Chapter 15 : Lightning strikes
***
Grey,
Hi, corny! It's been a while since I heard from you! To be exact, it's been three months since your last brief, non-committal, almost forced email.
Are you still as busy as ever? Did the monster of films gobbled you up? Or your phone? Should I punish them? Or you? :D
Anyway, our fashion show in London was a success. Mama Pearl was there. I was surprised when I saw her backstage with a bouquet. We had dinner after and she asked me when I would be going back to the country. And like always, I could not give her a clear answer.
But lately, I'm thinking of going back. You've given me a lot of time.
I think the time is right.
Do you feel the same?
I miss you, Gregory.
Love,
Noreen
Nakatitig si Grey sa email na nakabukas sa cellphone niya. It was sent late last night. It was the fifth time he read it. And every time, the words weighed heavily on his chest.
Nagkamali siya. Last night, he decided he would be strictly professional with Tonya. That's what he should do. That's what he's supposed to do. But morning came and all he could think about was to go to the gym and see her. At nang makita niyang naroon din si Shaun, the plan swiftly went out the drain.
"Immediately run to me. Like you always do."
Stupid. Bakit pa ba niya sinabi iyon? He even lied about a stylist. In a rush, he called for a stylist to meet Tonya and bought a wardrobe for her.
Inihilamos niya ang palad sa mukha. The stylist and the wardrobe that Tonya would see soon was a mockery of being strictly professional. Why couldn't he control himself more? Hindi 'yong para siyang batang nakikipag-agawan?
Yet even now, he was anxious that she was still out with Shaun.
Ano'ng oras ba ito–
"Nandito na po ako, Direk," nakangiting bungad ni Tonya sa opisina niya.
Napahinga siya nang maluwag.
"Yeah. You're here," mahinang sabi niya.
Kinuha nito ang panda mug sa kuwadradong mesa bago nawala uli sa silid. Sinubukan naman niyang ituon ang isip sa script at logs na hawak. Pagbalik nito ay may umuusok nang kape sa mug. Ibinaba nito sa tagiliran niya. The note for the day says: There is no remedy for love but to love more.
Nagtaas siya ng tingin dito. There were a lot of thoughts in his head–thoughts that he shouldn't be entertaining right now. But even his thoughts were beyond his control.
Why did he meet Tonya? Why meet her now? And why is she so hard to resist?
"Bakit, Direk?" may pag-aalala sa mukha ni Tonya. Malamang ay hindi makuha ang ekspresyon sa mukha niya. Hindi nakalista sa cheat sheet nito ang mood niyang iyon.
She has no idea how bothered he is by her presence.
"May problema ka ba?" tanong pa nito.
Kung hindi siya magsasalita, wala naman itong malalaman. He wanted so much to tell her he's bothered but he shouldn't.
Bumuntonghininga siya.
I think the time is right? Do you feel the same?
For six years he has been waiting for Noreen. He was sure then that she wanted her as a wife. Ngayon, naguguluhan na siya. Hindi niya alam ang isasagot sa tanong nito.
"Nothing," sagot niya kay Tonya.
He has to keep his cool. And no matter how hard, his promises.
***
"Come, let's go to the stylist," walang kangiti-ngiting sabi ni Grey kay Tonya.
Tumayo ang lalaki sa upuan nito at nagpatiuna sa paglakad.
Tahimik namang nakasunod si Tonya. Napapakurap sa pag-iisip kung ano'ng gumugulo sa lalaki.
Dumiretso sila sa isa sa alam niya ay bakanteng dressing room. Dati. Dahil nang buksan ito ni Grey, nakahanay ang napakaraming clothes rack sa loob. May malaki ring istante ng mga hair color, hair essentials, at hot oils na nakatambay roon. Tumango siya bilang pagbati sa babaeng naghihintay sa loob. Kasingtangkad lang yata niya. Maikling-maikli ang buhok na may highlights at postura ang ayos–naka-leather jeans at makulay na blouse direkta sa isang fashion magazine. May dalawang kalahi ni Boom na kasama rin nito sa silid.
Sumalubong ng pakikipagkamay kay Grey ang babae.
"This is Tonya, Shane. The one I talked to you about," sabi rito ng lalaki bago bumaling sa kanya, "Tonya, she is Shane Arrenza, your stylist for the day. She's with two of her assistants."
Nagkamay sila ni Shane. Malaki ang ngiti nito sa kanya. Pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
"She's curvy," komento nito, patuloy ang pagsusuri sa katawan niya, "I like it."
"Good. I'll leave her in your care."
"No problem, Grey." Nag-thumbs up ito.
Bumaling sa kanya si Grey. Wala ang kaseryosohan sa mata nito. Malamlam iyon. Mainit. Kaso ni hindi ito nakangiti.
"She'll take care of you. Relax and take your time."
"Eh... sandali na lang shooting na," naaalangan na sabi niya. Hindi siya sanay na iba ang ginagawa sa oras ng trabaho. Nakahihiya. Wala na ngang masyadong responsibilidad na ipinapasa sa kanya ang crew.
"It's okay, Tonya," sabi nito sa kanya. Wala sa loob na hinawi ang buhok niyang natanggal sa pagkakaipit sa tainga niya.
Sandaling nagtama ang mata nila. Matipid itong ngumiti.
"Sulitin mo sila. They're only here for you." bilin pa nito bago tumalikod at lumabas ng silid.
Lihim siyang naghabol ng hangin. Kinukulang siya sa oxygen sa maliliit na bagay na ikinikilos ni Grey. At kahit na maraming mukha nito ang hindi niya pa naiintindihan, may isang puwersa na laging nagpapalapit sa kanya rito.
Pamilyar ang pakiramdam na 'yon. Naramdaman na niya iyon five years ago–kay Hans. At pagkatapos niyon, naiwan siyang single at walang reply sa maraming text messages.
Bakit parang nararamdaman niya uli?
Tumungo siya. Kinalma ang doble-dobleng tibok ng puso niya saka nakangiting humarap sa mga kasama sa silid.
"This is Mikey and Lei," pakilala ni Shane sa mga kasama.
Kinamayan niya ang dalawa. Matangkad na payat na mapanga si Mikey. Mapungay naman ang mata ni Lei at babaeng-babae na halos ang mukha. Parehas pinag-aralan ng mga ito ang pigura niya. Tumitingin naman si Shane sa relong pambisig nito.
"May hinihintay pa ba tayo?" usisa niya.
Alanganin itong umiling. "Not... really. Let's start with your hair?" malambing na tanong nito sa kanya.
Ngiti ang isinagot niya.
Hinawakan siya nito sa balikat at iginiya sa isang upuan paharap sa malalaking salamin.
"Ano'ng gusto mong gawin nila sa buhok mo?" anito.
Paano niya sasabihing gusto niya ng imposible? Gusto niyang magkabuhay ang nananamlay at nanunuyot na buhok niya.
"Gusto ko lang siyang pagandahin. Ang pangit kasi, eh," nahihiyang sabi niya.
Naghagikgikan ang dalawang bading. Nakangiti lang si Shane.
"Ang harsh mo sa sarili mo, Ateng! Dry lang 'yan. May pag-asa pa naman," sabi ni Mikey na lumapit at hinaplos-haplos ang buhok niya.
"Kami ang bahala sa'yo! Ima-magic natin 'to. 'Yong hindi ka makikilala," si Lei.
Ayaw naman niya no'n. Paano siyang uuwi sa kanila kung hindi siya makikilala ng Mama niya?
Nakitawa siya sa mga ito. "'Yong makikilala pa 'ko ng Mama ko, ha?"
Parang kinikiliti uling tumawa ang dalawang bakla.
"Kayo na ang bahala sa styling ng buhok niya, ha? I'm going to pick clothes," sabi ni Shane sa mga ito.
Tumango at nag-apir ang dalawa.
Noon bumukas ang pinto. Humihingal ang babaeng pumasok doon. Alon-alon ang brownish na buhok nito. Malalaki at mapupungay ang mga mata. Parang buhay na manikang naka-dress at heels na naglakad palapit.
"Am I late?" maliwanag ang ngiti na tanong nito sa mga taong dinatnan. Ngumiti rin ito nang mapatingin sa kanya.
Nagbalik siya ng ngiti. Mukha itong mabait. Pamilyar sa kanya ang mukha ng babae. Hindi niya lang maalala kung saan niya nakita.
"No. They're just starting to figure out how to style her hair. At ako, magmi-mix and match na sana ng damit niya," sagot ni Shane dito.
"That's great! I'm on time," sabi ng babae. Humalik ito sa pisngi ng mga kausap. Pagkatapos ay humarap sa kanya at iniabot ang kamay. "I'm a fashion designer and a stylist, too. I'm Noreen."
Inabot niya ang kamay nito. Malambot iyon. Naamoy rin niya ang pabango ng babae. Nahiya ang pabango niyang sapilitan kung kumapit sa kanya.
"I'm Tonya."
"Tonya?"
"Short for Tonica Grace."
"Oh," anitong tumango habang nakatingin sa mukha niya. "It's going to be fun styling you. You're so pretty."
"And she's curvy with her size," dagdag ni Shane. "It's going to be fun."
Pinasadahan siya ng tingin ni Noreen. Tumatango-tango ito sa nakikita.
"Yeah. It's a breather to style someone like her. Styling and designing for small sizes are quite flat."
Nasusundan niya ang usapan ng mga ito at isa lang ang naiintindihan niya: pinupuri siya sa halip na laitin. Kahit paano ay naging komportable siya sa inuupuan.
"You relax and let them work their magic on your hair. We're going to prepare your clothes," masuyong sabi ni Noreen at tumalikod.
Nakangiti siya nang hawakan ni Mikey ang magkabilang balikat niya. Nakatingin ito sa kanya sa salamin. Nagsimula itong hawi-hawiin ang buhok niya sa iba't ibang anggulo habang panay ang haplos.
"Pagagandahin pa kita lalo, 'Te! 'Yong winner na winner ka," excited na sabi nito sa kanya.
Puro ngiti ang sagot niya habang naririnig ang usapan ng dalawang babae na nakikita rin niya sa salamin. Panay ang pili at pagpapares ng mga ito ng damit mula sa nakahanay na clothes racks.
"It's going to be a surprise," bulong ni Shane kay Noreen. "Are you wearing it?"
Nakita ni Tonya na itinaas ng tinanong ang kamay nito. Kuminang ang singsing na nasa daliri nito.
"Yes, I do. I had him waiting. I have to make it up to him," may kilig na sabi ni Noreen.
"Go, girl!" sabi ni Shane dito at pasimpleng lumingon sa kanya.
May hindi maintindihang ekspresyon sa mukha nito nang magtama ang mata nila sa salamin. It wasn't disgust nor displease. Mas mukha itong nag-aalala sa isang bagay na wala siyang ideya.
Nawala ang atensyon niya sa mga ito nang maramdaman ang paggupit ni Mikey sa mga hibla ng buhok niya.
***
Pagkatapos ng tatlong oras ay resurrected na ang buhok ni Tonya. Layered iyon, makintab, at kulay dark brown. Pinagpalit din siya nina Noreen at Shane ng damit na pinili ng mga ito–a lavender dress na bahagyang hapit sa dibdib niya pero maluwag mula sa tiyan pababa. Empire waist daw ang tawag sa gano'ng klase. Pinilian siya ng high heels na babagay roon. At apat na beses siyang tinuruan kung paano maglalagay ng everyday look make-up. Hindi niya kasi makuha agad ang sinasabi ng mga ito. Nasa pangatlong pagpapaulit na siya nang maalala ang tape recorder sa bag niya.
"Do you like it?" excited na tanong ni Shane sa kanya habang nakatayo siya at nakaharap sa body mirror na dala ng mga ito.
Napapakurap siya sa repleksiyon. Babagay naman pala sa kanya ang mag-dress at mag-heels. Lamang, hindi niya yata kakayaning laging nakasuot ng gano'n. Mukha kasing mamahalin ang suot niya. At...
"Bakit parang mas payat ako?" tanong niya.
Mahinang tumawa ang apat na kasama niya sa silid.
"It's the dress. Sinabi ni Grey that you're a plus size so all the dresses I brought for you are designed to bring out the sexy!" si Shane.
"Ah... may daya 'yong damit!" sabi niya at mahinang tumawa.
"It's not really a cheat. It's more like dressing according to your body type so you'd look prettier. And sexier," si Shane pa rin.
Hindi niya maialis ang mata sa salamin. Gustong-gusto niya ang nakikita. Nakakikita siya ng pag-asa. Nakakikita siya ng pagpupursige. Lalo niyang gustong mag-exercise at i-achieve ang timbang na babagay sa height niya.
Tama si Grey at si Shaun. Maganda nga siya. Hindi lang halata noon. Hopefully, mas halata na ngayon.
"You like it?" tanong pa rin ni Noreen. Malaki ang ngiti nito sa transpormasyon niya.
Tumango siya. "Naiiyak ako. Pero baka masira 'yong make-up ko, eh. Hindi pa ako marunong mag-re-apply. Mamaya na lang siguro pag-uwi."
"Aw," sabi ng babae at ibinuka ang braso nito, "Come here."
Naaalangan siyang lumapit kaya si Noreen ang humakbang at yumakap sa kanya. Kahit naka-heels na siya ay mas matangkad pa rin ito. Nasa 5'7 siguro ang babae. At nanuot na naman sa ilong niya ang pabango nito. Gusto niya rin nang gano'ng pabango pero baka hindi niya kaya ang presyo.
"You're really pretty! Once you shed some of the fats, you will be gorgeous! Believe me!" sabi nito habang nakayakap sa kanya.
"Salamat." Naalala niyang sinabi rin iyon ni Grey.
"Let's go show Grey your look," sabi ni Shane. Palitan ang tingin sa kanya at kay Noreen.
Dumoble na naman ang tibok ng puso niya. Gusto niyang makita ng lalaki ang resulta ng pabor na ginawa nito para sa kanya. Nagkasabay pa silang huminga nang malalim ni Noreen.
"Let's surprise him," sabi nito sa kanya. Parang mas kabado pa kaysa sa kanya.
"Oo."
Lumabas sila sa dressing room at nagtuloy sa set. Tahimik doon kahit busy ang iba sa pagyayao't dito. Walang nakapansin sa kanila. Alam niya ang ganoong senaryo. Walang maaaring gumawa ng ingay hangga't hindi pa sumisigaw ang direktor ng,
"Cut! That's good! Prepare for the next scene!" sigaw ni Grey. Nasa monitor pa rin na kaharap nito ang mga mata.
Unang napatingin sa gawi nila si Shaun. Nang matuon ang mata nito sa kanya ay malapad ang naging ngiti nito. Nahihiya naman siyang kumaway.
"Hey, Direk!" tawag ni Noreen.
Nag-angat ng tingin si Grey. Nakakunot ang noo nang dumako ang mata sa gawi nila. Inihanda ni Tonya ang ngiti niya. Sa kanya unang natuon ang pansin at ngiti nito. Na mabilis ding naglaho nang malipat ang tingin sa babaeng katabi niya. Isandaang emosyon at ekspresyon yata ang nagkagulo sa mukha nito sa sandaling titig lang sa babae. At wala siyang maintindihan sa bawat isa roon. Ang alam niya lang, may mabigat at mabilis na pagdagundong sa dibdib niya.
Itinaas ni Noreen ang kamay nito kay Grey. Parang ipinapakita ang singsing.
Nanatiling blangko ang mukha ng lalaki.
"What's that silly look, corny?" masiglang sabi ni Noreen at lumapit dito.
Nabibilang ni Tonya ang bawat hakbang ni Noreen: isa, dalawa, tatlo, apat, lima, hanggang labing-isa... Tuwid itong tumayo sa harap ni Grey.
Tulad niya ay nakatingin ang lahat ng tao sa set sa dalawang halatang magkakilala. Nananahimik sila. Nanonood. Pero siya lang yata ang hindi makahinga.
"Noreen," mahina ang boses ni Grey habang nakatingin sa babaeng kaharap.
"I'm sorry for making you wait, Gregory," mahina ring sabi ng babae.
Sa paningin ni Tonya ay lalong gumanda si Noreen habang nakatingala sa lalaki. Nag-aalalang napasulyap sa kanya si Grey.
At sa kasunod pang eksena, may kidlat na humiwa sa puso ni Tonya. Lumambitin si Noreen sa batok ni Grey, idinikit ang katawan dito, at hinalikan ang natitigilang lalaki.
Naalala na ni Tonya kung bakit pamilyar si Noreen. Nakita niya ito sa picture frame sa kuwarto ni Grey. At ang halik nito sa lalaki, sigurado siyang hindi demo.
Pumikit siya. Tumalikod. Ayaw niyang makita.
Bakit ang bigat ng dibdib niya? Bakit parang ang lungkot-lungkot? Maganda naman siya ngayon pero...
Ipinikit niya nang mariin ang mga mata para pigilan sa pagtakas ang sariling luha. Masisira ang make-up niya. Sayang.
Mabuti na lang masisira ang make-up niya. #
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top