Chapter 4 : Sperm Donor

***

Nakatitig si Grey sa babaeng nakahawak sa kamay niya, iniisip kung nagbibiro ba ito. But her bright, beautiful smile told him otherwise.

Maliit at mabilog ang babae. Nasa 5'2 lang siguro. Hindi niya matantiya ang edad sa magandang mukha. Pormal at may kuwelyo ang suot na dilaw na blusa. Naka-slacks. Naka-closed shoes. Parang mag-a-apply ng trabaho o magtuturo sa isang private school.

There is something particularly sunshine-like about the girl. Parang laging nakangiti dahil may ikangingiti. Parang dala nito ang sigla at enerhiya ng araw sa mukha nito.

Ms. Sunshine certainly isn't the kind of girl who jokes around about a sperm donor.

Kinalma niya ang sarili bago sumagot, "Sperm donor? You mean for artificial insemmination? Ang alam ko, anonymous ang may-ari ng mga sperm for that procedure."

"Ha?" sandaling nangunot ang noo nito sa pag-iisip. Patuloy ang pagyugyog sa kamay niya sa hindi matapos na handshake. "Naku, hindi para sa artificial insemmination. Natural method ang gusto ko."

The ball was back in his court. Siya naman ang nangunot ang noo sa pag-iisip. Sperm donor in a natural method copulation? Hindi ba't ang ibig sabihin noon ay niyaya siya nitong–

"Natural method? Ang ibig mong sabihin..." alangan si Grey sa kumpirmasyon ng nasa isip niya. There was no way the woman he just met insinuated that she wanted him to have–

"Oo. Sex!" walang prenong anunsyo nito sa opisina ng Dean. Napatingin pa ang babae kay Portia na bahagyang napanganga at sa Dean na malalaglag ang salamin sa mata. "'Di ba 'yon ang natural method?"

Tumango nang sunod-sunod si Portia. Napabaling naman sa saradong bintana ng opisina ang Dean. At napalunok siya nang hindi sinasadya. Hindi niya malaman ang gagawin o sasabihin o isasagot. At hawak-hawak pa rin ng babae ang kamay niya.

"I don't think I understand," seryosong sabi niya. "I don't even know your name for you to..."

"Ay, sorry!" anito. "Ako si Tonya. Tonica Grace Atienza. Nice to meet you, Gregory."

Bumuntonghininga siya bago sumagot uli, "Just call me Grey. Or Direk. And no, I don't mean for you to introduce yourself–"

Pero iba na ang nasa isip ng babae.

"Bakit Grey? Hindi ba dapat Greg ang palayaw mo?"

Patuloy ang pagtaas-baba ng magkahawak na kamay nila ni Tonya. It was a miracle that he wasn't up to get mad over all of this. Must be because of her innocence. Hindi naman mukhang sinasadya ng babae na hindi pa bitiwan ang kamay niya. Or it must be because of her charisma. She had a mysterious power of drawing his attention to her. And Portia's and the Dean's.

"No one calls me Greg until after high school. Now everyone calls me Direk or Grey."

"Pero Gregory ang pangalan mo, 'di ba?" naguguluhan pa ring tanong nito.

"Actually, Ate, Gregorio ang tunay na pangalan ni Kuya," nakangiting singit ni Portia.

"Portia!" saway niya sa kapatid. Muntik na siyang umangil.

Bumelat lang ito. Nakangiti naman si Tonya.

"Eh 'di pwede rin palang Goryo ang palayaw mo?"

Nagsalubong ang kilay niya. He was up to get mad now.

"No way."

"That's nice! Kuya Goryo na ang itatawag ko sa'yo, Kuya!" excited na sabi ni Portia. Bumungisngis ito.

"No," tutol niya sa kapatid.

"Galit ka ba?" nananantiya ang tingin ni Tonya sa kanya. "Cute naman ang Goryo, ah."

Bumuntonghininga siya. "Goryo is not cute. Call me Grey. Or Direk."

"Direk?"

"Direktor ako."

Tumango-tango ito. "Ah, direktor ka pala. Nice. Pero trabaho 'yon, hindi naman pangalan."

Sandali silang nagtitigan. Tumigil na sa paggalaw-galaw ang kamay nila. Pasimple niyang hinugot iyon sa mahigpit na pagkakahawak ng babae. Kinalma niya uli ang sarili. Ngayon lang niya kinailangang ipaliwanag kung ano at paano siya dapat na tawagin ng sinuman.

"Yes. But I like to be called Grey or Direk. So, just choose."

Ngumiti si Tonya at tumango. "Ah! Iyon naman pala. Ikaw ang may gusto. Direk Grey na lang ang itatawag ko sa'yo."

Nakahinga siya nang maluwag.

"Eh 'di ano, Direk, payag ka nang maging sperm donor ko?" anito.

Natigilan na naman sila at nagtitigan. She wasn't really joking about it. Hindi rin naman nagpi-flirt. At hindi rin mukhang nagtatanong para lang ipahiya siya. Kung tutuosin, ito ang dapat mahiya pero silang tatlong nasa silid ang namumula.

"Upo muna tayo?" aniya.

Naupo naman sila sa leather couch na nasa opisina ni Dean Martinez. Mag-isa siya sa solo-seater. Magkatabi sina Tonya at Portia sa three-seater. At si Dean ay nanatili sa mesa nito.

Mas mahaba sa pakiramdam ang katahimikan sa pagitan nila. Nakapako sa kanya ang mata ni Tonya. Maningning. Umaasa.

"Why me?" tanong niya rito. "Wala ka bang boyfriend?"

"Alin ang una kong sasagutin?" excited na tanong ng babae.

"Wala ka bang boyfriend?" usisa niya. Not that he was curious about it pero hindi na siya makahanap ng iba pang paraan para iwasan ang itinatanong nito.

Curious ding naghintay sa sagot ni Tonya sina Portia at Dean.

"Wala na. Mag-iilang linggo na rin."

Napatango-tango ang kapatid niya at ang Dean.

"Bakit, Ate Tonya? Ano'ng nangyari?" si Portia.

"Hindi ko nga rin alam, eh," magaan pa ang tawang sagot nito. "Paggising ko isang araw, nawawala 'yong mga gamit namin sa apartment. Tapos, wala na rin pala si Hans. Dinala niya pala 'yong mga gamit."

"Pinagnakawan ka?" gulat na tanong ng Dean.

"Nag-abiso naman po. Nag-iwan siya ng sulat na kinuha na niya lahat ng appliances."

Kumunot ang noo niya. Kalmado ang babae sa pagkukuwento. Mukhang hindi nito nakikita ang injustice sa nangyari rito.

"Ito nga 'yong sulat." Mula sa dalang itim na shoulder bag ay naghalungkat si Tonya at inilabas ang isang notebook. Sa gitna niyon ay hinugot nito ang isang puting papel.

Kinuha ni Portia ang papel at malakas na binasa, "Tonya, I can't marry a boring and fat girl like you. Goodbye. Have a good life. P.S. I took our money and the appliances. Hans." Nangiwi ang kapatid niya. "Ito na 'yong sulat niya, Ate? After nito hindi na tumawag man lang? O humingi ng tawad?"

"Hindi na, eh. Ilang beses na nga akong nag-pasaload pero hindi ako nire-reply, eh."

Nagkatinginan sila ng Dean. At naalala niya ang sinabi nito sa kanya tungkol sa babaeng kaharap.

"She's a little slow but she's not dumb. She's one of the smartest in my class before. Maparaan siya in bridging her slow catch to whatever she has to do. If you give her a job, I will forget the trouble your sister brought me."

"Talk to her in simple sentences. And talk to her straightforwardly. Walang pala-palabok o paligoy-ligoy. Para mabilis niyang maintindihan. She's not easily offended but she can feel it if she's being treated badly. If you employ her, I want you to treat her nicely, Direk."

Napailing siya. Mukhang totoo nga ang lahat ng sinabi ni Dean Martinez. He thought it was some kind of game, or challenge, or a tall story. Looking at Tonya now, he could see that she's a little too trusting. And simple. And–

"Your ex-boyfriend is a jerk," malinaw na sabi niya sa babae. "He's a liar and a coward. He should have broken-up with you straightforwardly."

Natahimik sila habang nakapako ang mata nito sa kanya.

Malungkot itong ngumiti. Parang may pangingilid ng luha siyang nakita sa mata nito. At bakit ba siya nakiki-opinyon sa buhay nito?

"Tama si Kuya, Ate Tonya! The nerve of a guy like him! Guwapo ba 'to?" mataas ang boses na usisa ni Portia.

"Oo," sagot ni Tonya. Nakangiti na naman ito pero hindi abot sa mga mata.

Natahimik sila. Guwapo raw ang ex nito?

"Guwapo talaga, Ate Tonya?" interesadong ulit ni Portia.

Pati tuloy siya ay nagkakainteres sa sagot. "Oo. Kamukha ni Derek Ramsay."

"Sa mukha?" ang kapatid niya pa rin.

"Pati sa katawan."

Nakanganga ang kapatid niya bago tumili. Malaki naman ang ngiti ni Dean. Proud sa dati nitong estudyante.

"Ilang taon kayong magkasama?" si Portia uli.

"Five years na sana."

Makababasag ng salamin ang kapatid niya sa lakas ng tili nito. Napahampas ito sa throw pillow na nakaayos sa upuan ni Dean.

"Bakit hindi ka nagkaanak sa kanya? You've been together for so long," singit niya.

Namula ang pisngi ni Tonya bago sumagot, "Hindi naman namin madalas ginagawa, eh."

Pumintig ang sakit sa ulo niya dahil sa sagot nito. He should remember that while she's slow, she answers questions straightforwardly. Na siya ang nahihiya kapag sumasagot ito nang sapul sa tinatanong niya.

"I mean–"

"Eh, bakit ka naghahanap ng sperm donor, Ate Tonya?"

Bakit nga ba? Hindi niya namamalayan na lumalalim na ang usyoso nila sa buhay ng babae.

" 'Yon nga. Wala na 'kong boyfriend. At gusto ng Mama ko na magkaanak na 'ko. Araw-araw nga sa'king ipinapaalala. Sa kanya kasi ako nakatira ngayon. Uli. Pinalayas kasi ako sa apartment namin. Tapos, 'ayun nga. Edad may-anak na raw kasi ako. Kaya kahit ako... 'yon na rin ang priority ko."

"Ayaw mong palitan si Derek Ramsay ng bagong boyfriend?" tanong ni Dean na malaki ang ngiti.

"Mahirap humanap ng boyfriend, Dean. Tingnan n'yo naman, ang taba ko. May mga nag-propose ng wedding sa akin pero..."

Kumunot ang noo niya.

"Pero ano?" si Portia.

"Matatanda na silang lahat, eh. Mga 40 at 50 na. Ayoko naman n'yon. Alam ko naman na nagyayaya silang magpakasal sa takot na hindi na sila maikasal kahit na kailan. Hindi naman ako gano'n. Tama na sa akin ang anak na bubuhayin kong mag-isa."

"Or you didn't accept them because you're still in love with Hans," sabi niya rito. "Maybe."

Napatingin sa kanya si Tonya. "Of course. Hindi naman gano'n kadaling lumimot. Minsan, naiiyak pa rin ako kapag naaalala ko siya," malungkot ang naging ngiti nito. "Pero sabi nga sa TV, move on din 'pag may time. May time naman ako."

Napangiti siya sa sinabi nito. She's too honest.

"Then, bakit mo gustong maging sperm donor si Kuya?" si Portia.

Kinunutan niya ng noo ang kapatid. Nailayo na nga ang usapan sa kanya, bumalik na naman.

Napangiti nang malaki ang tinanong. Pagkatapos, binuksan nito ang notebook na nakapatong sa hita at–

"Check kasi siya sa lahat ng gusto ko para sa sperm donor, eh. Ito..." sumulyap pa sa kanya ang babae at sa kapatid niya, "Maganda ka. Guwapo ang kuya mo. Maganda ang lahi."

Wala siyang magawa kundi ang makinig at sanggain ang singkit-matang ngiti ng kapatid at ni Tonya, sa tuwing mapapatingin sa kanya.

"Maganda ang mata: Check. Maganda ang ilong: Check. Kissable lips: Check. Bonus, may cleft chin!" Humagikgik si Tonya. "Matikas tumayo: Check. Malapad ang dibdib: Check. Matambok ang puwit: Check! Bonus uli, parang si Superman!" Lumagapak ang paglalapat ng notebook na isinara nito. "Gets n'yo na?"

Parang sinilihan ang upuan ni Grey. Ngayon lang siya nakarinig ng compliment sa bawat parte ng mukha at katawan niya, nang kaharap siya, at tinititigan na parang auction item. Inuudyukan din siya ng nagtatayuang balahibo para tumakbo.

"Ano, Direk? Since nasagot ko na 'yong dalawang tanong mo, puwede ka bang maging–"

Hindi niya gustong marinig uli ang salita, "I will give you work. Nawalan ka raw ng trabaho sabi ni Dean."

"Oo. Biglang-bigla nga, eh. Blessing ang pagtawag sa akin ni Dean," tumango-tangong sagot ni Tonya. "At dahil sabi ni Dean, bibigyan niya ako ng trabaho kaya naka-attire ako." Nagkalkal uli ito sa bag at naglabas ng folder. "At may dala na akong resume."

Iniabot nito sa kanya ang resume. Atubili naman siya nang tanggapin iyon.

"So, ano, Direk? Puwede ka bang maging–"

Napigil ng matalas na pagbato niya ng tingin ang pagsasalita nito. Pero sasandali lang. Dahan-dahan nitong itinuloy ang karugtong. She syllabicated the words slowly as if being very careful with how to say it.

"–sperm donor?"

Good grief. Mukhang hindi matatapos ang pagtatanong nito maliban kung sasagot siya. Hindi naman siya agad na makatanggi sa puno ng pag-asa at kumukutitap na mata ng babae. Bagong break lang ito. Malamang ay umiyak ng balde-baldeng luha kahit na hindi halata. And who knows? Kung tatanggi siya ngayon, if she started working with him, she might ask any beautiful male or actors to be her sperm donor. Magkakagulo.

"Pumayag ka na, kuya!" udyok ni Portia. "It's not a bad idea."

Masama ang tingin niya sa kapatid.

"Think about it, Direk," bulong din ni Dean.

Why is everyone on Tonya's side?

"I'll think about it," halos hindi lumabas sa bibig niya ang sagot.

Malapad ang ngiti ni Tonya. Pinigilan naman ni Grey ang mahawa sa liwanag ng enthusiasm nito.

"That's great! 'Wag kang mag-alala, Direk. It's not anytime soon! Magpapa-sexy pa ako. Para naman hindi malugi ang kaguwapuhan mo sa akin."

Nauna nang sumagot ang katawan niya rito–nagsisimula nang pumintig ang migraine niya.

"A year from now, I will be sexy. And then, you will say yes," dagdag nito.

Napahilot siya sa sentido. They were supposed to talk about work; about the movie he is directing. He was supposed to take charge of the conversation. But the girl has a drift everyone just go along with. She should be annoying but he wasn't annoyed with her. Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi niya nagawang mag-init ang ulo at ma-offend sa kausap.

That's a miracle. Like the sperm donation that she's talking about. #

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top