Chapter 21 : To give up

***

Kunot na kunot ang noo ni Tonya sa pag-iisip at sa inis kay Grey.

Ano'ng sinabi nito? Hindi raw demo 'yong halik? Eh 'di ano ngayon ang gusto nitong isipin niya? Mas mabuti pa nga kung demo 'yon. Mabilis palampasin. Itatago na lang niya sa kaeng-engang baul ng alaala niya na may matamis na pangalan nito. Pero kung hindi demo ng kahit na anong mood nito ang halik, ano'ng pwede niyang isipin?

"Eh 'di ano 'yong halik mo? Trip mo lang? Nagulat ka? Bakit ang gulo mo, Goryo?!"

Hindi nakakibo agad ang lalaki. Bumuntonghininga lang ito at tumitig sa kanya.

"Let's talk tomorrow night. Nang masinsinan."

Ang sabi ng tatay niya noon, 'wag na raw ipagpabukas pa ang mga bagay na kaya namang gawin na agad. Ang usapan nila ni Grey, ang halik na hindi demo, ang mga tanong sa naguguluhang isip niya, hindi yata dapat na ipagpabukas pa.

"Bakit bukas pa? Ngayon na tayo nag-uusap," sabi niya.

"Tomorrow. Please."

Tinitigan na naman niya ang seryosong mukha ng lalaki. Nakaba-bad trip na nagniningning ang kaguwapuhan nito sa paningin niya. Gano'n yata talaga ang mga umiibig na gaya niya. Natatanga na, nagiging O.A. pa. Hindi niya mahindian ang bawat gusto nito. Pinipilit niyang maintindihan kahit hindi nagsasalita. At ang ngiting ipinagdadamot, lagi niyang gustong makita–dusa sa puso, pulutan sa mata.

Bukas daw. Lahat ba ng tanong niya, masasagot bukas? At kung masasagot naman pala bukas, bakit hindi pa ngayon? Ano'ng pagkakaiba maliban sa mahihirapan siya?

"Ang sama mo," sabi niya habang nag-iinit ang sulok ng mga mata.

Lumambot ang ekspresyon ni Grey habang nakatingin. Napalunok ito. Humakbang palapit na parang gusto siyang hawakan. Parang may sasabihin o gustong sabihin, pero hindi na nagsalita maliban sa...

"I know. I'm sorry."

Nilunok niya ang sakit na bumabara sa lalamunan para hindi siya tuluyang maiyak. Kasi isang sorry lang nito, gusto na niyang magpatawad at magtanong kung gusto pa rin nito ng kape kasi magtitimpla na siya. Hindi na lang siya nagsalita sa hiyang nararamdaman para sa sarili.

"Tomorrow. Let's meet," parang binabasa nito ang mata niya habang nagsasalita, "Please?"

Kumurap-kurap siya sa pag-iisip. Sasagot ba siya? Mag-walk out na lang kaya siya?

Iyon nga ang ginawa niya. Nagmamartsa siyang umalis. Ni hindi ito nakahabol.

***

Kinabukasan pa...

"Naiinis talaga 'ko sa kanya, Ate Tonya. Kaya kahit na araw-araw siyang magluto sa bahay, hindi talaga ko kumakain!"

Napangiti lang siya sa paglilitanya ni Portia tungkol kay Noreen. Nonstop iyon mula nang yayain siya nitong magkita sa gym. Makikisabay daw sa exercise niya. At dahil sa pag-iingay nito, marami na siyang nalaman na mas dumurog sa puso niya.

Nalaman niya na sa bahay pala ni Grey tumutuloy si Noreen mula nang dumating ito. Na si Noreen ang laging nagluluto para sa lalaki. At na tumutuloy din si Portia sa bahay ng kapatid para maging dakilang panggulo.

Namamangha rin siya kung paanong nagagawa ng mas batang babae na magalit at tumakbo sa treadmill nang magkasabay. Kung siya kasi iyon ay agad siyang mawawala sa ritmo at ililipad ng puwersa ng makina.

"Fiancee siya ng kuya mo. Bakit hindi mo siya gusto? Mabait naman siya," sabi lang niya sa babae.

Ngumuso si Portia at maarteng umikot ang mga mata. Parehas iyon sa ginagawa ni Boom, pero mas cute.

"Hindi ko siya tatanggaping fiancee! Iniwan niya ang kuya ko! Hindi na lang dapat siya bumalik!"

Hindi siya nagkomento. Baka 'pag ibinuka niya ang bibig niya ay sumang-ayon siya sa sinasabi nito at kumandidato pang kapalit.

"Why are you staying at his house, then? Eh 'di lagi kang maiinis. Saka, baka naiistorbo mo sila?" maingat na tanong niya.

"Ha! Si Kuya ang nagsabi na doon ako sa bahay umuwi!"

Pinabagal ng babae ang treadmill nito bago humihingal na tumigil. Uminom ito ng tubig sa plastic bottle na hawak. Gano'n din ang ginawa niya. Pinatigil niya ang treadmill. Hindi na kasi siya makahinga sa pinag-uusapan nila.

"Nagulat nga ako, eh. Bigla akong tinawagan ni Kuya tapos sabi lang niya, Noreen is back and she can't stay at their old house. She will be staying at his house so I should come over, too. So she has company daw. Eh, alam naman niyang ayaw ko sa hilaw niyang fiancee."

Sumalampak sila sa sahig ng gym at pinabayaan ang pagtagaktak ng pawis nila.

"Tapos nando'n ka na lagi? Mula nang nando'n si Noreen?" tanong niya pa.

Sunod-sunod ang tango ni Portia.

"Yes, Ate. Tapos, ang weird nilang dalawa. One day, they talked. Seryosong-seryoso. Magkahawak pa nga sila ng kamay. After that, lagi nang umaga umuuwi si Kuya."

Nangunot ang noo niya. Bakit umagang umuuwi si Grey? Hindi naman gano'n ka-late ang tapos ng mga shooting nila nitong nakaraan.

"Eh, kagabi?" napapalunok na usisa niya.

"Kagabi? No, kanina lang siya umuwi. Mga 5:30. Tulog na tulog pa nga pag-alis ko."

Nangatok ang konsensiya ni Tonya nang maalala ang walk out na ginawa. Kawawa naman pala si Grey. Kung alam lang niya na magtatagal pa ito roon, sana pala ay sinamahan pa rin niya; kahit na awkward na ang sitwasyon at ang pinag-uusapan nila. Kaya naman niyang tiisin ang inis niya rito.

Bumuntonghininga siya. Siya na nga talaga ang matabang hopia.

"Ate, punta tayo uli sa bahay! Magluto uli tayo," kumukutitap ang mata na sabi ni Portia sa kanya.

"Eh... makakaistorbo tayo sa Kuya mo at kay Noreen," kontra niya kahit alam sa sarili na nag-iinarte lang siya.

" 'Yon nga talaga ang gagawin natin, Ate. Sige na. Para makakain ako."

Ang puso niyang tanga, natutuwa; kahit na alam niyang magdudusa siya sa pagpunta sa bahay ni Grey kung saan nando'n din si Noreen. Siguradong nakaabang manampal ang katotohanang fiancee ito ng lalaki. At siya, assistant lang talaga.

"Okay," nakangiting sagot niya.

***

Nasa kusina si Noreen nang dumating sina Tonya at Portia na may bitbit na mga ingredients. Nakapagluto na ang babae ng ginataan at nagsisimula na sa tinola.

"Si Kuya?" maramot sa ngiting tanong ni Portia sa babae.

"Tulog pa," maiksing sagot ni Noreen. Maaliwalas ang ngiti nito nang bumaling sa kanya, "Sinamahan ka ni Portia sa gym?"

Tumango siya. "Oo. 'Pag off sa shooting, sumasama siya minsan sa akin."

"Ah..." napasulyap ito sa plastic bags na dala niya, "Mag...luluto rin kayo?"

"Oo sana. Nagyaya si Portia."

"Niyaya ko si Ate magluto para makakain naman ako," salo ni Portia.

Napatingin siya sa babaeng nagtataray. Gusto niyang sumenyas at pigilan ito sa paglalabas ng pangil pero hindi niya alam kung paano. Lagi kasing umiikot ang mata nito. Baka hindi rin makita.

Dumaan ang lungkot sa mukha ni Noreen. Naalarma naman siya.

"Don't say things like that, Portia," aniya.

Napakislot siya sa kasabay niyang nagsaway–si Grey.

"Good morning, Direk," awtomatikong bati niya sa nalingunang lalaki. Sabay lunok.

Bagong-ligo ito. Medyo basa pa nga ang buhok. Naka-walking shorts lang at kamiseta. Itsurang dusa sa puso, pulutan sa mata. Na naman.

"Hi..." Grey chewed his lips, "You're here."

"Oo, Direk." Kumurap siya para kontrahin ang sariling napapatitig sa ginagawa nito sa labi nito. Na ginagawa rin nito nang nagdaang gabi. Ang kaso, nang mahuli nito ang mata niya, napunta sila sa titigan moment.

"Are you hungry?" singit ni Noreen.

Lumipat ang tingin ni Grey sa babae. "What's for lunch?"

Nakita niya sa tagiliran ng mata ang pag-irap ni Portia.

"Tinola. 'Yong favorite mo," masiglang sagot ni Noreen. "May ginataan din. 'Yong favorite ni Portia."

'Ayun na nga. 'Ayun na 'yong sampal ng katotohanan na alam niyang sasalubong. At dahil hindi niya alam kung paano iilag, magpapasampal na lang siya hangga't kaya niya.

Sana kayanin niya.

Mula sa kusina ay naghanda sila ng pagkain sa dining room. Tulong-tulong sila. Iyon nga lang, halatadong mas alam ni Noreen kung saan nakalagay ang lahat ng bagay. Pati nga si Portia ay hindi makahabol dito. Alam nito kung saan pupuwesto si Grey sa mesa. Kung anong set ng kubyertos, plato, mug, saucer, at bowl ang gamit ng lalaki. At maging kung ano ang una nitong ginagawa bago kumain–tinitikman nito ang lahat ng ulam.

Nag-mental note si Tonya ng lahat ng nakikita. Inuulit-ulit niya sa isip ang note para hindi malimutan.

"Bakit mo tinitikman lahat?" usisa niya sa lalaki nang magsimula silang kumain.

Katapat niya si Grey sa hapag-kainan. Katabi nito si Noreen. Katabi naman niya si Portia. Nagkakalantugan ang mga kubyertos at pinggan nila sa pagkain.

"I..." nag-isip yata ito ng isasagot sa kanya, "don't know exactly why. Habit siguro. To make sure I will like eating a certain food."

"Silly," sabi ni Noreen dito at bumaling sa kanya, "Magulo kasi ang appetite ni Grey, Tonya. Tinola lang ang hindi niya hinihindian kapag kumakain. The rest of the food, he has to taste first para malaman niya kung gusto niyang kainin on a certain day. That's why."

"Ah." Weird. Siya naman kasi 'yong tipo na pasugod sa lahat ng puwede niyang kainin. Tirador siya ng buffet at eat-all-you-can. Winner sa mga eating contests. Lumaki kasi siyang walang pamimiliang pagkain o ulam. "Akala ko sa lunch sa shooting ka lang nag-iinarte, Direk."

Maamo ang ngiti ni Grey sa kanya, "Hindi 'yon pag-iinarte, Tonya. Hindi talaga maayos ang appetite ko kapag busy sa trabaho."

"Totoo 'yon?" baling niya kay Noreen.

Parang nagulat ang babae sa pagbabato niya ng tanong. Tumango ito at awkward na ngumiti. "Though I really like to tease him and tell you na nag-iinarte lang siya, he's saying the truth. Hindi talaga siya makakain nang mabigat kapag nasa gitna ng trabaho."

"Satisfied?" si Grey na nakangiti.

Lumapad ang ngiti niya. "O, sige, naniniwala na ako na hindi ka nag-iinarte lang, Direk."

"Pero picky talaga si Kuya sa pagkain. Parang babae," dagdag ni Portia.

"Eh 'di, hindi ka kumakain ng street food? 'Yong kwek-kwek, tokneneng, fishballs, kikiam, gano'n?" usisa ni Tonya. Masarap ang street food. Kawawa naman ito kung hindi nito na-experience.

"Minsan lang," sagot ni Grey.

" 'Pag trip mo?" si Tonya.

"Yeah. 'Pag trip ko."

"Nope. Hindi lang 'pag trip mo!" sabi ni Noreen sa lalaki bago sa kanya, "He's checking out the location of the cart first–kung malangaw, marumi... things like that. And then, titingnan niya 'yong tindero o tindera. If he thinks they're hygienic, kakain siya. 'Pag hindi..." tinapos nito sa kibit-balikat ang sinasabi.

"Hala! Judgemental ka, Direk? Masama 'yan," sabi niya habang mahinang tumatawa.

"What?" natawa rin ang lalaki. "I'm not being judgemental. I have to check. My stomach is easily upset."

"Para ka ngang babae," aniya. "Ang tiyan ko, parang lalaki eh."

Nagbungisngisan silang mga nasa mesa maliban dito.

"It's true. One time when we were in high school, he craved and ate fishballs. Nagpabili lang siya kay Mang Tuking. Pagkakain niya..." napatigil si Noreen sa ikinukuwento dahil pumalatak sa pagpigil si Grey. "Never mind, then. Kumakain tayo. It might ruin our appetite."

Hindi naman matiis ni Tonya na hindi marinig ang kabuoan ng kuwento. Bitin!

"Ano'ng nangyari?" usisa niya.

"Seriously, let's not talk about it. Kumakain tayo," si Grey.

Napangiti si Tonya. May hiya at asiwa na ngayon niya lang nakita sa mukha ng lalaki. Alumpihit din ito sa upuan.

"She's not letting you off, Grey," tukso ni Noreen dito.

"I see that but let's talk about other things."

Bumungisngis si Noreen. "She wanted to know," sabi nito.

"It's because you started it, silly," naiiling na saway ni Grey dito. "That's a long time ago."

"Hindi naman nakakahiya ang nangyari," salag ni Noreen bago tumingin sa kanya, "Well, after he ate everything, nagbahay siya sa bathroom nila. He was so angry when that happened. He kept on cursing all throughout the–"

"You!" saway ni Grey dito at pinisil ito sa pisngi, "What a big mouth you have!"

"Ouch! It's just a story, Gregorio! Get over it!" sabi ni Noreen na tinatampal ang kamay ni Grey na bumabanat sa pisngi nito.

Napangiti siya sa dalawa. They were playful. Kaya siguro madalas maasar si Portia. Dapat yata ay naaasar din siya. Ang kaso, bakit? At paano? Assistant lang naman siya.

"Puwede palang magbahay sa toilet," sabi lang niya at mahinang bumungisngis.

"Yuck! Ikaw rin, Ate Tonya! We're eating!" si Portia na ngumingiwi sa kanila.

"It's just a story," aniya sa katabi.

"That happened a long time ago! Let's just eat. Okay, ladies?" naiiling na sabi ni Grey.

Tinapik ito ni Noreen sa balikat. "You're really corny! Spoilsport!"

"I don't mind being corny," sabi ni Grey rito, "Eat."

Pumalatak si Noreen dito bago, "Well, after that, he never entrusted buying his food to just anyone. He started to learn to cook his own food. He cooks great pasta. You should try making him cook for you."

That would be nice–kung ipagluluto siya ni Direk. That would be nice–kung hindi lang siya binubugbog ng katotohanan.

Sino si Mang Tuking noong high school pa ang mga ito? Sila lang ang nakakaalam. What exactly happened after? Sila rin ang nakaaalam. Nahirapan siyang lumunok habang patuloy sa pag-unawa ang utak niya.

Noreen is not just a fiancee who left Grey and came back. She's all that and more than that. There were memories of them that she will never be a part of. Mga memorya na bago niya malaman, kailangan niyang mangulit o magtanong. There is a Grey only Noreen would know. Like this Grey who playfully spoils a story. They were together for a long, long time. Kung gaano kahaba, hindi niya pa rin alam. Kung gaano kakulay, nasilip pa lang niya ngayon.

Pinigilan niya ang luha. Nag-concentrate sa tinolang paborito ni Grey. Masarap. Matagal sigurong pinag-aralan ni Noreen kung paano eksaktong lutuin para sa partikular na panlasa ng lalaki.

It's so good Tonya almost choked. Why did she let herself see it? Noreen and Grey are with each other for a long, long time. And it seems to her like they are really meant to be together. #

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top