Chapter 26 : Officially


***

How did this happen?

Pumipintig sa sakit ang ulo ni Grey nang maalimpungatan mula sa dalawang oras na pagtulog. Parang naninikip din iyon. And yet, he was smiling lazily.

Wala sa plano niya ang matulog katabi si Tonya pero wala rin naman siyang tutol sa nagisingan.

Humigpit ang yakap ng babae sa katawan niya. Sumiksik ito sa braso niyang ginawang unan. Ngumiti. She looked like she was having a good dream. Ayaw niyang makaabala kaya maingat niyang idinikit ang pisngi sa ulo nito at huminga nang malalim.

He wanted to sleep a little more. A few winks wouldn't hurt especially when it's this comfortable.

Dalawang oras bago ang panggigising ng inner alarm clock ni Grey ay ang tunay na nangyari. Pinanood niya ang pagtulog ni Tonya hanggang sa mamigat ang mata niya sa antok. Naisip niyang umalis na ng silid pero kinunsinte muna niya ang sariling humiga sa tabi nito. Sandali lang dapat. Pero tatlong minuto pagkatapos, mahimbing na ang tulog niya. Nakatalikod si Tonya sa kanya.

Ilang minuto nang makatulog ni Grey, tumagilid naman si Tonya paharap. Kumapa ang kamay nito sa paghahanap ng unan na yayakapin. Successful naman. May puwedeng yakapin... pero tao. Komportableng sumiksik si Tonya.

Labing-anim na minuto pagkatapos, tumagilid si Grey paharap sa nakikiyakap. His arms reached out to her, she pillowed on his arms, and he pulled her against him. Yumakap si Tonya. Yumakap si Grey.

And the clock worked itself to five in the morning.

May klik na tunog mula sa binubuksang pinto ng silid. May takatak ng takong sa konkretong sahig. At pagkatapos ay...

"Kuya! You perv! Ano'ng ginagawa mo kay Ate Tonya!" malakas ang tili ni Portia na gumising sa kanila.

Nagmulat si Grey at nasapo ang masakit na ulo. Sumulyap siya sa kapatid na malaki ang mata sa pagkakatitig sa kanila. Gumalaw naman si Tonya sa bisig niya at iniangat ang katawan nito para makita siya.

Magaan ang ngiti ng babae sa kanya. Hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap nito.

"Good morning, Goryo," halos nakapikit na bati nito bago sumilip at, "Good morning, Portia."

"Good morning," nakangiting bati niya.

Tumili uli ang kapatid niya. Padabog itong pumanhik sa kama, yumakap kay Tonya, at halos hilahin ang girlfriend niya palayo na parang pinoprotektahan ito mula sa kanya.

"Two-timer ka, Kuya! 'Wag mong landiin si Ate Tonya habang may Noreen ka pa! Makipag—"

"Hindi siya two-timer, Portia," putol ni Tonya rito habang tinatapik-tapik ang braso ng mas batang babae. "Saka, cute naman siyang maglandi."

Masama pa rin ang tingin sa kanya ng kapatid. Paupo naman siyang sumandal sa headboard. Wala sa loob siyang napahaplos sa mukha at napailing bago malapad na ngumiti.

"I'm not engaged to Noreen anymore, Portia. Tonya and I are officially on since last night. And what are you doing in this room?" Sinikap ni Grey na maging seryoso ang pagsasalita sa kapatid, kahit na ang totoo ay namamangha siya sa umaga nila. It was just five in the morning but his girls were so lively.

"First!" sabi ni Portia at itinulak ang kamay niyang umaabot sa balikat ni Tonya, " 'Wag mo munang hawakan si Ate Tonya! At... mabuti naman na break na kayo ni Noreen. So, Ate Tonya is just a rebound?"

Bumaling sa kanya ang girlfriend. "Rebound lang ako, Grey?"

Natawa siya nang mahina. "No, you're not." At kay Portia, "I broke up with Noreen because I wanted to be with Tonya. She's not a rebound."

Kunot-noo pa rin si Portia. "Then, paano kayo naging officially on? Niligawan mo ba si Ate Tonya?"

Mahinang tumawa ang binanggit. "Naku, hindi. Puro kiss lang 'yang kuya mo. Pero okay lang. Masarap naman."

Halos mapanganga ang kapatid sa narinig. "No! No! Kuya, that's not right! Ang corny mo! Ni hindi ka nanligaw!"

Umaangil ito sa panggigigil. At hindi niya mapaniwalaan na mas kampi ito sa girlfriend niya sa halip na sa kanya.

"I wanted to court her first and confess. But she kind of confessed first," sabi niya at wala sa loob na umabot ang kamay sa buhok ni Tonya. He smoothed out her bed head.

Nakangiti lang ito sa kanya.

Binalingan ito ni Judge Portia. "Totoo, Ate? Una kang nag-confess?"

"Oo, eh. Nadulas ako. Akala ko kasi, babastedin ako."

"What? No, you did not!" sangga niya. "Ang haba ng confession mo."

"Ikaw rin naman. Tapos, nakadalawang kiss ka pa agad!" bawi nito. "Tapos, tinake-home mo 'ko. Cheap ka."

Malakas siyang tumawa sa hindi makapaniwalang ekspresyon ni Portia sa kanila at sa diretsong pananalita ni Tonya.

"I can't believe this! Hindi ko nakita ang development n'yo! How could you do this to me, Kuya! Ulitin n'yo lahat," nagmamaktol na sabi ng kapatid sa kanila. Namumula ang ilong nito sa inis.

"Naku, mahirap ulitin 'yon, Portia," sabi ni Tonya rito. "Mahirap i-internalize. Biglaan lang kasi."

"I will court her. You can still tell me what to do, okay, baby? Promise."

Ngumuso ang kapatid sa kanya. "Promise?"

"Yeah."

"Okay. Titili lang ako uli." Saka ito bumuwelo at tumili nang ubod-lakas. "Ate na talaga kita, Ate Tonya!"

Yumakap nang mahigpit ang babae kay Tonya. He wanted to do that, too. Pero mukhang favorite din ng kapatid niya ang girlfriend niya. He has to wait for his turn. And he has no worries because he's sneaky.

***

"I'm on my way now. I'll be there in about twenty-five minutes. I'll immediately check everything once I arrive so we can start on time. Make sure the preparations are underway, Boom," sabi ni Grey habang nasa manibela. Kausap nito si Boom sa earpiece na suot.

Mukhang nasa private resort na sa Batangas ang buong crew, samantalang sila ni Grey ay papunta pa lang. Mabilis ang pagmamaneho ng lalaki para umabot sila sa itinakdang oras.

Nakatingin lang si Tonya kay Grey a.k.a boyfriend-from-today slash sperm donor. Ang ekspresyon nito ay ang ekspresyon ng direktor na nakikita niya araw-araw. Kung may ekstrang oras pa sila nang magising kanina ay magpapakurot siya kay Portia para masigurong tunay na nangyayari ang lahat ng ito. Pero dahil halos nabingi siya sa tili ng mas batang babae nang maabutan sila ni Grey sa iisang kuwarto, malamang ay totoo nga.

Sila na. Ang winning moment niya ay hindi tulad ng pagkapanalo sa lotto kundi tulad ng biglaang levitation. Lumulutang siya sa alapaap sa sobrang saya. Sa kabilang banda, natatakot din siya. Paano kung malaglag siya mula sa pangarap? Paano niya pupulutin ang sarili?

Sinisipag tuloy siyang magpapayat. She has to deserve him.

Ipinilig niya ang ulo para iwaksi ang sobrang pag-iisip.

"What are you thinking about?" untag ni Grey. Sumulyap ito sandali.

"Eh," nag-apuhap siya ng ibang bagay, "magkasabay ba tayong bababa ng kotse mamaya?"

Natigilan si Grey bago matipid na ngumiti. "Yeah. Why?"

"Nakakahiya kasi. Baka kung ano'ng isipin ng mga crew."

Kasama iyon sa sumasaglit sa isip niya. Paano kapag nalaman ng mga crew ang bagong relasyon nila gayong nakilala ng mga ito ang perfect na si Noreen?

"Just let them," seryosong sagot nito. "O baka nahihiya ka kay Shaun?"

Napanganga siya sa tanong nito. Parte na ba ng crew si Shaun kaya nasali ito sa usapan? Kailan pa? At bakit hindi niya alam? Lead actor nila ito, hindi ba?

"Part na ng crew si Shaun?"

Natawa si Grey sa tanong niya at magaan siyang pinisil sa pisngi. Lumambot ang ekspresyon sa mukha nito. "Don't mind me. I'm just a little..."

"Jealous?" una ang dila na tanong niya. Alam niya ang disgusto nito kay Shaun.

Sinulyapan siya ng lalaki at hindi umimik.

Translation: Oo.

"Possessive ka?!" manghang tanong ni Tonya. Hindi kasi halata. Dahil bakit naman magiging possessive sa matabang hopia na gaya niya ang isang tulad nitong Superman? Kahit pigain niya ang utak niya at utak ng iba, mahirap hanapan ng paliwanag.

Nagkibit-balikat ito. "I don't know how much."

Napangiti siya. Cute talaga si Goryo.

"Kape," aniya. Iniabot niya rito ang naka-paper cup na kape na nagawa nilang mabilis na initin at ihanda bago umalis sa bahay. Pamares iyon sa croissant na naibalot din nila.

Kinuha nito sa kamay niya ang may takip na cup at humigop ng tatlong ulit bago ibinalik sa kanya. She heard him exhaled with relief. Nilingon siya ni Grey. His eyes lingered with hers.

"I like this kind of morning," anito.

Naiintindihan niya sa ngiti nito ang tinutukoy nito. Ang gandang umaga nga naman.

"Me, too."

***

Pagdating sa beach sa Batangas kung saan ang shooting ay mahigit sa labindalawang phone calls na yata ang natanggap ni Grey. Iyon ay sa pagitan ng pagmamaneho, pagkakape, at pagkain ng croissant. Hindi na sila masyadong nakapag-usap.

Sabay silang bumaba sa kotse nito habang hawak niya ang tape recorder niya at ang mga logs na ibinilin nito.

Agad silang nakita ng mga crew—una na sina Boom at Abo. Si Boom ang agad na lumapit.

"Good morning, Direk. Ready na po ang set-up. Go signal n'yo na lang ang hinihintay," bungad agad nito kay Grey at tumingin sa kanya. "Good morning, Ateng! Mabuti at isinabay ka ni Direk. Hindi ko na-text sa 'yo kung paano kita isasabay today!"

Naiilang siyang sumulyap sandali kay Grey bago ngumiti sa kausap.

"Oo nga, eh. Good morning," tanging nasabi niya.

Nalilito siya. Ano'ng itatawag niya kay Grey dito sa set? Direk dapat, 'di ba? Pero mas gusto niyang Goryo. At paano sila kikilos?

"I'll check everything first. It's for scene 89, right? According to my instructions?" si Grey kay Boom.

"Of course, Direk."

"Good," sabi ni Grey bago seryosong bumaling sa kanya. "Tonya, check the actors when I give the okay."

Nakatingala siya rito. Naninimbang.

"Yes... uhm, Direk."

Malalaki ang hakbang ni Grey nang lumakad papunta sa set-up ng tent, camera, at mga ilaw. Parang mauuna na ito. Parang nagmamadali. Nakasunod lang ang mga mata niya sa lalaki habang napapatunganga.

Tapos na ba ang magic?

Sa isang pagkurap niya ay tumigil ito sa paglakad at mabilis na bumuwelta.

"I forgot something..." seryosong sabi nito kay Boom at sa kanya.

"Ano 'yon, Direk?" si Boom.

Nakatingala siya rito. At parang nakita niyang lumambot ang ekspresyon sa mata nito bago naging makulit bago—

Lumapat ang labi nito sa kanya habang hawak siya sa batok. Muntik bumigay ang tuhod niya sa halik nito. Muntik malaglag ang hindi pa dapat malaglag sa pamilyar na kagat nito sa labi niya. At muntik sigurong mahimatay ang crew na napatingin. Ang singhap kasi ng mga ito, que horror sa pandinig. May pangangailangan sa respirator. Parang humugot ng huling hininga.

"That," mahinang sabi ni Grey sa kanya at kaswal siyang pinisil sa pisngi, "Stay around me, slowpoke. I still need an assistant."

Sunod-sunod na lunok at tango ang ginawa niya. Matipid naman itong ngumiti, bumalik sa pagkaseryoso, at tumalikod.

Naiwan siya kay Boom na nanigas sa pagkakatayo at halos luluwa ang mga mata. Nakabuka ang bibig nito sa nawawalang mga salita.

"Boom..." kalabit niya sa bakla. "Dadalhin ba kita sa ospital?"

Tuod pa rin ito. Nag-alala naman tuloy siya.

"Oy, Boom..." Napalunok siya habang hinahabol ang hininga. Kulang talaga ang cardio niya kay Grey. Kailangan niya pang tibayan ang tuhod at dibdib niya sa lalaki. Kundi, paano na lang siya 'pag donation night na? Magsisimula pa lang sila, pagod na siya?

Niyugyog niya si Boom. Parang nagising naman ito. Tumili.

"Letse! Letseng kagat! Ano 'yon?! Ano'ng nakita ko?!" sunod-sunod na sabi nito sa pagitan ng ubod lakas na tili.

Ni hindi lumingon si Grey sa gawi nila kahit na eskandalosa ang ingay ni Boom at karamihan sa set ay sa kanila nakatingin. Kilos-direktor na ito. Kapos naman ang salitang mayroon siya para ipaliwanag ang kagat.

"Eh... gano'n 'yon humalik si Grey," sabi lang niya.

Lalo itong tumili at sinapo siya sa mukha. Akala niya ay babanatin nito ang pisngi niya.

"Gano'n humalik? Kitang-kita ko! Kitang-kita ko, Tonya! Gano'n nga siya humalik!" Ginamit nito ang palad sa pagpapaypay sa sarili. "Ang tanong bakit? Bakit ka niya hinalikan?"

Napalunok siya. Lalo na dahil lumalapit na rin ang ibang libreng crew para mag-usisa.

"Eh kasi... si Grey ano... boyfriend ko na siya," halos hindi lumabas sa bibig niya ang salita.

Ilang sandaling ang ihip lang ng hangin sa Batangas ang naging ingay sa pagitan nila, bago humugong ang hiyawan, tilian, tawanan, at tilian uli. Majority ay sa mga bakla at sa mga babae. Ang mga lalaki, natuod sa pakikinig.

Nag-antanda si Boom at kinamal ang bilbil sa tagiliran niya. "Diyos ko! Ano'ng itinatago mo sa taba mo? I-share mo sa akin! Dali!"

Wala naman siyang itinatago sa taba niya.

"Basta gano'n, Boom. 'Wag na lang muna kayong maingay," namumulang sabi niya sa lahat. Naalala niyang may eskandalo pa siyang kinasasangkutan dahil kay Shaun. Ayaw niyang maeskandalo naman ngayon si Grey.

" 'Wag maingay, 'Te! Si Direk ang gumagawa ng ipagkakaingay!" tumitiling singit ni Abo.

"Basta kasi—"

Pero nalunod sa tilian at kantyawan ang mga sasabihin niya. Nakatanaw siya sa nagtatrabahong si Grey. Halos hindi ito lumilingon sa kanila dahil sa pagbibigay ng utos sa mga kausap. Napangiti naman siya. Mukhang possessive nga ang lalaki. Ang announcement nito ng relasyon nila ay ang lantarang paghalik sa kanya.

Everyone's so lively. Na hindi na napansin ni Tonya na may unknown number na tumatawag sa cellphone na nasa bulsa ng short niya. #

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top