chapter 15: Jefferson is dead
~Jasmin's POV~
Tinignan ko 'yung wall clock sa sala namin at 11:30 na pala. Gabi na. Bakit ba kasi wala pa si ate? Ang tagal niya umuwi ah, habang naghihintay ako dito lalo lang akong kinakabahan. Sasabihin ko ba kay ate o hindi? Kasi for sure magagalit lang 'yun pag narinig niya nanaman 'yung sasabihin ko, bakit ba kasi sobrang galit siya kay Jeff?
Saksi siya sa paghihirap ko noon, kung paano ako nasaktan at kung paano ako umiyak nung iniwan ako ni Jefferson at sinisi niya din 'yung sarili noon, inisip niya na siya 'yung dahilan ng break up namin ni Jeff. Aaminin ko, sinisi ko talaga siya noon at nagkaroon ako ng galit sakanya dahil siya 'yung totoong mahal ni Jeff.
Naalala ko tuloy nung mga panahong kami pa, lagi siyang dumadalaw dito sa bahay at magkasundo naman sila nila mama at papa. Nakakatuwa nga na nalagpasan niya 'yung mga pagsubok sakanya ni papa para maging kami, nanligaw siya noon at kahit takot siya kay papa kasi sabi niya wala siyang kinakatakutan pag dating sa akin.
Pag nasa bahay siya, siyang 'yung naghuhugas ng pinggan, nagluluto at sumasama siya sa pag gro-grocery kila mama at sinasakyan niya din lahat ng trip ni papa kaya siguro madali silang nagkasundo.
Paano malilimutan ng utak ko 'yung masasayang alaala namin kung pilit na inaalala ng puso ko ang 'yun? Gaya na lang ngayon, naalala ko nanaman nung first anniversary namin.
1 year ago...
"Hoy Jeff! Asan na ba tayo? Sabi mo kakain lang tayo sa labas tapos may pa piring piring ka pang nalalaman"
"Ssh...malapit na tayo babe" Sabi niya habang inaalalayan niya akong maglakad. San ba kasi kami pupunta? Naiinip na ako ah, pero at the same time kinikilig kasi may pa surprise nanaman siya sa akin.
"There you go. Now, open your beautiful eyes" Sabi niya na ginawa ko naman. Tinanggal ko 'yung naka piring sa akin at kunurap ako ng konti, napanganga na lang ako sa mga nakikita ko ngayon.
Nakatayo kami ngayon sa park at nakatayo sa mga kandilang nakakorteng isang heart at 'yung mga puno pinapalibutan ng maraming lights na kulay red at 'yung mga puno may mga nakasabit na lobo at sa lobo na 'yun may mga papel at may nakasulat. Meron namang isang table at dalawang upuan tapos dun nakahain 'yung pagkain at may kandila pa sa gitna ng table.
Wow lang talaga! Paano niya nagawa lahat ng 'to? Ang ganda, sobra at parang naiiyak na ako. Lumapit ako sa isang puno kung saan nakasabit 'yung mga sulat at binasa ang 'yun.
'Alam mo, talo mo pa ang isang clown kasi hindi mo na kailangan magsuot ng nakakatawang damit para lang matuwa ako kasi makita lang kita abot langit na ang ngiti ko'
'You are the best thing that's ever been mine'
'Forever is a long time but I wouldn't mind spending it by your side'
'I never wanted to be anything, other than to be your everything'
'You have no idea how good it feels to wake up every morning, knowing you are mine and i am yours'
'Nung nagustuhan kita dun ko nalaman kung anong ibig sabihin ng salitang kuntento, pero ng mahalin kita nalaman ko na din kung anong ibig sabihin ng salitang sobra. Mahal kita, and you are more than enough'
Paunti unting tumulo 'yung mga luha ko sa pisngi ko. Binasa ko pa rin 'yung natirang sulat kahit na nanlalabo na 'yung paningin ko, 'yung isang sulat 'yung pinakamalaki at sa lobo siya nakasulat.
'I love you Jasmin Gomez and i promise to you that i will stay by your side forever and ever and ever'
Pagkatapos kong basahin lahat ng 'yun ay hinarap ko siya at nagulat siya ng makita niyang umiiyako.
"What's the problem? Why are you crying? Hindi mo ba naguatuhan 'yung surprise ko sa 'yo?" Nagaalalang tanong niya habang pinupunasan niya 'yung luha ko.
Nagpapatawa ba siya?! Sinong hindi gugustuhin 'tong surprise na 'to? Sobra pa sa gusto ang nararamdaman ko ngayon, oa na kung oa pero sobra akong na touch sa mga ginagawa ngayon ni Jeff dahil saan ka pa mgahahanap ng boyfriend na katulad niya? Mabait, matalino, gwapo, ma effort at higit sa lahat mapagmahal. Oha! Saan ka pa hahanap ng ganyan?
"Yes, I don't like it" Pagkasabi ko nun biglang lumungkot 'yung mukha niya at halata sa expression niya ang pagka dismaya. Hahaha! Aasarin ko pa sana siya kaso lang baka mapikon na. "I don't like it because I love it" Sabi ko habang nakangiti at siya naman ang lapad lapad na ng ngiti niya, haha tignan mo 'to kanina nakasimangot tapos ngayon abot langit ang ngiti.
Nagulat na lang ako ng bigla siyang pumalakpak at may lumabas na mga lalaki at nag play sila ng violin at 'yung kanta, theme song pa namin. Terrified by: Katherine Mcphee. Inabot niya 'yung kamay niya saakin at tinanggap ko naman 'yun, nakalagay 'yung kamay ko sa leeg niya at 'yung kamay niya nakalagay sa bewang ko. Ang sarap lang sa feeling na sumasayaw kayo ng taong mahal mo sa ilalim ng liwanag ng buwan.
"Saglit may ibibigay ako sa 'yo" Sabi niya at may nilabas siya sa bulsa niya na maliit na box, wag mo sabihing...waa!! Singsing nga! Lagot na, hindi pa ako ready magpakasal, bata pa ako at siguradong 'di papayag si papa.
"Babe, alam mo namang bata pa tayo 'di ba?" Nagaalalang tanong ko sakanya pero tinwanan niya lang ako. Loko siya ah!
"Haha this is not a wedding ring, this is just a promise ring and I promise to you that someday, sa tamang panahon gagawin ko 'tong wedding ring at papakasalan na kita. I love you babe" Sabi niya at hinalikan niya ako.
"I love you too"
Natawa na lang ako habang naaalala 'yung mga happy memories namin. Bakit ba kasi ang hirap niyang kalimutan, sinabi ko noon sa sarili ko na wala na akong nararamdaman sakanya, na hindi ko na siya mahal at puro galit na lang ang nangingibabaw na feelings ko para sakanya.
Pero kahit anong gawin ko hindi ko parin siya makalimutan. Siya kasi ang unang lalaking minahal ko at sa tingin ko siya na 'yung last at magiging husband ko pag dating ng panahon kaya lang wala eh. Umalis siya ng walang paalam sa akin, umalis na nga siya at sinaktan niya pa ako. Masaya naman kami noon eh until ng isang linggo pagkalipas ng anniversary namin, naging cold na siya at minsan na lang nag tetext. Dati tinatanong niya pa kung kumain na ako, kung tulog na ako, dati kinakantahan niya pa ako kahit na magkausap lang kami sa phone para daw makatulog ako.
Sa isang iglap nagbago siya, pag pumupunta siya sa amin tinatanong niya kung nasa bahay ba si ate, kung kamusta na si ate, kung umuwi na si ate. Puro na lang siya Jennifer at hindi na niya ata ako napapansin, kulang na lang si ate na 'yung pagsabihan niya ng i love you eh. Pag tinatanong ko siya kung bakit palagi na lang si ate 'yung tinatanong niya pero tinatawanan niya lang ako at sabi niya nagpapalakas lang siya sa future hipag niya. Kahit na ganun 'yung inaasal niya noon inintindi ko parin siya, nagpatay malisya ako at hindi na pinansin 'yung nangyayari sa amin.
Hindi ko na nakayanan pagmukhaing tanga 'yung sarili ko nung dumating na sa point na umamin na siya na gusto niya si ate at mahal na nga daw niya ito. Pumunta siya sa bahay nung lasing siya tapos hinahanap niya si ate dahil may sasabihin daw siya. Sana nga hindi ko na lang tinanong kung anong sasabihin niya dahil ang sagot niya aamin na daw siya kay ate ng totoo niyang nararamdaman, sana hindi ko na lang natanong dahil hindi ako handa eh, hindi pa ako handang masaktan kahit na nasasaktan na ako. Pagkatapos nung gabing 'yun hindi ko na siya nakita at nawalan na ako ng balita tungkol sa kanila ng pamilya niya. Pumunta pa ako sa bahay nila pero 'yung katulong na lang ang dinatnan ko at 'di daw nila alam kung saan pumunta ang mga amo nila. Yung unti unti na nasisirang puso ko winasak niya pa.
Bigla ko na lang naramdaman na may tubig na tumulo sa legs ko at pagka kapa ko ng pisngi ko I saw my tears slowly falling from eyes. Para na akong baliw dito, natatawa at biglang umiyak siguro nga ganito kapag nasaktan ka.
Pinunasan ko agad 'yung luha ko ng marinig ko 'yung pagbukas ng pinto. Andyan na si ate, inhale...exhale...
"Ate bakit ang tagal mo umuwi?"
"Ahy palaka! Mukha ka namang multo diyan, wag ka nang nang gugulat!" Tss ang oa niya talaga kahit ganyan, buti nga hindi niya nahugot 'yung baril niya mahirap na, sobrang magugulatin niya kasi eh.
"Ate wag oa. Saka hindi ako mukhang multo noh"
"Bakit ba kasi gising ka pa?"
"I have something to tell you"
"What's that? Is it super important na hinintay mo pa ako talagang umuwi?" Tanong niya at pumunta siya sa kusina tapos kumuha siya ng malamig na tubig sa ref at isinalin niya ito sa baso.
"Yes. It's about Jefferson, i think nakita ko siya sa mall" Pagkasabi ko nun bigla niyang naibuga 'yung iniinom niya sa mukha ko. Hayys! Kainis naman oh, kakaligo ko lang eh. Kainis talaga si ate. "Yah! Malamig ah!"
"Sis, don't say bad word, I thought it was important pero wala naman palang kwenta 'yang sasabihin mo" Seryosong sabi niya sa akin.Sabi ko na nga eh, ayaw niya nanamang pag usapan 'to saka anong bad word naman 'yung sinabi ko? Hindi naman ako nagmura ha. Siguro 'yung Jefferson 'yung bad word na sinasabi niya.
"Ate please, just listen to me first okay?" Hinila ko siya sa sofa at inupo siya.
"Ano ba kasing sinasabi mo na nakita mo 'yung loko na 'yun?"
"Kasi kanina pumunta kami ng mall ng kaibigan ko tapos napadaan kami sa fantice cream. Nung nakaupo na ako dun sa loob may biglang umupo na lalaki sa inuupuan kanina nung kasama ko at sa tingin ko siya si Jefferson" Pagpapaliwanag ko sakanya.
"Huh? Paano naman? Ano bang itsura nung lalaki?, baka kamukha niya lang"
"Naka shade siya, naka sumbrero tapos naka jacket na black tapos nung tumingin na siya sa akin at tinanggal niya 'yung shade niya alam ko na si Jeff talaga 'yun saka alam mo ba 'yung sinabi niya sa akin? "Hi babe, did you miss me?" Oh 'di ba? 'Yun 'yung tawagan namin eh" Pagpupumilit ko kay ate. Parang siya talaga 'yun eh.
"Hayys, alam mo there's a lot of couples na ang tawagan ay babe and kapag nagsasalamin naman si Jeff 'yung may grado 'di ba?" Napa isip ako sa sinabi ni ate, oo nga hindi siya nag sha-shades at hindi ganun 'yung style niya. Hindi siya 'yung mukhang mayabang na maangas.
"At isa pa patay na siya" Natigilan ako sa narinig ko mula kay ate, parang hindi magawang mag sink in sa utak ko 'yung sinabi niya.
"Ate wag ka mag joke, 'di nakakatawa" Sabi ko habang kinukumbinsi ang sarili ko na biro lang 'yung sinabi niya.
"I'm not joking, I'm serious. Jefferson is dead" Serysong sagot ni ate.
Hindi ko namalayan na tuloy tuloy na pala ang pag agos ng luha sa mata ko. Tinakpan ko na lang 'yung bibig ko para hindi ako marinig na umiiyak nila mama at papa.
Biglang may naramdaman ako na mga braso na nakayakap sa akin.
"Sis stop crying. He's not worth it for your tears, so stop crying for him again and just forget him" Pagpapatahan sa akin ni ate.
Bakit ganito 'yung nararamdaman ko? Bakit nasasaktan ako dahil sa pagkamatay niya? 'Di ba niloko niya ako? 'Diba he left for no reason? Bakit ganito parin 'yung nararamdaman ko?! Ang sakit eh, sobrang sakit.
"Saan mo nalaman na patay na siya? Saka sinong nagsabi?" Medyo tumigil na akong umiyak.
"May kaibigan kasi akong reporter at in-interview niya 'yung mga magulang ni Jeff. Tinanong niya kung bakit 'yung kuya ng papa ni Jeff 'yung nag ma-manage ng Valdez's Company at hindi sila tapos tinanong niya din kung bakit bigla na lang daw silang nawala. Sabi naman ng Daddy niya pumunta daw sila sa U.S for business matters at 'di daw nila inaasahan na sa U.S din mamamatay 'yung anak nila. Sis, namatay si Jeff dahil sa car accident"
"So patay na talaga siya..." Tumulo nanaman 'yung luha ko. Kainis naman!
"Shh...taha na. Isa siyang malaking gagu para iyakan mo. Forget your feelings towards him"
"Ate bakit parang sobrang galit ka kay Jefferson?" Hindi ko na mapigilan itanong 'yun kay ate.
"Siyempre sinaktan niya ang baby sister ko kaya galit ako sakanya"
"Yun lang? Wala ka ng ibang reason?"
"Yes. So go to your bed now and sleep, may pasok ka pa bukas"
Umakyat na ako tapos pumasok sa kwarto ko at itinapon ang sarili ko sa kama. Nakatingin lang ako sa ceiling.
"Yah! Ang daya mo naman Jeff! Kahit wala ka na sinasaktan mo parin ako!" Para na akong baliw na nagsasalita ng walang kausap.
Nakakainis naman eh, bakit ako nasasaktan sa pagkamatay niya? 'Di ba dapat natutuwa ako kasi na karma na siya?, 'yun dapat 'yung nararamdaman ko kahit mali. Kahit na iniwan niya ako ng walang dahilan mahalaga pa rin siya para sa akin, masakit lang sa pakiramdam na 'yung isang lalaking minahal mo eh wala na. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa, niloko ko 'yung sarili ko at sinabi kong wala na akong feelings para sakanya at hindi ko na siya mahal pero hindi ko pala talaga kayang lokohin 'yung sarili ko, mahal ko pa talaga siya. Oo mahal ko pa siya pero siguro tama na. Kailangan ko ng mag move-on at kalimutan siya.
Pinunasan ko ang luha ko sa gilid ng mata ko at pinilit ko ng matulog. Sana pag gising ko wala na 'tong sakit na nararamdaman ko, sana pag gising ko nakalimutan ko na siya...
*baam!*
Nagising na lang ako ng may biglang kumilansing sa tenga ko. Aray ah! Sakit sa tenga, ano ba 'yun?!
Minulat ko 'yung mata ko at nakita ko si ate na nakatayo at may hawak na kaserola.
"Yah! Muntik na mabasag 'yung ear drums ko dahil sa 'yo!" Singhal ko kay ate. Kainis naman eh! Ka aga aga ang ingay.
"Hahaha ayaw mo kasi magising eh. 8:00 na po ng umaga at mala-late na kayo" Pagkasabi niya nun ay agad akong pumunta sa cr ng kwarto ko para maligo.
"Ayan kasi eh, para kang si sleeping beauty kaso lang sleepyhead ka lang at walang beauty" Natatawang sambit niya. Wala na, sira na nga tulog ko sira pa gising ko. Ang galing, ang galing.
"I know that already! So just get out of my room!" Inis na sabi ko sa kanya at narinig ko naman na lumabas na siya habang tumatawa parin. Dalhin ko na kaya siya sa mental hospital noh.
Habang naliligo ako naalala ko nanaman 'yung sinabi ni ate kagabi, na patay na si Jeff. Parang ayaw ko paring maniwala sa balita na narinig ko pero 'yung sariling mga magulang na niya ang nagsabi eh kaya kailangan ko ng tanggapin at isa pa, kung buhay naman siya wala na kaming pag asang pang dalawa. Kahit na kakalimutan ko siya, hindi ko din masasabing wala na siyang lugar sa puso ko.
Para nanaman akong tanga dito na umiiyak. Nag toothbrush na lang ako at nag ayos saka bumaba para mag almusal, naamoy ko na na may nagluluto sa may kusina kaya dumeretso agad ako dun at tinignan kung anong niluluto niya.
"Wow naman, ham!" Nakangiting sabi ko sakanya.
"You don't need to fake your smile. Okay ka na ba talaga?" Natigilan ako sa binulong niya. Pati pala ngiti ko napansin niya.
"Don't worry about me ate, I'm okay, I'll be okay. Bilisan mo mag prito gutom na ako" Sabi sakanya at dumeretso na ako sa hapag kainan.
"Ma asan po si papa?" Tanong kay mama.
"Pumasok na sa office" Ah, oo nga pala tanghali na kasi ako nagising eh.
Pagkatapos kong kumain ay hinanap ko agad 'yung susi ng kotse ko. Nasaan kaya 'yun? Dito ko lang nilapag sa patungan ng TV 'yun eh.
"Ma, nakita niyo po ba 'yung susi ng kotse ko?" Tanong ko habang naghahanap pa rin. Nasan na kasi 'yun?!
"Hindi mo muna gagamitin 'yung kotse mo at mag hihintay ka pa ng isang taon bago mo magamit 'yun" Napanganga na lang ako sa sinabi ni mama.
"Mama anong ibig niyong sabihin?"
"Alam mo anak marami na akong napapanood sa TV na naaaksidente dahil sa pag dri-drive, I just want you to be safe at saka you're just 17 years old at wala ka pang license. And you know naman din na binili ko lang 'yang kotse na 'yan para sa 'yo dahil dati mo pa ako kinukulit" Waa!! Parang naiiyak na ako sa mga pinagsasabi ni mama. 'Yung baby car ko babawiin nila?!
"Mama naman! Bakit si ate may kotse na?" Pagmamaktol ko sakanila with matching padyak ng paa. Dati ko pa kasi talagang gusto magkaroon ng kotse dahil gusto ko din matuto mag drive katulad ni ate pero ngayong marunong na ako babawiin na nila? Huhu, naiiyak na talaga ako. Ilang beses ko pa lang nagagamit 'yung baby car ko eh.
"Hoy! Pinagipunan ko 'yung kotse ko ah at isa pa nasa tamang edad na ako nung nagka kotse ako" Singit naman ni ate pero 'di ko na lang pinansin.
"Wag ka ng makulit Jasmin. From now on may mag dri-drive na sa 'yo pag may pupuntahan ka at pag papasok ka. Mang Danny, pasok kayo" Tawag ni mama sa lalaking naka uniform na nga ng pang driver.
Huhu! Is this real?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top