamaya ma late pa tayo sa first subject natin" Aya ko at umalis na kami sa cafeteria.
Habang naglalakad kami, nakita namin sa corridor sila Avon at Nathan. Siguro hinatid niya si Avon sa room nila. Nag uusap silang dalawa at mukhang galit si Nathan, LQ sila siguro? Hayys, wala akong na kong paki diyan.
"Bakit kasi kailangan pati sa Facebook pa?!" Nagulat ako sa sigaw ni Nathan.
"It's just part of the p--" Naputol ang sasabihin ni Avon ng makuta niya kami. Napalingon din sa akin si Nathan.
"Ikaw pala Jas.. Good morning" Bati sa akin ni Avon habang nakangiti.
"Morning din"
"Mukhang nag aaway kayo ni Nathan ah. What's the problem?" Tanong ni Sherry. Tahimik lang ako ngayon at hinihintay ang isasagot nila.
"Wala lang 'to guys. LQ lang kami ni Nathan, kasi naman siya eh. May in-accept lang ako na friend request galing sa kaibigan kong lalaki sa facebook, nagseselos na siya agad" Sabi ni Avon at nag pout siya kay Nathan. Tama nga, LQ silang dalawa as in 'Love' quarrel.
"Huh?! So ibig sabihin kayo na?!" Gulat naman na tanong ni Azumi
"Oo kami na"
Natigilan ako sa sinabi ni Avon, 'di ko alam pero parang naiinis ako na ewan. Expected naman na sila na pero hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon. Sabi niya ayaw niyang magkaroon ng karelasyon dahil ayaw niya ng commitment tapos ngayon sila na? Wow lang. Hindi naman sa galit ako, kaya lang nagulat lang ako, ahh basta! Wala naman akong pake kung sino man ang makatuluyan niya. Nag aalala lang ako kay Avon dahil baka saktan lang siya ni Nathan. 'Yun lang 'yun.
"I'm happy for the both of you" Buti naman at nakapag salita na ako.
"Parehas kayo ni Stella ng sinabi nung nalaman niya na kami na ni Nathan" Manghang sabi ni Avon. Teka lang...si Stella masaya para sakanila? Parang imposible naman 'yun. Labas na ako sa relasyon nila kaya bahala na lang sila diyan.
"Thank you Jasmin" Sagot ni Nathan at inakbayan niya si Avon. Di ko alam pero gustong gusto ko na umalis sa mga oras na 'to... siguro gusto ko na umalis kasi baka ma late na ako. Tama, ma lalate na ako.
"Sige...una na ako" Nauna na akong naglakad at sinundan ako nila Sherry.
"Uy, ano 'yun? Affected ka ba sakanila? Sabihin mo nga, may gusto ka na ba kay Nathan?" Yuck! Nakakadiri naman 'tong mga 'to. Ako magkakagusto sa mokong na 'yun? NE. VER.
"Anong sinasabi niyong affected? Yung umalis ba ako agad? Malamang ma la late na tayo. Saka si Nathan? Gusto ko? Never mangyayari 'yan, itaga niyo pa sa bato" Sagot ko sakanila at umupo na ako sa upuan ko.
.
.
.
.
.
Natapos na ang first subject namin ngayon na English pero wala pa rin si Nathan. At bakit ko naman siya hinahanap? Tsk.
Speaking of..kakarating niya lang at saktong kaka simula lang ng second subject kaya lang vacant namin pala ngayon at wala ang teacher namin sa history.
"Min Min" Tawag niya sa akin pero 'di ko siya pinansin. Ngayon ko na sisimulan na iwasan siya para na din sa ikabubuti ko.
"Hoy! Nag quiz ba kayo kanina?" Tanong niya ulit.
"Yah! Bingi ka na ba?! Aiish" Naiinis na siya pero hindi ko parin siya pinansin at isinuot ko na ang headset ko.
Habang nakikinig ako ng song ng BTS may biglang kumuha ng isang headset ko. Anak naman ng pating si Nathan oh, hindi na nga pinapansin nagpapapansin pa.
"Yah! Nathan--" Pagkalingon ko si Ian pala at wala na sa upuan niya si Nathan pati ang bag niya.
"Kamukha ko na ba ngayon si Nathan?" Natatawang tanong naman niya. Naku! Nakakahiya nasigawan ko pa siya tuloy. Buieset kasing Nathan 'yun eh.
"Ah sorry akala ko si Nathan 'yung umagaw ng headset ko eh. Saka hindi mo kamukha si Nathan, pangit kaya 'yun" Natawa naman siya sa sinabi ko dahilan para lumiit ang mata niya. Na realized ko, ang cute niya pala talaga pag malapitan saka gwapo pa.
"Mukhang mainit ang ulo mo ah. Wait, alam mo ba, sila na ni Nathan at ng kapatid ko? Kainis nga eh" Bakas talaga sa mukha niya ang inis. Mukhang ayaw niya si Nathan para sa kapatid niya.
"Oo. Kalat na nga sa buong Campus eh"
"Ahh..ok change topic, ayoko ng pag usapan ang ugok na 'yun. Anong paborito mo nga pala ang paborito mong kanta?" Baliw din 'to ah, siya ang nag open ng topic tungkol kala Avon tapos mag cha-change topic siya.
"Mmm..'yung i f you're not the one ni Daniel Bedingfield"
"If you're not the one bakit ako nahuhulog sa 'yo?" Huh? Anong binubulong niya? Di ko narinig kasi naka headset kami.
"Anong sabi mo?"
"Ah..kasama din 'yung sa favorite songs ko" Parang hindi naman 'yun 'yung narinig ko eh, bahala na nga.
"Naka punta ka na ba sa concert ng BTS?" Hayys Ian, I wish makapunta ako.
"Hindi pa eh. Ayaw kasi nila mama dahil abak lang daw sa pera saka pwede naman daw manood na lang ako through internet, kalungkot nga eh kasi hindi sila supportive sa pagiging fan girl ko" Malungkot na sabi ko. Sana kahit isang beses man lang makapunta ako sa concert nila huhu.
"Gusto mo punta tayo sa susunod nilang concert?" Tanong niya at lumiwanag ang mukha ko.
"Oo naman!--ahy, hindi pala pwede, hindi ako papayagan nila mama. Bawal kasi ako pumunta sa mga ganun na matataong lugar. Alam mo naman ang mga parents, protective masyado" Napa buntong hininga na lang ako. Kasi naman pinaalala pa ni Ian 'yung concert eh.
"Edi gagawa ako ng paraan para payagan ka ng parents mo" Naka ngiting sabi niya.
"Paano nam--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil dumating na si Nathan.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na pwesto ko diyan? Pwede ba umalis ka na?" Mahinahon na sabi niya pero alam kong inis na siya. Para lang sa upuan naiinis na siya? Ang babaw naman niya.
"Nathan upuan la--"
"Oh! Himala kinausap mo din ako Jasmin. Akala ko kasi pipi ka na eh" Loko talaga 'to.
"Ilang beses ko din ba sa 'yong sasabihin na hindi mo pagmamay ari ang upuan na 'to? This is the property of school and this school is one of the property of my parents" Mukhang nang aasar pa si Ian. Naku lang, hindi niya alam na parang dragon magalit si Nathan. Nambubuga ng apoy.
"Walang anak anak ng may ari ng school dito. Yes you are the son of the owner of this school but don't forget that you are one of the students in this school too, so better know your place. Pantay pantay lahat ng estudyante dito" Wow lang ha, nosebleed ako sa sagutan nila. Mukhang nagkakainitan na sila, buti na lang dumating na ang teacher namin sa 3rd subject namin.
"What's the problem Mr. Zabala and Mr. Lee?" Lagot masungit pa naman ang sir namin sa math.
"Kasi po siya eh!" Nagturuan sila at sabay pa silang nagsalita. Parang mga bata, ayan tuloy mukhang galit na si Sir.
"Kayong dalawa! Go to detention room. Now!" Sigaw ni sir at umalis na silang dalawa, dala ang bag nila.
"Buiset" Bulong ni Nathan. Tss, kasalanan naman din niya eh.
Pero ano naman 'yung sinabi sa akin ni Ian? Paano niya naman ako tutulungan na makapunta sa concert? Kung sasabihin niya na tumakas kami aba! Hindi ko 'yun gagawin, takot ko lang kila papa noh. Kung ano man 'yun sana makapunta na talaga ako sa concert ng BTS, that's the one of my dreams!
Ahy ano ba 'yan, iniisip ko 'yung concert, 'di ako tuloy maka pag focus sa lecture ni sir.
"Who can solve this problem?" Tanong ni sir sa buong klase. Mukhang walang tatayo at mag re-recite kaya tumayo na ako, simple lang naman 'yung problem eh.
"Very good Ms. Gomez! Let's give her a good job clap" Hayys si sir naman ginawa akong kinder. Good job clap ba naman?!
"G! double O! D! J! O! B!, good job, good job, hey!" Sigaw ng mga kaklase ko at bumalik na ako sa upuan ko. Nag approve sign naman sa akin sila Sherry. Sus, para 'yun lang eh! Sisiw.
.
.
.
Kring!
Nag bell na. Salamat at makaka kain na ako ng lunch pero ngayon hindi na ako sasabay kila Nathan. Sinabi ko na kala Natasha at pumayag naman sila. Siguro magkagalit parin sila hanggang ngayon ni Kiefer.
~Natasha's POV~
Buti na lang at 'di na makikisabay si Jasmin kila kambal, pabor sa akin ngayon 'yun. Nakakainis naman kasi si Kiefer eh.
Sabi niya kababata niya si Katrina pero kung maka dikit naman sakanya parang linta. Monthsarry namin nun tapos...
"Excited na ko beshy!" Sigaw ko sa kabilang linya at mukhang naingayan si Jasmin kasi hindi siya sumasagot. Haha sorry naman, excited lang eh.
"Excited naman saan?"
"Monthsarry namin bukas ni love. Narinig ko kausap niya si Katrina kanina at mukhang may pinaplano sila, sabi kasi ni Katrina, punta daw silang mall"
Sayang at nalaman ko agad na may pinaplano si Kiefer para sa monthsarry namin. Pagka tapos ng usapan namin ni Jasmin ay natulog na ako. Tinext kasi ako ni Kiefer, sabi niya wag daw ako magpuyat at matulog na ako.
Pagkagising ko naligo agad ako at nagbihis para pumunta sa bahay nila Kiefer, hahaha excited lang? Ako na ang pumupunta sakanila dahil nga hindi alam nila kambal na kami na. Imgine that? Sa loob ng isang buwan naitago namin ang relasyon namin. Pero aamin naman din kami ni Kiefer kay kambal sa tamang panahon.
Papasok pa sana ako sa loob ng bahay nila ng biglang lumabas sila Kiefer at Katrina, kaya nagtago ako sa likod ng pader, ayaw ko naman malaman na nila na nabuking ko sila haha.
Pumunta ako sa mall, nagpapabili din kasi si Nathan ng dog food. Siya ang amo tapos ako pinapabili,hayys.
Aalis na sana ako ng matapos na akong bumili ng dog food, kaso lang napadaan ako sa isang boutique at nakita ko sila Kiefer at Katrina. Bumibili ng damit si Katrina at mukhang taga tingin si Kiefer kung anong bagay sakanya.
Ano 'to? May lakad sila? Date? Bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Kiefer? At mas inuna pa niya talagang makasama si Katrina kaysa batiin ako ng 'Happy Monthsarry'
"Oh ito bagay ba?" Tanong ni Katrina kay Kiefer habang naka suot sakanya 'yung dress na pula.
"Haha lahat naman bagay sa 'yo eh" Nakangiting sagot naman ni mokong. Nagbayad na sila sa cashier at papalabas na sana kaso niyakap ni Katrina si Kiefer.
"Salamat at sinamahan mo ko ngayon ah da best ka talaga!"
"Haha wala 'yun. Basta para sa 'yo" Sige lang magyakapan pa kayo diyan. Sige lang Kiefer, wala ka namang girlfriend 'di ba?
Hindi ko napansin na may tumulo na palang luha mula sa mata ko at sunod sunod ng pumatak ang mga ito.
Aalis na sana ako pero may humawak sa braso ko.
"Natasha? Bakit ka nandito?" Gulat na tanong ni Kiefer.
"Bakit ata mukha kang gulat? Ha? Dahil ba nahuli ko kayong nag da-date ni Katrina?" Medyo nag cra-crack na ang boses ko dahil sa kakaiyak ko.
"Huh? Hindi kami nag da--"
"Wag ka na magkaila Kiefer! Nakita ko kayong magkayakap na dalawa!"
"Love, let me explain.."
"Para san pa? Alam mo ang sakit eh.. Ang sakit sa pakiramdam na mas inuna pa ng lalaking mahal mo ang ibang babae kaysa sa 'yo. Mas nauna mo pang samahan siya kaysa batiin ako ng happy Monthsarry, sana binati mo man lang ako kahit sa text lang, pero paano mo pala ako mababati eh mukhang nalimutan mo na nga. Akala ko pa naman may surprise ka sa akin ngayon, excited pa naman ako, kaya lang mukhang ito ang gift mo sa akin eh, ang sama ng loob. Thank you Kiefer sa regalo mo. Enjoy niyo 'yung date niyo" Pinigilan kong humagulgol habang nagsasalita ako.
Tumakbo na ako pero hinabol ako ni Kiefer at hinawakan ang kamay ko kaya lang inalis ko 'yun at tumakbo pa ako ulit. Palayo sakanya..palayo sakanila.
"Huy! Natasha! Hello?"
"Ha? Bakit Azumi?" Mukha akong timang dito na nakatulala.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Sherry at kinapa ko ang pisngi ko at may luha nga. Pinunasan ko na lang 'yung luha ko at kinain ang burger na hawak ko na mukhang 'di ko pa nababawasan.
"Kung may problema kayo ni Kiefer pag usapan niyo. Hindi 'yung umiiyak ka lang diyan" Pagsesermon naman sa akin ni Jasmin.
"Kailangan ko muna magpalamig bago ko siya kausapin. Masakit pa rin kasi eh.." Unti unti nanamang tumulo ang luha ko. Pinatahan naman ako nila Sherry at niyakap ako ni Jasmin.
"Sige. Hindi ka na namin pipilitin na kausapin si Kiefer pero may ibibigay lang akong advice sa 'yo ah. Pwede kang magpalamig ng ulo dahil nga nasasaktan ka pa, pero ang pagpapalamig hindi pinatatagal dahil kapag nagtagal ang pagpapalamig mo, pwede ka ng maging matigas. Maging matigas ang puso. Try to hear his explanation first, you love each other right? So don't let your love for each other destroyed in just a glimpse. Ang pag aaway sa magka relasyon ay normal, pero kahit ano pa mang dahilan ng pag aaway niyo, kahit madami pa ang dahilan, kung mahal niyo talaga ang isa't isa hahanap ka ng isang dahilan para ipagpatuloy ang relasyon niyo" Sabi sa akin ni Jasmin. 'Yung mga sinabi niya tagos sa puso eh. Dapat nga talaga pakinggan ko muna si Kiefer, kasi naman ang tanga ko, papabayaan ko na magkaganito kami dahil lang dun?
"Jasmin is right"
" 'Yan lang comment mo Sherry?" Hindi makapaniwalang tanong ni Azumi.
"Eh ang lalim ng mga sinabi niya, anong gusto mo? Maging si papa Jack ako?" Sagot ni Sherry na nagpatawa sa akin. Baliw talaga 'tong mga 'to, pero kahit na baliw sila mahal na mahal ko sila. Andiyan sila palagi pag may problema ako, ang swerte ko nga sakanila.
Naglalakad na kami sa hallway para sana pumunta na sa classroom kaso may biglang humarang sa amin. Si Katrina at may kasama siyang lalaki. Wow naman ha, mukhang may boyfriend na siya pero kung maka dikit kay Kiefer parang wala siyang boyfriend.
"Natasha.."
"Anong ginagawa mo dito? Ang alam ko, hindi ka nag aaral dito" Mataray na sabi ko sakanya.
"Hindi ako nandito para makipag away. Look, walang namamagitan sa aming dalawa ni Kiefer, mahal na mahal ka kaya nun at palagi ka niyang kwinekwento sa akin. Ngayon ko lang nakita si Kiefer na ganun sa babae at isa pa first girlfriend ka niya, sabi niya nga sa akin ikaw na ang first and last niya. Nung nakita mo kami sa mall, walang malisya 'yun. Kababata ko lang si Kiefer, na miss ko lang talaga 'yung best friend bonding naming dalawa kaya nagpasama ako sakanya sa mall, saka eto nga pala si Max boyfriend ko" Pagpapaliwanag niya. Mukhang totoo naman ang lahat ng sinabi niya, ano ba kasing pumasok sa isip ko at na isip ko na niloloko ako ni Kiefer? Hayys, at saka may boyfriend na pala siya eh.
"Ah...sorry at napagkamalan kong may gusto ka kay Kiefer ah, dapat talaga hindi ako nagpadala sa emosyon ko. Anong pwedeng gawin ko para maka bawi sa 'yo?" Tanong ko at nag isip naman siya.
"Magbati na kayo ni Kiefer. Saka ngayon wag mo siyang iwasan baka kasi masayang 'yung mga pinaghandaan niya eh" Huh? Anong pinaghandaan ang sinasabi niya?
"Sige una na kami ah.." Umalis na sila agad at pagka alis nila may lumitaw na isang lalake na may hawak na roses at cup cakes.
"Kiefer..."
"1..2..3. Ilabas niyo na" Pagka senyas niya, lumabas sila Xander,Drake,Kurt,Vincent, Javis at si...kambal?
May nilabas silang banner na may naka sulat na 'Sorry na Love, bati na tayo' Uti unti ng tumulo ang luha ko. Ang sweet niya naman. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Love, sorry na" Sabi niya at pinunasan niya ang luha ko tapos tinanggap ko 'yung roses na dala niya at cup cakes.
"Ok na. Pero iexplain mo muna sa akin kung bakit mas inuna mong samahan si Katrina kaysa sakin?" Ayan galit galitan muna..
"Hahaha, sinamahan ko lang naman siya dun sa boutique para bumili ng dress niya, anniversary kasi nila ng boyfriend niya eh wala siyang maisamang iba. Saka uuwi na din siya sa Germany kaya bonding na din naming mag best friend 'yun. Hindi ko naman talaga naka limutan 'yung monthsarry natin eh, naghanda kaya ako sa bahay. Nag rent pa ako ng mga tutugtog para sa ating dalawa, ako pa nga ang naghanda ng table natin at may mga petals pa dun, kaya nga lang nagalit ka sa akin nung araw na 'yun, kaya ayun napanis lang 'yung mga pagkain na niluto ko" Aww..kawawa naman si love. Nag effort pa siya talaga pero inaway ko lang siya.
"Sorry, hindi ko alam 'yun. Pero bakit kasama mo si kambal? Alam na ba niya?" Pabulong na tanong ko, baka kasi hindi pa niya alam pero bakit siya ang may hawak ng banner?
"Alam na niya"
"Pero paano?"
"Ganito kasi 'yun..." At nagsimula na siyang mag kwento.
~Kiefer's POV~
Ilang araw na din akong hindi pinapansin ni Natasha simula nung nangyari dun sa mall. Kasi naman! Na miss interpret niya lang 'yung pag sama ko kay Katrina. Kaya ko lang naman siya sinamahan dahil pinipilit niya ako at kapalit daw ng pag sama ko sakanya eh tutulungan daw niya ako sa pag gawa ng surprise para kay Natasha. Wala kasi akong alam sa mga ganun eh. Kaso nga lang epic fail ang surprise na ginawa ko dahil nagalit sa akin si Natasha.
Heto kami ngayon sa bar nila Kurt. Kasama ang mga barkada ko, kahit 'di ako umiinom ay pinilit ko at buti naman nakayanan ko. Kumuha ako ng isa pang bote ng beer nasa bucket at nilagok 'yun ng tuloy tuloy.
"Hoy Kiefer! May problema ba tayo ngayon at umiinom ka huh?" Tanong ni Vincent. Hindi ko na lang siya sinagot at nag patuloy sa pag inom.
"Mukhang may problema nga 'tong si tsong. Ano? May nawala ba sa collections ng mga baduy na libro mo? " Natatawang tanong naman ni Kurt. Loko talaga 'to.
"Gago! Hindi baduy 'yung mga libro ko. Palibhasa hindi mo mabasa ng matino 'yung title ng mga libro ko!" Singhal ko naman.
"H-Hoy! Nababasa ko kaya 'yung title nun lalo na 'yung kwento ni Huckleberry twin" Sagot niya. Hayys, sakit niya talaga sa ulo!
"Huckleberry Twain. Twain 'yun, hindi twin. Bobo naman" Napa face palm na lang ako at hindi na pinakinggan ang pagtatanggol niya sa sarili niya.
"Kung problema sa babae 'yan. Expert ako diyan, kapag galit sa 'yo..." Biglang lumapit sa akin si Xander ay may binulong.
Ng marinig ko 'yung sinabi niya agad ko siyang binatukan ng malakas. Tumawa naman 'yung gago.
"Hahaha! Ayaw mo nung advice ko? Effective 'yun!"
Takte! Sabi ba naman, kapag galit daw sa akin si Natasha dalhin ko daw sa motel at siguradong lalamig ang ulo nun tapos...aiish! Censored na 'yung ibang sinabi niya! Gago talaga si Xander. Tawa pa siya ng tawa at akmang babatuhin ko na siya nung boteng hawak ko at buti napigilan ako nila Drake.
"Hahaha! Pre siguradong kalokohan 'yung in-advice sa 'yo niyang si Xander. Tama na 'yan, baka mamaya mabasag mo ulo niyan" Natatawang sabi ni Drake.
"Tss. Wala namang laman ang ulo niyan kaya okay lang na mabasag" Sagot ko at nag salpak na ako ng headset. Nakita ko namang napipikon na si Xander at mukhang babawian pa ako pero pinipigilan na siya nila Nathan at Javis na tumatawa din. Haha, loko kasi eh. Alam ng may problema ang tao dito eh nangloloko pa.
Tine text ko lang si Natasha habang sila nag uusap usap at nagtatawanan. Naka ilang type na ako ng 'SORRY" at ang sakit na ng daliri ko, pero wala paring reply si Natasha. Aiish!
.
.
.
Maya-maya natapos na kaming mag inuman nagsi uwian na kami. Papalabas pa lang ako at pa deretso sa sasakyan na magsusundo sa akin ng biglang may humigit sa balikat ko paharap. Sino ba 'tong lokong 'to?!
"Sabihin mo sa akin. Kayo na ba ng kambal ko?!" Nagulat ako sa sigaw ni Nathan.
"Oo pre, pero wag kang magagalit sakan--" Hindi ko na naituloy 'yung sasabihin ko dahil sinuntok na ako ni Nathan.
"Para 'yan sa pagsisinungaling niyo sa akin. 'Di ba sabi ko walang taluhan?!"
"Pre ang bading pakinggan pero mahal ko ang kapatid mo. Kaya please payagan mo na lang kami" Sagot ko habang pinupunasan ang labi kong may dugo.
"Kung dati mo pa inamin na may mahal mo ang kambal ko edi sana okay lang sa akin! Kaso nilihim niyo pa eh!" Sigaw niya nanaman at sinuntok ako ulit. Hindi ako lumaban at pinilit ko na lang tumayo.
"Paano mo nalaman? Saka may balak naman kami umamin"
"Nakita ko kanina na ka text mo ang kambal ko. Dati hinala ko lang na kayo na eh, kaso ngayon sigurado na ako. Hiwalayan mo ang kambal ko kung gusto mo pa manatili sa grupo at maging kaibigan ko!" Sigaw niya at 'di ko na napigilan and sarili kong suntukin siya.
"Kahit kailan talaga napaka makasarali mo noh?! Sarili mo lang ang iniisip mo. Hindi mo iniisip na nasasaktan na ang mga nasa paligid mo! For the first time naman wag ka maging selfish. Isipin mo naman ang kaligayahan ng kambal mo at kaibigan mo!" Sigaw ko sakanya. Ganyan na siya dati pa eh, makasarili,loko loko, lahat na ata ng masamang ugali na sakaniya, pero 'di ko alam kung bakit nagustuhan ko siyang maging kaibigan. 'Di ko alam kung bakit nagustuhan ko ang grupo namin.
"Sa pinakikita mo, lalo lang kitang hindi magugustuhan para sa kambal ko. Mula ngayon, tanggal ka na sa grupo. Mula ngayon, hindi ka makakalapit kay Natasha" Sabi niya at aktong aalis na pero hinigit ko ang braso niya.
Wala na ako sarili ko at siguro dala na rin ng kalasingan. Unti unti akong lumuhod sa kaniya.
"Pre, parang awa mo na. Payagan mo na lang kami ni Natasha at wag mong sasabihin sa parents niyo. Napamahal na ako sa grupo at ayokong mawalan ng mga kaibigan. Kaya please pre..." Pagmamaka awa ko.
Ngayon ko lang nagawa ang lumuhod sa harap ng isang tao at magmakaawa sa tanang buhay ko. Pero handa akong gawin 'yun para sa babaeng mahal ko. Wala na akong pake kahit marami ng naka tingin sa amin.
Nagulat ako ng bigla siyang tumawa. Hayys, mukha talagang 'di niya ako pagbibigyan. Pwes, hindi ko susukuan si Natasha kahit anong mangyari. I won't give up on her, even if it means...I have to give up on my friends...
"Hahahaha! Ahahaha! Shet 'di ko na mapigilan Ahahaha! Ang galing ko talaga um-acting! Hahahaha!" Napa tayo ako ng bigla niyang sinabi 'yan.
"Anong ibig mong sabihin?" Inis na tanong ko kahit mukhang alam ko na kung anong ginagawa niya.
"Tin-ry ko maging kontrabida at mukhang kailangan ko ng awards ngayon dahil ang galing galing ko hahaha!" Sabi ko na nga eh.
"Tangna mo! Gago! Lumuhod luhod pa ako sa harap mo tapos nagmakaawa tapos umaarte ka lang pala?! Eh gago ka pala talaga eh!" Inis na sigaw ko at susuntukin ko na sana siya pero nahawakan niya ang kamao ko.
"Subukan mong ituloy 'yan at tototohanin ko 'yung acting ko kanina. Hindi mo na ulit makikita si Natasha" Sabi niya at binigyan ako ng isang death glare. Napa atras na lang ako.
"So boto ka na sa akin?" Tanong ko naman.
"Mmm...pag iisipan ko pa..."
"Pre naman, lumuhod na ako't lahat 'di ka parin boto sa akin? Para namang 'di tayo magkaibigan"
Bwisit din ang isang 'to eh. Napahiya ako para sa wala, akala ko pa naman galit siya sa akin, sa amin ni Natasha. Walangya din talaga siya eh.
"In one condition"
"Anong kondisyon?" Tanong ko at sumilay ang malaking ngisi sa labi niya. Mukhang 'di ko gusto ang ngiting 'yan. 'Yan ang ngisi ng isang Nathan Lee, may kalokohan nanaman siguro siyang naiisip.
"Magiging alila kita sa loob ng isang linggo. Ayus ba 'yun?" Nakangiting saad niya.
"Ano ka swineswerte? Ako magiging alila mo? Ayoko nga!" Tss, mamaya hindi ako makapag focus sa study ko dahil sakanya.
"Ok, madali lang naman akong kausap eh. Sasabihin ko na kila Dad na i transfer na ng school si Natasha" Sabi niya at aktong aalis na sana pero pinigilan ko siya. Aiish! Buiset!
"Oo na. Basta wag mong sasabihin sa parents niyo huh?"
"Madali ka palang kausap eh. Deal. Magsimula ka na ngayon, samahan mo ko sa mansion namin"
"Huh?! Gabi na ah! Saka mag rereview pa ako para sa quiz namin bukas!"
Anubayan! Nakakainis naman oh! Leche! Napapa mura na talaga ako dito kay Nathan.
"Okay sasabihin ko na lang kila mom--" Hindi ko na siya pinatapos at hinila na sa kotse niya. Sumakay ako sa passenger seat.
"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong niya.
"Ganiyan ka na ba kabobo? Malamang naka upo"
"Maka bobo ka ha! Ang ibig kong sabihin umalis ka diyan, dun ka sa driver's seat at ikaw ang mag da-drive. Bilis!" Sabi niya at wala na nga po akong nagawa kundi ang mag drive. Habang siya cool na naka upo sa likod at pinabuksan niya pa sa akin ang radyo ng sasakyan niya tapos pinalipat lipat niya pa. Hassel!
Pagka dating ko namanaman sa mansion nila agad akong umupo sa sofa at pinabuksan sa isa sa mga maids nila 'yung TV. Pero pinatay din agad ni Nathan. Ano ba talagang problema ng isang 'to?!
"Tara dun sa kwarto ko" Sabi niya at nag tuloy tuloy na sa pag akyat papuntang kwarto niya.
"Hoy pre! Hindi tayo talo. Kung may balak kang masama sa akin itigil mo na at baka mapatay kita" Pagbabanta ko naman sakaniya. Umakyat na din ako at pumasok sa kwarto niya.
"Aray! Shemay naman oh! Buti hindi nabasag 'yung eye glass ko!" Sigaw ko sakaniya. Binato ba naman kasi ako ng tumbler.
"Sira ka kasi! Wala akong balak sa 'yong masama. Tch! Kadiri ka pre. Halika dito at tanggalin mo ang sapatos at medyas ko" Sabi niya at napa awang ang bibig ko. Yuck!
"Ano ka? Sira? Kadiri naman!"
"Ahy...nagrereklamo ka? Oh sige madali akong kausap". Sabi niya sabay labas ng phone niya at akmang mag di-dial na ng number pero hinablot ko 'yun at sinimulan na ang nakaka sukang pagtatanggal ng medyas niya...
Takte! Kadiri talaga! Nangangamoy imbornal 'yung medyas niya!
"Ang arte mo Kiefer. 'Di naman mabaho ang paa ko, may pa takip takip ilong ka pa diyan" Sabi niya habang naka higa at nag c-cp na.
At dun na nagsimula ang paghihirap ko, pero buti na lang at natapos na ang isang linggo. Kapalit ng mga pagpapahirap niya, andiyan ako pa ang nagsusubo sakaniya pag kakain siya. Nakaka asiwa ngang tignan eh, parang bromance! *Vomit pwe! Andiyan ako pa ang pinagawa niya ng mga assignments niya, naglaba ng uniform niya kahit may mga maids naman, at take note hah! Mano mano ang paglalaba ko at walang gamit na washing machine. Ako rin ang nagpapaligo kay Min Min, 'yung aso ng pesteng soon to be bayaw ko, lahat na lang! Alilang alila nga talaga ang turing sa akin ni bayaw! Pero eto na nga ang kapalit na sinasabi ko...
"Uy bayaw, tulungan mo naman ako sa pag surprise kay Natasha para naman mapatawad na niya ako" Sabi ko sakanya habang nasa tambayan kami.
"Anong bayaw? Advance ka rin mag isip eh noh? Ayoko nga! Bahala ka sa buhay mo" Sagot niya ng 'di man lang tumitingin sa akin at naka tingin lang sa phone niya. Sinilip ko 'yun at nakita ko na pinagmamasdan niya 'yung friend request sa FB na sinend niya kay Jasmin na hindi parin ina accept.
"Hindi parin niya ina accept?" Tanong ko habang naka silip parin sa phone niya na halos mabasag na dahil sa higpit ng hawak niya.
"Oo nga eh! Ako na nga ang nag add sakaniya tapos ayaw niya pang i-accept! Ano?! Paimportante siya? Ganu-- teka! Aiish! Bakit ka ba nakikisilip sa may phone ng may phone?!" Singhal niya naman sa akin. Hahaha!
"Tutulungan mo ko kay Natasha o sasabihin ko kay Jasmin na gusto mo siya?" Black mail-an pala ang gusto mo ah, edi ayan. Siguradong mapapahiya ka kung sasabihin ko kay Jasmin na hinihintay mo na i-accept niya ang friend request mo.
"Lul! Anong may gusto? Wala noh! Kilabutan ka naman diyan sa sinasabi mo. In-add lang may gusto na agad?" Pag de-deny niya naman. Dati ko pa 'to napapansin si Nathan eh.
"Kahit na. Sasabihin ko hinihintay mo i-accept niya ang friend requests mo sa FB at sasabihin ko din na nagagalit ka na dahil ayaw ka niya i accept" Sagot ko naman at nag simula ko ng tawagan si Jasmin.
"H-Hoy! Wag mo sasabihin 'yan, mamaya maniwala pa siya sa 'yo eh!" Sabi niya habang inaagaw sa akin ang phone ko pero nailayo ko na.
"Then help me" Naka ngising wika ko.
"Oo na, Oo na! Aiish buiset ka talaga!"
At dun na nga namin sinimulan 'yung surprise para kay Natasha, ngayon sa school at salamat naman pinatawad na niya ako. Thank you din kila Katrina.
"Ayun na nga ang nangyari" Sabi ko kay Natasha at agad siyang pumunta sa harap ni Nathan sabay palo ng ruler. Buwahahahaha!
"Aray! Aray--tama na! A-anu ba?!" Daing ni Nathan habang sinasalag ang pagpapalo ni Natasha.
"Pinahirapan mo pa pala si Kiefer huh! Ang sama mo!" Sigaw naman ni Natasha. Nag tawanan na lang kami.
"Gago ka talaga Kiefer! Sabi mo hindi mo sasabihin tapos kwinento mo pa sa mga barkada natin! Lagot ka talaga sa aking haup ka!" Sigaw niya habang pinipigilan na siya nila Javis na sumugod sa akin.
Napunta ang tingin ni Natasha kay Jasmin.
"Besh, i-accept mo na kasi si kambal sa FB...pati narin sa buhay mo...AYYIEE!" Panunukso niya naman, hahaha! Mukhang naiinis na talaga si Nathan pati si Jasmin.
"Ayyiee!" PanunuksPanunukso din nila Azumi.
"TUMIGIL NA NGA KAYO!! KADIRI!!" Sabay nilang sigaw ni Nathan . Lalo lang napag hahalataan si bayaw eh.
"Ahy wow...ikaw pa nandiri ah. Lugi ka pa sa akin? Ha?!" Sigaw naman ni Nathan kay Jasmin.
"Oo naman, luging lugi ako!"
"Aba at! Akala mo kagandahan kang babae ka. Ayoko sa mga tulad mong weak! Kailangan pang iligtas kita para makatakas dun kila Jonathan!" Pikon na sigaw ni Nathan.
"Ako naman ayoko sa mga katulad mong yumayakap pa ng teddy bear para maka tulog! Ang childish! Tapos mahilig pa kay pika chu!"
Natigilan kami sa sinabi ni Jasmin. What the--! Buwahahaha!
"Totoo ba 'yun pre? Pft...hindi kami tatawa, hindi kami--Hahahahaha!!!" At ayun hawak hawak na ni Vincent ang tiyan niya habang tumatawa.
"Hindi totoo 'yun! Sinong nag sabi sa 'yo niyan ha Jasmin?! Mga walangya! Tumigil na kayo kakatawa!" Sigaw naman samin ni Nathan. Laftrip hahaha!
"Ang baby boy namin paborito pala ang teddy bear at si pika chu...halika dito kay mommy at ibibili kita ng teddy bear at pika chu..." Pang aasar naman ni Kurt at ayun nakatanggap siya ng suntok.
"Ayan! Ngayon bumili ka ng band aid!" Sigaw ni Nathan. 'Yan tuloy nasapak ang precious face ni Kurt.
"Leche ka Nathan! Buti hindi ako nagka pasa!" Sigaw ni Kurt habang tinutignan sa screen ng cp niya kung may pasa siya. Imba din 'to si Kurt eh, akala mo babae.
"Pre, wag mo papaalam sa mga chicks mo 'yan. Baka ma turn off sila hahahaha!" Pang aasar pa ni Drake.
"Sus, parang hindi naman siya childish. Tss" Pagpaparinig ni Azumi.
"Hindi naman ako childish ah!" Sagot ni Drake.
"Hindi nga childish, jejemon naman"
"Sinabi ng hindi ako jejemon! Buiset ka talaga Amazona!"
"May sinabi ba akong pangalan? Bakit guilty ka? Siguro totoo!"
At nagsimula nanaman ang war between Amazona and Jejemon. I wonder kung sinong mananalo sakanila-_-
"Hoy ikaw Jasmin! Sino sabing nag sabi sa 'yo na mahilig ako sa pika chu?! Hindi 'yun totoo" Sigaw nanaman ng kanina pang sumisigaw na si Nathan.
"Bakit ko sasabihin?"
"Sabihin mo natatakot ka lang sabihin kung sino kasi weak ka! Blehh!" Takte! Parang bata 'tong mga 'to.
"Sinong weak huh?! Baka ikaw! Ano! Paunahan na lang maka punta sa room!" Panghahamon ni Jasmin.
"Wag na, baka mamaya madapa ka lang at umiyak" Pang aalaska naman ni Nathan.
"Tss, sabihin mo mabagal ka lang tumakbo!"
"Sinong mabagal huh? Game! Ang mahuli manlilibre ng sandakamakmak na pizza!"
"Game!"
At ayun din 'yung dalawa, napunta sa racing ang away. Napa tingin ako kay Javis na mukhang nalungkot at umiwas ng tingin. Tatanungin ko pa lang sana siya kung may problema siya pero nag lakad na agad siya paalis.
Binaling ko na lang ang tingin ko kay love.
"So...pinapatawad mo na ako?" Naka ngiting tanong ko sakaniya. Tumango naman siya.
"I love you love" Bulong ko sakanya.
"I love you more, more, more" Sagot niya at napa ngiti na lang ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top