Chapter 31 : Rumors


***

"Ano 'to?" salubong ni Mama Korina.

Kumurap ang nakatayo pang si Tonya. Wala pang three minutes nang makarating siya sa bahay. Wala pang tatlong segundo nang bumungad sa sala. Ni hindi niya pa nahahabol ang sariling hininga dahil sa nagmamadaling pag-uwi. Pero heto at seryoso na agad ang Mama niya sa pagtatanong habang nakahalukipkip at nakaupo sa sofa. May nakabukang diyaryo sa mesa na malamang na dahilan ng arko ng kilay nito.

Diyaryo. Na naman.

Nagmamadaling naupo si Tonya sa katapat na sofa at binasa ang nakahaing article. Malisyoso. Uli. Sinasabi sa artikulo ang isang posibilidad daw na hindi matapos ang pelikulang isinu-shooting nila dahil sa hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng movie director na si Gregory Montero at ng leading man na si Shaun Mercache. Ang dahilan daw ay isang matabang babae na gumugulo sa working relationship ng dalawa. 'Yong cougar.

Nanlaki ang mata niya nang mapatingin sa stolen shot niyang naroon. Katabi iyon ng stolen shot din ni Direk at isang larawan ni Shaun. Pero colored picture ang sa kanya na malamang na kinunan no'ng bagong ayos siya nina Shane. At ang ganda niya! Kaya bakit cougar pa rin ang tawag sa kanya?

"Ipaliwanag mo sa akin kung sino 'yang Gregory Montero na 'yan," malamig at may himig ng disgusto ang boses ng Mama niya.

Napalunok siya. Hindi ba at nasa article na nga kung sino si Grey? Nalaktawan kaya ng basa ng Mama niya?

"Si Grey po ang direktor no'ng pelikulang sinu-shooting namin, Ma."

"Alam ko."

Nangunot ang noo niya. "O. Alam n'yo naman pala."

"Tapos? Ano pa? Direktor lang?"

"Alam ko, Ma, nag-e-edit din siya minsan ng mga pelikula. Set designer din po minsan."

Hindi natitinag ang seryosong mukha ng Mama niya.

"Ano'ng kinalaman niya sa 'yo? Bakit nadadawit siya sa ligawan n'yo ni Shaun?"

"Ki–kinalaman... sa akin? Ano... kasi, Ma..." hindi madugtungan ni Tonya ang salita. Umiikot kasi sa ulo niya ang mabilis na mga pangyayari sa iilang araw na lumipas. Ang lahat ng landian at kaligayahan na mayroon sila ni Grey habang wala pang clue ang Mama niya. Naiipit siya sa kilig, pag-aalala, at takot na rin.

"Alam kong manliligaw mo si Shaun dahil humarap siya sa 'kin. Kaya hindi ako nagtataka kung nadidikit ang pangalan mo sa kanya. Pero itong direktor na Montero?" malaki ang mata ni Mama Korina sa pagtatanong bago sumulyap sa picture ni Grey. "At ang mukha at katawan! Mahabaging langit!"

Sumulyap din siya sa picture ni Grey. Nakapantalon, hapit na kamiseta, at sumbrero lang ito sa larawan habang supladong nakatingin sa tagiliran. Pero bakas sa kamiseta ang namimintog na braso ng lalaki at halatado ang guhit sa sikmura nito. Langit nga! Alam niya by experience!

Muntik siyang humagikgik. Kaso, naglilitanya ang Mama niya.

"Walang habas at walang prenong lait ang inaabot mo sa pagkaka-link diyan! Pinagpipiyestahan ka ngayon! Papatayin ka sigurado sa susunod na mga araw!"

Translation: O.A. ang Mama niya. Pero may point.

Kailangan niyang subukan na isa-isang sagutin ang mga linya nito at magsabi ng totoo rito. Ang unang step doon ay kung ilalayo niya ang mata sa picture ni Grey. Nadi-distract kasi siya kahit na larawan lang iyon ng kasupladuhan nito.

Lumunok siya para maumpisahan ang dapat na ipagtapat. "Mabuti na rin po na masabi ko na ngayon. Si Shaun po, Ma, ano kasi," humina ang boses niya, "binasted ko na."

Sumilip ang katahimikan kasabay ng pag-awang ng bibig ng ina at paglaglag ng isang roller mula sa buhok nito. Paglipas ng tatlong segundo ay nagdagdag si Tonya.

"At si Direk naman po—ang ibig kong sabihin, si Grey po... ano, Ma... siya 'yong ano... 'yong boyfriend ko ngayon."

Nalaglag ang panga ng Mama niya. Nalaglag din ang mata nito pabalik sa larawan ni Grey.

"Tapos, pupunta raw po si Grey mamaya rito, Ma. Para makipag-usap nang personal sa 'yo. Tungkol sa amin."

Hinintay niyang maiproseso ng ina ang mga sinabi niya.

"Si Shaun? Binasted mo si Shaun?" hindi makapaniwalang ulit ng ginang.

Tumango siya. Naiwan pala ang pandinig ng Mama niya sa una niyang sinabi.

"Bakit? Bakit mo binasted?"

Alanganin siyang napangiti bago, "Eh... hindi ko po siya mahal, eh."

Ilang sandaling ngumanga ang kausap niya. "At 'yong direktor..?"

" 'Yon, mahal ko 'yon, Ma," kinikilig na sabi niya.

Napatanga sa kanya ang ina bago unti-unting nagdilim ang mukha. "At dahil mahal mo, nakalimutan mo na ang usapan natin?"

Napawi ang ngiti niya at tuwid na tumingin sa ina. Nagsimulang tumakas ang dugo sa mukha niya.

"Kailan pa naging kayo ng lalaking 'yon?"

"No'ng isang linggo, Ma."

"Kailan mo balak sabihin sa akin?"

"Naging busy lang po kasi. Sasabihin ko naman talaga... kaya lang—"

"Saan ka nagpalipas ng gabi kagabi?"

"Sa... sa bahay niya, Ma."

Nagbuntonghininga ang ginang. "May nangyari na sa inyo?"

May nagsasabi sa kanyang kapag nagsabi siya ng totoo, sasabog na parang bulkan ang Mama niya. Pero hindi naman niya ugaling magsinungaling.

"Tonica!"

"Ano... Kagabi lang po."

Malalim at mabigat ang paghugot ng hininga ng Mama niya. "Alam mo ba kung ano ang sinasabi sa 'yo ng mga tao ngayon? Lalo na sa internet dahil diyan sa direktor? Dahil diyan kay Shaun?"

Umiling siya. Ano'ng malay niya? Hindi pa siya nakasisilip man lang sa virtual world mula nang maging sila ni Grey. Busy sila sa shooting. Busy rin sa tanungan with tape recorder sa opisina nito kapag short breaks o meal breaks. At ang iilang oras na natitira sa gabi ay itinutulog niya. At gaano naman kaya kasama ang puwedeng sabihin ng mga tao?

"Malinaw ang usapan natin. Nakiusap ako, 'di ba? Ang sabi ko, sana, 'wag kang pumasok sa magulo at komplikadong pakikipagrelasyon. 'Wag mong ipain ang sarili mo sa panlalait ng mga tao. Umiwas ka! Tapos ngayon malalaman-laman ko, nambasted ka ng artista at nakipagrelasyon sa direktor! Puro mga kilalang tao! Puro mga binabantayan ng bansa! Ikaw ang napapahiya at pinagsasalitaan ng masama!"

"Eh, Ma... si Grey..."

"Makipaghiwalay ka! Umiwas ka sa lalaking 'yan!"

Napatunganga siya. Sobra naman yata 'yon. Dahil lang sa tsismis, dapat, humiwalay siya? Tsismis lang naman 'yon. Lilipas din, gaya ng ibang bagay.

Umiling siya. Ngayon pa lang uli siya nagiging masaya. Ang puso niyang durog, ngayon pa lang uli nagkakapag-asa. Bakit kailangan niyang umiwas dahil sa sasabihin na naman ng iba?

"Tonya!"

"Ma! Ayoko!"

Nagsukatan sila ng tingin.

"Makipaghiwalay ka," madiin na sabi nito.

"Ayoko po." Nag-apuhap siya nang mas malinaw na rason. "Hindi naman masama kung may relasyon kami ni Grey. Labas ang lahat ng tao sa amin. Bakit may sinasabi na naman sila? Wala naman silang alam."

"Kaya nga marami silang sinasabi! Dahil wala silang alam! At kahit anong malaman nila... sa tingin mo, makikisimpatya sila sa 'yo? Sa tingin mo, maniniwala sila sa 'yo na masaya kayo? Na mahal ka ng lalaking 'yan? Na wala kang ibang kailangan at hinahangad?"

"Bakit, Ma? Ano ba'ng magiging motibo ko kung sakali? Ano ba'ng... dapat pagdudahan?" Kumuyom ang kamao niya. "Kasi matanda na 'ko? Mataba ako? Kaya hindi puwede? Kaya ako cougar kahit hindi pa nila ako nakikita sa personal? Gano'n ba ang sinasabi nila?"

Magkahinang ang mga mata nila ng ina. Magkalaban. Pinipigilan niya ang maluha habang may pag-aalala naman sa mukha ang Mama niya. Mapapanatag ang isip nito kapag nakaharap at nakausap si Grey, hindi ba? Kailangan lang nilang mag-usap.

"Pupunta si Grey dito mamaya, Ma. Makikipag-usap sa 'yo. Please... 'wag kang masyadong mag-alala. Anuman ang sabihin ng mga tao, hindi ko na lang papansinin."

May nakita siyang pait, sakit, at isang hindi mapangalanang damdamin na naghahalo sa mukha ng ina. Hanggang kumuyom ang kamao nito at tuwid na tumingin sa kanya.

"Makikipaghiwalay ka o magre-resign sa trabaho? Pumili ka lang ng isa, Tonya," matigas ang boses ni Mama Korina sa sinabi bago tumayo.

"Ma naman... kaya ko namang—"

"Pumili ka ng isa!" sigaw nitong nandidilat ang mata. Matapos nitong tumitig sa kanya ay nagmartsa pabalik sa sariling kuwarto at nagbagsak ng pinto.

Ilang minuto nang wala ang Mama niya sa sala ay nakatitig pa rin siya sa article sa diyaryo. Malisyoso ang mga tao. Matagal na niyang alam 'yon. Mas marami yata ang mga taong may alam sabihin at pansinin na pangit kaysa mga taong kayang magtanggol at magsabi ng mabuti. Huhusgahan ka kapag hindi ka kagandahan, kaseksihan, o katalinuhan. Tanggap na niya na lagi silang may sasabihin. Pero bakit naman kailangang umabot pa ang makakating dila nila sa pagsira ng relasyon?

Hindi niya rin inaasahan ang tigas at paninindigan ng Mama niya. Kahit naman may masasamang articles tungkol sa kanya, hindi naman yata sapat na dahilan 'yon para magalit nang gano'n ang ina. Maliban na lang kung idadagdag niya ang katotohanang disappointed ito sa hindi niya pagtupad sa usapan. Lalo na, hindi niya pa man lang naihaharap si Grey rito. Tapos bagong ngawa lang siya kay Hans. At higit sa lahat, na binasted niya pa talaga si Shaun.

Bagsak ang balikat na bumalik siya sa kuwarto at nagkulong.

***

"What did you say I should do, Tita?" kunot-noong tanong ni Grey kay Violet Ledesma. Hindi kasi siya sigurado kung tama ang dinig niya rito.

Tanghali. Sa halip na kumakain ay nagsadya siya sa opisina ng ina ni Adam para makipag-usap. Ito ang Executive Producer ng pelikula nila, chairman ng Talent Agency ng majority ng cast, at siyang may kontak sa mga sponsors.

"I said you should lie low. Refrain from being seen with your girl while the issue is hot. Mas makabubuti kung pagpapahingahin mo muna ang girlfriend mo kaysa nakikita siyang kasama mo sa set. That's the fastest and surest way I know to kill all these issues and rumors."

Pinag-aralan ni Grey ang mukha at boses ng kausap. Violet stressed every important word in her speech. Mukhang seryoso ito.

"Isn't that too much for precaution?"

Nagbuntonghininga ang babae. Sa patong ng mga newspapers sa table nito ay pumili ito ng lima at inilatag sa mesa sa harap niya.

"Those newspapers were released within the last two weeks."

Dinampot niya ang mga babasahin at pinasadahan ng tingin. Those were articles about Shaun. Sa halip na kumibo ay tumingin lang siya kay Violet.

"Malicious news has been storming around Shaun this last month. I have been in this business for too long to know what that means." Nakatitig sa kanya ang babae. "Shaun's contract with the network he's been for years is ending. Early this year, we have announced our intention not to renew it for his own good. He wants to rest. He wants a change. He's been overexposed and misses his privacy. But because he is such a big star in the network, the executives tried to bribe him with a raise, a hiatus, new programs. Shaun didn't bend. Right now, they are recruiting talents from the rival network and at the same time, they are slowly destroying his career."

Nagtiim ang panga niya sa naririnig. Ang pelikulang ginagawa nila ang huling pelikulang gagawin ni Shaun sa television at film network na may hawak dito. Pero wala siyang alam sa kontrata nito o iba pa mang bagay. He always tries to stay away from the politics of the industry he loves.

"Show business is a cruel business, Grey. It devours innocents. They make money out of stirs, propaganda, and rumors. Because Shaun is being stubborn, the network worries that he will become a threat once he's transferred to one of their rivals. They are out to destroy him and everything related to him. Before, I talked him out into courting the girl who is now your girlfriend. He listened to me and stopped. But now, something like this came out. Because of the girl and your status, the film you're making is in jeopardy. And that girl is an easy target... if you know what I mean."

Bumigat ang pakiramdam niya. He has seen the internet news, blog posts, tweets. Tonya's name has been all over different sites. People are calling her names just because she's involved with Shaun and himself.

Nag-iinit na naman ang ulo niya kay Mercache. But he cannot just pin everything on him. He respects the way he saved Tonica from prying eyes even though he's normally stubborn. Right now, they are becoming victims of the old business and politics in show business—victims of the circumstance around them.

Napahawak siya sa sentido habang nagtitimbang ng gagawin.

"How are they succeeding, Tita?" usisa niya sa mas nakatatandang babae.

"Some of our sponsors for the movie backed out. Two of them are major sponsors. If the bad publicity doesn't stop soon, this movie which is crucial to building up your portfolio as a director and catapulting your name alongside the icons will go down even before its release."

Marahan siyang humugot at nagbuga ng hininga.

"So? What do you think?" anito.

Tumingin siya sa pambisig na relo sa halip na sumagot sa kausap. Ang alam niya ay may press conference pa siyang pupuntahan.

"I have to attend the conference you arranged for me, Tita," aniya at tumayo. "I have to go."

"Gregory..." May pakikiusap sa mga mata ng babae.

"I'll think about your suggestion," aniya at akmang tatalikod na ng—

"Your mom called me, too. Hindi mo raw sinasagot ang mga tawag niya."

Bumalik ang mga mata niya sa babae. "Ano pong sabi niya?"

"She's visiting. To see you and Portia."

"Does she know about the rumors?"

"I don't know. But she knew about Noreen."

Napaglapat niya ang mga ngipin. Inaasahan na niya iyon. His mother will know about Noreen and confront him about it, sooner than later. Pero hindi niya naisip na may makakasabay pa itong isang gulo na gaya ng hinaharap niya, ng pelikula niya, at ng babaeng mahal niya.

"Thank you for letting me know, Tita."

Tumango si Violet. "Consider my suggestion, Grey. It's for you and for the girl."

"I'll think about it," aniya at tuluyang tumalikod.

Refrain himself from being with Tonya? Take her off the job he gave her? Kaya niya bang gawin iyon kung ganitong iniisip pa nga lang niya, kinaaasaran na niya? #

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top