chapter 18: Threat

~Nathan's POV~

Pagkapasok ko pa lang sa school building nakita ko na agad si Avon.

"Hoy!" Sigaw ko pero nakatalikod pa rin siya. "Yah!" Aiish ayaw talaga lumingon oh. Pag lumingon ka...sisigawan kita.

"Avon!"

"Huh? Ako ba tinatawag mo? Kasi as far as I know my name is Avon not Hoy. Bakit mo ko tinatawag?"

"Bakit mo sinabi kila mom and dad na tayo na huh?!" Sigaw ko, wala akong pake kung maraming nakakarinig sa akin. Naiinis na talaga ako eh.

"Ayaw mo nun, hindi ka na nila papagalitan at tatanggalan ng luho mo?" Naiirita niyang sagot.

"Yeah, I don't like your idea because you're doing this just for your own good!"

"I'm not doing this just for me, but for you too. Bakit ba parang luging lugi ka sa akin ha?!" Tss, sabihin niya lang gustong gusto niya ako to the point na nagiging desperada na siya.

"Basta! ayokong palabasin na tayo na dahil masyadong mataas ang standard ko para ikaw ang maging girlfriend ko" Naiinis na sabi ko pa rin at inirapan niya na lang ako.

"Sa tingin mo ba mababa ang standard ko? Pasalamat ka nga natiis kong sabihin na tayo na eh. Kung ayaw mo sa akin pwes sasabihin ko na lang kila tito na hindi naman talaga tayo" Sabi niya at hinanap niya ang cellphone niya sa bag niya at saktong nahulog naman ang susi ng bago kong kotse.

Napa isip ako. Makakaya ko bang mawala ang kakabigay lang sa akin na kotse at matanggalan ng dagdag na 5,000 sa allowance ko? No! Hindi pwede! Takte naman.

"Wag na! Payag na ako!" Natatarantang sabi ko sakanya habang pinipigilan siyang i dial ang number ni dad.

"Oh, bakit biglang nag bago ang isip mo?"

"It's none of your business. Payag na akong maging tayo, pero sa harap lang ng mga tao, pag tayo na lang dalawa balik sa normal! Wag kang mag a-assume na totoo 'to at ikaw lang ang masasaktan, okay?" Aiish! Napilitan lang talaga ako eh, kainis!

"Okay. So magsisimula na tayo mamaya ah, sunduin mo ko pagkatapos ng last class ko mamaya"

"Huh? May motor ka 'di ba? Bakit 'di ka umuwi mag isa?"

"Hindi ko dala ang motor ko ngayon saka isa pa, para san pa at naging 'Girlfriend' mo ako kung hindi ka magiging boyfriend material? Saka mamaya sabay tayo mag lunch" She said while emphasizing the word girlfriend.

"Fine, fine. Ang demanding masyado akala mo naman girlfriend ko talaga siya, assumera" Bulong ko at buti hindi niya narinig.

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko oo. Pasok na ako" Sabi ko at agad akong pumasok sa first subject ko.

~Jasmin's POV~

"Beshy! May sasabihin ako sa 'yo!" Lu! Anong nangyari kay Natasha at mukhang hyper siya ngayon? Humila siya ng upuan at itinabi sa akin tapos tumabi din sa akin 'yung dalawa.

"Ano naman 'yun?"

"Nakwento sa akin ni Nathan kagabi na pina-date na siya at na meet na niya 'yung babaeng  pinapakilala sa kaniya nila mommy"

"So?"

"Magugulat ka pag nakilala mo kung sino!" Gulat naman na sabi ni Azumi. Ano namang pake ko kung sino ang maka date niya o makatuluyan niya?

"Spill it" Irita kong sagot.

"Siya si Avon. Avon Zabala" Nabagsak ko 'yung hawak kong libro dahil sa gulat. Tama nga ako, tama ako na si Avon nga 'yung babaeng pinipilit ng parents niya para sakanya.

"Anak kasi siya ng business partner nila mom kaya ayun. Ganyan naman palagi pag may business ang magulang, date arranged married. 'Yan ang iniisip nila para mapalago pa ang  Company namin" Walang ganang sambit ni Natasha.

"Okay" Tipid kong sagot.

"Okay? 'Yan lang ang sasabihin mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sherry. Anong gusto nila? Mag overreact ako?

"What do you want to be my reaction? Magwala, umiyak? Saka bakit ba big deal sa inyo 'yung pakikipag date ni Nathan? Saka bakit parang ako 'yung subject niyo?"

"Ah, wala akala namin kasi magagalit ka eh" Seriously, hindi ko na sila maintindihan.

"Bakit naman ako magagalit ha? Ang weird niyo" Sabi ko at ibinalik na ang atensyon ko sa librong binabasa ko.

"Okay class, go back to your proper seat" Sabi ng adviser namin sa English na si Mrs.Laforteza.

Buti na lang bumalik na 'yung tatlo sa mga upuan nila. Para kasi silang mga baliw eh. Ano namang pake ko kung nag da-date na sila Nathan at Avon.

"Hindi pa pala tayo nage-elect ng mga homeroom officers. So now is the election. You will nominate the one of your classmates who deserves the position that's given. Let's start. Now, the table is now open for position of president" Sabi ni ma'am at nagtaasan sila ng kamay. Napili si Stephanie.

"I will glad to nominate Ace Zamora" Pagkasabi niya nun nagtilian 'yung ibang mga babae, paano ba naman kasi bukod sa gwapo na matalino pa. Ngayon naman napili si Nicole.

"I will glad to nominate Kim Arenos"

May dalawa pang dumagdag kila Ace at Kim para sa posisyon na president at ngayon botohan na.

"Who's favor with Ace Zamora?" Sino kayang iboboto ko? Medyo ayaw ko ang ugali ni Kim dahil pagkagwapo lang meron siya pero basagulero at patapon na estudyante. Binoto ko si Ace. Parang lahat na ata ng klase bumoto sakanya. Ng matapos na 'yung botohan nanalo si Ace bilang president .

Natapos na ang ibang position, mula president hanggang councilors at ngayon nasa muse and Adonis na kami. Wala parin akong position hanghang ngayon at ayaw ko din naman magkaron dahil ayoko ng respobsibilidad sa classroom.

"The tables are now open for Muse" Pagkasabi nun ni ma'am, ang daming nagtaas ng mga kamay para mag nominate.

Hayys, ano pa bang expected? Ito naman ang pinaka hihintay nilang lahat eh. Napahikab na lang ako dahil nabo-bored na ako. Ang tagal naman kasi matapos.

Umusog ng kaunti si Nathan sa tabi ko para bumulong.

"Wala ka pang position 'di ba?"

"Oo, ikaw rin naman" Bigla siyang ngumisi. Wag mo sabihing...

"I no-nominate kita sa muse" Nakangisi niyang sabi. Naku, pinagtri-tripan niya lang ako eh, alam niya namang walang boboto sa akin dahil hindi ako famous. Kainis!

"Subukan mo Nathan at lagot ka sakin" At sinamaan ko siya ng tingin but instead na matakot siya nagtaas din siya ng kamay kaya ayun napili siya. Buiset ka talaga, humanda ka sa akin  mamaya.

"I would like to nominate Jasmin Gomez" Nakangisi niyang sabi kay ma'am.

Biglang tumayo si Natasha at binulungan 'yung mga kaklase namin, pero pinaupo din siya ni ma'am. Ano kayang sinabi niya?

Ang mga nominado sa amin ay sina Nicole, Stephanie,Krystal at ako.

Nicole-2

Stephanie-3

Krystal-6

At nung ako na, nagulat ako kasi ang daming nagtaas ng mga kamy nila and then...

Jasmin-19

Aiish! Ayoko talagang maging muse eh. Nagtaas ako ng kamay.

"Ma'am i object" Sabi ko at nagtawanan lang sila Natasha, Sherry at Azumi. Siguro binulong ni Natasha na iboto nila ako. Baliw talaga.

"You can't Ms.Gomez" Tipid nilang sagot. Hayys.

"The table are now open for the position of Adonis" Kainis talaga, huhu.

"I would like to nominate Sherwin Fortalejo" Sabi ng kaibigan ni Sherwin habang naka tingin sa akin. May dumi ba ako sa mukha? Maya maya nagtaas ng kamay si Mike.

"I would like to nominate Ian Zabala" Huh?! Tinignan ko si Ian at nag approve sign siya kay Mike habang nakangiti pero nung napansin niya akong naka tingin sakanya kaya nginitian niya lang ako
.

Isasara na nila sana ang botohan ng biglang nagtaas ng kamay si Natasha. Ano nanaman bang trip niya?!

"I would like to nominate Nathan Lee" What the-- ano nanaman bang nasa isip niya? Ayoko na ngang makasama sa officers tapos gagawin niya pang Adonis ang kambal niya.

Walang bumoto kay Sherwin at ng tinignan ko siya, 'yung mukha niya sobrang inis na inis. Nagulat ako ng mag tie sila Ian at Nathan. Basta ako, hindi ako boboto sakanila.

"Okay, since they are tie, there is one of you that didn't vote. I will count again so you better participate in this election and vote" Sabi nila at tinignan ko 'yung tatlo at hindi pa din pala bumoboto si Azumi. Siniko siya at sinamaan ng tingin ni Natasha.

"Ian, 15"

"Nathan, 16" Waaa!! Bumoto si Azumi kay Nathan. Lagot ka talaga sa akin Natasha.

"So, our muse and adonis is Jasmin Gomez and Nathan Lee" Nagpalakpakan sila at 'yung tatlo, sayang saya eh.

"It seems we have our new love team. Go NaMin!" Sigaw ni Nicole at naghiyawan naman ang mga lalaking kaklase namin, for sure 'yung mga babaeng classmates namin inis na inis na sa akin ngayon. Ang na fe-feel ko ngayon? Hiya.

"Quiet class. I will continue the  discussion about yesterdays topic"

"Oh 'di ba nanalo ka, pasalamat ka sa akin" Binatukan ko nga.

"What was that for?!"

"For nominating me as a muse. Sabi na kasing ayaw ko mapabilang sa homeroom officers eh! Buiset ka talaga!"

"Weh..baka pa nga kinikilig ka kasi ako ang Adonis mo eh.  Buawahaha akala ng Ian na 'yun mananalo siya eh alam naman nating lahat na ako ang pinagsimulan ng mga gwapo sa mundo" Sabi niya saka tumawa ng nakakaloko. Baliw talaga siya kahit kailan, binatukan ko ulit.

"Yah! Nakakailang batok ka na ah!" Inis niyang sabi.

"For your information 'di ako kinikilig sa 'yo! Saka may ipo-ipo ba ngayon? Ang hambog mo kasi eh!'

" Totoo naman na ako ang pinanggalingan ng gwapo sa mundo ah. Mainit ba ngayon?" Tanong niya naman. Bakit hindi niya na lang i-feel kung mainit o hindi? Tss.

"Bakit?"

"Namumula ka kasi eh hahaha!" Sabi niya at hinawakan ko ang pisngi ko pero hindi naman mainit, it means hindi ako namumula. Loko talaga siya. Kahit pabulong lang 'yung mga sigaw namin narinig parin kami ni Mrs. Laforteza.

"Nathan and Jasmin, be quiet when you don't want a detention again" Sabi nila at sinamaan ko ng tingin si Nathan, kahit kailan talaga pahamak siya.

.
.
.

Nag ring na ang bell, signal na lunch na, habang naglalakad kami nakasalubong namin sila Stella. Hindi na sana ako hihinto ng biglang siyang nagsalita at hinawakan ang braso ko para iharap ako sakanya.

"Balita ko, ikaw daw ang muse at adonis naman si Nathan ng 4A section ah. Ano? Kinikilig ka nanaman?" Sabi niya sa mataray na tono. Napaka childish niya para isipin  'yun.

"Look. Say what you wanna say, but I don't care"  Seryosong sagot ko.

"When you don't care, well I am. Pang ilang beses ko ng sinabi 'to at sasabihin ko ulit para matatak sa utak mong nag iilusyon, La. Yu. An. Mo si Nathan kung ayaw mo na pati ang pag aaral mo at grades mo ay maapektuhan" Diin niyang sabi habang hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko pero agad namang inalis ni Sherry ang kamay niya.

"Bitiwan mo nga siya!" Sigaw ni Sherry.

"Lalayuan ko siya kung lalayuan mo din ako" Sagot ko na mukhang sasang ayunan naman niya.

"Deal" Mataray na sabi niya saka naglakad paalis na parang pato as in 'yung  sexy.

Sa mga sinabi ni Stella, alam kong hindi 'yun biro. Hindi ako natatakot sa kung anong gagawin  niya sa akin, kung i-bully man niya ako o pagsalitaan ng masama pero ang ikinakatakot ko ay marami siyang connections at kasama dun ang Royal Academy. Baka kaya niyang sabihin sa mga teachers ko na ibagsak nila ako sa mga subjects nila at 'yun ang ikinakatakot ko, ang bumagsak. Ayaw kong ma-dissapoint sila mama at papa sa akin, pinaghihirapan nila akong pagtapusin tapos babagsak lang ako? Hindi. Hindi pwede.

May kamay na tumapik sa likod ko at nung una 'di ko napansin na tinatawag na pala ako nila Azumi dahil nakatulala ako.

"Anong iniisip mo at tulala ka?" Tanong ni Natasha. Ano nga ba ang iniisip ko? Kailangan ko ng mag desisyon. It's either lalayuan ko sila Nathan na kaibigan ko na din or babagsak ako at mag re-repeat ako.

"Lalayuan ko na at iiwas na ako kay Nathan mula ngayon" 'Yan na  ang salitang lumabas mula sa bibig ko.

"Huh? Bakit naman? Dahil ba sa sinabi ni Stella?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sherry.

"Pero sinabi niya lang naman niya 'yun at hindi niya kayang gawin. Bakit ka natatakot ngayon?"

"Azumi, hindi niyo ako naiintindihan eh. Gagawin ko 'to para sa grades ko at para hindi ma disappoint ang mga magulang ko, ayokong bumagsak ng dahil lang sa pakikipagkaibigan kay Nathan"

Tama. Hindi ko ipagpapalit ang grades ko kay Nathan. Lalayuan ko na siya sa abot ng makakaya ko.

~~~~~

AN: Hello again!

Nakaka inis talaga si Stella noh? Talagang gagawin ko siysng kontrabida dito;-)  Pero hindi lang naman 'yun ang role niya eh, basta, abangan niyo na lang. Kayo? Anong na fe-feel niyo sa mga characters? Please tell me...:-)

Sayang naman...makakaya kayang layuan ni Jasmin si Nathan? Well, malalaman niyo din 'yan sa susunod pang mga kabanata.

See you on the next chapters! Love lots!:-*

-JeonMJ08

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top