chapter 12: Love at first sight
~Jasmin's POV~
Kaibigan? 'Yun talaga 'yung pagpapakilala niya sakin? Tss. Pagkatapos niya akong halikan? Saka sino namang nag sabi na kaibigan ko siya?! Kaaway ko kaya siya. Yes, tama! kaaway!
"Bakit nakasabungot 'yang mukha mo?" Tanong sa akin ni Natasha. Nandito kami sa tambayan namin. Sa garden, at nakaupo sa bench.
Bakit nga ba pala ako nakasimangot? Wala dapat akong ikainis eh. Wala lang naman ang kiss na 'yun, aksidente lang. Pero 'yung lips niya talaga...ang lambot--BALIW, 'yan ang maitatawag ko sa sarili ko ngayon. Bakit ko pa kasi naiisip 'yung kiss na 'yun? Huhu. For sure trip niya lang 'yun, wala lang sakanya saka wala lang din naman sakin 'yun eh.
"Sinong nakasabungot ang mukha? Ikaw ba Sherry? Azumi?" Pagmamaang maangan na sagot ko.
"Wag na magsinungaling. Subukan mo kayang tumingin sa salamin" Sabi naman ni Sherry na kakarating lang at may bitbit na pizza.
"Pizza! Akin na lang 'tong isa ah!" Kinuha ko agad 'yung isang slice ng pizza saka sinubo. Isa talaga 'to sa comfort food ko.
"Don't change the topic. Bakit ka nga nakasimangot?" Nakakainis naman si Azumi! Ako nga hindi ko masagot 'yan eh!
"Wala lang. Nakasagutan ko lang si Stella" Hays, sorry Stella 'yan lang naisip kong dahilan eh.
"Huh?! Ano nanamang ginawa sa 'yo ng demonyitang 'yun?!" Biglang sigaw ni Natasha. Dalawang letra lang ang pwede kong i describe sakanya at 'yun ang OA.
"Natasha calm down, don't mind her"
"Azumi!" Nagulat kami ng may biglang tumawag sa pangalan ni Azumi. "May nagpapabigay sa 'yo oh" Sabi ng kaklase namin sabay abot sakanya ng tatlong roses saka chocolates at may kasama pang love letter.
"Sinong nagpapabigay?" Tanong ni Azumi habang nakakunot ang noo.
"I don't know. Hindi niya sinabi eh, alis na ko" Nagpaalam na siya saka umalis.
"Basahin mo na 'yung love letter!" Sigaw naming tatlo sakanya at binuksan niya na agad 'yung papel.
'Good morning Azumi. Siguro nagtataka ka kung sino ang nag bigay nito sa 'yo. Hindi ko 'to binigay ng personal kasi baka mamatay ka sa kilig haha. I think i don't need a sun now because your smile is enough to lighten my world♥'
-Mr. Handsome
"Wow! May secret admirer pala 'tong si Azumi ah..." Asar sakanya ni Sherry habang kinikiliti siya sa tagiliran.
"Magtigil ka nga Sherry! Pero sino kaya 'to?" Nagtatakang tanong ni Azumi habang bahagyang ipinilig ang ulo at nag isip.
Pero sa love letter palang masasabi mo na hambog ang nag sulat.
"Biruin mo ba naman! Sa ka-amazona mong 'yan may nagkagusto sa 'yo" Tawang tawang sabi ni Azumi. Nakahawak pa siya sa tiyan niya at si Azumi naman mukhang umuusok na ang ilong sa galit.
"Alam mo, kung hindi lang kita kaibigan malamang wala na 'yang buhok mo sa ulo mo" Pagbabanta niya kay Natasha na tinawanan lang namin. Pikon talaga si bruha.
"You know, your secret admirer is so cheesy and full of air. Tara na nga" Aya ko sakanila at pumasok na kami sa first subject namin.
Pagkatapos ng ilang subjects ay nag ring na ang bell. Lunch time na! Gutom ako ngayon kasi hindi ako nag breakfast. No. Hindi ako kakain ng marami, inaasar na kasi ako ni ate na biik kahit hindi naman ako mataba. Hilig lang mang asar eh.
Nandito nanaman 'yung anim at hindi na bago samin na nakikisabay sila sa amin. Hindi na namin sila pinipigilang sumabay sa amin pag lunch kasi bihira na lang magsama sila Natasha at Kiefer. Nakakaawa naman kasi eh.
Tago 'yung relasyon nila kasi ayaw pa ng mga magulang niya at lalo na ng ni Nathan na makipag boyfriend siya. Saka close na kami ng mga kaibigan ni Nathan, kilala ko na ugali nila.
Si Kiefer. Matalino 'yan at sobrang ingat sa grades. Mahilig magbasa ng libro. Para kayang library ang kwarto niyan. Nakapunta na din kasi ako sakanila, kasi itong si Natasha ginagawa akong dahilan kila mama niya at Nathan. Palaging ako naman ang dinadahilan niya para makasama si Kiefer. Saka unlike sa isang nerd, si Kiefer may pagka bookworm but you can't deny
that he's so handsome and at the same time hot.
Si Xander. Maloko 'yan, playboy at bad boy. Hindi katulad ni Kiefer, walang paki 'yan sa grades niya paano ba naman kasi, ang lakas ng connection ng family niya, mayaman kasi sila. Hindi parin niya ko tinitigilan sa mga da moves niya, as in eww! Hindi ko siya type! Hindi naman sa nag iinarte ah, talagang hindi lang ako kinikilig sa mga pakindat kindat niya.
Kasi mas kinikilig ka kay Nathan.
Kung sino ka mang nasa utak ko na nagsasalita, please tumigil ka na!
Si Drake. Siya ang pinaka bad boy, maloko at pinaka playboy, bale siya ang champion at first place si Xander. Matalino din naman siya sa kabila ng ugali niya. Mayaman din at siya ang mortal enemy ni Azumi.
Si Kurt. 'Yan naman, mahilig mag joke, siya ang pinaka joker sa kanilang pito at tinutuloy niya parin ang mga joke niya kahit nakakainis na at 'di na nakakatawa. Maingat na maingat siya sa mukha niya, ayaw na ayaw niyang nagkakasugat dahil ang mukha niya daw ang kayamanan niya.
Si Javis. Sobrang charming niya. Malakas ang appeal. Kapag nakita mo na ang ngiti niya mababaliw ka na lang pero base lang sa nakikita ko sa mga babae, para kasi silang nababaliw kapag nakikita na nila si Javis na nakangiti. Magaling din siyang sumayaw at hustisya! Makita lang siya ng mga babae na umiinom mukhang tulo laway na sila. Sa kanilang pito, siya at si Kiefer ang hindi playboy. Pag dating sa advice, siya ang magaling.
Si Vincent. Ano bang masasabi ko sakanya? Palatawa siya. Masayahin. Siyempre hindi mawawala sa characteristics niya ang gwapo at hot. Lahat naman kasi sila eh.
And the last, Nathan. Mahilig parin siyang mang asar, malakas ang confidence sa sarili. Wala ata akong masasabing maganda sakanya pwera na lang sa, magaling siya kumanta, magaling siya mag gitara, matalino, gwapo at the same time hot. Teka...parang marami na akong nasabi tungkol sakanya ah.
"Tara na. Kain na tayo, I'm so hungry" Sabi ni Drake at nag pout pa siya. Eww! Di niya bagay.
"Hoy Jejemon! Wag ka ngang mag pout! Kadiri ka, nakakasuka!" Uh-oh, mukhang may war nanaman na mangyayari between Azumi and Drake.
"Hoy Amazona! Para ngang nawalan na ako ng gana eh. Nakita ko kasi mukha mo!"
"Edi wag kang kumain!"
Hays, mukhang habang buhay na silang ganyan. Hindi na lang namin sila pinansin.
"Yah you two! Stop bickering! Tara na nga Natasha" Awat ni Kiefer kila Azumi at Drake sabay hawak sa kamay ni Natasha at nauna na silang lumabas.
"Sus. Gusto lang ng ka holding hands ni Kiefer eh" Naiiling na sabi ni Sherry.
"Yiee inggit si Sherry. Holding hands din kayo Kurt oh" Asar sakanya ni Vincent. Pero, bakit mukhang namumula si Kurt? Pinigilan ko na si Sherry bago pa siya magsalita.
"Hep! Tara na nga, gutom na ako" Sabi ko at hinila ko na sila ni Azumi saka sumunod sa amin 'yung lima.
"Pero alam mo Jasmin, busog na ako. Nakita na kasi kita eh" Sabi ni Xander kaya napalingon ako sakanya at kinindatan niya ako. I hate his lame pick up lines! Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin ako kay Javis.
Tatanungin ko ba si Nathan sakanya? Kasi nauna na siyang lumabas sa amin at hindi pa ako kinibo buong class hours. Wag na, baka ano pa isipin nila.
"Javis, nasaan si Nathan?" Takte! 'Yung bibig ko talaga pasaway!
"Kakain daw siya mag isa. Ayaw niya daw ma sungitan"
"Nino?" Tanong ko sakanya pero nagkibit balikat lang siya.
Ako ba 'yun? Dahil ba sa sumimangot ako kahapon at umalis ng walang paalam? Ano ba kasing problema ko? Tss. Aalisin ko na lang sa utak ko 'yung nangyari kahapon sa music room.
Pipila na sana kami para bumili ng makakain kaso, napahinto kami ng makita namin si Nathan na kumakain...kasama si Avon at nakikipagtawanan pa.
Akala ko ba kakain siya mag isa.
Jasmin, calm your self. Ano ba kasi 'tong nararamdaman ko? Parang naiinis ako na ewan. Jasmin! Gumalaw ka sa kinatatayuan mo!
~Nathan's POV~
Pagkapasok ko palang ay sinalubong na ako nung anim at mga umuusok pa ang ilong sa galit. Ano bang ginawa ko?
"Hoy Nathan! Alam mo bang matagal kaming naghintay sa 'yo sa bar kahapon?!" Sigaw sa akin ni Kurt. Lalagyan ko na ng masking tape ang bunganga ng lokong 'to eh.
"Oo nga! Sabi mo pupunta ka ng 5:00 dun!" Sigaw din ni Drake. Huh? Wala akong maalala.
"Saglit nga lang! Nabibingi na ko sa boses niyo ah! Saka wala akong maalala na pupunta tayo sa bar kahapon" Pagpapaliwanag ko. Wala naman talaga kasi akong maalala na pupunta kami sa bar eh.
"Anong wala? Tignan mo kaya 'yang cellphone mo para makita mo 'yung text namin" Sabi naman ni Xander na agad kong ginawa.
'Pre, sunod ka na dito mamayang 5:00'
'Asan ka na ba?!'
'Ang tagal mo, ang dami ng chicks dito oh'
'Bubugbugin ka talaga namin pag di ka pumunta!'
Naku! Ang dami na pala nilang text 'di ko man lang napansin kahit nung kakauwi ko, paano ba naman kasi hindi parin maalis sa utak ko 'yung nangyari kagabi.
"Hays, sorry. Hindi ko napansin na nagtext kayo"
"Asan ka ba kasi kahapon?" Tanong naman ni Vincent.
"Uh...nagpractice kami kasi ni Jasmin ng ipeperform naming kanta sa lunes"
"Ahh. Okay. Sabay tayo kila Jasmin mamayang lunch ah" Naku. Not now Javis, awkward lang ang mangyayari kasi naman anong pumasok sa utak ko at hinalikan ko si Jasmin? Abnormal talaga ako.
"Hindi muna ako makikisabay sainyo, baka magalit lang sa akin si Jasmin"
"Huh? Bakit naman?"
Hinila ko sila at pinaupo muna sa isang student lounge dahil alam ko na ang magiging reaksyon ng mga 'to.
"Kasi...hinalikan...ko siya kahapon"
"What?!!" Aray ah! sakit sa tenga. Sabay ba naman silang sumigaw.
"Anong pumasok sa isip mo at hinalikan mo ang babe ko?!" Sigaw nanaman sa akin ni Xander. Uupakan ko na talaga 'tong lalaking 'to eh. Tawagin ba namang babe si Jasmin!
"Hindi ko din alam. Saka hoy gunggong! Maka babe ka naman kay Jasmin akala mo kayo na!" Singhal ko sakanya at tinawanan niya lang.
"Hoy Kiefer. Natuloy pa ba kayo kahapon?" Si Kiefer na lang tinanong ko, wala namang kwenta kausap si Xander.
"Oo. Ayoko ngang sumama sa mga 'yan eh, namilit lang, lalo na 'yang sila Vincent. May mga chicks daw kasi" Walang ganang sagot niya. Naku, mga chicks talaga nasa utak ng mga 'to.
"Sige, pasok na ko"
Pagpasok ko sa room, napatingin ako kay Jasmin na nagbabasa ng libro at napatingin din siya sakin kaya lang bigla lang niyang iniwas ang tingin niya. Siguro naiinis siya sa ginawa ko kahapon. Hindi ko alam kung bakit, pero 'di ko pinagsisihan ang ginawa ko kahapon. 'Yung lips niya kasi, nakakaakit. Wait kung ano ano ng sinasabi ko, for the second time na sasabihin ko sa sarili ko, Abnormal talaga ako.
Hindi ko na lang siya kinibo buong class hours kasi baka mamaya masampal pa niya ako, saka nakakahiya na din.
Tumunog na 'yung bell, lunch time na kaya lang sayang 'di ako makakasabay sakanila.
Lumabas na ako agad at pumunta sa cafeteria para kumain ng mag isa at habang kumakain ako ay may lumitaw na babae sa harap ko at sa tingin ko siya 'yung kapatid ni Ian. Si Avon.
"Hi Nathan, pwedeng makiupo?" Tanong niya habang nakangiti. 'Yung ngiti niya, nakakairita promise, hindi dahil sa hindi siya maganda kaya lang nakakairita talaga at isa pa kapatid siya ni Ian. Sasagot pa lang sana ako ng 'Hindi pwede' kaya lang umupo na siya agad. Tss, ang FC niya.
"Bakit mag isa ka lang?" Tanong niya nanaman. Parang nawawalan na ako tuloy ng gana.
"Kasi wala akong kasama?" Pasarkastikong sagot ko. Halata naman kasi ang sagot sa tanong niya.
"Haha. Nakakatawa ka pala" Luh! Tunawa naman siya. Baliw lang?
"Teka. Parang 'di pa kita nakikita dito, bago ka ba dito?" Binaba niya saglit ang kutsara niya saka nag salita.
"Transfer ako dito. Si mommy kasi, pinauwi ako dito dahil may ipapa meet daw siya sa aking lalaki, nakakainis nga eh nanahimik ako dun sa Canada at ine enjoy ang pagiging Fashion designer tapos pipilitin nila akong umuwi dito sa Pinas. Hindi ko din naman sila ma hindian kasi baka mamaya atakihin sila sa puso" Sagot niya naman. Wow ah, ang haba haba ng sagot niya isa lang naman ang tanong ko. Ang daldal niya pala.
Pero parehas din pala kami. May ipapakilala din kasi sa akin si mom na babae, nakakainis nga eh.
"Haha ang dami mo namang sinagot" Sabi ko sakanya at pineke ko ang tawa ko at ayun tumawa nanaman siya.
Nahinto ako sa pagtawa ng makita ko sila Jasmin kasama sila Natasha at 'yung anim. Nakatingin siya sa direksiyon namin ni Avon. Hala! Baka ma miss understand niya 'yung pakikipag usap ko kay Avon, si Avon lang naman kasi ang nakiupo sa tabi ko at nakipag usap. Teka nga, para namang may paki siya sa akin.
Tumigil sa pagkain si Avon at pumunta kay Jasmin saka siya niyakap.
"Hi Jas"
"Uhmm, hello Avon. Nga pala Avon sila Natasha, Azumi at Sherry best friend ko. Si Avon pala, kapatid ni Ian" Pagpapakilala niya kay Avon sa mga kaibigan ko at kita mo naman 'tong sila Xander at Vincent oh feeling close na kay Avon.
Pumila na sila Jasmin at bumili ng makakain saka sila umupo at nakitabi sa amin.
Habang nagkwekwentuhan sila ay siniko ako ni Kiefer. Problema nito?
"Bakit?"
"Parang ang tahimik mo ah. Tinalo mo ko ngayon ah. Sige ikaw na ang 'The most behave' ,dahil ba kay Jasmin?" Makikita mo sa bibig niya ang ngiting mapang asar. Pag si Kiefer talaga ang nang asar ma bwibwisit ka na, palibhasa minsan lang mag salita eh.
"Anak ng--tumahimik ka na nga diyan!" Naiinis kong sigaw sakanya pero siyempre pabulong lang.
"Oh, so Fashion designer ka pala sa Canada. Ang galing mo naman" Nakangiting wika ni Sherry.
"Haha, thanks"
"Siguro maraming nagkakagusto sa 'yo, ang ganda mo kasi eh" Tsk,tsk,tsk. Umaariba nanaman si Drake oh.
"Hoy! Wag mo nga siyang pasikatan ng mga da moves mo!" Sigaw sakanya ni Azumi.
"Sus. Nagseselos ka lang eh"
"Selos your face!"
Bangayan nanaman.
Bakit kaya ang tahimik lang ni Jasmin? Halos hindi siya nagsasalita at kapag nagtatagpo 'yung mata namin ay agad niyang iniiwas, hindi ako sanay na nagkakailangan kami. Aha! Alam ko na, kakausapin ko siya mamaya. Miss ko na din asaran namin nun eh.
Pagkatapos kumain ay pumunta na din kami sa kanya kanya naming room.
Sa wakas natapos na din lahat ng afternoon subjects namin.
Pagkapunta ko sa parking lot ay agad kong nakita si Jasmin kasama si Avon. Mukhang may pupuntahan sila, siguro sa café 'yun na nasabi ni Avon kahapon.
Tumakbo agad ako sakanila at tinawag si Jasmin.
"Min Min!" Nagulat ata siya nung tinawag ko siya, pati rin si Avon.
"Bakit?"
"Can I talk to you?"
"Uh...saglit lang Avon ah" Nagpaalam siya at lumayo muna kami dun saka kami nag usap.
"Anong sasabihin mo?"
" 'Yung...'yung" Takte! Hindi ko matuloy "Yung kahapon, tungkol sa kiss, sorry ah, I didn't mean to do that" Hays, salamat nasabi ko din.
"Haha, okay lang 'yun. And sorry about my attitude yesterday, alam mo na, 'yung masungit" Nakangiti niyang sagot din sakin. Sa wakas! Nakita ko na din 'yung ngiti niya!
"Ayos lang 'yun. Siguro kanina nagselos ka nung kasama kong kumain si Avon noh..." Pagkasabi ko nun ay namula siya at parang nahiya, wahaha so cute.
"Huh?! Pinagsasabi mo? In your dreams"
"Weh, baka ikaw ako ang napapanaginipan mo"
"Oo napapanaginipan kita" Natigilan ako ng sinabi niya 'yun. Bakit parang ang init ng mukha ko?
"Kaya lang bangungot ang turing ko dun eh!" Sabi niya sabay tawa. Kainis din 'tong babae na 'to ah. Paasa, joke.
"Ewan sa 'yo! Tara na nga, naghihintay na sa 'yo si Avon"
Pagkapunta namin sa parking lot ay sumakay na ko sa kotse ko at nag drive pauwi.
Ayan, ayos na kami.
~Avon's POV~
Ang saya din palang kasama ni Jasmin. Saka sa wakas may bago na kong friends kahit kakadating ko lang dito sa Pilipinas.
Pagkauwi ko ay nakita ko agad si kuya na nanonood ng basketball sa sala at umiinom ng juice.
Sasabihin ko ba o hindi? Sasabihin ko ba o hindi?! Sasabihin ko ba o hindi?
Hays bahala na nga.
"Hoy kuya!"
"Ahy pating! Nanggugulat ka naman, bakit?"
Heto na sasabihin ko na.
"Pwede mo ba akong ilakad kay Nathan?" Mabilis na tanong ko sakanya at naibuga niya naman 'yung iniinom niyang juice. Lintik naman oh, buti malayo ako sakanya.
"Bakit naman?!" Gulat na gulat na tanong niya. Oa talaga.
"I think...na love at first sight ako sakanya"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top