chapter 19: Best Friend
~Nathan's POV~
Pinuntahan ko na sa room ni Avon para sunduin siya dahil uwian na. Kahit ayoko napilitan ako dahil ayoko ngang bawiin sa akin nila dad ang mga binigay nila. Ka buiset talaga siya, ang arte arte eh pwede namang sumabay siya kay Ian pauwi o kaya mag commute pero nagpapasundo parin sa akin.
Habang naghahantay ako sa labas at nakaupo sa students lounge, dinumog ako ng ibang babae na sa tingin ko ay mga 3rd year highschool. Hayys, kasalanan ba maging gwapo at napaparusahan ako ng ganito? Ang init na kasi dahil nagsisiksikan sila sa harap ko.
"Hi kuya, anong pangalan mo?" One girl said in a flirty tone.
"Nathan Lee" Tipid kong sagot.
"Woah, ang gwapo pala ng pangalan mo hihi" Tss, I know right.
"Eh 'yung number mo, pwede mahingi?" Tanong ng isa niyang kasama. Sa tingin ba nila ibibigay ko number ko sakanila? I don't even know them.
"Amina number niyo at ite-text ko na lang kayo" Sabi ko at agad agad nilang ibinigay ang mga number nila. Tsk,tsk ng magpasabog siguro ang Diyos ng katangahan gising na gising sila.
"And now, get out of my sight" Walang ganang sabi ko at nagsi alisan na sila habang nagtitilian.
"Ang gwapo niya, para siyang kpop idol"
"Magiging boyfriend ko na siya kaya tumahimik ka diyan"
It's not my fault na umasa sila sa akin ah. I'm innocent. Hot innocent.
Nilukot ko agad ang papel kung saan nakasulat ang number nila at itinapon na ito sa trash bin. Saktong lumabas na si Avon.
"Yah! Bakit ang tagal mo lumabas? Alam mo bang dinumog na ako ng mga babaeng kaklase mo rito" Naiirita kong sabi, pero tinawanan niya lang ako.
"Ano magbabangayan pa ba tayo o ihahatid mo na ako pauwi? Baka gusto mo munang mag date tayo bago tayo umuwi?" Nakangiti niyang tanong habang naglalakad kami sa hallway. Naiinis na talaga ako.
"No thanks, ayokong makipag date sa 'yo" Hayys, ang dami nanamang mga nakatingin na mata sa amin, pustahan may kakalat nanamang chismis tungkol sa akin.
"Hindi ka din diretsahang sumagot noh?" Sarkastiko niyang sabi.
"Tara na, may pupuntahan pa ako" Pupunta pa kasi ako sa party nila Vincent dahil kakatapos lang gawin ang coffee shop nila at bukas magbubukas na sila.
"Saan naman?"
"It's none of your business"
"Yes it is. I'm your girlfriend right?" Naka ngisi niyang tanong. Assuming talaga siya.
"Let me remind you that we're just pretending nothing of this are true" Sagot ko at sinimulan ng mag drive.
"Fine, fine. Pero kumain muna tayo please? Gutom na kasi ako eh"
"May pupunta--"
"Pleassseee...pretty please..." Pagmamakaawa niya with matching puppy eyes. Hayys, siege na nga gutom na din ako eh.
"Okay" Niliko ko ang kotse ko at nag drive papunta sa malapit na restaurant.
"I know you can't resist my cuteness" Wow, lang wow. Siya cute?! Mas cute pa si-- mas cute pa si Min Min, 'yung aso ko.
"FYI, gutom na ako kaya ako pumayag kaya wag ka diyang mag ilusyon na nacu-cute-an ako sa 'yo dahil hindi"
"Edi wow. Tara na nga" Nag park na ako at lumabas na kami ng kotse para kumain.
Pumili siya ng pagkain sa menu at konti lang ang pinili niya. Sabi niya gutom siya tapos pang diet na pagkain ang pinili niya.
"Sabi mo gutom ka, eh bakit 'yan lang in-order mo?"
"It's none of your business din" Sabi niya at ngumiti saka nilabas ang cellphone niya. Maya maya dumating na ang in-order namin.
"Wait. Picture muna tayo, say cheese" Sabi niya at hinarap sa amin ang front camera kaya wala akong nagawa kundi ngumiti. Pero kahit stolen shot ko naman ay gwapo parin ako.
"Maswerte ka at naka picture mo ang mala kpop idol na katulad ko" I said and start eating my food.
"Kahit mayabang ka nagustuhan parin kita" May binulong siya pero hindi ko narinig.
"Ano 'yun?"
"Ah wala, sabi ko eat well"
Habang kumakain kami biglang nag ring ang phone ni Avon.
"Hello mom..nandito po sa restaurant kasama si Nathan..huh? Mom..fine" And then she hung up.
"Anong sabi?"
"Gusto ka daw nila makita at pumunta ka daw sa bahay. Ipinaalam ka na daw nila mom kala tita" Aiish! Kainis naman talaga oh. Akala nila walang pupuntahan 'yung tao eh, mga istorbo.
"May pupuntahan ako kaya pakisabi sakanila hindi ako makakapunta sa bahay niyo" Pagkasabi ko nun pinakita niya sa akin ang cellphone niya at nakasulat na reply niya ay 'Papunta na kami mom'
Bad trip! Why did they have to do this? Hindi pa ba sapat na alam nilang kami na at kailangan pa nila akong makita palagi? Wala naman akong choice kaya pumayag na ako.
Bubuksan na sana ni Avon ang pinto ng sasakyan ko ng may tumawag sakanyang babae. Si Stella?! Kilala ba nila ang isa't isa?
"Avon! Is that you?! Kailan ka pa bumalik?" Excited na tanong ni Stella.
"Uhm, last week lang. You, how are you? Gumaganda ka pa lalo ah"
"I know haha. I'm fine. But wait, bakit kayo magkasama ni Nathan?" She darted her eyes on me.
"Nag date kami, 'di ba babe?" Sabi niya at sinenyasan niya ako with the look na nagsasabing 'um-oo ka'
"Ah, oo" Napatakip ako sa tenga ko ng biglang napa sigaw si Stella.
"Anong babe?! Kayo na?!"
"Haha, sorry 'di ko agad nasabi sa 'yo" Sabi ni Avon at inaasahan ko na sasabunutan niya o aawayin si Stella pero instead na gawin 'yun napa ngiti siya pero alam kong pilit 'yun.
"I'm happy for the both of you"
"Hindi ka galit? Alam kong ex mo si Nathan pero bakit hindi ka ata galit sa akin?" Nagtatakang tanong ni Avon at buti natanong niya 'yan dahil pati ako nacu curious sa inaasal ni Stella.
"Bakit naman ako magagalit? Best friend kita kaya okay lang" Ngumiti siya at nagpaalam na para umalis.
"So, mag best friend kayo ni Stella?" Itinigil ko muna ang kotse ko dahil red lights pa. Actually hindi ko hininto dahil sa red light, hininto ko para kausapin si Avon.
"Yes, classmate ko siya nung elementary"
"Bakit mo sinabing tayo na?" Irita kong tanong ulit.
"It's because kilala niya ang parents mo. 'Di ba nga naging kayo? Any time pwede niyang sabihin na nagpapanggap lang tayo kala Tito at tita dahil close sila"
"Pwede naman nating sabihin ang totoo sakanya at sabihan siya nag wag tayong isumbong kala mom" Walang ganang sagot ko at nag pa tuloy na sa pag dri-drive.
"Duh. Sa tingin mo susunod siya? Think of the consequence before you make a decision. Use your brain not only your charm" Confident na sabi niya. Edi siya na, siya na ang pahamak sa lahat. Tss.
"I'm not using my charm. Kusang lumalabas ang charm ko"
Pagkatapos ng ilang minutong pagmamaneho nakarating din kami sa bahay nila. I mean, mansion. Pinagbuksan kami ng gate ng guard nila. Pumasok na kami sa loob at dinatnan namin na nakaupo na ang mommy at daddy niya sa sofa sa may sala.
"Yaya, kumuha ka ng juice" Utos ng mom niya at kumuha agad sila ng dalawang basong juice at inilagay iyon sa table.
"So, how's my future son in law?" Muntik ko ng maibuga 'yung iniinom kong juice sa tanong ng dad niya pero buti napigilan ko dahil sobrang nakakahiya pag naibuga ko 'tong juice sa mukha nila.
"Ahm..ok lang po ako sir" Promise ang awkward ng moment na 'to. Pinilit ko na lang ngumiti.
"Haha don't call me Sir. You can call me Tito dahil boyfriend ka na ng anak ko"
"Pwede din namang mama at papa ang itawag mo samin" Singit ng mom niya sabay kindat. Napalunok na lang ako.
"Uhm..bakit niyo po ako naimbita dito?"
"We just want to know, how's your relationship with our daughter. Napagplanuhan niyo na ba ang engagement niyo?" Uminom ako ng juice pagkasabi nila nun. Engagement?! Eh hindi naman talaga kami ni Avon tapos kasalan agad nasa isip nila. Advance sila mag isip ah.
"Dad, bakit engagement agad ang nasa isip niyo? We're too young for that" Buti naman nasagot sila ni Avon. Ang awkward talaga ng atmosphere dito.
"Dun din naman ang tuloy niyo eh, bakit pa patatagalin?" Dun ang tuloy namin?! Hindi ko nga inaasahan na magiging kami ni Avon kahit nagkukunwari lang kami, tapos sa engagement ang tuloy, wow.
"Sa tingin ko po tito hindi po dapat natin madaliin ang mga bagay bagay para po maging long lasting sila. Kagaya po ng relasyon namin" Sabi ko at hinawakan ang kamay ni Avon. Dapat siya magpasalamat sa akin mamaya.
"Hon, I think Nathan has a point. Wag natin sila madaliin, besides nag aaral pa sila" Buti naman sumang ayon ang mom niya sakin.
"Pero ayos lang ba kayong dalawa? May hindi ka ba nagugustuhan na attitude ng anak namin? Sabihin mo lang" Tanong ng mommy niya. Medyo natawa ako.
"We're good naman po saka wala naman po akong hindi nagugustuhan na ugali niya"
"Pero paalala ko lang sa 'yo. Wag na wag mong sasaktan ang anak namin, is it clear?" Biglang sumeryoso ang mukha ng dad niya kaya medyo kinabahan ako.
"Y-yes Tito" Namayani ng panandalian ang katahimikan sa amin at maya-maya biglang bumukas ang pinto sa sala at iniluwa nito ang kina bui-buisetan kong tao.
"Oh Ian, nandiyan ka na pala"
"Hi mom. Teka ba't nandito ang ang lalaking 'yan?" Iritang tanong niya. Ako dapat ang mairita sa pagmumukha niya, pero nakakatawa talaga siya nung natalo siya bilang Adonis at ako ang nanalo.
"Kasi wala siya dun?" Sarkastikong sagot ni Avon.
"Ha.ha.ha. Kung binenta mo 'yang joke mo for sure walang bibili" Inis na sagot niya.
"Pero ikaw kuya, pag binenta mo 'yung mukha mong nakakatawa pag nagigising ka sa umaga, maraming matatawa" At inirapan niya ang kuya niya. Whoa-oh mukhang madalas silang magtalo ah.
"Yah! Yah! Tigilan niyo na nga 'yang pagtatalo niyo, nasa harap pa naman kayo ng boyfriend mo Avon" Suway sakanya ni Tita at nanlaki ang mata ni Ian.
"Anong boyfriend?! Boyfriend niya si Nathan?!" Nakakabingi pala ang boses ng mokong na 'to.
"Kailangan sumigaw? Oo sila na. Bagay sila 'di ba?" Nakangiting sabi ng mommy niya. Eww.
"Mom, correction lang 'di sila bagay dahil tao sila"
"Wag ka ngang bastos sa future brother in law mo. Treat him like your brother from now on" Striktong sabi sakanya ng dad nila. Pinaglalaban talaga nila na magiging son in law nila ako, kairita.
"I'm sorry to say this dad. Whatever's happened I won't treat him like my brother. Ne. Ver." Madiing sagot niya saka nagmartsa papunta sa taas, I think sa kwarto niya.
Kung wala lang kami sa mansion nila ngayon for sure puno na ng pasa ang mukha niya. Nagtitimpi lang ako dito eh, dahil nandiyan ang mga magulang niya. Kung ayaw niya ako para sa kapatid niya, ayaw ko din ang kapatid niya. Tumingin ako sa orasan at 7:00 na ng gabi, nagaimula na siguro ang opening party nila Vincent.
"Nathan, ako na ang humihingi ng pasensya sa anak ko. Wag mo na lang siya pansinin siguro mainit lang ang ulo niya ngayon"
"It's okay tita, I don't mind. Mauna na po ako, may pupuntahan pa po kasi ako eh. Thanks again for inviting me to your house Tito, Tita"
"Anak, ihatid mo na siya palabas" Utos ng dad niya at lumabas na kami.
"Sorry pala sa inasal ni kuya kanina ah. Malakas talaga ang topak nun. Anyway, ang galing mong actor kanina paniwalang paniwala sila"
"Alam ko, alam ko. Tama na ang compliments dahil masyado ng maraming compliments ang na tanggap ko ngayon" Sabi ko at inirapan niya lang ako.
"Mauna na ako" Aalis na sana ako pero bigla niya akong hinalikan sa pisngi at isinara na ang gate tapos tumakbo pabalik sa loob ng mansion nila. Anong...ginawa niya?
Sumakay na lang ako sa kotse ko at nagmaneho papuntang coffee shop nila Vincent.
Pagkadating ko dun, andun na 'yung anim.
"Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay" Bungad sa akin ni Vincent.
"Si Avon kasi nagyaya pa kumain sa labas tapos pinapunta pa ako ng parents niya sa bahay nila" Walang ganang sagot ko at kumain ako ng chips na isa sa mga pinupulutan nila.
Seriously, parang hindi coffee shop ang meron sila Vincent more on bar kasi pano ba naman mga wine ang nandito sa lamesa namin.
"Teka teka, bakit ka niya niyaya kumain saka bakit ka pinatawag ng mga magulang niya sa bahay nila?" Aiish! Oo nga pala hindi pa nila alam na kami na, as in kami pero pagpapanggap lang. Pustahan maraming tanong ang ibabato sa akin ng mga 'to.
Magtatanong pa sana sila ng biglang naibuga ni Kiefer ang iniinom niyang wine at buti naka ilag ako.
"Yah! Anong problema mo?!" Singhal sakanya ni Javis.
"This will explain everything" Gulat niyang sabi at ipinakita sa akin ang cellphone niya
Avon Zabala posted a picture and your friend was tagged in the photo.
'With my boyfriend ♥ '
'20 minutes ago'
Caption niya 'yan sa pin-ost niya na picture kasama ako, sa restaurant 'yan kanina at 'di pa siya nakuntento at nag update siya ng status niya. 'In a relationship with Nathan Lee', maghanda ka talaga sakin Avon. Masyado na ata siyang nag a-assume.
"Oh ano 'to bro, kayo na? Baka gusto mong magkwento" Sabi ni Kiefer sabay shot ng wine.
"Napilitan lang ako dahil kala mom"
"I don't believe you, I know there's another reason. Alam ko din na 'di ka susunod ng ganun ganun lang sa parents mo. Tell me, anong brand ng car ang ibinigay nila sa 'yo" Tanong ni Javis. Kakaiba din siya ah, may lahi ba siyang manghuhula? Kilalang kilala na talaga niya ako.
"Mercedes, saka dinagdagan nila ang allowance ko"
"Ayun oh! Dre, akin na lang 'yung isang sport car mo sawa ka na namang gamitin eh" Binato ko ng pamyong hawak ko si Xander, loko. May sentimental value sa akin ang sports car kong 'yun, saka unang kotse ko 'yun.
"Yah! 'Yung gwapo kong mukha!"
"Hoy tumigil nga kayo, 'di pa ko tapos interview-hin si Nathan. So, bakit ka pumayag na mag date kayo? In love ka na ba sakanya?" Isa pa 'tong si Kiefer eh, pag naka inom na talaga nagiging tsismiso.
"Gagu. She's not my type!"
"Ano nga palang nangyari kanina sa date niyo?" Pang i-intriga naman ni Xander. Naalala ko 'yung kanina, mag best friend pala sila ni Avon.
"Hindi nga 'yun date! Saka alam niyo ba, si Avon at Stella mag best friend. Nakita kasi namin kanina si Stella sa labas ng restaurant tapos ayun naman si Avon sinabi agad na kami na"
"Huh?! Anong naman ang sabi ni Stella?"
"I'm happy for the both of you" Sagot ko at ginaya ang ngiti ni Stella.
"What?! 'Yun lang? Walang cat fight, walang sabunutan?" I'm asking the same question Vincent.
" 'Yun nga ang ikinakataka ko eh, mukhang wala lang sakanya na kami na ni Avon pero pag kay Jasmin ang init init ng dugo niya eh hindi ko naman girlfriend si Jasmin" Magsisindi sana ako ng sigarilyo kaya lang pinigilan ako ni Vincent at itinuro ang sign na 'no smoking' Ahy oo nga pala coffee shop pala 'to eh mga wine naman kasi nasa harapan namin kaya napagkamalan kong bar dito.
"Hindi kaya may pinaplanong masama 'yan si Stella kaya siya nagpapanggap na okay lang?" Tanong ulit ni Kiefer at mukhang nakakarami na siya ng inom, problema nito? Hindi naman siya mahilig sa alak ah.
"I don't think so, best friend niya si Avon kaya sure akong wala siyang binabalak" Sabi ko pero sa totoo lang nagdududa din ako kay Stella eh kaya lang best friend niya si Avon kaya imposible ding saktan niya ito kaya lang may possibility pa rin eh. Ahy ewan!! Mga babae talaga ang laking problema.
"We're not 100 percent sure bro, alam mo naman ang ugali niyang ex mo lahat pinagseselosan"
"Ewan ko Kurt. Ayoko na silang problemahin pa" Sabi ko at tinignan ko si Drake na kanina pa tutok na tutok sa cellphone niya at nag i-iscroll. Matignan nga. Hinablot ko ang cellphone niya.
"Yah! Amina nga 'yan!" Kinukuha niya sa akin ang cellphone niya pero hindi ko ibinigay. Sobrang gulo niya kaya nahihirapan akong tignan. Lumayo ako sakanya at tinignan kung sino ang babaeng nasa cellphone niya.
"Waa!! Si Drake inii-stalk sa facebook si Azumi" Sigaw ko at saktong nakuha na niya abg cellphone niya. Buawahaha, may sikretong malupit pala 'tong si Drake hahaha.
"Lul! Hindi ko siya inii-stalk! Lumabas lang ang post niya sa newsfeed ko!" Naku, nag de-deny pa 'tong si mokong eh.
"Drake 'di ka nagsasabi na may gusto ka kay Azumi ah!" Kantyaw namin sakanya hahaha.
"Kadiri naman kayo! Imposible 'yang sinasabi niyong magkakagusto ako kay Azumi, kaya wag niyo ng ipilit" Tinawanan na lang namin siya dahil sobrang pikon na siya. Napalingon kami kay Kiefer na nagsasalita habang tulog. Lasing na kasi eh, hard ba naman ang ininom, ayan edi tulog siya ngayon.
"Sorry na..mag usap naman tayo please..sorry..sorry" Paulit ulit siyang nagso-sorry. Siguradong may problema 'to kaya naglalasing.
"Pre pauwiin na natin 'tong si Kiefer baka magkalat pa 'to dito" Sabi ni Kurt. Pagod na ako kaya wala akong time para ihatid pa siya sakanila. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tinawagan ko si Natasha.
"Hello..Nandito kami ngayon sa coffee shop nila Vincent..Si Kiefer sunduin mo dito saka ihatid mo na sakanila..basta gawin mo na lang..ise-send ko na lang sa 'yo 'yung address" Ibinaba ko na 'yung cellphone ko, ang arte naman kasi ni Natasha ayaw niya pang sunduin dito si Kiefer at mukhang galit pa ang tono niya, pero alam kong susunod din siya sa akin.
Maya-maya dumating na si Natasha.
"Bakit ako pa ang kailangang maghatid sakanya?" Medyo iritang tanong niya. Ano bang problema nito at ang sungit sungit niya?
"Pagod na kami saka medyo naka inom na din kami. Dali na ihatid mo na siya sa bahay nila" Utos ko at ginawa naman niya.
Nagsi uwian na din kami at naligo muna ako bago ibinato ang sarili ko sa kama ko. Napatitig lang ako sa ceiling at iniisip ang sinabi kanina ni Kurt.
"We're not 100 percent sure bro, alam mo naman 'yang ex girlfriend mo lahat pinagseselosan"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top