Chapter 29 : Curvy


***

"Naiihi ako," tuwid ang tingin na sabi ni Tonya kay Grey.

Nakaiihi naman talaga. Kasi ang tanong ng lalaki, malagkit. Humagod sa katawan niya ang paanyaya, dumaloy, at nagpaligalig sa mga parte na dapat ay nananahimik at kalmado.

Hindi niya kailangan ng translator para maintindihan ang pagbabago ng tensyon sa pagitan nila. Mainit ang balat nito sa kanya. Masuyo ngunit mapanukol ang mga mata. Sumasagot ang katawan niya sa paanyaya.

Isang makulit na ngiti ang sagot ni Grey bago siya palayain mula sa yakap nito. Nang makatayo ay mabilis siyang tumalikod at walang lingon-likod na naglakad. Nanghihina ang tuhod niyang umakyat sa silid na tinulugan niya noong nakaraan. Nag-lock siya ng pinto sa banyo at sapo ang dibdib na humingal.

Kailangan niya ng tulong! Ang ngiting iyon ni Grey na ngayon niya lang nakita, iba iyon! Kailangan niya yatang tumakas sa lalaki.

Tinawagan niya si Mitch.

"Mitch!" sigaw niya nang tanggapin ng kaibigan ang tawag.

"Hello, bestie! Kumusta? Ang tagal mong hindi tumawag! At hindi ka rin sumasagot sa mga tawag—"

"Tulungan mo 'ko, Mitch!" putol niya rito.

"Bakit? Ano'ng nangyayari?"

Sa bibig na siya humihinga. Nararamdaman pa rin niya sa katawan ang tensyon na dala ni Grey.

"Si Grey, baka habulin ako!"

Sandaling natahimik sa kabilang linya.

"Si Grey? Sinong Grey? 'Yong direktor n'yo?" naguguluhang tanong nito. "Bakit ka naman niya hahabulin? Off mo ngayon, 'di ba?"

"Nandito ako sa bahay niya!"

"Bakit?"

"Ano... Boyfriend ko na siya kasi."

Nanahimik ang linya bago, "Teka... naguguluhan ako. 'Di ba, si Shaun ang nanliligaw sa 'yo? Si Direk ay—"

Nakalimutan niyang ang huling pag-uusap nila ng kaibigan ay noong nagsimula pa lang manligaw si Shaun sa kanya.

"Oo, pero friends na lang kami ni Shaun. Tapos, kami na ni Grey."

"Si Montero 'yan, 'di ba? 'Yong guwapo na macho na suplado kapag ibinabalita sa TV? 'Yong matipid ngumiti na super papable at kamukha ni Henry Cavill? 'Yong napasama sa top 50 Most Sought After Bachelor sa magazine?"

"Oo. Si Goryo."

"Boyfriend mo?"

"Oo. Saka, sperm donor ko na rin."

May patlang na tumawid sa pagitan nila bago ang dalawang minutong histerya at tili ni Mitch.

"I hate you! I hate you, Tonya! Ako ang best friend mo pero hindi 'ko agad nalaman! Ang daya mo!"

"Eh... naging busy kasi. Saka, biglaan lang na naging kami. Akala ko, humo-hopia lang ako no'ng una. Sorry na."

Parang mahihimatay na si Mitch sa pagtili.

"Seryoso? Talagang boyfriend mo?"

"Oo."

"Alam na ni Tita Korina?" tukoy nito sa Mama niya.

"Hindi pa. Humahanap pa ako ng tiyempo. Gusto niya kasi si Shaun, eh. Hindi ko pa nga nasasabi na binasted ko na 'yong isa."

Masigla ang naging tawa ng kaibigan. "Eh bakit ka hinahabol ng boyfriend mo?"

"Ano kasi eh... ano..." Ikinuwento niya ang nangyari sa kusina hanggang sa tanong ni Grey sa kanya. "Tulungan mo 'ko."

"Ano'ng tulong? Condom? 'Wag na. Magpa-donate ka na." Humagikgik ito. "Lukaret ka. Ginawa mo na dati 'yan! Kaya mo 'yan!"

"Hindi cheering ang kailangan ko, Mitch," sabi niya.

"Eh, ano? Scorer?"

"Baliw!" aniya. "Lakas ng loob ang kailangan ko! Kasi... kasi... hindi mo kasi alam kung gaano katikas 'yon! Shirt pa nga lang ang hubarin n'on, nanghihina na 'ko."

Parang baliw itong tumawa.

"Mitch!" reklamo niya.

"O? Ano'ng gagawin ko? Ikaw ang nandiyan. Sa'n ka ba nagtatago?"

"Sa banyo."

Tumawa uli ito.

"Hala ka. Baka mamaya, nandito na si—"

Natigilan siya sa katok sa banyo.

"Ano 'yon?" tanong ni Tonya sa pinto.

"Sabihin mo, tuloy!" sigaw ni Mitch sa linya.

"I'm going to drive Portia to the other house," sabi ni Grey. "Okay ka lang ba diyan?"

Tumikhim siya para iwaksi ang nginig at alangan sa boses. "Hindi ako okay. Pero magiging okay din ako. Pakisabi kay Portia, bye."

Humagikgik si Mitch sa telepono.

"I won't be gone too long," si Grey.

"Oo. Ingat. Drive safely!"

Mahinang tumawa si Grey bago nawala. Bumalik naman siya sa kausap na si Mitch.

"Umalis siya?" anito.

"Oo. Ihahatid daw niya 'yong kapatid niya sa isa pa nilang bahay."

"Tamang-tama! O 'ayan, may time ka na para mag-ipon ng lakas ng loob," nawiwiling sabi ng kaibigan.

"Umuwi na kaya ako, Mitch?" kinakabahan pa rin na sabi niya. "Sumasakit ang tiyan ko sa kaba, eh. Saka parang nahihilo ako. Tapos, parang masusuka ako. Mitch..."

Malantod ang halakhak ng kaibigan niya. "Grabe! Hindi naman kita masisisi kung ganyan ka."

"Eh 'di... ano'ng gagawin ko? Umuwi na 'ko?"

"Sira. Kawawa naman si Direk mo kung maghahanap sa 'yo pagdating niya!"

"Puwede ko naman siyang i-text na uuwi na 'ko?"

"Nakakabastos 'yon, Tonya," seryosong sabi ni Mitch.

Nagharutan ang mga paru-paro sa tiyan niya. Nagbuhol din yata sa isa't isa ang mga bituka niya. Nasa pagitan siya ng malakas na kaba ng dibdib, kakapusan sa hininga, at pagdidilim ng paningin. Panic attack ba ito?

"Eh... ano nga'ng gagawin ko? Ang taba-taba ko pa. Hindi ko kayang ipakita 'yong katawan ko."

"Maligo ka kaya muna? Para kumalma ka?"

Ligo? Pampakalma?

"Kakalma ako 'pag naligo ako?"

"Oo. Maligo ka. 'Yong may mainit-init na tubig. 'Yong medyo matagal. Para pagbalik ni Direk," hindi mapagkakatiwalaan ang tawa nito, "kalmado ka na."

Despalinghado ang translator niya. Pagkakatiwalaan ba niya ang matalik na kaibigan? Pagdududahan ba niya? Paano kung effective nga na pampakalma ang pagligo? May dala naman siyang pamalit na damit.

"Maliligo talaga ako?" ulit niya.

"Oo. Maligo ka. Good luck!"

"Good luck saan?"

"Ibig kong sabihin, enjoy! Sa paliligo!"

"Okay..." alanganing sabi niya bago nagbaba ng linya.

Binuksan niya ang pinto ng banyo at sumilip sa silid. Walang tao. Lumapit siya sa bag niya at kinuha ang pamalit na damit. Pagbalik niya sa banyo ay nagsimula siyang magpuno ng tubig sa kuwadradong bathtub na naroon. Tinimpla niya ang mainit at malamig na tubig. Nagkawkaw siya at natulala habang naghihintay.

Hindi kaya exaggerated lang siya? Baka naman walang halong malisya ang tanong ni Grey. Baka matutulog lang talaga sila gaya noong nakaraan at nag-assume lang siya.

Napanganga siya at nahintakutan! Assuming siya? Assuming na siya?! Kaya siguro ito natatawa! Kung anu-ano kasing iniisip niya!

Huminga siya nang malalim at naghubad. Kailangan niya talagang kumalma. Nang naghuhubad na siya ng panloob, napatitig siya sa repleksiyon sa malaking salamin na naroon. Malaki na ang ipinayat niya mula sa dating timbang pero mabilog pa rin siyang tingnan. At dahil ngayon na lang uli niya nakita ang katawan sa salamin, nanginig siya nang mapansin ang mapuputing kalmot na nasa balat—sa tagiliran, sa tiyan niya, at ilan sa dibdib. Nabanggit iyon sa kanya ng instructor na si Dada. Dahil sa puwersahang pagpayat niya sa una niyang instructor, nagkamarka ang balat niya. May ipinapahid na siya para roon but it will take some time for her skin to recover.

It's ugly, naisip niya at pumikit nang mariin. Ayaw na niyang makita. Tumalikod siya at lumublob sa maligamgam na tubig sa tub.

Paglipas ng ilang minuto, nakaidlip siya.

***

Nagmulat si Tonya sa pakiramdam na parang may nakatingin sa kanya. Sure enough, nataranta siya at lumubog sa tubig nang mamulatan si Grey na nakatalungko sa tagiliran ng tub at pinanonood siya. Suminghap siya nang umangat sa tubig.

"Goryo! Nakakagulat ka!" Napahilamos siya. Pinalis ang sabon at bula na napunta sa mukha. Saka niya pinagkrus ang mga braso sa dibdib nang maalala ang kahubdan.

Manipis na ang bula sa bathtub. Makikita na ang kaluluwa niya kung hindi niya itatago ang sarili.

Magaan ang ngiti ni Grey sa reaksyon niya. "Can I join you?"

May wangwang ng alarm sa utak niya. Nagkagulo sa ligaya, kalituhan, at interes ang translator. Maingay ang kalabog sa dibdib niya.

Tama ba ang intindi niya sa tanong nito?

"Ha? May bathtub ka naman sa kuwarto mo," katwiran niya.

"Yeah. But you're here."

Nganga.

"And there is still some space for me," dagdag nito.

Napatulala siya.

"And I want to join you."

Hindi siya makahabol ng sagot. Pero ang laway niya, muntik humabol sa pagtulo.

"Tonya?"

Napakurap-kurap siya. Bakit siya nakaidlip? Bakit hubad pa rin siya sa bathtub nang dumating ito? At bakit—

"Bakit ka pumasok rito sa banyo? Malandi ka, Goryo!"

"I know," kaswal na sagot nito at naghubad ng suot na kamiseta.

Itinikom niya ang bibig nang masilayan ang dibdib at sikmura nito. Huminga siya nang malalim para makahinga nang maayos.

"Hindi ka man lang ba magpapaka-gentleman?" tulirong tanong niya.

"Oh... I will be gentle with you," tukso nito at hinubad naman ang suot na walking shorts.

Pumikit siya—sa isip. Kasi sa reyalidad ay mulat na mulat ang mata niya at nahipnotismo ng paghuhubad nito.

"You're very lucky. I don't usually do a strip show."

Muntik siyang malunod sa sariling laway.

"Hindi ko naman gusto 'yang ginagawa mo!" namumulang sabi niya.

"Then look away." Ngumisi ito. "If you can."

Maharot na lalaki! Alam nitong hindi niya kayang maglayo ng tingin! Bakit at paano? Para saan? Gusto niyang makita ang kabuuan nito.

"Shall I take this off?" tanong nitong naglaro ang kutitap sa mga mata habang nakahawak sa garter ng boxers.

Umiling siya.

"No?"

Tumango.

"Yes?"

"Hindi ko alam!" sabi niyang itinakip ang dalawang palad sa mga mata.

Nag-echo ang halakhak ni Grey sa loob ng banyo. Pagkatapos n'on, narinig niya ang paglublob nito sa tubig. Sumilip siya sa siwang ng daliri niya. Nakangisi ito sa pagkakalublob sa tapat niya.

Tinanggal niya ang pagkakatakip ng palad sa mata at suminghap.

"You missed it, slowpoke," sabi nito.

Umangil siya at umirap. "Pinaglalaruan mo ba 'ko, Goryo?!"

"No. I'm flirting with you, Tonica."

Napanganga siya. Masigla ang naging tawa nito.

"You ran away from me earlier. I have to raid you here," seryoso nang sabi nito. "Why did you run and hide?"

"Eh kasi..." Tumungo siya. "Iba 'yong naisip ko sa tanong mo, eh. Akala ko, niyayaya mo akong mag—"

"Sex? Yes. That's what I'm talking about."

Nanlaki ang mga mata niya. Bakit ang brutal na nito magsalita? Hindi naman niya tinuruan na maging gano'n ang lalaki, hindi ba?

"Ibig mong sabihin... ano... bakit... teka..." Huminga siya nang malalim. "Hala ka..."

Mataman itong nakatingin sa kanya. "Is it wrong to want you tonight?"

Napalunok siya. Hindi naman 'yon masama. Ang kaso—

"Hi–hindi mo ba nakikita? Ang taba 'ko."

"I know that when I confessed, Tonica."

"Ano... ayoko kasing makita mo ako—na ganito. How am I going to show myself to you.. in bed... na ganito?" tukoy niya sa katabaan. At sa stretch marks. At sa loose skin na hindi pa humahabol sa pagpayat niya.

Lumamlam ang mata ni Grey at malungkot na ngumiti.

"I figured that part out when you ran away, slowpoke."

Napatungo si Tonya. Halatado pala siyang mag-isip.

"Come here," sabi nito.

Hindi niya magawang gumalaw. Para lumapit sa gawi nito ay kailangan niyang tumayo. At kung tatayo siya, makikita nito ang lahat ng pangit sa balat at katawan niya—ang lahat ng gusto niyang itago. It will crush her soul to see her ugliness in his eyes.

"I want to see you, Tonica."

May hipnotismo ang salita ni Grey. May utos na parang sa hari—hindi niya kayang suwayin kahit na natatakot siya. Pumikit siya at tumayo. Nakakuyom ang kamao niya nang hayaan ang paghagod ng mata nito sa kanya.

"You're curvy. I like it," sabi nito.

Iminulat niya ang isang mata. Nakatayo si Grey sa harap niya, nakahantad ang nakatayo ring ano!

Lalo siyang natensyon. Bakit hindi na-turn off ang ano? Pumikit siya uli.

"We're really an awkward pair," bulong nito at hinawakan ang isang kamay niya. "I like that about us, too."

Patuloy siya sa paninigas at pagpikit nang mariin.

"Relax. I won't bite. Yet," he teased. Iginiya nito ang kilos niya. Pinasusunod sa direksyon nito.

Huminga siya nang malalim bago nagmulat ng mata. Bumalik ang lalaki sa paglublob sa tub bago siya alalayang lumubog din at sumandal nang patalikod dito. Kumakalabog ang dibdib niya nang madama ang katawan nito sa likod niya.

"Hindi ako... pangit?" tanong niyang nakatagilid ang mukha rito.

"You're beautiful, Tonica," bulong nitong yumakap ang bisig sa sikmura niya at hinalikan siya sa buhok.

"Pero... kailangan ko pang magpapayat," alanganing sabi niya.

"That's what you're doing, 'di ba?"

"And I need—"

"Me," putol nito. "You need me."

Dinig niya ang malakas na tibok ng puso ng lalaki sa likod niya. Nakikipaglaban ang init ng balat nito sa maligamgam na tubig.

"Bukod sa 'yo, kailangan ko rin ng ano... moisturizer. Para sa stretch marks. Tapos..."

He hushed her.

Kinagat naman niya ang labi.

"I'll tell you what you need, slowpoke," bulong nitong nakalapat ang labi sa sulok ng leeg niya. "This..." anito habang animo naglalakad ang daliri sa sikmura niya pataas at pababa, "needs my lips."

Higit niya ang hininga. Parang iyon nga ang kailangan niya.

"This..."—maingat na sumapo ang palad nito sa dibdib niya—"needs my heat."

Bumigat ang paghinga niya sa pagbugso ng sensasyon sa katawan. Namungay ang mata niya nang magpaubaya sa pagsandal sa lalaki. Hindi na gumagana ang utak niya. Kung ano ang sabihin nito, iyon na lang ang naririnig at pinaniniwalaan niya.

"And this..."—bumaba ang palad nito sa pagitan ng hita niya at mapaglarong dumama—"needs me."

Tumango siya rito. Pinabayaan ang kamay nito sa paghaplos sa buong katawan niya.

"I want you, Tonica. I want to love you tonight."

She wanted him, too. Bad.

Nang pumihit siya patagilid para halikan ito, mas mapusok ang tugon nito. #

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top