Chapter 32 : The World's a Judge
***
Maghahatinggabi. Ni hindi namalayan ni Tonya na hindi siya nakapaghapunan. Hindi niya naalala ang itinakdang pagpunta ni Grey o ang hindi pagkibo ng Mama niya. Busog na busog kasi siya sa mga nababasa sa internet. Pumatak ang oras nang hindi niya napansin.
Showbiz Bits: The Shaun Mercache dating a cougar?
May picture na kalakip ang news bit tungkol kay Shaun at sa kanya. Kinunan no'ng mukha siyang bangag na bagong panganak habang nag-aalmusal sila ng lalaki. Doon pa rin umiikot ang balita. Na cougar siya at idini-date ni Shaun. Na may nakieksena pang direktor sa kanila.
Pinutakte ng mga taong maraming oras humusga ang comment box.
potatogirl: WHAT?! As in WTF? Si Baby Shaun, maloloko
sa ganyang babae? Kailangan niya ng salamin!!! OMG!!! HELP!!!
AnniPin: Nakaka-P.I. naman! Mas maganda pa nanay ko sa
babaeng yan!!! Shaun!!! Don't be stupid! Akin ka na lang!
MiniMimi: Baka joke lang tong balitang to. You know. Di ba, may
movie sila? Baka publicity? Isa pa, kung maiinlab si Shaun, e di kay
Lauren na lang sana. Bagay sila.
JoSeRica: Ang haba ng buhok ni cougar, ang sarap sabunutan!!!
Hahahaha. Joketime tong news!
KeriBugs: Totoo ba to? Muntanga lang. Hahahahaha. #Imposible
Misha: Gwapo nung direktor!!! Hot! Hot! Hot! Swangit yung girl! >_<
HillaryDope: HAHAHAHAHA! The best joke!!!
@potatogirl, hindi lang salamin ang kailangan ni Baby Shaun! Bulag
na yata siya! Kailangan niyang eye donor!!!
@AnniPin, nanay ko rin! Mas maganda pa nga loa ko!
@AnniPin, *lola
@Misha, yesh!!! Yummy ni Montero!!! *drools*
GhostlyGirl: Wag naman tayong mag judge. Baka naman na
misunderstood lang yung cougar at si Shaun. Baka friendly date lang.
GF niya si Anisse. Parang imposible naman na ganyan lang idate niya.
JellyBugs: Woot! Woot! Magugunaw na ang mundo! HAHAHAHAH
MerryMary: Mabuhay ang Lechon! Cebu Lechon! Bwahahahaha!
potatogirl: @MiniMimi, wrong publicity kung ganun! Hahaha. Nakaka
walang gana manood ng movie nila kung ganito ka pangit ang taste
nilang dalawa! Hahaha!
KrungKrung: Ang sarap ingudngud ni cougar! Highblood! Hahahaha.
Artista talaga ang type? Hindi man lang pumili ng ka level niya?
YumiKorn: @KoalaBear @GemAndI Nabasa niyo na to?
YumiKorn: Hindi nga? Si Shaun at Direk Grey??? WEH??? Hahahaha.
Dumadami ang bulag sa mundo!!! Hahahaha. HAHAHAHA.
BWAHAHAHAHAHAHAHA. :D
AnniPin: @GhostlyGirl, follow this link! This is a follow-up news
regarding Shaun dating a cougar! Binasted daw!!! Taray~ TV7Entertainment.com.ph/newsbites/Iamdumped
ShaunMercachenews16000356545790000&%
@HillaryDope, naka-drugs yata si cougar! Haha. Bilhan nating salamin!
Ilan na kaya anak niyan?
@Krungkrung, KOREK! Grabe!
KoalaBear: Tawa na lang tayo! Hahahaha!!!
GemAndI: Haha! May pag-asa na magkalablayp ang mga OINK-OINK!
HAHAHAHA. XD
openmindedkaba: Gagi. May pag-asa na ko kay Papa Shaun at kay
Montero! Hahahahaha.
Guest: Ang sasama ng ugali nyo. Paano ba kayo pinalaki ng mga magulang
nyo? Ni hindi nyo kilala yung taong pinagpipiyestahan nyo rito! Mga
walang modo!
@potatogirl, magbalat ka ng patatas!
@AnniPin, walang nagtatanong sa itsura ng nanay mo!
@MiniMimi, Pakialamera kang bata ka sa desisyon ng ibang tao.
@JoSeRica, ako ang sasabunot sayo!
@KeriBugs: #MagaralKa
@Misha: Ang panlalait, ineng, ibinabagay sa ganda ng mukha. Muka
kang paa.
@HillaryDope, wag kang nagda-drugs. May tokhang pa rin.
@JellyBugs, Matulog ka na.
@MerryMary, dila mo ang dapat nilelechon.
@KrungKrung, Wala kang karapatang magsabi kung ano o sino ang
ka-level niya.
@YumiKorn, Bruha ka! NINYO, hindi NIYO. Mag-aral ka!
@AnniPin, nakakagigil kang bata ka!
Unahin nyong mag-aral kaysa manlait sa isang taong hindi nyo kilala.
Sinasayang nyo pera ng mga magulang nyo! Bumalik kayo sa GMRC!
Hindi kayo perpekto para manlait! Nakakahighblood kayo!
Reply
HillaryDope: Affected much? Ikaw ba nanay nito ni swangit??? Hahahaha.
Excuse me. I have flat 1 on all my college subjects. And I graduated from
a prestigious school. Why do you have to be so sensitive??? Totoo namang
mataba yung nasa picture. Totoo namang pangit. Totoo namang hindi sila
bagay nung direktor o ni Shaun. Meaning... ambisyosa siya at ilusyonada!
Wag kang bitter!
AnniPin: Anak mo??? Hahahaha.
MiniMimi: Mas bagay kami ni Shaun! >_<
YumiKorn: Hahahaha. May abogado, amf! Prrrttt... Tawag tayo ng pulis!!!
Bwahaha. XD
Potatogirl: Nabalatan na ni Sara lahat ng patatas!!! Hahaha. Isa pa guest
ka lang di ba? Uwi ka na! Hindi ka invited dito!!! Hahahaha. XD
Pinindot ni Tonya ang X na nasa tagiliran ng screen. Nawala ang tab kung nasaan ang balita. Pang-ilang article ba 'yon na nabasa niya? Lahat ng blog posts, may picture siya. Nasa twitter na rin siya at facebook. Nasa instagram. Pati sa mga gag sites. May meme na rin siya. Kinuha ang picture niya no'ng mukha siyang losyang na kasama si Shaun at itinabi sa picture no'ng bagong ayos siya ni Shane. Naka-capslock ang BEFORE at AFTER. Sa paningin niya, maganda siya sa AFTER. Pero ang mga komento, karamihan ay laban sa kanya at sa pakikipagrelasyon alinman kina Shaun at Grey. Wala naman daw siyang masyadong ipinagbago sa mga larawan. Nagsuklay lang siya at bagong shampoo ro'n sa ikalawa. May tulog din daw siguro kaya hindi siya mukhang panda. Ni wala silang alam sa tabang pinaghirapan niyang tunawin sa pagitan ng pagkuha sa dalawang larawang iyon.
Naiintindihan pa rin naman niya. Hindi naman kasi siya photogenic. At 'yong stolen shot na kuha sa kanya ay talagang nakakapangit. Mali ang anggulo. Nakanguso siya. Kita ang pamimintog ng taba sa tagiliran at braso. Sabog pa ang buhaghag na buhok niya.
Naiintindihan niyang pangit siya ro'n. Pero bakit gano'n ang kailangang sabihin ng mga tao sa kanya?
Bansot na mataba. Gasul. Matabang ilusyonada. Litsunin. Swangit. Baboy.
Kaya niya namang i-validate ang mga salitang 'yon. Maliit naman talaga siya na lalong halatado dahil sa tangkad nina Shaun at Grey. Mataba naman talaga siya. Puwede niyang palampasin kahit 'yong mga pinapangit na version ng mga katotohanang mayroon siya. Pero kasi... may 'hahahaha'. Minsan, naka-all caps pa. Kahit na binabasa niya lang, naririnig niyang pinagtatawanan siya. Nanunuot sa kanya ang panlalait at panduduro ng salita. Dumudurog 'yon sa kakaunting kumpiyansa sa sarili na mayroon siya.
Alanganin siyang ngumiti at itinakip ang dalawang palad sa mga mata. Mainit ang luhang bumagsak doon habang nanginginig siya.
Ano ba'ng problema? Kasi 'yon ang hindi niya maintindihan. Kung walang pakialam sina Shaun at Grey sa katabaan at kalosyangan niya, bakit nakikialam ang mga taong nakakikita? Bakit mas marami silang sinasabi? Bakit mas malupit sila?
Sa lahat ng tanong sa buhay niya, 'yon ang hindi niya masagot mula sa pagkabata. Kung bakit ugali ng tao na husgahan ang hindi naman nito kilala. Na magbigay ng pangit na pangalan sa tingin ng mga ito ay maling nakikita. Na magbigay ng sukatan sa kung ano ang bagay, ang maganda, o ang makabuluhan. Na ni hindi inaalam kung ano ang pinagdadaanan ng iba. Na ni hindi isinasaalang-alang ang damdamin ng iba.
Dahil pangit siya, bansot, at mataba, bawal siyang makipagrelasyon sa guwapo. Siya agad ang may kasalanan. Siya agad ang naghahabol. Siya agad ang ilusyonada. Kung nambasted siya, makapal na agad ang mukha niya. Kung susunggaban naman niya, wala siyang kahihiyan.
Pero ano ba kasing tama? Ano ba kasing mali? Ano ba kasing dapat niyang gawin?
Wala naman siyang ginagawang masama. Hindi naman siya nang-aagrabyado. Wala naman siyang ipinapahamak. Nagmamahal lang siya. At kapag minamahal siya, nagpapasalamat. Alam niya kung gaano siya kasuwerte. Kaya bakit kailangang sukatin na 'yong makakapareha niya ay malas?
"You're beautiful. People might tell you otherwise—mean people. But don't believe them. Believe me."
Pinahid niya ang luha sa naalalang sinabi ni Grey.
Si Grey. Hindi niya pa nase-search. Si Shaun pa lang kasi ang na-search niya ay nabulag na siya sa mga komentong nabasa. Kailangan niya ring makita kung ano ang damage niya sa reputasyon ni Grey.
Nag-type siya: Gregory Montero news
Video ang unang iniluwa ng search results. Mukhang press conference.
Pinanood niya.
Nakaupo si Grey sa pahabang mesa kasama ang executive producer na si Violet Ledesma at assistant director na si Boom.
"Hello, Direk Grey. For the first question, we are curious about the rumors regarding the quote-unquote sour working relationship between you and your male lead Shaun Mercache. How true is it?" tanong ng isang lalaking reporter.
Nag-flash ang mga camera habang halos walang emosyon ang mukha ni Grey.
"That's not entirely true. I'm just very strict on set and some might have misunderstood that between me and Shaun. I think that a lot of actors who worked with me before can confirm how strict I can be during film production."
"What about the rumors concerning a girl named Tonica Atienza, na diumano ay assistant mo at nililigawan ni Shaun?" follow-up ng isang babaeng reporter.
"Let's make it clear, Miss. I have assistant directors named Mario Juanero and Bartolomeo Paras. The industry is familiar with them as Abo and Boom. Tonica works for me as a separate assistant. I'm training her to be an A.D. like Abo and Boom. And just last week, Tonica is officially my girlfriend."
"Which means that Shaun..?" dugtong ng babaeng reporter.
"He courted her but he stopped. We talked about it face to face," wala pa ring emosyon si Grey.
Patuloy ang nakasisilaw na flash at pagrolyo ng mga camera. Nagbulungan naman ang mga reporter na naroon bago nag-unahan sa pagtatanong. May ibinulong si Violet kay Grey pero hindi makita sa mukha ng lalaki kung paborable o hindi ang sinabi ng babae.
"This Tonica... there are rumors that she just came out with a relationship with Hansen Santiago, the nephew of Makati Mayor Dominic Santiago," simula ng isang lalaking reporter.
"So?"
"There are also rumors that you bought a wardrobe of designer clothes for her and had her consult with a stylist straight from New York."
Hindi kumikibo si Grey habang patuloy na nagsasalita ang reporter. Bumulong uli si Violet dito.
"How true is it that this girl is a famewhore and a gold digger who only dates wealthy men?" Ngumisi nang nakaloloko ang reporter.
"Who called her that?" madilim ang mukha na tanong ni Grey.
Nagkibit-balikat ang lalaki. Pero sa kilos ng mga reporter na kasama nito sa kuwarto, ang lalaking nagsasalita ang mismong salarin.
"Well?" anito.
"If I wanted to buy her designer clothes, if I wanted to date her, if I wanted her with me, that's none of anyone's business—especially reporters. My private life is mine. Don't mess with it."
"But the girl has a talent in hooking good-looking men, don't you think, director? To think that she looks like a cow and—"
Tumiim ang panga ni Grey kasabay ng pagtayo. Bago pa nakakilos ang lahat, lumipad ang kamao nito sa mukha ng reporter. Dumugo ang labi ng nasuntok na lalaki at nagmura. Agad namang dumalo kay Grey at sa reporter ang security sa conference hall. Lumapit din at pumigil sina Boom at Violet.
"You're going down, too!" sigaw ng reporter habang naiiling at pinapahid ang dugo sa tagiliran ng labi. Napapadyak ito sa inis. "This is the reason why you've been on the bottom of the list even with your talent! You don't have the patience needed to tolerate rumors! You're in showbiz, for Pete's sake!"
"I don't tolerate bullshits!" madiin na sabi ni Grey at pumalag sa mga nakahawak dito.
Lalong nagkagulo ang mga reporters at cameramen. Nakasunod sa bawat kilos ng direktor.
"This conference is over," sabi ni Grey bago bumaling sa iba pang reporter na naroon, "Stop writing shits!"
Binaklas nito ang sarili sa security at umalis sa conference na sinusundan nina Boom at Violet.
Halos nakanganga si Tonya nang matapos ang pinanonood. Ano'ng ginawa ni Grey? Bakit kailangan nitong mapikon nang gano'n? Pinahid niya ang luhang pumatak mula sa mga mata bago bumalik sa pagtutop sa bibig.
Sinipat niya ang wall clock sa sala. 12:25 na. Nakauwi na marahil ang lalaki sa bahay nito.
Mabilis siyang nagpunta sa kuwarto niya, hiniklat ang bag niya, at lumabas ng bahay.
***
Si Grey ang nagbukas ng gate nang mag-doorbell si Tonya. Sandali silang nagkatitigan bago kumunot ang noo ng lalaki at sinapo ang pisngi niya.
"Have you been crying?" tanong nito.
Nanghihinang ngumiti si Tonya. Mabigat at masakit ang dibdib niya. Kahit na masaya siyang makita ito, nahihirapan din siyang huminga dahil sa naaalalang video nito.
"I came to..." Lumunok siya. "Ano... Gusto kitang makita."
Malamlam ang mata ni Grey nang hawakan ang kamay niya at hilahin siya papasok sa bahay. Naupo sila nang magkatabi sa sofa sa living room.
"I'm sorry, hindi ako nakapunta sa inyo." Huminga ito nang malalim. "Maraming nangyari ngayong araw."
"Alam ko naman, Goryo."
"Ikaw? How's your day? Ano'ng sabi ng Mama mo?"
Lumunok siya para pigilan ang bara sa lalamunan na nagpapaiyak sa kanya.
"Nabasa ko 'yong... mga article sa internet. Pati mga tweets at 'yong sa facebook." Pinilit niyang huminga nang maayos. "Pati mga blogs. At mga balita. At mga comments. Pati... mga videos."
Kinagat niya ang labi para pigilan ang nagbabantang luha sa mga mata. Pero nakikita niya sa isipan ang mga pangit na komento ng mga tao. Naririnig niya ang mga lait at insulto. Naririnig ang mga pagtawa.
Kaya tumulo ang luha niya na mabilis niyang tinakpan ng dalawang palad. Marahan siyang hinatak ni Grey palapit sa katawan nito at niyakap. Tahimik siyang umiyak. Malalim naman ang paghinga ng lalaki na parang pagod na pagod ito.
"My silly girl... It's for me to see and hide from you. Hindi mo na dapat binasa."
"Eh.. kasi..."
Hinahaplos nito ang likod niya. Tinatapik. Patuloy naman siyang umiiyak habang nakasubsob dito. Ilang sandaling ganoon lang sila sa malamlam na liwanag ng living room.
"Let me see your face," untag ni Grey.
Umiling siya. Mainit at masakit ang mata niya. Maaaring namamaga. Paano niyang ipakikita 'yon?
"Let me see."
" 'Wag na, Grey. Ayoko."
Hawak sa balikat na inihiwalay siya ni Grey sa katawan nito. Nakatakip pa rin ang palad niya sa mga mata. Dinampian nito ng maliliit at magagaang halik ang likod ng palad niya.
"I want to see," bulong nito.
Suminghot siya at tinanggal ang pagkakatakip ng kamay. Pinag-aralan ng lalaki ang mukha niya at ngumiti.
"Silly girl..." bulong nito. Hawak siya nito sa magkabilang pisngi nang masuyong halikan ang mga mata niya.
Maingat ang kilos nito pero lalo siyang nasasaktan. Mainit ang pagguhit ng luha sa pisngi niya. Kasinglumanay nito ang pumupunit sa dibdib niya.
Bumaba ang halik nito sa kung saan dumaloy ang luha—sa ilalim ng mata niya, cheekbones, sa pisngi, sa tagiliran ng labi, hanggang sa baba niya.
Nang matapos ay nakatitig sa mga mata niya si Grey. Masuyo. May paghingi ng tawad.
On instinct, their lips met for a kiss. Maalat no'ng simula dahil sa luha niya, bago tumamis at uminit.
Niyakap uli siya nito.
"I'm sorry you're hurting, slowpoke. Showbiz is a ridiculous world. But the film I love is tangled with it and there are times I am powerless against its crazy." Naramdaman niya ang tensyon sa katawan nito nang magbuga ng hangin. "I may not know how to protect you properly. Or wisely." Lumunok ito at humigpit ang yakap sa kanya. "But I will... I will protect you with all my might."
Tumango siya. Hindi rin naman niya alam ang gagawin. Lalo na, dahil hindi niya hawak ang isip ng mga taong nakatingin sa kanila at nagsasabing hindi sila bagay.
"Let's go to work together tomorrow. And then, let's meet your mother."
Humiwalay siya sa yakap nito at tumunghay sa mukha nito. Nakangiti ito sa kanya.
"Hindi ba... mas lalong iingay ang mga tao 'pag gano'n?" aniya.
"I don't care about them. So, don't think about them, anymore," sabi nito habang hinahaplos siya sa braso. "Yes?"
Ngumiti siya at hinalikan ito sa labi. #
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top