Chapter 28 : Closer


***

Matapos ang isang linggo at dalawang kilong tabang natunaw ni Tonya...

"We're going to watch at least three movies, Ate. Then, we will eat Kuya's pasta. And then, maybe I can sleep beside you!" excited na sabi ni Portia kay Tonya habang nakaangkla ito sa braso niya.

Lumingon si Grey at sumimangot sa sinabi ng kapatid. Ito ang punong-abala sa pamimili ng kung anu-anong kailangan nila para sa pasta na lulutuin nito, sa kutkutin para sa panonood ng movie sa home theater nito, at sa iba pang pagkain.

Day off na uli. First official date sana nila ni Grey pero tumanggi siya. Kahit kasi excited siya sa inaalok sana nitong pamamasyal, umiiwas siya sa eskandalo. Kamamatay-matay pa lang ng isyu at intriga na tungkol sa kanila ni Shaun. Ayaw niyang isugal ang tsansang may makakita naman sa kanila ni Grey na pagmumulan ng pangit na balita.

Pero dahil hindi paaawat ang boyfriend niya, sinamahan siya nitong mag-gym. Binitbit din nito ang kapatid na si Portia para raw walang magkamalisya. At ngayon ay nasa supermarket sila at namimili.

"Hey, kid, I thought you have your own thing today? You told me you have somewhere to go with your best friend," seryosong sabi ni Grey sa kapatid.

Umirap si Portia sa sinabi nito. "Eh, Kuya, nagbago na ang isip ko. I want to hang out with Ate Tonya. Dapat nga nag-shopping na lang—"

Natigil ito dahil dumidilim na ang mukha ni Grey. Hinawakan siya ni Grey sa braso at hinatak palapit sa tabi nito.

"This is supposed to be our date," sabi nito at itinuktok ang hintuturo sa noo ng kapatid.

"Bakit? Puwede naman akong chaperone!" angil naman ni Portia. Yumakap ito sa braso niya. "And I have to protect Ate Tonya from you!"

Mahina siyang tumawa.

"Portia, hindi naman manyak ang Kuya mo. 'Di ba, ako pa nga ang nag-alok sa kanya dati na maging sperm donor ko?"

Mahina ring bumungisngis si Portia. "Yeah. Naaalala ko. He looked so unwilling, then, Ate. Now look at him."

"Yeah. Now I'm willing. So what?" sabi ni Grey na may makulit na ngiti.

Namamangha pa rin siya sa tuwing ngingiti ang supladong direktor kahit na normal na iyon sa tuwing nasa tabi siya nito. It's like his smiles are only meant to show when he's with her. She likes it.

"Yuck, Kuya! Ang pervert mo!" nakangiwing sabi ni Portia sa kapatid.

"I want a date with her. We haven't dated properly, yet. Don't meddle, kid," si Grey.

Patay-malisya itong naghila ng cart patungo sa stall ng mga prutas. Humiwalay rin sandali si Portia sa kanya para tumakbo sa mga grapes at strawberries. Siya naman ay sa mga mansanas lumapit. Namimili na siya nang...

"Tonya?"

Pamilyar ang kontrabidang boses. Nilingon niya si Carina na may tulak ding cart. May malisya sa mga mata nito na kabisado niyang iproseso.

"Hi, Carina."

"Ikaw nga!" hindi makapaniwalang sabi nito at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Pumayat ka?!"

Gulat na gulat na gulat talaga ang ekspresyon nito. At hindi 'yon gulat na masaya kundi gulat na gustong gumising sa isang bangungot.

"Oo. Naggi-gym ako, eh," simpleng sagot niya.

"Talaga? Good for you. Keep it up." Tumatango-tango ito bago nagpahabol ng salita, "Though it's too late for that, don't you think? Kahit pumayat ka, how is that going to help your case?"

Lumunok siya. Simpleng mga salita lang iyon. Hindi pa niya naipoproseso nang buo pero naiinsulto na siya.

"Parang hindi pa naman late," aniya.

"How so? Eh 'di ba, wala ka nang boyfriend? Sino naman ang pagpapagandahan mo pa? And we're like... thirty-three. The dating pool is full of dirty old men or separated men or widows. And even with those kinds"—hinagod uli siya nito ng tingin—"I don't think you would be a choice of date."

"Who's that big mouth, Ate?" busangot na entra ni Portia na may bitbit na patung-patong na supot ng grapes at strawberries. Nakataas ang kilay nito nang hagurin ng tingin si Carina mula ulo hanggang paa. "Saka ano'ng sinasabi mong hindi choice of date si Ate Tonya?"

Nakangiti lang si Carina sa mas batang babae. "Raised with a big mouth, aren't you? Kids these days..."

Bumusangot si Portia. "A big mouth is someone who tells people things that are not necessary. Worst, that are trash or insensitive. You are one, not me."

"Portia..." Ngumiti siya sa mas batang babae. "Okay lang 'yan."

"What needs to be okay? And why are you..." kunot ang noo ni Grey nang lumapit sa kanila habang hila ang cart. Sinuri siya nito ng tingin.

"Kuya!" Itinuro ni Portia ang kontrabida. "Inaaway niya si Ate Tonya!"

Napasinghap siya. "Hindi naman. Bruha lang siya magsalita pero sanay na 'ko."

"Kuya!" si Portia na pumadyak.

Umirap si Carina at bumaling sa kanya, "Who are they? Amo mo? Kailan ka pa pumasok na maid?"

Nanigas siya sa tanong nito. Sumeryoso naman ang mukha ni Grey.

"She's my girlfriend," mariing sabi ng binata. Madilim ang mukha nito sa pagkakatitig kay Carina. "And watch how you talk to her because I have a really short fuse."

Napalunok si Carina sa tindi ng titig ni Grey rito pero hindi nagpaawat. "Are you blind? Have you looked at any mirror together with her?"

"Are you dumb? My Kuya is telling you to shut up!" sigaw ni Portia.

Hindi siya makaimik. Isang buong linggo na siyang uminda ng biro kung paano niya raw ginapang o ginayuma si Grey. Nagbibiro kung paano siyang magbantay-salakay at mambulag ng lalaki. At wala siyang maisagot sa mga iyon dahil wala naman siyang ginawa. Bakit sila laging nagtatanong? Maliban sa alam niya na naniniwala ang mga ito na siya at si Grey o siya at si Shaun ay imposibleng maging pares.

Nakita niyang nag-igting ang panga ni Grey at lumamig ang mga mata nito. "Shut the fck up."

Napailing-iling si Carina bago nagmartsang tulak-tulak ang shopping cart nito.

"Are you okay?"

"Okay ka lang, Ate?"

Magkapanabay ang tanong ng magkapatid sa kanya. Nakahawak si Portia sa braso niya. Hinahaplos naman siya ni Grey sa pisngi.

"Gano'n naman ang mga bully, nambu-bully, 'di ba? Full-time work 'yon ni Carina." Nagpilit siyang ngumiti pero failed. Lalong lumalim ang pag-aalala sa mukha ng dalawang Montero sa kanya.

"Don't mind her, Ate. Itsura n'on. Nakapustiso naman!" si Portia na lumabi.

Inakbayan siya ni Grey, hinila sa tagiliran nito, at hinalikan sa bubong ng ulo. Saka nito pinisil ang balikat niya.

Sa tapat nila, tatlong estante ang layo, ay may malaking salamin. Nasulyapan ni Tonya ang repleksiyon nilang dalawa ni Grey. Mabilis siyang pumikit nang mariin para hindi mabulag. Kitang-kita niya. Kahit 68 kilos na lang siya, hindi pa rin sila bagay.

***

Ang ending ng negosasyon sa pagitan ng magkapatid ay sa home theater sa bahay ni Grey. May English movie sa screen. Tatlo silang nakaupo sa panlimahang couch set in the following order: si Portia, siya, at si Grey. Nakaangkla sa braso niya si Portia habang nakasandal ang ulo sa balikat niya—natutulog. Hawak naman ni Grey ang isa niyang kamay habang nakatutok sa screen. At siya? Wala siyang tinag sa pagitan ng mga ito.

"Grey, natutulog na si Portia," bulong niya sa lalaki habang hindi makagalaw. Fifteen minutes pa lang sa pagsisimula ng pelikula ay napikit na ang mas batang babae at nakatulog.

Makulit na ngumiti si Grey. "You sound like you wanted to do something naughty."

Umangil siya. "Hindi. Sinasabi ko lang na natutulog na si Portia."

"I know, slowpoke."

Umangil uli siya. "Bitiwan mo muna ang kamay ko. Hindi ako makagalaw sa inyo. Gusto ko ng—"

Kumuha ito ng popcorn sa bucket na nasa harap nila at isinubo sa kanya. Pinanood siyang ngumuya.

"I can feed you," anito.

Inirapan niya ito. Mukhang wala itong balak pakawalan ang kamay niya.

"I want—"

Kinuha naman nito ang fresh orange juice na nasa mataas na baso at inilapit sa kanya. Sumipsip siya sa straw.

"See? I can fix things for you," anito.

"Pasta ang gusto ko, assuming! Nagugutom na 'ko, eh," sabi niya rito.

Mahinang tumawa si Grey at hinalikan siya sa noo. "Wait a little more."

"Bakit?"

"Let's make sure Portia is really sleeping."

Sinilip niya ang babaeng nasa balikat niya. Malalim ang paghinga nito. "Bakit? Hindi natin siya pakakainin?"

"It's not that. I just want you for myself. Kahit sa kitchen lang."

Napalunok siya sa sinabi nito. Natigilan bago mahinang bumungisngis.

"Ang damot mo, Goryo."

Pinisil nito ang palad niya at lumingon na may kutitap sa mata. "Not my fault. Let's just wait a little more."

Makalipas ang sampu pang minuto ay maingat at walang sabit na inihiwalay ni Grey si Portia sa balikat niya. Inihiga nila ang dalaga sa couch. Pinabayaan nilang nagpapatuloy ang pelikula bago parang maliliit na batang nagbungisngisan palabas ng silid.

"Finally!" sabi ni Grey at niyakap siya pagsara pa lang ng pinto. "Portia is really guarding you."

Huminga siya nang malalim sa yakap nito. Ang bango lagi ni Grey. Nakaaadik dumikit. Kahit nang pawisan ito noong shooting nila sa resort, para siyang adik na pasimpleng umaamoy.

"Pero close talaga kayo, 'no? Hindi ka masyadong seryoso kapag sa kanya, eh," komento niya.

Akbay siya ni Grey habang lumalakad sila papunta sa kusina.

"Yeah. When our parents separated years ago, she refused to go with either of them. Ten years old pa lang siya no'n. I literally raised her."

"Bakit ang laki ng age gap n'yo?" usisa niya. "Si Bev kasi na sumunod sa akin, twenty-nine. Four years gap lang. Si Sharon, twenty-six. Tapos si Anelle, twenty-four. Kayo... thirty-four ka tapos si Portia, seventeen?" At tuluyang tumirik ang utak niya sa pagkukuwenta.

Pagdating sa kitchen ay diretso siya sa kinalalagyan ng mga plato at kubyertos. Si Grey naman ay sa skillet para initin ang pasta. Naghanda siya ng mesa.

"May isa pa kaming kapatid. Dapat. Sumunod sa 'kin. But she died inside my mother's womb and kind of damaged her uterus," kuwento ni Grey habang nasa harap ng kawali. "For the longest time, ang akala nila ni Papa, hindi na sila uli magkakaanak. You could say that Portia is a miracle baby. Kaya nga spoiled sa amin."

She's admiring the view while listening. Dati, bilang lang ang salitang naririnig niya mula sa lalaki. Dati, lagi itong tahimik at seryoso. It's just a few days and she's seeing more of him. She likes this Grey, too. 'Yong naghahanda ng pasta habang nagkukuwento, trusting that she's listening even with his back turned from her.

Nakangiti lang siya nang lumapit ito sa mesa na hawak ang skillet at naglagay ng serving ng chicken pasta sa plato nila.

"Pa'no no'ng naghiwalay ang parents n'yo? How did Portia take it?"

Nagsimula na silang kumain. Magkatabi sila ng binata.

"Ang sarap, ah," nakangiting baling niya rito sa pagitan ng pagsubo.

Nangiti sa kanya ang lalaki at kaswal na pinahid ng tissue ang sauce sa tagiliran ng labi niya.

"She played it cool. Ginaya yata ako. I wasn't a good example. I was a grown-up man back then and I knew that my parent's marriage will end even before it actually happened. I just let them do what they want. They are better people without each other, anyway." Nagkibit-balikat ito. "Since Portia didn't really see me taking it the hard way, I think she took it like it was something normal."

"Ah... Hindi ko kakayanin 'yon kung sa parents ko. Close kasi ako sa Papa ko. Kung umabot sila sa hiwalayan ng Mama ko, magpapakipot siguro ako pero sasama ako sa Papa ko," sabi niyang may kasamang mahinang pagtawa.

"Really? What's he like?"

"Si Papa? He's the best in the world," nakangiting sabi niya. "Hindi siya nauubusan ng pasensiya sa akin. Dahil slow ako, pinakamahirap no'ng nasa elementary ako. Hindi ako makahabol sa pagtuturo ng teachers. He would teach me at night and review my lessons in the morning. Siya ang nagregalo sa akin ng unang tape recorder ko." Binalikan niya ang pinakamagaganda niyang alaala sa ama. "Lagi siyang may pasalubong sa 'kin kahit na ang gulo rin niya. Nagreregalo ng action figures, gano'n. Baril-barilan. Tren-tren-an. Pangarap niyang magkaroon ng lalaking anak pero nabokya. Puro kami babae."

Matamang nakikinig si Grey sa kanya.

"No'ng high school na 'ko, he taught me that bullies will always behave like bullies—that's why I shouldn't worry. When girls would bully me, it's because that's what they do. He taught me to take insults lightly. Lagi akong umiiyak sa kanya. Kasi... kahit na alam kong bully ang mga bullies, masakit pagtawanan. Their words hurt. A lot." Nangilid ang luha sa mga mata niya. "One day, he got home drunk. Nadulas siya sa banyo. Akala namin, okay lang 'yon. Maliit na aksidente. Dumugo nang kaunti 'yong ulo niya pero okay naman daw siya." Lumunok siya sa pagpipigil sa bara sa lalamunan niya. "And then, the morning after, he's gone."

Tahimik sa kitchen.

Tumulo ang mainit na luha sa mga mata niya sa pag-alala sa ama. "He's the best man I have ever met. He..." Bumagal sa paglabas ang mga salita. Nanghihina ang boses niya. Naalala niya si Carina, ang tanong ng mga crew, ang imahen sa salamin... ang kakisigan ng lalaki sa harap niya. "He never made me feel ugly. Or that it's bad that I am fat. To him, I'm just his favorite girl—regardless. I love him so much."

Pinahid ni Grey ang luha niya. Marahan ang paghugot at pagbuga nito ng malalim na hininga.

"I'm sure he's the best guy in the world, Tonica. He is right about you. You are beautiful and you should be loved without questions."

Patuloy ang pagpatak ng luha niya. At dahil nakahawak si Grey sa pisngi niya at masuyo iyong hinahaplos, na parang sinasalo ng daliri nito ang bawat bagsak ng luha niya, hindi niya magawang magtago. Hindi niya maitakip ang dalawang palad sa mata para hindi nito makita ang pag-iyak niya. Mariin siyang pumikit at suminghot.

"Come here," masuyong sabi nito at hinila siya payakap dito. Tinapik-tapik nito ang likod niya bago bumulong, "He's right. You're my favorite girl, too."

Nakapikit siya kahit na nang mangapa sa pagkuha ng tissue na nasa table. Inilagay naman ni Grey sa kamay niya ang hinahanap. Pasimple niyang tinuyo ang luha at suminga.

Apat na ulit siyang umulit sa pagtutuyo ng luha bago natigil sa pag-iyak. Nakangiti si Grey nang tumingala siya rito.

"Thank you," mahinang sabi niya. "Sorry, ang dramatic ko. Nami-miss ko kasi si Papa."

"It's okay," anito habang masuyong nakatingin sa kanya. She was reminded of the loving look his father used to give her. Nararamdaman niya, Grey adores her. And she adores him, too.

"You're beautiful," sabi nitong nakasapo sa mukha niya. "People might tell you otherwise—mean people. But don't believe them. Believe me."

Tumango siya bilang pagsang-ayon at mahigpit na yumakap. She loves this man too early, too much.

Sa ilan pang sandali, malalim na ang pagbuntonghininga ni Grey. Ramdam niya ang init ng balat nito. Dinig niya ang papalakas na tibok ng puso.

Pagkatapos ay maingat itong nagtanong sa kanya, "Tonica... will you stay with me tonight?" #

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top