Chapter 27 : Secret moves

***

Late lunch.

Nasa iisang mahabang mesa na gawa sa kawayan sina Tonya at Grey. Kasabay nilang kumakain ang sponsor ng marangyang seafood buffet na si Adam, ang asawa nitong si Erin, si Shaun, at si Lauren. Everyone was fishing about his relationship with Tonya. Tanging si Shaun ang nananahimik at hindi masaya sa magandang balita.

"Nabalitaan ko na niligawan ka ni baby Shaun, 'di ba, Tonya?" untag ni Erin sa pagitan ng pagsubo. She started calling Shaun 'baby' since they got in the resort. Ang sabi ni Adam ay pinaglilihian ng asawa nito ang lead actor nila. Muntikan na raw nitong suntukin.

Alanganing nangiti si Tonya at nahihiyang sumulyap kay Shaun. Panlabindalawang ulit na yata 'yon. And everytime, the goddamn guy was smiling at his girlfriend.

"Eh... oo."

Nakangiti nang malaki si Erin sa narinig na sagot. Nananahimik siya. Interesadong nakikinig si Lauren. Sumisenyas naman si Adam sa paghingi ng dispensa sa pagtatanong ng asawa kahit nakangisi. At si Shaun? May tensyon sa mga mata nila tuwing nagkakatinginan.

"Pero si Grey ang mahal mo? Hindi ka na-in love kay hot baby Shaun? Kahit kaunti?" dagdag-tanong ni Erin. Hindi maawat ng apat na buwang tiyan nito ang pang-iintriga.

"Eh..." Napatingin sa kanya si Tonya. Bakas sa mga mata ang paghingi ng saklolo.

"Can we change the topic?" singit niya.

"Let it slide, man. I want to know the answer, too," si Adam.

"Curious din ako," dagdag ni Lauren. "I'm surprised with the development, eh."

"I want to hear it, too," si Shaun. "Why don't you let her answer, Grey?"

He wanted to punch Shaun.

"Bale," si Tonya na nag-iwas ng tingin sa kanya, "crush lang. At attraction siguro. Kasi, no'ng first time ko siyang nakita, may OST, eh."

Grey wanted to silence her with a kiss. Right now, her honesty was both adorable and—because Shaun was smiling with that famous toothpaste smile—annoying. And what the hell was—

"Ano'ng OST?" untag ni Lauren na kunot ang noo.

"Official soundtrack, gano'n," sabi ni Tonya. "Kapag may guwapo kasi akong nakikita—'yong talagang guwapo—parang may OST sa paligid."

Malakas ang tawa nina Adam at Erin sa narinig. Bumungisngis naman si Lauren. Si Shaun ay nakangisi pa rin at parang nagmamalaking nakatingin sa kanya.

"Eh, si Grey? May OST rin?" si Erin.

Tumango nang sunod-sunod si Tonya. "Oo. Ang lakas nga, eh."

Humagikgik ang nagtanong at pinanggigilan ang braso ni Adam.

"Oh, man, she's very... I don't know how to put it with words," sabi ni Adam na namumula sa pagtawa.

"How about my Adam? May OST rin?" si Erin pa rin.

"Eh... mayro'n. Pero nawala kasi nakita kong may singsing, eh."

"Ah... I like you!" anunsyo ni Erin at pinisil ang pisngi ni Tonya. Malaki ang ngiti nito.

"Ano'ng nangyari sa OST ni Shaun?" si Lauren.

Pasimpleng sumulyap si Tonya kay Shaun. Panlabing-apat na sulyap sa paraang nahihiya. Hindi na siya makalunok ng pagkain.

"Wala. Si Goryo kasi, eh..." sabi nito at sumulyap sa kanya.

"What did I do?" tanong niya.

"Kinilig ka, eh. 'Ayun. Nawala 'yong OST ni Shaun," sagot nito at namula.

Tumawa siya at sumulyap kay Shaun para magmalaki. Nagbaling naman ito ng paningin sa dagat. Nagbulungan sina Adam at Erin habang naghahagikgikan. Ikinakanta sigurado ng kaibigan kung paano siyang kiligin.

"Kinilig? Saan?" si Lauren.

"Sa office. Kinilig 'yan si Grey tapos nanghalik. Demo kiss, gano'n," paliwanag ni Tonya. Nagkumos ito sa laylayan ng suot na maluwang na kamiseta. Natetensyon siguro sa interview.

"That's how cheap Grey is! I can imagine what happened!" si Adam na nakatawa.

"Cheap ka rin, gorilla!" sabi ni Erin. "Nagnakaw ka rin ng kiss!"

Tuloy lang sa pagtawa si Adam. Pasimple naman siyang nagbaba ng kamay at hinuli ang kamay ni Tonya sa ilalim ng mesang kainan. Sumulyap ito sa kanya pero hindi siya tumingin. Pinisil-pisil niya ang magaspang na kamay nito. Dinadama maging ang bubong ng palad. Nanlalamig iyon. He could only imagine how hard she worked for her family as the breadwinner. He held her hand tightly.

"If I had known that it would take a kiss for you to notice someone, I would have stolen it first," sabi ni Shaun.

Natahimik ang lahat sa mesa.

"Don't sweat it. It only worked because it's with me," buwelta niya.

"I can steal one anytime and then see what the results will be."

Nagtagis ang bagang niya at humigpit ang hawak sa kamay ni Tonya. The guts of this guy! He actually saw him kiss her in his car! The image stuck on his mind!

"Don't be desperate," madiin na sabi niya.

"Why not?" mapang-asar ang ngiti ni Shaun. "Don't be such a spoilsport, Grey."

Dead-end na ng pasensiya niya sa lalaki. "Back off, Mercache."

Makapal ang tensyon sa mesa. Parehong madilim ang mukha nila ni Shaun habang nakatingin sa isa't isa. Hindi makapagsalita sina Lauren at Erin sa pag-aabang sa kasunod pang ikikilos nila. Sumipol naman si Adam. At si Tonya—

"Naiihi na 'ko sa inyong dalawa," halos mamilipit na sabi nito. "Ang intense ng titigan n'yo lagi. Ano ba'ng mayro'n?"

Napatingin silang lahat sa girlfriend niya. His mood automatically shifted to amusement just by looking at her. He should be ashamed of himself. Hindi lang siya cheap. Sa babaeng ito, nagiging easy to get din siya. Pinisil niya ito sa pisngi kasabay ng mahinang tawanan ng lahat. Maging si Shaun at nakita niyang napatungo at natawa.

"Nothing, slowpoke. I'm just really annoyed with him," aniya.

" 'Oy!" sabi ni Tonya at bumaling kay Shaun. "Annoyed siya sa 'yo! Successful ka. 'Di ba 'yon ang gusto mo?"

Napatanga si Shaun bago tumango at nagpatuloy sa pagtawa. Masama siyang tumingin dito.

"You deserved it," anito. "You're being such an ass to her."

The guy has a point. Base sa confession ni Tonya, nasaktan ito sa presensiya ni Noreen. She had to suffer seeing him and Noreen together for a week. But he still won't thank the guy. Alam niyang may iba itong intensyon kay Tonya.

"I'm sorry about that," sabi niya sa girlfriend.

Nakangiting yumakap si Tonya sa braso niya at dumikit. "Bawi ka na, 'di ba?"

Ngiti lang ang isinagot niya at hinalikan ito sa noo. Hindi puwedeng basta lang siya nitong patawarin. May ibabawi pa siya.

***

Papalubog na ang araw. Papunta si Tonya sa tent ni Shaun para tawagin ang lalaki ayon sa naaalangang utos ni Grey.

"Shaun? Eksena n'yo na uli!" tawag niya mula sa labas ng tent.

Ilang sandali lang ay lumabas si Shaun kasunod ang assistant nitong may hawak na tuwalya. Magaan ang nakaabang na ngiti ng binata nang makita siya.

"Great. Jake's done with the retouch," tukoy nito sa make-up artist.

Hinubad nito ang suot na kamiseta at iniabot sa assistant nito. Saka sila lumakad pabalik sa tabing-dagat kung saan naka-set ang kukunang eksena.

"Hey..." tawag nito sa atensyon niya. "Did he confess properly to you?"

Nakauunawa siyang ngumiti. Bakit ba ang bait ni Shaun sa kanya?

"Oo naman. Kahit naman mahal ko 'yon, kailangan ko pa rin ng maayos na confession para magkaintindihan kami. Kasi 'di ba"—itinuro niya ang ulo—"baka hindi ko ma-gets."

"Is he treating you well?"

Tumango siya bilang sagot. It's more than 'well'. Puwede ba niyang sabihin na kinikilig, natutunaw, sumasaya, sumisigla, at nabubuhayan siya ng loob dahil kay Grey? He has the power to make him believe the good and the beautiful things about herself—mga bagay na hirap siyang hanapin sa sarili.

"Are you happy?"

Tumitig siya sa mga mata nito. "Sobra, Shaun."

Nagbuntonghininga ang lalaki. Tumigil sa paglakad kahit na malapit na sila sa set. Tumanaw sa papalubog na araw. Natigil din siya sa paglakad. Nang bumaling ito sa kanya ay sinapo ang pisngi niya at masuyong hinaplos.

"Then I will be happy for you," anito.

Napahugot siya ng malalim na hininga sa sinabi nito. Shaun is really good to her. Gusto rin niya itong paglihian kapag nakakuha na siya ng binhi kay Grey.

"Thank you," sabi niya at hindi napigilang yumakap dito.

Mahigpit ding yumakap pabalik si Shaun. Malalim itong huminga. At dahil nanliliit siya sa tangkad ng lalaki, masuyo nitong ipinatong ang ulo sa ulo niya.

"Be happy."

Tumango siya rito.

Sa kabilang bahagi ng set, ipinagwawalang-bahala ni Grey ang pagkakalabitan ng crew. Alam niya ang tinitingnan ng mga ito. Nakita niya sa peripheral vision niya at tinalikuran. Nang yumakap si Tonya kay Shaun, nagbigay siya ng instructions sa cameramen sa anggulong gusto niyang makuha. He wanted to capture the setting sun.

Binibilang niya ang segundo na nagbubulungan ang mga crew. Yakapan pa rin ang usapan. He was sure the hug didn't mean anything special to Tonya. Pero nakatalikod pa rin siya para hindi manatili ang imahen sa utak niya at mawalan siya ng pasensiya.

"Baka parting hug ni Ateng. Alam n'yo na. Sila na ni Direk, eh. Binabasted siguro si Shaun," boses ng isa sa mga crew.

May sa ninja ang pandinig niya sa pakikinig sa bulungan.

"Nabasted na, 'di ba? Sabi ni Boom, ikinuwento raw ni Tonya."

"Alangan namang nag-two time pa 'yang si Taba eh... ano 'yon? Sobrang haba na ng buhok niya? My God, ah."

Pasimple niyang sinulyapan ang nagsalitang bakla. Sisisantehin niya.

"Ang suwerteng tabachoy, o! Dati, nahimas na niya 'yong abs ni Shaun. Ngayon naman, dikit na dikit sa higpit ng yakap."

'Damn,' naisip niya. Naalalang hubad-baro si Shaun para sa eksena.

"Ang ganda naman kasi ng sikmura ni baby Shaun. Nakakatuksong dikitan."

Sisantehin niya rin kaya 'yong bagong nagsalita?

May natawang crew. "Oo nga, eh. Ang tigas!"

Kinikilig ang mga madadaldal. Abs lang ba? May abs din siya! Kumpleto!

"Si Direk kaya, may abs?"

"Oy, baka marinig ka."

Lalong lumaki ang tainga niya sa pagsagap sa bulungan.

"Hindi 'yan. Busy sa pakikipag-usap, eh."

"May abs siguro si Direk. 'Di ba, bumabakat kapag fit tapos manipis 'yong shirt niya?"

"Ay oo!"

"Pero baka mas maganda 'yong kay Shaun. O 'yong kay Papa Adam! Havey na havey, eh! Naku!"

"Hindi natin alam."

'Damn that Adam, too!' naisip niya. Naka-display din ang sikmura ng kaibigan niya mula pa kanina. Maraming mata ang interesadong nakatingin kahit na madalas ang panghahapit nito at pamumulutan sa labi ng asawa.

Lalong umiiksi ang pasensiya niya.

"Kuha ko na, Direk. Don't worry," kunot-noong sagot ng kausap niyang cameraman.

"What?"

"Nakakadalawang ulit na po kayo sa instructions, eh. May problema po ba?"

Dumilim ang mukha niya at umiling. Pasimple siyang tumagilid at gamit ang peripheral ay nag-check kung nakahiwalay na si Shaun kay Tonya. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang naglalakad na palapit ang dalawa.

"Nothing's wrong," sabi niya at nag-dismiss.

Gusto niyang maghubad ng kamiseta, ang kaso—

"Oops! Sorry, Grey!" nakangising sabi ni Erin sa kanya.

Malamig ang tumapon na mango shake. Kasabay ng pagkunot ng noo niya ang panunuot at paggapang ng lamig sa dibdib at sikmura niya.

Walang obstructions sa buhangin para mapatid si Erin at matapon ang shake na iniinom nito. Nang mapatingin siya sa kalapit na si Adam ay tinanguan siya nito at nag-thumbs up. Parang bata itong natawa sa ginawa ng asawa.

"It's okay," sabi niya at pinulot ang kamiseta palayo sa katawan.

"Take it off. We're at the beach," bulong ni Erin at kumindat bago bumalik sa asawa nito.

Napailing siya sa pakulo ng mga ito.

Mabilis namang nakalapit si Tonya sa kanya. "Grey, basang-basa ka."

"Yeah. Could you—"

"May damit ka sa kotse? Kukunin ko."

Napangiti siya nang matipid. Mukhang mabilis ang proseso ng babae sa pag-aasikaso. It could prove either of two things; that she is used to taking care of other people because she is a firstborn or that they are slowly getting in sync. Mas gusto niya 'yong ikalawa.

"Yeah. Please get me a change of clothes."

Nang mawala si Tonya ay pinagtuunan niya muna ng pansin ang monitor at nagpa-rehearsal. Simple lang ang eksena. Nakayakap sa tuhod si Lauren sa pagkakaupo sa dalampasigan. Umiiyak ito. Marahang lalapit si Shaun at tatayo sa tabi nito. Ilalahad nito ang kamay at itatayo ang babae. Pagkatapos, magyayakap ang dalawa.

Masyado pang malapit ang blocking ng dalawa sa panonood ng paglubog ng araw. Ipauulit niya. Pero tuwing gagalaw si Shaun at maaarawan ang sikmura nito, parang kinikiliti ang mga nanonood na crew. Naiingayan siya.

Nang makabalik si Tonya ay napatanga rin ito sa eksena nina Shaun at Lauren. Nakatabi ito kay Boom.

"Ano'ng mayro'n? Bakit nagkikisay ang mga bading?" narinig niyang tanong nito.

"Si baby Shaun. Hindi maka-get over ang lahat sa abs niyang naka-highlight!" sagot ni Boom.

Bumungisngis si Tonya. "Ah! Mahihirapan nga silang magtiis. Perfect kasi ang pandesal ni Shaun."

Nagkurutan ang dalawa bago tuluyang lumapit sa kanya ang babae. Umaalingawngaw sa tainga niya ang huling narinig. Kasabay niyon ang mapang-asar na flashback ng eksena ng pagpapahid ni Tonya ng body oil sa katawan ni Shaun.

'Perfect na pandesal? What the hell!'

"Okay na, Direk? Kukunan na natin?" baling sa kanya ni Boom na nakatayong kalapit ang monitor.

"Yeah." Sumigaw siya sa set, "We will shoot the scene!"

Iyon ang cue para i-retouch ang mga artista. Agad lumapit sina Jake at ang mga kasama nitong make-up artist kina Shaun at Lauren.

"Magpalit ka muna," nakangiting sabi sa kanya ni Tonya. Iniaabot nito ang hawak na kamiseta.

Kunot ang noo niya nang humarap dito. Ano'ng sinabi nito kay Boom? Perfect ang pandesal ni Mercache?

"Yeah." Seryoso siya. "I need to change."

Napalunok si Tonya. Siguradong ramdam ang tensyong dala niya. Bihag niya ang mga mata nito nang hawakan ang laylayan ng suot na kamiseta at dahan-dahang hubarin sa harap nito. Malaki ang paglunok nito—at lunok ng nanonood na crew—nang hubad-baro na siya. Iniabot niya ang kamiseta rito. Nanlalagkit siya sa basa pang parte ng katawan.

Nakatitig pa rin sila sa isa't isa nang sabihin niya, "Wipe me clean."

Wala sa sarili ang paglapit nito. Parang naeengkanto ito nang tuyuin ang dibdib at sikmura niya gamit ang hinubad niyang kamiseta. Marahan ang pagkilos. Maingat ang kamay na parang takot dumikit sa balat niya.

It was unfair. She oiled Shaun with ease.

Hinawakan niya ang pulsuhan nito at idinikit ang palad nito sa balat niya.

"Do it properly."

Talunan itong nag-angat ng mata sa kanya. Wala sa loob nitong nakagat ang labi nang ulitin ang pagtutuyo sa katawan niya.

"Parang..." Mahina ang boses ni Tonya. Nangangapa ang mga salita. "Galit ka ba? Sa 'kin?"

Hindi siya kumibo. Tinititigan niya lang ito hanggang sa bumalik ang tingin nito sa kanya.

"Ano? Galit ka nga?"

"Not if you only look at me," aniya rito.

"Ha?"

"This," sabi niyang iginiya ang kamay nito at inilapat sa dibdib niya, "and this"—ibinaba niya pa ang kamay nito sa sikmura niya—"is all yours. Don't look at anyone else. Do you understand?"

Suminghap ito at sunod-sunod na tumango. Pero hindi pa sapat ang reaksyon na 'yon sa kanya.

"You? Are you mine, too?"

Higit nito ang hininga at ilang sandaling hindi nakapagsalita bago, "Yes. Yes, Grey."

"Say it clearly."

Lumunok si Tonya habang nakatitig sa kanya. Mukhang tinatakasan ito ng hangin.

"I am yours."

"Again. With my name."

"I am yours... Grey," mas mahina pero mas malinaw na sabi nito.

Puwede na siguro 'yon. Mabubura na niyon ang bad trip na flashback ng body oil.

"Good girl," bulong niya at hinalikan ito sa noo. "Now you can breathe."

Huminga ito nang malalim at humawak pa sa dibdib nito.

"Tino-torture mo 'ko... ha? Goryo?!" anito at hinampas siya sa braso. Halos humingal ito.

Mahina naman siyang tumawa at hinaplos ang buhok nito.

"You're my girl, Tonica. I will have you repeat it until you're used to it."

Umangil ito sa kanya habang nakahawak pa rin sa dibdib. Mukhang nahirapan nga itong huminga sa panunukol niya. She should be rewarded. Kaya naman hinatak niya ito, mabilis na niyakap, at hinalikan sa tuktok ng ulo nito.

Kinuha niya ang malinis na kamiseta sa kamay nito, isinuot, at seryosong bumaling sa set.

"What are you all looking at? Let's shoot!" #

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top