Chapter 36 : To guard something precious
***
"Cut! Good take!" sigaw ni Grey sa set. "Prepare for the next scene! Double-time, team!"
Mabilis ang kilos ng crew sa hotel sa Baguio kung saan sila nagso-shoot. Bumalik ang mga artista sa retouch kasabay ng kilos ng lightsmen at movers para lumipat sa kasunod na lokasyon sa hotel. Siya naman ay kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalong suot at nag-dial.
Ilang ring ang natapos bago may sumagot sa kanya.
"Hello, Portia! May balita ka na kay Tonya?" usisa niya sa kapatid.
"Kuya!" mataas ang tono ng bunso. "Wala akong balita kay Ate Tonya! Naiinis na ako. Hindi siya nagre-reply sa akin. Pati na kay Dean. Tapos no'ng sinubukan naming dumalaw, ang sabi ng Mommy niya, wala si Ate sa bahay nila."
Mabigat siyang nagbuntonghininga. Mababaliw na siya. Labing-isang araw nang ni hindi man lang niya nakakausap ang babae. Wala itong reply sa mga messages niya. Nagri-ring ang cellphone nito pero walang sumasagot. Nag-aalala siya pero hindi niya mai-check nang personal ang kalagayan nito dahil sa higpit ng schedule ng shooting. At dahil may pinagkakaabalahan din ang mga kaibigan niya, hindi niya maistorbo ang mga ito para magmanman kung nasaan si Tonya.
"Ikaw, Kuya? Okay ka lang ba? Ang sabi nina Kuya Boom, hindi ka nagpapahinga. Tuloy-tuloy kayong nagso-shoot. Kumain ka, Kuya!" may pagalit na sabi nito.
To hell with food. Paano siyang makakakain nang matino kung ganitong ni wala siyang ideya sa nangyayari sa girlfriend niya? Paano siyang magpapahinga kung bawat oras na sasayangin niya ay magpapatagal lang sa pagkikita nila?
Nang makabalik sila mula sa shooting sa Palawan, sa halip na magpahinga tulad ng crew ay tumuloy siya sa Baguio at personal na nag-ayos, nag-scout ng lokasyon, at kumuha ng permits para sa shooting nila. Kahapon, sumunod ang crew sa kanya at nagsimula silang kumuha.
"I'm okay, Portia."
"Isusumbong kita kay Ate Tonya kapag pasaway ka. Kumain ka, Kuya. 'Wag kang sumpungin."
Mahina siyang natawa sa kapatid. "I will. Just call me if you have news."
"Gusto mo, Kuya, mag-stalk ako sa labas ng bahay nina Ate?"
"What? No! You have classes and other activities at school. Stalking at night is dangerous. Just leave it to me. I will find a way."
"Pero Kuya—"
"It's okay, baby. 'Wag makulit. At 'wag kang masyadong mag-alala."
Pero sabi niya lang iyon. Siya itong parang mabibiyak na ang ulo sa pag-iisip ng paraan. Pinutol niya ang connection at nagbuntonghininga.
"Direk..." Alanganin ang ekspresyon ni Boom nang lumapit. Malaki ang eyebags nito sa puyat pero hindi nagrereklamo. "Hindi pa po available for our use 'yong restaurant. Mga one hour pa raw po bago tayo mag-set-up."
"What?!" napataas ang tono na tanong niya.
Lumayo nang kaunti si Boom sa reaksyon niya. "May emergency repair daw po kasi silang ginagawa sa kitchen. Maya-maya pa po tayo puwedeng pumunta ro'n."
Hindi niya isinatinig ang iritasyon. A one-hour delay in set-up could mean a two to three hours delay of the actual shoot. Maghahabol sila ng ilaw at ng oras.
Nanatiling nakatingin sa kanya si Boom. Nagbuntonghininga uli siya para kumalma.
"Just tell the crew that we will have a one-hour break." Nasapo niya ang ulong nananakit. "I know everyone's tired, too."
May simpatya sa mga mata ni Boom. "Okay lang 'yon, Direk. Pumayag kami, 'di ba?"
Ang tinutukoy nito ay ang meeting niya sa buong Production Team nang makarating sila sa Palawan. He asked them—like he never did before—to help him speed up the shoot. Nakiusap siyang higpitan ang schedule. Ibinahagi niya ang planong mayroon siya para mapabilis sila. Ayaw niyang magsayang ng oras. And he reached them. Pumayag ang crew sa gusto niya. Miss na rin daw kasi ng mga ito si Tonya.
He misses her a lot, too.
" 'Yon lang po ba, Direk?" untag ni Boom.
"Yeah," aniya at hinilot-hilot ang sentido.
"Magpahinga ka naman, Direk."
Matipid ang ngiti niya. "That's not an option."
"Sige po, kayo ang bahala," anito bago, "Sasabihan ko lang ang crew, Direk. Para makaidlip sandali 'yong mga napuyat."
Nakatalikod na ito nang maisipan niyang magtanong. "Boom... May balita ka ba kay Tonya?"
Umiling si Boom. "Wala nga, Direk eh. Hindi nagte-text. Hindi rin tumatawag."
"Number ng bestfriend niya, alam mo?"
"Hindi, Direk eh. Sorry."
"Damn," he cursed.
Natahimik sila sandali.
"Don't mind me," aniya. "Make sure we will have enough time to set-up once the restaurant is available."
"Ako'ng bahala, Direk," anito at naglakad palayo.
Kung makakausap niya sana ang best friend ni Tonya, baka may malaman siyang balita. Pero hindi niya alam ang number nito.
Tinawagan niya si Adam. Matagal bago nito nasagot ang telepono.
"What's up, Grey?"
"I know you're busy but I really need a favor."
"What?"
"Stalking."
Mahinang natawa ang kaibigan sa terminong ginamit niya.
"Game."
"Track Mitchell Buenaobra's cell phone number. Korina Atienza's number, too. As well as Beverly, Sharon, and Anelle's."
"Your girl is missing?" si Adam.
"I can't reach her on her phone."
"Leave it to me. But... who's receiving all the gifts and the packages you're sending? Did you check?"
"I did. She's signing everything I'm sending through deliveries. But it's odd that she's not answering my calls. Or text messages."
"Baka walang load?" biro ni Adam.
"I sent her a postpaid mobile phone. She's not using it."
"Odd. But at least you know that she's there."
"That's not good. If you were me, what would you think about that?"
Pumalatak si Adam. "I think she doesn't want me anymore. Did you break up with her?"
"Damn you, man. You don't have to put it with words. We did not break up."
"Easy," natatawang sabi ni Adam sa atat niyang pagsasalita. "I'll track their numbers. Expect results in five hours."
"Five fcking hours?" nag-iinit ang ulong ulit niya.
"Sorry, man. I can't make it any faster."
He hissed. "Okay. Sorry. I'm just—"
"I know. I'll get back to you."
"Thanks," aniya at pinutol ang tawag.
Nasa malalim siyang pag-iisip at pagtitiis sa pumipintig na sakit sa ulo nang lumapit si Shaun.
"You can't reach, Tonya, too?" usisa nito.
Matalim siyang napatingin sa lalaki. "Yeah. Ikaw rin?"
Tumango ito.
Mababaliw na talaga siya! Bakit nananahimik si Tonya? Ano'ng nangyari rito? Kung kaya niya lang lumipad ay nilipad na niya ang babae at—
Napatingin siya nang matagal kay Shaun dahil sa ideyang pumasok sa isip. Naaasar siya kung pati ito ay hihingian niya ng pabor pero kung makikita niya si Tonya dahil dito...
"I hate to do this but," halos ayaw lumabas sa bibig niya ang sasabihin sa karibal, "can I ask you a favor?"
Tumaas ang makapal na kilay nito. Nagusot ang mukha.
"You're asking me for help? Are you fcking nuts?"
"I am. I dare you to celebrate my shame."
Masama ang tinginan nila ni Shaun.
"Can I borrow your chopper?" tanong niya. Alam niyang may alagang helicopter ang lalaki.
"You don't know how to fly," simpleng linya nito.
Blangko ang mukha at malamig ang ekspresyon niya sa pagkakatingin dito. Of course he doesn't know how to fly! Which means—
"You want me to fly it for you?" asar na tanong nito sa kanya. Magkahalo ang asim at disbelief sa mukha.
"Yeah, Mercache. I want you to fly it for me."
Nagsukatan sila ng tingin. He's desperate to ask favor from a rival. But he wants to make sure that Tonya's alright.
"Damn! I don't want to be your fcking cupid!" anito.
"I want to see her. I want to make sure that she's okay."
Shaun hissed. Napailing.
"Fck! I'll call and ask Evan to fly it for you."
Ngumiti siya nang matipid. Nakahinga nang maluwag kahit na nabangasan ang kahihiyan niya.
"Thanks."
"Fck you, Grey."
"Same."
Umiiling-iling ito nang lumayo at tumawag sa cellphone.
***
"What are you doing here, Ma?" usisa ni Grey sa ina nang madatnan ito sa lobby ng hotel na tinutuluyan ng buong crew.
Napatayo ang babae. Taas-noo siyang sinalubong.
"Why? You're not answering my calls. Naturally, I'll look for you just to talk. What's happening to you, Grey? Narinig ko kay Violet na para kang kabayo magtrabaho! Are you even eating?" agad na sita nito sa kanya.
He had a bitchy headache. He needed sleep. His whole body throbbed with pain from stress and fatigue. And he's deprived of Tonya. Hindi niya alam kung paano haharapin ang inang bigla na lang lumitaw para mag-ingay.
Tumuloy siya sa elevator. Aakyat siya sa silid niya para makapagpalit ng damit at tumawag sa mga suppliers ng mga gagamitin sa shooting sa isang linggo. Nakasunod sa kanya ang ina.
"I thought you stopped worrying over that matter a long time ago, Ma," malamig na tugon niya rito habang umaakyat ang elevator.
Napasinghap ang babae sa sinabi niya.
Sa dalawang magulang na mayroon sila ni Portia, parehas silang hindi malapit sa ina. Lumaki sila na lagi itong nasa social functions kaysa nasa bahay. Lumaking nakikita ang pakikipag-away at disgusto nito sa ama. Nang maghiwalay ang mga ito, dahil nasa tamang gulang na siya, nagkanya-kanya sila ng landas. Sa kanya napunta ang pangangalaga ni Portia. Nasa ibang pamilya naman sa ibang bansa ang ama at nagpapadala na lang ng pantustos sa bunso nila. At ang ina nila ay umiikot saanman nito naisin sa mundo.
Sanay na siyang walang magulang.
"Grey!"
Still—
"Sorry, Ma. I'm just tired."
Nakasunod ang ina sa kanya hanggang sa silid. Naupo ito sa sofa na naroon. Dumiretso naman siya sa traveling bag para kumuha ng ipamamalit na damit.
"I came here to tell you that the indie film you and Adam made last year has been chosen for Berlin. Since hindi ka mahagilap ng mga tao at nagre-reject ka ng calls, I came all the way here so you would know."
Natigilan siya. Iisang pelikula lang ang pinagtulungan nilang buuin at tapusin ni Adam. At iisang Berlin lang ang pinagpasahan nila niyon.
"Are you talking about Berlin International Film Festival?" tukoy niya sa prestihiyosong festival.
Tumango ang ina habang nakangiti. "May iba pa ba?"
Hindi siya umimik.
"Are you excited?! That's Berlin, Grey! Your dream!"
"Alam na ba ni Adam?" Wala itong nabanggit nang mag-usap sila.
"I don't know kung nasabi na ni Violet. But aren't you excited? You're going to fly to Germany for a conference!"
"When is that?"
"Next week! They already sent the tickets for you and Adam!"
Natitigilan pa rin siya. He waited for a chance like Berlin but—
"I can't go."
Ang ina naman ang napatunganga sa kanya.
"Why? It is your dream! If you're worried about the shooting, Violet and I talked to Royal. They are pleased with your participation in the festival. Iuurong nila ang production ng pelikula just for you."
Nagpanting ang tainga niya sa narinig. Iuurong?
"I'm working my ass out so we could finish shooting earlier than scheduled. Kaya bakit iuurong? I wanted to finish this film immediately. At hindi ako aalis hangga't nakataya si Tonica sa mga pangit na balita!"
Namula ang mukha ng ina at naikuyom ang kamao nito sa pagkakapatong sa armrest.
"That Tonica girl again! Naloloko ka na ba? Ano ba'ng pinakain sa 'yo ng babaeng 'yon para magkaganyan ka? What happened between you and Noreen? Nagagalit sina Willy at Marian sa ginawa mo! I talked to them on your behalf so you could be forgiven!"
"What happened was between me and Noreen! Nag-usap kami nang maayos. And I can apologize to Tito Willy and Tita Marian personally once my schedule gets lighter. Hindi mo kailangang gawin ang ginawa mo."
Napailing-iling sa kanya ang ina. "I don't understand what you like about that other girl. She's ugly—"
"Stop it. Don't call her names nor insult her," malamig ang tinig na putol niya.
Nagsukatan sila ng tingin.
"I know you like Noreen better, know her better. I understand that. But I love Tonica. With or without Noreen, even with everyone meddling between us, I will love her. I will want her. Deal with it."
Nagtitimping nakatitig sa kanya ang ginang. "You've changed."
"Not really. I just got older, Ma. That is something that, unfortunately, you didn't witness firsthand."
"When will you ever forgive me for the separation?" mababa ang tinig na tanong nito.
"I have forgiven you," napapagod na sabi niya. "I'm sorry if you get me wrong. Or if I'm rude and rough with my words." Nagkibit-balikat siya. "But it's been too long since we last talked, that I forgot how. I'm extremely tired these days, my temper hangs on a cliff, ready to dive. Then you are talking against Tonica without even asking me how I feel about her. That's heartless, Ma."
"I'm sorry, Grey. But... can't you see? She's not suited to be with you!"
Umiling siya. Napapagod siyang kausap ang ina. Na para bang ang oras at distansiya na matagal na natulog sa pagitan nila ay tinabunan na ang ugnayan nilang dalawa.
"I'm the only one who will decide who is suited for me. And that is Tonica."
"I will never like that girl," madiing sabi nito.
Nagbuntonghininga siya.
"Then I would have to get used to that. The important thing is Portia loves her and I love her. That's enough for me," aniya at pumasok sa banyo dala ang pamalit na damit. #
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top