Chapter 25 : To know you
***
Gutom nga si Grey kagaya ng iniisip ni Tonya. Dahil nang matapos ang fireworks ay nagyaya itong maghanap ng makakain. Hindi naman niya mai-offer sa lalaki ang pagkain sa bahay nila dahil hindi pa ito kilala ng Mama niya. Baka mahimatay ang ginang kapag ipinakilala niya si Grey gayong hindi pa nito alam na binasted niya si Shaun.
Pagsakay niya sa kotse nito ay nakita niya sa backseat ang limang pulumpon ng mga bulaklak. May isang pulumpon ng iba't ibang kulay na rosas. May isang puro calla lilies. May arrangement ng orchids at maliliit na buko ng bulaklak. May tulips at lavenders. At may isang stargazers na may kahalong iba pang uri ng bulaklak.
"Bakit ang daming bulaklak sa likod?" tanong niya kay Grey habang nagmamaneho ito. Nakapagkit ang mga mata niya sa naggagandahang bouquet.
"Those are for you," simpleng sagot nito.
"Eh, bakit—"
"Why five?" una nito sa tanong niya.
"Oo. Bakit ang dami?"
"Because I don't know what particular flower you like." Ngumiti ito habang nakatuon ang mga mata sa kalsada. "Kaya bumili na lang ako ng... lahat ng puwede kong bilhin."
Ang gaan ng ngiti ni Grey habang sumasagot sa kanya kahit na hindi ito tuwirang nakatingin. Muntik niya itong pisilin o tusukin sa pisngi. Nahiya lang slightly ang mga daliri niya.
"So, what particular flower do you like?" anito.
Mahina siyang napabungisngis. "Hindi naman ako nagmamaganda sa ganyan. Lahat ng bulaklak, gusto ko. Lahat naman kasi magaganda, eh. No'ng may nagbigay nga sa 'kin ng gumamela no'ng grade school ako, kahit joke lang pala 'yon, natuwa ako. Umiyak ako no'ng pinitpit ni Bev para ihalo sa bubble soap."
Dumaan ang patlang sa pagitan nila.
"Sino si Bev?"
"Si Bev? Kapatid ko." Nakangiti siya nang umalala. Hindi nga pala kilala ni Grey ang mga kapatid niya. "I have three younger sisters. Si Beverly 'yong sumunod sa akin. Siya 'yong pinakakuripot. Tapos si Sharon. Malantod 'yon. Tapos si Anelle, pinakamaganda. Lahat sila nasa ibang bansa na. After nilang makatapos ng college, nagkaroon sila ng opportunity para mag-abroad."
"Ah..." sabi ni Grey at bumulong na parang nagkakabisa, "Beverly, Sharon, and Anelle."
Ngumiti uli ito pagkatapos. Hindi naman siya sanay mamulutan ng guwapong ngiti nito kaya napatungo siya at pasimpleng kumapa sa tagiliran ng mga labi. Mahirap na. Baka may tumulong laway habang magkausap sila. Nakahihiya.
" 'Wag mo kaya akong masyadong ngitian?" maingat na sabi niya rito.
"Bakit?" Natikom ang labi nito. "Is there something wrong?"
"Wala namang mali. Baka lang bigla akong maglaway rito. Hindi kasi ako sanay sa ngiti mo."
Saglit na natahimik si Grey sa kanya bago malakas na tumawa. "You really say what's on your mind."
Dapat ba hindi? Eh ''di wala na siyang masasabi talaga? Iilan na nga lang ang kayang iproseso nang mabilis ng utak niya, papatayin niya pa sa katahimikan? Sayang naman.
"Kapag komportable lang ako," aniya.
"Are you comfortable with me?"
"Ngayon, oo," amin niya. Kasi minsan—
"Minsan, hindi?"
"Oo. Minsan kasi nakakatensyon ka. Lalo na 'pag tumitingin ka sa 'kin, 'yon pala manghahalik ka lang. Akala ko lagi, ang laki ng kasalanan ko!"
Malakas uli itong tumawa sa sinabi niya. "I can understand that."
Bungisngis ang sagot niya. Mabuti naman at naiintindihan nito ang sariling tensyon na ibinubuga.
Nang mapadaan sila sa isang sikat na fast food chain ay itinuro niya iyon kay Grey. Pero matipid lang na ngumiti ang lalaki sa halip na huminto. Lagpas sampung branches na ang naituro niya bago sila lumiko sa drive-thru ng isang branch.
"What do you want to eat?" untag nito.
"Eh... bawal na akong kumain nang mabigat ng ganitong oras. French fries na lang."
Tumango ito bago bumaling sa intercom at umorder. Kinolekta nila ang tatlong malalaking burgers, pies, at french fries sa take-out counter. Walang drinks.
"Hindi ka kukuha ng kape?" aniya. Baka nakalimutan nito ang paborito nito.
"No. I don't like their coffee."
Naroon pa rin ang ngiti ni Grey sa tuwing sumasagot.
"Eh, anong iinumin mo niyan?"
"I like your coffee. Ipagtimpla mo 'ko," sagot nitong bumaling sa kanya.
Lumingon naman siya sa backseat—sa mga bulaklak—at inaninag kung may nagtatagong coffee maker doon. Parang wala naman.
"Paano kita ipagtitimpla? Wala naman tayong coffee maker dito."
"I have a coffee maker."
Nilingon niya uli ang backseat. "Nasaan? Dala mo? Wala naman akong makita."
"In my house."
Ilang segundong nagproseso ang isip niya sa sagot nito. His grin gave him away.
"Ang sabi mo... kakain lang tayo at uuwi," aniya.
"Yeah. We're going home."
Nagkakagulo ang mga neurons niya sa pagitan ng pag-angil at kilig. Hindi naman sinabi ni Grey na sa bahay nila siya uuwi matapos bumili ng pagkain. Pero hindi rin naman niya naisip na sa bahay nito sila uuwi. Donation night ba ngayon? Agad?
Sinuri niya ang mga kalyeng dinadaanan nila at saka napansing malapit na pala sila sa subdivision na tinitirhan nito.
Nanlaki ang mata niya.
"Aha! Ang landi mo, Goryo!" naibulalas niya at mahinang tumawa.
"Yeah. I should be ashamed of myself."
Pero malaki ang ngisi nito sa pagsasalita.
"Hindi halatang nahihiya ka sa ngisi mo!"
"Yeah. It betrays me," patuloy nito at nagmaneho papasok sa subdivision.
***
Nang makarating sa bahay ni Grey ay agad siyang nagsalang ng kape sa coffee maker. Nakasunod naman sa kanya ang lalaki. Inilapag nito ang take-out food nila sa mesa sa kusina. Dahil gutom, wala pang kape ay sinimulan na nitong kainin ang burger.
Tahimik ang bahay. Malamang ay tulog na si Portia at si Noreen.
Si Noreen.
Nakalimutan niya ang tungkol sa fiancee nito! Malaki ang mga mata niya sa konsensiya at sa takot nang lumingon kay Grey.
"Si Noreen, Grey!"
May bahid ng lungkot na dumaan sa mga mata ang lalaki sa binanggit niyang pangalan.
"Ano... " nag-apuhap siya ng tamang salita, "nasaan siya? Magpakita ka sa kanya para alam niyang nandito na—nandito ka na."
Nagtagal ang katahimikan sa pagitan nila.
"She's not here, Tonya. She's on her flight to Paris."
Umalis si Noreen papunta ng Paris? Ano'ng ibig sabihin n'on? Mabagal ang translator niya.
"Eh 'yong singsing niya..."
"She will keep it. For old times sake."
Napatulala siguro siya sa pagta-translate sa sagot nito. Kasi malumanay na nangiti si Grey at lumapit sa kanya sa kitchen counter. Hinawakan nito ang magkabilang kamay niya.
"Slowpoke. What I mean is that Noreen and I broke up. We're not engaged anymore. I won't pursue you if we're still in a relationship."
Translation: Hiwalay na kami ni Noreen. Hindi ako two-timer.
"Ah..." nakauunawang sabi niya. "Akala ko, two-timer ka."
"I won't do that."
"Is she... okay?"
"Of course not." Napailing ito. "She won't be okay for a while. But she's one of the strongest girls I know. I trust that she can make it."
Natitigilan pa rin siya sa narinig. Alam niya kung gaano kasakit ang makipaghiwalay sa isang minamahal. It happened to her with Hans. Ang ipinagkaiba lang, sina Grey at Noreen, mukhang nag-usap. Sila ni Hans, hanggang ngayon, hindi pa nagkakasalubong man lang. Isnab na isnab pa rin ang mga pasaload niya.
Pinisil ni Grey ang mga kamay niya. "Hey... don't worry too much."
Nag-angat siya ng mata sa nakangiting lalaki. There were voices in her head saying this was too much. Did she actually deserve him? Mas kilala ito ni Noreen. Mas bagay ang dalawa. Kaya...
"Bakit ako? Noreen is perfect for you..." sabi niyang nawalan na naman ng renda ang bibig.
Sinalubong ni Grey ang mga mata niya. Wala pa man itong sinasabi ay natatakot na siya sa isasagot nito. Wala yatang salita ang makakukumbinse sa kanya na siya ang tamang piliin. Everything that she knows about herself and everything that she thinks he deserves convince her otherwise.
"Do I have to love the one who everyone thinks is perfect for me?" balik-tanong nito sa kanya.
Oo nga naman. May point ang tanong nito. Pero kasi—
"Love, Tonya, as I know is this." Dinala nito ang isang kamay niya sa dibdib nito, sa tapat ng puso nito. "One day, I realized it's easy to laugh, smile, play around, eat, be quiet, and work with you. One day, I woke up excited to see you. One day, your tears weighed as much as my worries and fears. One day, I'm into you. I honestly don't have the slightest idea why. Or how. I doubted it, too. Why? I was waiting for Noreen." Maingat at marahan ang pagsasalita ni Grey para maintindihan niya lahat.
"Then Noreen came back wearing my ring—still perfect, still in love. Yet, all I could think about is how to tell her that I love you." Huminga nang malalim ang lalaki. "That's all I know."
Kasabay ng lumanay nito ang pagkatunaw ng mga pangamba niya. Na-resurrect si Pag-asa. Umawit si Pag-ibig. Lintek na pag-ibig: ang guwapo na, ang sweet pa. At bakit eksakto niyang naiintindihan ang sagot nito? Bakit hindi kailangan ng translation?
"Ang akala ko ba, hindi ka magaling sa salita?" mahinang tanong niya kay Grey habang namumula. Astang nagdadalaga siya. May blush na nalalaman.
"Hindi nga. Gutom din ako nito," sabi nito. "But that's what I know. I want you to know it, too."
Punumpuno ang puso niya. Baka atakehin na siya sa dami ng ngiti at kilig na natatanggap niya kay Grey. Quota na kahit wala pang donation.
"Let's eat. Baka abutin tayo ng umaga rito sa kusina. We have to sleep, too," sabi pa nito at hinalikan siya sa noo bago bumalik sa mesa.
Nagsalin siya ng kape sa mug na naroon at umupo sa tapat nito.
***
Alas tres na nang umakyat sila sa ikalawang palapag. Inihatid ni Grey si Tonya sa iniayos na guest room na katabi ng tinuluyan ni Noreen.
"Try to sleep a little," sabi niya sa babae matapos itong ipagbukas ng pinto.
Natuon ang mata ni Tonya sa damit na nakalatag sa kama. Size nito iyon.
"Sa... akin? 'Yong damit?" nananantiyang tanong nito nang bumaling sa kanya.
She really lacks an assuming bone. Mas nahuhulog siya rito dahil doon.
Namulsa siya. Ngumiti. "Yeah."
Ibinalik nito ang ngiti niya. Nagsasayaw ang mga mata na parang tinutukso siya. Other girls would easily realize how sly he is. Halatadong planado niya ang pag-uuwi rito sa bahay niya. But Tonya would surely...
"Planado mo?"
Yes. She would ask him first.
"Yeah."
Lalo niyang naramdamang cheap siya dahil sa mga pag-aming ginagawa. It's hard to remain the cool type with Tonya.
"Bakit?" tanong nitong naupo sa kama.
"I thought... it wouldn't be enough for me to confess to you. And sure enough, the moment I confessed, I want to stick with you a little longer."
Kapritso niya lang iyon. Tonya doesn't know that he is just as insecure that he doesn't know a lot about her. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang pakiramdam na iyon pero hirap siyang itakwil. He wanted to know about her. Gusto niya ring ipakilala ang sarili rito.
He also knows that he has a lot of adjustments to do for them to work out. Gano'n din naman ang babae sa kanya. Para sa isang taong hindi palasalita, kailangan niyang maging straightforward. Para sa isang taong mabagal magproseso, kailangan ni Tonya na maging instinctive. But adjustments don't matter. He's okay with hearing his voice and his thoughts aloud even if he's not used to it. Ang mahalaga, nagkakaintindihan sila. He learns about her and about himself, too. Still...
Napahawak siya sa batok habang asiwa ang ngiti. "This is hard."
"Ang alin?"
"Talking straightforwardly. I'm used to giving orders when making films but that's different from this," amin niya.
She giggles. "Ang cute mo nga, eh."
"Cute?"
"Oo. I like this mood, too."
Magkahinang ang mga mata nila. Puyat na yata sila pareho. Mas direkta na siyang magsalita. Wala na ring preno ang mga hirit ng babae. He's becoming vulnerable with her and she's getting more comfortable with him.
"I like to know more about you," sabi niya.
"Ako rin, Goryo. Bibili ako ng maraming-maraming tape. Then, we will talk about a lot of things." Humikab si Tonya.
"Yeah. Let's do that," sabi niya at lumapit pa lalo rito. "In the meantime, sleep."
Nakangiti ito nang akmang hihiga sa kama. Inagapan niya ang pagkuha sa damit na madadaganan at ipinatong sa naroong couch. Inayos naman nito ang pagkukumot sa sarili.
"This night means that... sperm donor na kita, 'di ba?" untag nito.
Naupo siya sa tagiliran ng kama nito at naiiling na ngumiti. "More than that, slowpoke. I'm your boyfriend."
"Oo nga pala. Boyfriend." Mahina itong bumungisngis. "Goodnight, boyfriend." Hinuli nito ang mata niya bago sinabi, "I love you."
Natigilan siya. Unang beses niyang narinig ang mga salitang iyon mula rito. He knows in her action that she does love him. He knows when he kisses her. But her words struck her like lightning, he caught his breath.
"Goodnight. I love you," masuyong sabi niya at dinampian ito ng magaang halik sa labi.
"Nakakarami ka na talaga, ha," nakapikit na sabi ni Tonya.
Nakangiti siya sa babaeng nasa pagitan na ng pagtulog. "Yeah. There will be more of that from me, Tonica. You don't know what you get yourself into."
"Alam ko... Goryo."
He watched her sleep, unable to move from where he sat. He already knows he's in love with her. He just doesn't realize he's fallen this hard. #
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top