Chapter 24 : To be confused

***

"I guess this is it," mahina ang boses na sabi ni Noreen kay Grey.

Boarding na ng flight papunta sa Paris. Naka-check in na rin ang mga gamit ni Noreen pero hindi pa lumalapit man lang sa boarding gate ang babae. Nakaupo pa rin silang dalawa sa passenger lounge. Naka-shades ito kahit na dumidilim na. Tinatakluban ang namamagang mga mata. Grey, on the other hand, was torn between relief and regret.

Sigurado siyang mami-miss niya si Noreen. Isa ang babae sa kakaunting mga taong nakakikilala sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay nito. Nanuot ang lamig niyon sa balat niya at nagpagapang ng sakit sa puso niya. Bumigat ang dibdib niya kaya napahinga siya nang malalim. She was hurting. Hindi madali sa kanyang tiisin ang sakit na ibinibigay rito–she's his best friend. But he could endure the torture and trust that everything would be okay in time because she is Noreen.

"I could never be this honest if it wasn't for you. Thank you for always forgiving me with all that I lack." Lumunok si Grey, nakatitig sa hindi tumitinag na babae. "I love you. Always."

Bumaling ito sa kanya.

"And I love you, Grey." Kinagat nito ang labi at bumuntong-hininga, "It's weird. The words are the same but we mean differently."

It's not just weird. It's cruel.

"Hey, corny..." ngumiti nang matipid si Noreen, "Can I slap your face?"

Lumunok siya. "I've been waiting for you to do so."

"I'm just really calm on the inside before. I guess, it's not yet sinking in that I have to live without you in my plans. But right now, I'm quite pissed off. And you know that this won't go away unless..."

"Unless you shout or slap at something," panapos niya sa sinasabi nito.

"Yeah."

"Go. Make it hurt."

Pumihit siya paharap kay Noreen. Nakatingin sa magandang mukha nito. Mabigat sa dibdib ang bawat paghinga niya habang naghihintay.

Umigkas ang kamay ng babae at lumagapak sa kaliwang pisngi niya. Malakas ang tunog na nilikha niyon. Pumaling ang mukha niya. Nagtinginan ang mga tao.

The slap stung and burned his cheek. It hurts so much he shed a tear that had been keeping his heart heavy.

Pero ang una niyang ginawa ay kunin ang kamay nito. Sinuri niya ang nanginginig at namumulang palad nito. Masuyong hinaplos.

Malambot ang kamay ni Noreen. Siguradong nasaktan ito.

"Are you hurt?" tanong niya sa babae.

"Yes," nanginginig din ang boses na sabi nito, "Did it hurt?"

"God, yes," aniya at pinaglapat ang mga ngipin. He breathed heavily before pulling Noreen into his arms. Mahigpit niyang niyakap ang kalambutan nito. Tinandaan ang init ng katawan nito. Yumugyog ang balikat nito sa pag-iyak kasabay ng pagkawasak ng puso niya rito. "I'm really sorry about this, Noreen."

"Yeah. I'm sorry for myself, too," bulong nito, "Pero marami pa namang mas guwapo kaysa sa'yo. So, don't worry, Gregorio. I'm pretty as hell."

Mahigpit ang yakap nila sa isa't isa nang gupuin ng tahimik na pag-iyak. People were watching but they didn't mind. No one knows how hard it is to part unless you're the one forced to say goodbye when you don't even want to.

"Yeah. You're pretty as hell. You're perfect," sabi niya at mabigat na huminga. He's never good at saying goodbye. He's never good with words. He wanted to do enough for her–for the friendship, for her tears, and for her kindness. But he has no idea what's enough.

Bumuntonghininga si Noreen at kumalas ng yakap sa kanya. He watched her searched inside her handbag. Naglabas ito ng tissue. Kumuha at inabutan din siya. Tinuyo nito ang sariling mga mata at nang makitang hindi siya kumikilos ay hinawakan ang mukha niya at pinunasan ang luha niya.

"You cried for me. I'm relieved," mahina ang boses na sabi nito.

It wasn't all of his tears, yet. It wasn't all of the pain.

"You're right. This is not easy at all."

Ngumiti ito nang nakauunawa, "But we can do it because it's us."

"Yeah. Because it's you."

Hinaplos nito ang sinampal na pisngi niya.

"This is goodbye, Grey. See you..."

She kissed him for the last time before walking away.

***

"I know Noreen since we were children. Kapitbahay namin sila. Kalaro ko. She's a prim and proper girl. Hindi umaakyat ng puno no'ng bata pa kami. She's the first to hide and the last to be discovered in hide and seek. She's the weakest in races. We were classmates, too, from elementary to high school. She had her share of bullies. They thought she's fake because she's too kind. But she is... really kind. She is."

"We we're inseparable up to college. She's my best friend. Then, we dated."

Pinindot ni Tonya pabalik ang play button. Nag-fast forward siya sa recorder.

"Six years ago, I proposed marriage to her."

"She turned me down."

Pindot pabalik. Fast-forward.

"Noreen is... perfect."

"Unfortunately, she is."

Pindot. Patay na ang tape at ang pag-asa niya.

Natuon ang mga mata niya sa sampung cups ng chocolate sundae na nakahilera sa mesa niya. Bilang pagluluksa, kakainin niya bang lahat iyon? O bilang pagluluksa ay magha-hunger strike siya?

Pero hindi ba at naka-hunger strike na nga siya nang magdadalawang buwan kaya siya pumapayat? Kung broken-hearted siya, puwede niyang kainin ang sundae, hindi ba?

Nakikipagtalo ang mabagal na logic niya. Kung kakainin kasi niya ang mga iyon, siguradong kalaunan ay itatakbo niyang lahat iyon sa treadmill. Iba-bike niya sa stationary bike. Isi-sit-ups niya. Iba-boxing. At iba pang routine. Baka ang ending, ang buong umaga niya sa mga susunod pang buwan ay sa gym na lang talaga maubos.

Pero masakit talaga ang puso niya. Kaya nga siya napadpad sa fast food sa halip na nasa bahay at nag-aayos para sa libreng dinner ni Grey. Kanina pa itong alas-siete nag-text. Susunduin daw siya sa bahay nila. 7:45 na ngayon at hindi niya pa sinusulyapan man lang ang cellphone niya.

Bibitiw na kasi siya kay Superman bago pa siya tuluyang maging panggulo sa love life nito at ni Noreen. Bago pa siya mabaliw o mabuking na nag-aastang girlfriend. Bago pa siya madurog na parang pinggan.

Naglista siya ng pointers kung bakit hindi sila bagay para makumbensi niya ang sariling bumitiw.

1. Slow ako at tanga. Hindi siya mahilig magsalita. Paano kami magkakaintindihan?

'Di ba sabi mo, maiintindihan mo siya kahit hindi siya magsalita? akusa niya sa sarili.

Ipinilig niya ang ulo.

2. Superman siya. Hindi ako si Lois Lane.

Sperm donor mo siya, 'di ba?

3. Guwapong-guwapo siya. Maganda lang ako (1x lang).

"You will be a head-turner."

"You will be gorgeous."

4. Marami siyang mood na hindi ko alam.

Alam mo na 'yong iba, 'di ba?

5. Magulo kaming mag-usap.

Magulo ka ring kausap. It's a tie!

6. Awkward kami.

"We are oftentimes awkward, Tonica."

7. Mahal niya si Noreen. Mahal ko siya. Complicated. Sabi ni Mama, umiwas sa complicated.

"That kiss... don't you ever forget it."

Bakit ka hinalikan? Marami-rami 'yon. Hindi lang pati aksidente. Sa bilang ko, tatlo no'ng nasa dagat. Pang-apat yo'ng may walk out, Ati!

Ang gabutil ng munggong pag-asang naghahangad mabuhay uli, bakit kaboses ni Boom?

Napatitig siya sa tatlong pinakamabibigat na salitang isinulat niya sa notebook: Mahal ko siya.

Lintek na pag-ibig talaga. Ang bilis niyang nakapag-move on kay Hans dahil lang may time. Napabuntonghininga siya. Bakit kaya hindi na lang siya nahulog kay Shaun? Si Shaun, mas malinaw at mas diretso. Magulo sila mag-usap pero dahil lang 'yon sa kanya. Kaso ang puso niyang nag-iinarte, kay Grey tumitibok-tibok. Solid na solid ang pangalang isinisigaw.

Pinanonood niyang matunaw ang mga sundae nang mag-ring ang cellphone niya.

Tinitigan niya ang pangalan ni Grey sa screen. Kung sasagutin niya, baka maiyak siya sa pakikipag-usap. Mas madali ang hindi ito sagutin. Silent treatment. Silent goodbye. Silent giving up.

Kunwari busy siya. O naliligo. O nakatulog. Madali namang ipaubaya na lang sa taong tumatawag kung anuman ang gusto nitong isipin.

Pero sinagot niya ang tawag. Kasi naman, pangalan pa lang ng lalaki ang makita niya, parang inuutusan na siya: Surrender to me. Accept your defeat.

Sumuko naman agad siya. Wala siyang kalaban-laban sa kapangyarihan ni Superman.

"Hello," mababa ang boses na bati niya.

"Tonica? Nasaan ka?"

Natigilan siya sa kapal ng lungkot sa boses ni Grey. Ano naman kayang nangyari?

"Malungkot ka, Grey?"

"Where are you?" tanong pa rin nito na may kasamang buntonghininga.

"Nasa fast food."

"What? Why there?"

Napatingin siya sa sundae. "Uhm... umorder ako ng sundae."

Mapanakit ang sumingit na patlang sa telepono. Pinasisikip ang dibdib niya.

"I'm waiting for you," sabi nito.

"Eh... "

"We will talk, 'di ba?"

"Uhm... Kasi, ano..."

"Where are you exactly? I will fetch you."

"Grey..."

"Tonica."

Lumunok siya. Ito na 'yon. Tinawag ang pangalan niya. Dapat bumitiw na siya. Dapat malinaw.

"Ayoko, Grey."

"What?" anito.

" 'Wag mo na 'kong sunduin. Ayaw kitang makita, eh."

Hindi ito sumagot. At hindi niya rin pababayaang makasagot pa.

"Ayoko ring mabasted. At masisante."

"Ha? Sinong nagsa–"

"Okay lang sa'kin kahit na hindi ko na malaman kung ano 'yong kiss na hindi demo. O kung anuman ang nasa pagitan nating dalawa. Kung bakit ka magulo kausap o kung bakit ka nagagalit sa pakikitulog ni Shaun. Okay na 'yon. 'Wag na nating pag-usapan."

"Tonya, we really have to–"

Tinapos niya ang tawag. Huminga siya nang malalim para lang mapangiwi. Ang bastos yata ng ginawa niya. Kung ang balak lang pala nito ay bastedin siya pero hindi sisantehin, baka matuluyan na nga sa sisante. Ang kaso, ayaw naman na talaga niyang marinig ang mga sasabihin nito. Biyak na biyak na ang puso niya. Walang awang nagdurugo. Tama na dapat 'yon.

Wala na siyang kailangang marinig. Wala na rin naman siyang sasabihin.

***

Unattended pa rin ang cellphone ni Tonya. Asar na tinanggal ni Grey ang suot na earpiece at napasulyap sa oras sa dashboard: 11:28 na ng gabi. Naikansel na niya ang reservation sa restaurant kung saan sana sila maghahapunan. At ilang oras na siyang naghihintay sa tabi ng kalye sa labas ng bahay ng babae.

Nagtitiis siya ng gutom dahil hindi niya magawang iwan ang puwesto. Ayaw niyang magkasalisi sila. Kailangan niyang makita agad si Tonya pagdating nito.

"Ang sama mo."

Her words were ringing in his head. It's true, he was cruel. He was confusing her, suffocating her, and bossing her around. Masasamang ugali niya iyon. Maraming parte niya ang hindi kilala ni Tonya–mga parteng gusto niyang ibahagi rito kahit na ayawan nito. He wanted her to know him the same way he wanted to know her. He wanted to sink into her skin, to occupy her thoughts, to be in her dreams.

He wanted to be the man for her.

11:41. May humintong taxi sa tapat ng bahay ng babae. Bumaba si Tonya.

Nakipag-unahan siya sa tibok ng puso niya. He immediately got out of the car.

"Tonica!"

***

Napalingon si Tonya sa pamilyar na boses. Imposibleng si Grey iyon dahil maghahatinggabi na at maaga ang call-time nila kinabukasan. Pero sa paglingon niya, 'ayun, nakatayo nga si Superman. Naglakad ito palapit.

"Grey..."

"Where have you been? Maghahatinggabi na. Bakit ngayon ka lang umuwi?" kunot ang noo nito sa pagtatanong sa kanya.

"Eh..." naghagilap siya ng isasagot habang halos nakatingala rito. Bukod sa pagse-senti kasama ng sundae at pagsalo sa mga heartbreak songs sa taxi na feelingera siyang patama sa kanya, ano pa ba ang ginawa niya? "Hindi ko namalayan ang oras. Nanood ako ng sine at naglakad-lakad."

Lalong nangunot ang noo nito.

"Did you eat?"

Tumango siya.

Bumuntonghininga naman si Grey. Nabawasan ang dilim sa mukha nito. Mukhang hindi babagyo.

"Ikaw? Bakit ka nandito?" aniya.

"To talk to you."

"Kanina ka pa? Rito?"

"Yes," anito. "I told you I'm waiting."

Wala na siyang masabi. Nakatingala na lang siya sa mukha nito at hinihintay na mag-isang gumawa ng salita ang dila niya. Grey looked tired. Napagod siguro sa pagguwardiya sa labas ng bahay nila. Kumurap siya at iniwasan ang hindi maintindihang damdamin sa mga mata nito. Pero binihag nito pabalik ang mga mata niya. At dahil nasa titigan moment na naman sila, nagkakamali-mali na naman ang tibok ng puso niya. Nando'n 'yong parang hihinto na ito sa pagtibok, tapos dodoble.

"Sabi ko, ayokong makipag-usap, 'di ba?" nagawa niyang sabihin.

"Yeah. But I still want to see you."

Pinitik ang puso niya sa sinabi nito.

"Lilituhin mo na naman ako? Kukulitin? Pasusukuin sa'yo? 'Di ba, sabi ko, okay na 'ko? Hindi ko na kailangan ng sagot sa mga tanong ko, Grey. Hindi ko na kailangang malaman ang kahit na ano."

Natigilan siya nang marinig ang sariling boses. Sinabi niyang lahat iyon? Hindi sa isip lang? Natutop niya ang traydor na bibig.

R.I.P Kahihiyan.

"Ang-ang ibig kong sabihin..." naramdaman niya ang pagtakas ng dugo sa mukha niya habang naghahagilap ng pambuhay sa kahihiyan. Pero dahil namasaker ng sarili niyang katangahan ang mabagal na nga niyang utak, wala nang natitirang puwede niyang sabihin kundi ang katotohanan.

"What do you mean?" malamlam ang mata ni Grey sa pagkakatingin sa kanya. "Bakit ayaw mong makipag-usap sa'kin?"

Kinagat niya sana ang labi para pigilan ang sariling magsalita. Pero patay na rin lang ang kahihiyan niya, lulubusin na niyang ilibing. Ayaw niyang magsisi kalaunan na hindi niya nasabi ang nararamdaman niya.

"Kasi..." huminga siya nang malalim, "natatakot ako. Kapag maganda ang sasabihin mo, aasa ako. Kapag naman pangit, madudurog ang puso ko. Saka, baka sisantehin mo ako. Hindi pa 'ko puwedeng mawalan ng trabaho." Lumikot ang kurap ng mga mata niya. "Mahirap kasing umasa, eh. Lalo na dahil ang perfect ni Noreen. Ako, ano lang ba ako? Isang matabang hopia na tagatimpla ng kape mo. 'Yong hindi makahindi sa'yo. Tatanga-tanga. Aasa-asa."

May pag-aalala sa mukha ni Grey habang nakatingin sa kanya. Samantalang siya, hindi lang nag-aalala sa lumalabas sa walang-prenong bibig niya. Nalulungkot din siya at nasasaktan.

Masakit magsabi ng totoo. Pati mata niya nasasaktan at naluluha.

"Nakakatakot. Kasi, kapag sinabi mong tigilan ko na 'yong astang girlfriend ko, at 'yong paglalagay ko ng sticky notes sa kape mo, pati 'yong paggamit sa panda mug natin, hindi ko alam ang gagawin ko. Kasi ako... ayokong tigilan 'yon. Sana kasi..." nakuyom niya ang kamao habang nakatitig dito. Puwede ba niyang sabihin dito ang lahat ng nasa isip niya? Hindi ba siya pagtatawanan pagkatapos? Pero hindi naman siya pinagtawanan kahit na kailan ni Grey, hindi ba?

"Sana kasi..." paglunok niya ay sumabay ang pagpatak ng luha niya, "totoo na lang lahat. 'Yong kiss mo. 'Yong concern mo. 'Yong pang-aaway mo sa akin. 'Yong cute na panda mug." Tinakpan niya ang dalawang mata gamit ang palad para itago ang pagbukal ng luha mula roon, "Hopiang hopia ako na sana hindi lang demo lahat 'yon. Na may kahulugan 'yon kahit kaunti. Nagagalit na sina Boom at Abo pero wala. Asado. Hopia. Isang daan mo lang na parang mumu sa mesa namin, nakasunod na agad ako sa'yo. Asado at hopia."

Sumigok siya. Wala na siyang mukhang ipakikita. Iyon na nga lang ang asset niya dahil pretty siya. Matutulad na iyon ngayon sa bilbil niya na kailangang itago.

"Tonica..."

Mas lumapit pa yata ito. Kasi narinig niya itong humakbang at halos naramdaman na niya ang init ng katawan nito.

"Ayokong makinig, Grey," sabi niyang nakatago ang mata at umiiling, "Ilang ulit ko bang sasabihin para maintindihan mo? Binabasted ko na ang sarili ko. Ayokong mabasted mo."

"Tonica–"

"Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayo–"

May kamay na sumapo sa pisngi niya at nag-angat sa mukha niya. May labing umangkin sa labi niya.

Maingay sa iba't ibang drama ang tainga, puso, at isip niya bago unti-unting nanahimik. Naalis ang pagkakatakip niya sa mata. Pamilyar ang halik na natatanggap niya. 'Yong hindi demo. 'Yong humihingi ng kapalit. 'Yong kung sumalakay, wagas. Parang wala nang bukas. Gutom siguro si Grey. Tatlong ulit kasi siyang mahinang nakagat.

Tulala siya nang bitiwan nito. Sumisinghot siya sa pag-iyak pero ang laki ng mata niyang kumukurap-kurap sa pag-aanalisa. Wala sa loob niyang kinagat-kagat ang sariling labi.

"Sometimes you talk to much," mabigat ang paghingang sabi ni Grey sa kanya.

Nalulunod siya sa mga mata nito. Kailangan niyang magtanong para luminaw ang malabo.

"Hindi demo... 'yon?"

"No."

Ano na naman ang iisipin niya? Aasa ba siya? Mag-a-assume?

"Puwede ba akong mag-assume?" tanong niya.

"No need to." Pinahid ni Grey ang bakas ng luha sa mga mata niya at pinakatitigan siya, "Listen very carefully to me."

Tumango siya.

"I will confuse you from time to time because I'm not that good with words. I know you will confuse me from time to time because you're not good with it, neither. I have a temper that only you knows about. I am flawed and oftentimes bossy. But I want you to know me. And I want to know you, too," masuyo ang naging ngiti ni Grey sa kanya. "We may be awkward but I don't care. We may confuse each other a lot but I won't care. I want to be confused with you. And then I want us to work it out."

Marahan itong humugot ng hininga, "You don't need to assume or hope about anything. From this day on, I, Gregorio Montero, am yours." At dahil kulang pa yata ang langgam sa paanan nila, "I love you, Tonica."

Hindi niya naintindihan lahat. Puwede kaya niyang ipaulit mamaya?

"You mean..."

Natawa nang mahina si Grey.

"I love you, slowpoke. I waited all night just to tell you."

"You... As in you..."

"Mas madali ka talagang halikan. Come here," nakangiting sabi nito at hinatak siya sa bisig nito.

Lumapat ang labi nito sa kanya. Mas mainit. Mas nakapanlalambot. Naghahanap ng sagot sa halik niya. Hinahabol ang bilis ng tibok ng puso niya. Kaya kumapit siya sa katawan nito at ibinalik ang init na ibinibigay nito.

Ngayon alam na niya, hindi niya imagination lang ang tensyon sa katawan ni Grey. At naiintindihan na niya ang matamis na halik na hindi demo.

Hindi na sila demo. #

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top