Chapter 45 : Love is Absolute
***
Napalunok si Grey matapos ang deklarasyon. He was sorry for Hans but there's no escaping the truth. Sa pagitan nilang dalawa, siya ang may malakas na binhing maibibigay kay Tonya. Mabibigyan niya ng anak ang babae sa natural na prosesong gusto nito.
Nakabuka halos ang bibig ni Tonya sa narinig. Nang kagatin nito ang labi habang nakatingin sa kanya ay unti-unting napuno ng luha ang mga mata nito. Lalapitan niya sana, kaso may kontrabida.
"Hey!" Humarang si Hans sa kanila. "Nanggugulo ka! 'Wag mong guluhin ang isip ni Tonya!"
"Back off!" matigas na sabi niya sa lalaki.
Nagsukatan sila ng tingin. Hindi nalalayo sa tangkad niya ang lalaki. Wala rin silang pagkakapareho sa features. At kumpara sa kanya ay moreno ito. Ang tanging parehas sila ay bulto ng katawan. Malaki rin ito. At kung kasama ito ni Tonya sa iisang apartment sa loob ng tatlong taon...
'What the fuck! Nakipagkagatan si Tonya sa lalaking ito? For three fucking years?'
Gusto niyang lumpuhin si Hans!
Sa kabilang banda, naiintindihan na niya ngayon kung gaano kasakit ang maaaring naramdaman ni Tonya noon dahil kay Noreen. Comparison is inevitable when facing a rival. Lagi iyong may kabuntot na insecurity.
"Sa akin siya dapat na magpakasal! Masyado siyang masasaktan sa'yo!" sabi ni Hans. "Ni hindi mo nga siya magawang maprotektahan nang tama! And now you're here like a damn king trying to get in the way!"
Tumama ang lahat ng ibinato nito sa kanya. Pero wala siyang pakialam kahit na totoo pa ang sinasabi nito. He's a work-in-progress. He's willing to learn. Kaya siya umuwi mula Berlin kahit na importante ang festival sa kanya ay dahil sa mismong sinabi nito—dahil gusto niyang protektahan nang tama si Tonya.
"You're the one who gets in the way," buwelta niya. "You left her. You broke her. You made her believe she's not enough to be your wife. Wala kang karapatang balikan siya kung kailan mo lang gusto. She's for me to love!"
"No!" giit ng lalaki. "I've been with her for a long time. I know what she needs. I know how to make her happy. Hindi mo siya kilala!"
"I have a lifetime to learn everything about her. That's not your God-forsaken business!" angil niya.
Nagsukatan pa sila ng tingin bago siya bumaling kay Tonya. Hinawakan niya ang kamay nito. "Come with me. Let's go."
"No, love..." pigil ni Hans at hinawakan ang kabilang kamay ng babae. "Stay with me."
"Slowpoke..." nakikiusap ang matang sabi niya rito. "Be with me."
Nagpapalit-palit ng tingin sa kanilang dalawa ang babae.
"He's just an ex. I traveled all the way from Berlin just to be with you," sabi niya rito. "Just for you, slowpoke..."
"Love," sabi ni Hans, "masasaktan ka sa kanya. Choose me."
Ilang sandaling tumingin si Tonya kay Hans. At nang tumingin sa kanya, "I love you." Huminga siya ng malalim. "I love you."
Lumunok si Tonya at binawi ang kamay sa kanilang dalawa. Kagat-kagat nito ang labi habang nag-iisip.
And damn, he wanted to bite what she's biting! Ang una niyang plano pagdating ay halikan ito. Napurnada lang dahil may proposal pala siyang dapat na pigilan.
Napapalunok siya sa pagpipigil.
"Sandali," sabi ni Tonya. Lumingon ito kay Rizal. Tapos sa kanya. "Si Noreen, paano?"
"Hindi totoo 'yong balita tungkol sa kasal. She's engaged with someone else."
Kumurap ito at nangunot ang noo. "Ibig sabihin... bruha lang ang Mama mo?"
"Yeah. I'm sorry about that."
Kunot pa rin ang noo nito. Ngumisi naman siya. At nakita niya ang gusto niyang makita nang masuyo itong umirap.
Pinigilan niya muna ang sariling mag-celebrate.
Humarap si Tonya kay Hans.
"Hans..." sabi nito at hinawakan ang kamay ng lalaki.
Nagtiis siya sa nakikita at pinigilang kumilos nang masama.
"Sorry. Kasi si Grey eh..." Nilingon siya ni Tonya bago hininaan ang boses na parang ayaw iparinig sa kanya ang sasabihin nito sa lalaki. Pero malaki ang tainga niyang sumagap ng boses nito kaya narinig niya pa rin, "Mahal ko talaga siya, eh."
"Tonya..."
"Hindi naman na 'ko galit sa 'yo kahit na masakit 'yong ginawa mo. Naisip ko naman na para rin 'yon sa 'kin. At gets ko na gusto mo 'kong maging masaya. Pero kasi no'ng nawala ka, nakilala ko si Grey. No'ng una naglaway lang ako sa kanya. Pero ngayon, mahal ko talaga siya kahit masakit at magulo at complicated. At kahit mas mabilis ang logic niya sa akin. Alam mo 'yon?"
Nanalas ang mata ni Hans sa kanya. Masama rin ang ibinalik niyang tingin.
"Are you really sure about this?" anito.
Tumango si Tonya. "Oo. Kaya sorry."
Niyakap ni Hans ang babae bago bumaling sa kanya. "What do you plan to do once the gossips started up again?"
"I know what to do now. I have a plan," maanghang na sagot niya.
Huminga nang malalim ang lalaki. Nagtiim ang panga na parang pinagpapasensiyahan siya. Pero lumambot ang ekspresyon nito nang tumingin kay Tonya. Ngumiti.
"I'm really sorry about what I did. And," lumunok ito at pinigilan ang namumuong luha, "please, be happy. If he got it wrong with you, you can always come to me."
Nanggigil siya sa narinig. Ano'ng sinasabi nitong 'got it wrong'? Wala itong ideya. Akala ba nito ay makakawala pa si Tonya sa kanya?
"Salamat, Hans," sabi ni Tonya at niyakap uli ang lalaki. Nakasimangot ito sa tampo nang bumaling sa kanya, "Ano ngayon?"
Hinawakan niya ang kamay ng babae at nagbuntonghininga. Nang magdikit ang balat nila, doon lang siya napanatag.
"Now, we run together," sabi niya rito.
Matipid itong ngumiti. Ngumisi naman siya.
***
"Grey... bitiwan mo muna 'yong kamay ko," untag ni Tonya kay Grey habang nakasakay sila sa taxi.
"No. Baka makawala ka pa, eh."
Umirap si Tonya rito. Namumula. "Saan naman ako pupunta kung tatakas ako?"
Pagalit na sumulyap si Grey sa kanya. Humigpit ang hawak sa kamay niya.
"I'm still angry about all this!" anito na hindi tumitingin. "I proposed to you before I leave and you didn't accept me. When that guy came back, you planned to say yes to him?"
Napanganga siya. Aba! Galit din siya, 'no! Akala yata ng lalaking ito, sapat na ang apology nito kanina!
Nagusot ang mukha niya.
"Kasalanan 'yon ng Mama mo! Ang sabi niya kasi, 'pag nalaman mo 'yong ginawa ni Noreen para sa 'yo noon, babalikan mo si Noreen. Nakipagpustahan pa siya. Kapag daw nagpunta ka ng Berlin at nakasama si Noreen pero bumalik ka pa rin sa 'kin, tatanggapin niya na raw ako. Kaya no'ng nakita ko 'yong balita..." humina ang boses niya at unti-unting sumakit ang dibdib, "tapos sabi niya sa TV panalo siya sa pustahan, akala ko talaga..."
"Damn!" Inis na nagbuga ng hangin si Grey at tumingin sa kanya. "Didn't I tell you not to believe anyone? You promised to trust me!"
"Eh ni hindi ka tumatawag, eh! Kahit text wala!" Nagsimulang tumulo ang luha niya sa sakit at inis na na-pending. "Kahit nasa internet 'yong balita at puwede mong makita, hindi ka tumawag! Ano'ng iisipin ko no'n?"
Hinatak siya ni Grey pasubsob sa katawan nito at mahigpit na niyakap. Walang pakialam sa pakikiusyoso ng matandang lalaking driver ng taxi.
"I'm sorry. A lot of things happened to me in Berlin—painful things. But I sorted it out with Noreen. Mula nang araw na umalis ako hanggang mabaliw ako sa paghahabol, ikaw lang. Ikaw lang ang gusto kong pakasalan," sabi nitong hinahaplos ang buhok niya.
Tiningala niya ito. Pinahid naman nito ang luha niya.
"Hindi mo pinili si Noreen kahit na nalaman mo 'yong ginawa niya para sa 'yo?"
"How could I? I'm already yours, slowpoke. Nothing else matters to me. Not the could have been or might have been between me and her. I'm not looking at the past anymore. I wanted a future with you."
Masarap sa pandinig ang mga sinabi nito pero nag-aalala pa rin siya.
"Paano 'yong Berlin mo?"
"Berlin happens every year. I have a fair chance with that. Pero sa 'yo?" Pumalatak ito. "Look at what happened? Nawala lang ako nang ilang araw pero muntik ka nang maikasal sa iba. Damn it! Nakakaasar!"
Umirap siya rito.
"With you, I can't wait. I won't wait," dugtong pa nito.
"Pero paano si Noreen? Kawawa naman siya kapag nalaman ng mga tao na mali 'yong balita tungkol sa inyo. Tapos magagalit na naman ang mga tao sa 'kin."
"You don't have to care about other people anymore. I got you."
"Paano?"
"You'll see," anito at makulit na ngumiti.
Makalipas ang ilang minuto ay bumaba sila sa isang malaking bahay na malapit sa Supreme court.
"Kaninong bahay to, Grey?" usisa niya.
"Kay Tito Sito."
Napatakip siya sa bibig. "Kay Tito Sotto? 'Yong senador?"
Malakas na tumawa ang binata. Pinisil pa siya sa ilong.
"No. May Uncle Sito," may diin sa salita na sabi nito. "He's a judge."
"Judge? Bakit? Isusuplong natin 'yong mga bashers?" tanong niya habang nagdo-doorbell si Grey.
"More important than that. We'll change your name."
Bakit naman nila gagawin 'yon? Maganda naman ang pangalan niya! Pero nang mapakurap siya ay nakuha niya ang sinasabi nito.
"You mean—"
"You will marry me, Tonica. Don't you dare say no."
Ngumiti siya rito. Bumungisngis. "Paano 'pag ayoko?"
"I will imprison you in a room somewhere and seduce you until you give in."
"Magiging gigolo ka?"
Ngumisi ito. "For you? Hell, yes."
***
Wala pang five minutes ay pumirma sina Grey at Tonya sa kontrata ng kasal sa tulong ng tiyuhin na si Sito Montero. Nanghiram si Grey ng tablet sa pinsan daw nitong si Pierce at kumuha ng larawan. Nanghiram din ito ng kotse.
"Saan pa tayo pupunta?" tanong niya sa lalaki nang nasa kotse na sila. Nag-aalala siya dahil hindi na ito tumitigil sa paghihilot ng sentido. Bumabagsak din ang mata nito sa pagod.
"Just wait a little," simpleng sabi nito at ngumiti.
"Pagod ka na, eh," giit niya. "Umuwi na lang tayo para makapagpahinga ka na."
"We're still not done for the night."
Ilang minuto ay nag-park sila sa tapat ng isang hotel. May nag-ingay na cellphone. Sinagot ni Grey. Nagulat pa si Tonya nang makilala ang cellphone na pagmamay-ari ng ina.
"Hey, Evan!" bati nito.
Nakamata lang siya habang nakikipag-usap ito.
"What?" seryoso ang mukha ng lalaki. Walang kangiti-ngiti. "Yeah. I just parked the car."
Nagusot ang mukha nito. Sumilip sa labas ng kotse na parang nag-aabang.
"Thanks, man. I owe you."
Ibinaba nito ang cellphone at pagkatapos ay hinawakan ang kamay niya.
"Come quickly, slowpoke. We have to hurry."
"Ha? Bakit? Ano'ng nangyayari?"
Ngiti lang ang sagot nito bago siya mabilis na hinila palabas ng kotse.
Nagmamadali man, pagbaba ay kumuha pa sila ng larawan sa harap ng hotel gamit ang tablet.
"Para saan 'yan?" tanong niya.
"Later, slowpoke," anitong itinago ang tab sa bitbit na jacket. "We have to hurry inside."
Kumuha sila ng susi sa front desk ng hotel. At papaakyat na sila nang marinig ang ilang sasakyang sabay-sabay na nag-park. Umangil si Grey. Lumingon siya sa entrance pero wala namang nakita. Hinila siya nito hanggang makapasok sa isang silid.
Nag-lock ito ng pinto.
"Ano'ng nangyayari, Grey?" usisa niya. Sino ba ang tinatakbuhan o pinagtataguan nila? May kalaban ba? " 'Oy!"
Huminga nang malalim ang lalaki at hinila siya para yakapin. Bumangga siya sa dibdib nito. Matagal sila sa ganoong posisyon bago ito marahang nagbuga ng hangin.
Nang ihiwalay nito ang sarili sa kanya at pinakatitigan siya, "Evan reserved this room for us. He's the one who called. Ang sabi niya, papunta rito ang Mama ko at ang press. They will try to meddle again. I'm sorry."
"Ah..." May kalaban pala talaga. "Makikialam pa rin sila? Kahit na pumirma na tayo ng marriage contract?"
Malungkot at mapungay na ang mga mata ni Grey. Bakas doon ang pagod na iniinda nito. "We have yet to submit proper requirements so it could still be nulled."
Napalunok siya sa narinig. Puwede pa palang bawiin 'yon. Akala niya, asawa na niya talaga ang lalaki.
"But tonight, I will try to stop all the meddling once and for all so that no one and nothing can come between us," seryosong sabi nito. "I'm afraid, it might still not work but it's worth a try."
"Paano?" tanong niya.
Pinanood niya si Grey nang kunin nito sa bitbit na jacket ang tab na hiniram sa pinsan at buksan ang social media accounts nito. In-upload nito ang picture nang pumirma sila ng kontrata at maging ang litrato nila sa harap ng hotel. Nag-type ito: I love Tonica Grace Atienza–Montero. Deal with it.
Napaawang ang labi niya nang ma-post ang larawan nila at ang status.
"That's how," panapos na sabi nito bago tumitig.
Napailing siya. Gusto niyang ipinagsusumigawan nito ang pagmamahal para sa kanya, pero hindi niya alam kung paano haharapin ang posibleng kapalit niyon. Masisira ba si Grey dahil sa kanya? Magpapakasira ba ito para lang sa kanya? Iyon ba ang gusto niya?
"Grey... baka mapahamak ka lalo. Babatuhin ka ng mga tao. Sasabihin nilang mali ka at ang desisyon mo. At ang pelikula..." Napupuno siya ng pangamba. Ng takot sa hinaharap dahil sa pagmamahal na mayro'n sila. Hinawakan niya ito sa braso. "Ikakansel nila 'yong pelikula mo!"
"That's okay, slowpoke. Relax. I could resign and let Abo or Boom take all the credit."
"Iniwan mo na nga ang Berlin, eh! Pati ba naman ito?"
Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil. "Love must be absolute. Yes?"
Sabi nga 'yon ng tatay niya pero—
"I can make another film. I can make another opportunity. I can wait for things that have passed me by to come again. But you... You're something I don't have the patience to wait for. I could move on with the regrets of losing anything but you." Lumamlam ang mga mata nito. "Now that the media has seen you, they might throw rocks from time to time. The more I get to do the films I love, the more they might hurt us. But I promise not to stop protecting you from what's difficult. I promise to stand by you. Life with me might be that complicated, slowpoke. But that's the only life I have. And I want to offer that one life to you."
"Baka kasi nabibigla ka lang," may pag-aalalang sabi niya.
Masyadong seryoso ang komplikasyon ng ginagawa nito. Ano lang ba siya? Sino lang ba siya? Sapat ba siya kapalit ng lahat ng bagay na pakakawalan nito?
"Tingnan mo 'kong mabuti. Ito lang ako," sabi ni Tonya sa lalaki. "Ito ang lagi mong makikita sa bawat araw ng buhay mo. Ito lang ang ipinagpalit mo sa lahat ng pangarap mo. Kapag isang araw, naisip mong mali ka, mali ito, o mali tayo, masasaktan ka. Manghihinayang. I don't want you broken."
Umiling ito. May sakit na dumaan sa mga mata.
"Hey... Bakit mo minamaliit ang sarili mo? I hate it when you do that."
"Kasi... "
"Listen to me well." Nakatitig ito sa mga mata niya. "I fell in love with you without minding your size. Why would I care? You are not your fats and not the beauty of your face. Those things will fade through time. Still, when I think about it, I did not fall in love with you because you're too kind or that you're sunshine. Because I'm still smitten with you even when you're angry and when you're crying. Your perfection or imperfection—I don't care about all that. I love you as you are. I love whoever you were in the past. I will love whoever you will become in the future. But for me to love someone like this, it must be you."
Pumatak ang luha niya kasabay ng pagtungo. Natatakot siyang salubungin ang mata nito. Pero sinapo nito ang pisngi niya at itinaas dito ang mukha niya.
"Don't tell me that I am getting this wrong. Don't tell me that you are not enough. Because that's not what I feel. You are everything. It will make me absolutely happy if—even when it's complicated—we will face everything together."
Patuloy sa pagbagsak ang luha niya.
"I love you, Mrs. Montero. Stay with me forever. Yes?" masuyong tanong nito.
Tumango siya at yumakap. Mahigpit. 'Yong yakap na natatakot pero lalaban. Pinili nila ang isa't isa. There is no going back.
"I love you, too," sabi niya rito.
"That's my girl."
"Then, what now? 'Pag umakyat ang Press dito at ang Mama mo, ano'ng gagawin natin?"
Ngumisi ang lalaki at nagsimulang hubarin ang suot na sweatshirt.
"Bakit ka naghuhubad?" sita niya. "Hindi ka puwedeng magpa-interview na walang damit!" Masyado na yata itong wala sa huwisyo dahil sa jetlag.
Makulit ang ngiti ni Grey sa kanya nang malaglag sa sahig ang pang-itaas nito.
"Who told you we will let them interview us?"
"Eh... 'di..." napahakbang siya paatras habang hindi maialis ang mata sa stripshow, "ano'ng ginagawa mo?"
Hinawakan nito ang sinturon ng pantalong suot at sinimulang tanggalin.
"I'm your sperm donor, slowpoke. And we're married."
Napalunok siya. Naliliyo siya sa nababalatang alindog. Umatras siya. Uli.
"Oo nga. Eh ano naman..."
Nalaglag ang pantalon nito sa sahig.
Magno-nosebleed 'ata siya. Matagal-tagal na nang huli niyang nakita ang kabuuan ni Grey. At masyadong maliwanag ang ilaw ng hotel!
"Let me do my job, then," sabi nito.
"Ano?!"
Umurong uli siya. Sinasabi ba nitong donation night na talaga?
"64 kilos pa lang ako! Ang sabi ko, magdo-donate ka kapag payat na 'ko talaga!" awat niya rito.
Nalaglag ang huling saplot sa katawan nito. Tinakluban niya ng palad ang mata pero may siwang.
" 'Wag! Ano ba? Pagod ka pa! May jetlag ka!"
Nakangisi si Grey nang lumakad palapit. Umuurong naman siya hanggang sa bumangga siya sa tagiliran ng kama. Lumiko siya. Umilag sa kama. Pero dumiretso sa tagiliran ng malambot na hihigan ang lalaki at doon nakangiting umupo.
"Yeah. May jetlag ako. Doesn't mean I want you less."
"Hindi..." Napapalunok siya sa nakahaing katawan nito. Lalong nawawalan ng proseso ang mabagal na isip niya. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin!"
"Hey... slowpoke," sabi ni Grey sa masuyong tinig. "I'm without you for days. Don't run."
Huminga siya nang malalim. Umiinit ang silid.
"Grey..."
Inilahad nito ang kamay. Unti-unting pinagniningas ng hindi matanggihang apoy ang mga mata habang nakatingin sa kanya.
"Come here, Mrs. Montero. We have a lot of catching up to do."
Paano niya itong tatanggihan? Tanga lang siya. Gigolo ito.
Lumapit siya at inabot ang kamay nito. Masuyo siya nitong hinatak bago salubungin sa isang halik.
Nang magsimulang mag-ingay ang doorbell sa hotel room nila, wala na silang naririnig.
They were both lost and naked in a world of their own. She took him bravely, fiercely. He took her slowly, possessively, before upping the tempo.
When the door fell into silence, they both sighed in ecstasy.
Sperm donated. #
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top