Chapter 14 : Rivals

TCWDM: Nasa media ang kantang Beautiful na binanggit sa kuwentong ito. 

***

The day progressed quickly. Umuwi si Adam nang ma-bore dahil huminto si Grey sa power trip kay Shaun. Party scene ang huling kinunan at kahit nasa kapangyarihan ng direktor na lasingin nang tunay ang lead, hindi niya ginawa. The eyes of the panda mug looked ridiculously big, observant, and judgy to Grey.

Matapos ang shoot ay nag-meeting pa siya kasama ang Logistics. Ayos na ang schedule ng out-of-town shootings nila. Ilang linggo na lang ay sa labas na sila kukuha ng mga eksena. He automatically laid and sorted out location scenes in his head. Nag-draft din siya ng panibagong listahan. May assistant siyang maaaring gumawa niyon para sa kanya pero hindi siya sanay na ipabahala sa iba ang tumatakbo na sa isip niya. Location shoots are full of emergencies. They should use time wisely when the weather is on their side. Hatinggabi na nang pauwiin niya si Boom. He stayed longer kahit mag-isa na lang siya sa buong set.

Or so he thought.

Paglabas ni Grey ng opisina ay nakita niya sa hanay ng mahahabang mesa ang pamilyar na pigura ni Tonya. Nakayukyok ito, nakaunan sa braso. May hawak na ballpen habang nakabukas ang notebook nito sa tagiliran. Nasa mesa rin ang bouquet na bigay ni Shaun.

Natutulog ba ito?

Maingat siyang lumapit dito. Maingat din nang hawiin ang buhok na tumakip sa mukha ng babae. Nakapikit ito at malalim ang paghinga. Natutulog nga.

Why is she still here?

Madilim na ang buong set maliban sa floor lamp na naiwang nakabukas malapit sa mesa nito. Wala nang tao bukod sa kanila. Tanging ang mga studio sa kalapit na palapag ang may bukas na ilaw at nag-o-overtime sa shooting. Paano itong naiwan doon? Hinihintay ba siya nito?

Umiling siya. No. She's not the kind who does that–'yong klase ng babae na gumagawa ng mga bagay na pag-iisipan ng malisya. Kung maghihintay ito ay magsasabi sa kanya o magpapaalam. But why is she there? Nakatulog lang ba ito at nakalimutang gisingin ng mga kasama?

He's conflicted whether to wake her up right away or not. Mag-a-ala-una na. Siguradong pagod na ito. Nasa pagitan pa rin siya ng pagdadalawang-isip sa paggising dito nang mapatingin siya sa notebook nito. Mukhang nagsusulat ito bago nakatulog. Curious niyang kinuha iyon.

SHOPPING: L
* black dress, lace
* black pants
* boots (may bagay kaya?)
* gel for emo hair
* hoodie?
* girl dresses (pang-first lady)
Ano pa?

GO TO THE SALON!!!

Naalala niyang naikuwento ni Portia na may appointments si Tonya para magpaayos sa isang salon. Magsa-shopping din daw dapat ito pero nakaligtaan dahil sa pagsama sa kanila sa Batangas. Kanina lang ay inilabas nila ang schedule ng shooting para sa parating na linggo. Walang leisure time doon.

Inilipat niya ang pahina ng notebook.

Today, Shaun gave me flowers. Akala ko hindi sa akin. Sa akin pala talaga. :)

Muntik niyang mapunit ang pahina pero nabasa niya ang nasa ibaba pa.

Parang galit si Goryo? Bakit? L

Napatingin siya sa tulog na si Tonya. Kung ang lahat ng iniisip nito ay isusulat nito sa notebook, madaling maididiin ang babae sa kung anu-ano. Paano na lang kung may makabasa ng notebook nito? Na mga pakialamero?

Gaya mo? tukso ng isip niya.

Inilipat niya uli ang pahina. Gusto niya kasing balikan ang masterplan nito. Pero tungkol sa kanya ang kasunod na pahina.

Gregory Montero aka Superman (pero mas bagay ang Goryo)

- likes coffee. Sobra. (Hindi kaya humina ang buto ni Direk?)

- hindi kumakain ng lunch. (Bakit kaya? Masarap naman kumain.)

MOOD:
pag good mood, nakangiti, sumisipol, kumakanta (sabi ni Boom)
pag bad, parang may bagyo. (katakot)
usually, parang masungit. (pero hindi talaga. Nananakot lang siya)
pag kinikilig at naiinis... "secret".

marunong pala tumawa nang malakas.
maraming mood na di ko pa maintindihan.

Pano pag nagseselos? O natutuwa? O masayang-masaya? Pano pag nasasaktan? Pano
kapag... natutulog? Pano kapag umiiyak?

Pano kaya siya ma-in love? Hihi.

Ang iba pa ay puro doodles na ng camera, bulaklak, at mga puno.

Lumamlam ang mata ni Grey sa nabasa. Maingat niyang ibinaba ang notebook sa tabi nito at marahan itong niyugyog sa balikat.

"Tonya? Gising na."

Nagmulat ito ng mata. Kalahati lang. Nakatingin sa kanya.

"Goryo," mabilis ang naging pagngiti nito kahit pumupungas pa sa antok.

"Yeah. Gising na. Uuwi na tayo."

"Ang tagal mo."

She's waiting?

Napalunok siya. Tumuwid ng tayo habang umalis naman ito sa pagkakayukyok sa mesa. Kinusot nito ang mata at tinakpan ng palad ang bibig nang humikab.

"Are you waiting for me?" tanong niya rito.

"Oo," direktang sagot nito. Pinulot nito ang notebook at ballpen at inilagay sa malaking tote bag nito. Hinila palapit ang bouquet.

"Why?"

Natigilan ito. Parang naghahanap na naman ng isasagot. "Wala kang kasabay umuwi. Umuwi na lahat eh."

"Then, why didn't you come into my office kaysa dito ka naghintay? Madilim dito at mainit."

"Baka maistorbo kita, eh. Mukhang seryoso ka kanina, eh."

Ilang sandali silang nagkatinginan. Her reasons don't suffice. Inistorbo nga siya nito at sinabayang kumain kahit na alam ng lahat na gusto niyang kumakain nang mag-isa.

"Why are you waiting for me?" ulit niya sa tanong. "Why really?"

Sa halip na sumagot ay nagbaba ito ng paningin.

"Gusto kitang samahan. Okay lang ba 'yon?"

Tinakasan na naman siya ng salita kaya bumuntonghininga na lang siya. Pagkatapos ay hindi tumitingin na hinawakan ang kamay nito at hinila.

"Let's go home."

"Yes," mahinang sagot nito.

Tahimik sila sa pagpasok sa loob ng sasakyan. Tahimik kahit nang ilagay nito ang bouquet sa backseat at mag-seatbelt.

"You shouldn't have waited. Maaga ka pa bukas sa gym, 'di ba?" sabi niya. Nagmamaniobra na siya sa kalye ng Maynila.

"Okay lang 'yon. Natulog nga ako sa mesa eh. Saka kasi..."

Hinintay niya ang kasunod na sasabihin nito.

"Galit ka ba sa akin?" anito.

Sinulyapan niya ito. Seryoso ang mata nitong nakatingin sa kanya. Pilit ang ngiti.

"Not exactly," amin niya at ibinalik ang tingin sa daan.

"Ano'ng ibig sabihin n'yon? Galit ka pero hindi masyado? Galit pa rin 'yon, 'di ba?"

"I mean... hindi ako galit sa'yo. Not to you."

"Eh 'di kanino ka galit? Kay Shaun?"

Parang may harang sa lalamunan niya nang sumagot, "Yes. Slightly."

"Bakit? Dahil nanliligaw siya habang nasa trabaho?"

"Yes."

Tumango ito. "Akala ko dahil sa'kin kaya mainit ang ulo mo. Pero naisip ko kanina na baka dahil 'yon sa hindi ka kaagad nakapagkape kasi nabasag ang mug mo."

Napangiti siya nang matipid.

"That, too."

Masyado itong simple mag-isip. Ang totoo ay nabasag niya ang mug nang makita niyang hinalikan ito ni Shaun. The nerve of the guy to do that on his set! On working hours! And to Tonya!

"Aha!" sabi nitong nakaturo sa kanya. "Ngumiti ka!"

"Yeah. So?"

"Na-miss ko 'yong ngiti mo, eh."

Napatikhim siya. "What?"

"Kasi hindi kita nasabayan sa lunch dahil bumili ako ng mug. Tapos no'ng ngingiti ka na kanina dahil sa panda, uminom ka ng kape kaya hindi ko nakita. No'ng nagpa-meeting 'yong Logistics, seryoso ka lang. Ngayon ka lang uli ngumiti," masiglang komento nito.

"And you miss it?"

Tumango ito.

"Why? Hindi naman talaga ako madalas ngumiti."

"Oo. Pero ngumingiti ka kapag magkasama tayo."

Sumapol iyon sa kanya. Totoo iyon pero hindi niya agad napansin. When did it happen? And how? He has walls. He has defenses. Hindi lahat ng tao ay nagagawang makalapit sa kanya o malampasan ang depensa niya. But this girl got closer unnoticed. Did he let her?

Nawala ang ngiti niya nang ihinto ang makina ng kotse. Nasa tapat na sila ng bahay nito. Dalawang palapag na bahay na may asul na tarangkahan.

"Salamat sa paghatid," sabi nito at binuksan ang pinto.

Gusto niyang pigilan ito sa pagbaba. He wanted to say something more. Something that would mean more. Pero hindi niya ginawa.

"Salamat sa paghihintay," sabi niya habang nakababa ang salaming bintana ng sasakyan.

Ngiti lang ang sagot nito bago kumaway, "Ingat, Goryo!"

Wala sa loob ang pagtango niya at pagbababa ng bintana bago nagmaniobra paalis. Hindi na niya sinulyapan uli si Tonya.

Dumiretso siya sa kuwarto nang makarating sa sariling bahay. Matagal na napatingin sa frame na nasa side table. May babae sa picture. May hanggang balikat na buhok, malalaki at mapupungay na mga mata, at dimples sa pagkakangiti. The girl is gorgeous. Si Noreen. And the last thing he told her was:

"When you come back, I want you wearing this ring."

Ibinigay niya rito ang isang diamond ring bago ito nagpunta sa Paris. If she came back wearing it, it would be the proof that she was engaged to him. The proof that she wanted to be married to him. Anim na taon na itong nasa Paris. Pareho silang busy at nagpapalitan lang ng emails. He has no trouble waiting.

Until now.

Humiga siya sa kama. Tonya is just his assistant. Isang babaeng inaalok siyang maging sperm donor nito. Isang babaeng gustong baguhin ang sarili sa unang pagkakataon. She shouldn't mean more to him yet he fears that she already is.

Kailangan niyang pigilan anuman ang nabubuong damdamin niya para rito. She should remain to him as just a girl.

She's just... a girl. Dapat.

***

"Good morning!" bati ni Tonya sa reception ng gym.

Makahulugan ang mga tingin na napunta sa gawi niya. Agad niyang napansin ang kumpulan ng mga babae sa puwesto ng treadmill.

"Anong mayro'n?" curious niyang tanong nang makalapit sa isang grupo.

Walang nakarinig sa kanya kaya nakisilip siya sa pinanonood ng mga ito.

May dalawang lalaking nasa treadmill. Parehong pawisan. Hindi nagtitinginan ni nag-uusap kahit na magkakilala. Mabigat ang tensyon sa pagitan ng mga ito. Parang tahimik na nag-aaway o nag-iisnaban.

"Direk? Shaun?" tawag niya sa dalawa.

Lumingon nang halos sabay ang dalawang lalaki bago pinabagal ang treadmill at humarap sa kanya.

"Good morning, lovely," bati ni Shaun sa kanya. Kasingliwanag ng commercial nito sa Meralco ang ngiti nito sa kanya. Siguradong nasilaw ang mga babae sa unahan niya.

"Good morning," seryosong bati ni Grey. Naroon ang hindi niya maintindihang bagay sa mga mata nito. Gentleness ba 'yon? Anxiousness? Joy? Walang translation.

Ngumiti siya sa dalawa.

"Dito rin pala kayo naggi-gym," sabi niya.

"I just signed up," si Shaun.

Tumango siya.

"Eh ikaw, Direk?" aniya. Alam niyang wala silang sisisantehing instructor ngayon dahil aprubado naman nito ang routine at treatment sa kanya ni Dada.

"Napadaan lang," sagot nito, "since I have time this morning."

Napatango uli siya. Parang ang alam niya ay wala silang masyadong maraming time, pero sino naman siya para mag-judge?

"Ilalagay ko lang muna 'tong gamit ko sa locker at magwa-warm up. Tapos, sasabay ako sa inyo sa treadmill, ha?"

Hindi umimik si Grey. Nakangiti naman si Shaun.

"Great. That's what I'm looking forward to," si Shaun.

Maliit siyang kumaway bago umalis. Idineposito niya ang gamit sa locker room at kasama ang bagong instructor na si Dada na nag-warm up.

"Kaanu-ano mo si Shaun?" usisa ng seksing instructor habang nag-stretching sila.

"Manliligaw ko."

Natigilan ito bago naiiling na ngumiti.

"Tonya naman, puro ka joke. Ano nga?"

"Hindi ako marunong mag-joke," aniya. "Hindi rin nga ako makapaniwala pero manliligaw ko talaga siya."

Patuloy ang pag-iling nito sa sinabi niya. Alam niyang hindi naniniwala. Okay lang naman 'yon sa kanya dahil maging siya ay hindi pa rin makapaniwala.

"Eh 'yong isang suplado pero hot?"

"Ah. Direktor namin 'yon. Nagtatrabaho akong assistant niya."

Malapad ang ngiti ni Dada. "May opening pa ba?" humagikgik ito sa kilig, "Ang swerte mo!"

"Wala na, eh. Inilakad lang ako ng dati kong Dean kaya niya ako naging assistant," sagot niya.

"Parehas sila mukhang artista eh!"

Nakangiti lang siya sa kilig nito. Alam niyang masuwerte siya tulad ng sabi nito. Galante sa atensyon si Shaun kahit na hindi pa siya payat at pangalawang daan na ni Grey sa gym. Dalawang guwapo agad ang nagpapaaliwalas sa umaga niya.

Pero sa totoo lang, kabado siya sa panliligaw ni Shaun. Alam niyang nakabantay ang lahat ng mga tao sa kanya at dito. Shaun is oblivious to it. Sanay na siguro itong pagtinginan dahil artista ito. But she minds. Alam niyang hindi sila bagay. Malayo siya sa mga babaeng dapat ligawan nito.

"Sa treadmill muna ako," aniya.

Tumango naman si Dada sa kanya, "After that, you should get back to me para sa iba pang routine."

"Oo."

Mabilis siyang nagpunta sa puwesto ng treadmill. May tao halos lahat. Ang bakante lang ay ang nasa pagitan nina Shaun at Grey. Doon siya pumuwesto pero bago magsimulang tumakbo...

"Tonya, do you like music?" untag ni Shaun sa kanya. Nasa kanan niya ito.

"Oo," sagot niya. Pero ilang taon na yata ang nakalipas nang huli talaga siyang makinig ng musika.

"Good. You should try working out with music. Here," iniabot nito sa kanya ang isang portable player.

"Hala! Ano'ng gagamitin mo kung kukunin ko 'yan?"

"That's okay. I have one for me, too," anito at tumigil sa pagtakbo.

Ikinabit nito sa braso niya ang strap na suklutan ng player. Pagkatapos ay pinatugtog nito ang gadget at inilagay sa tainga niya ang earphones.

"Do you hear that song?" tanong ni Shaun sa kanya.

Pinakinggan niya ang tumutugtog sa tainga. Isang kanta tungkol sa isang babaeng... maganda.

"Ano'ng title?" tanong niya.

"Beautiful," anitong kumindat.

Lumapad ang ngiti niya sa sinabi nito. Pagkatapos ay napasulyap siya kay Grey na nasa kaliwa niya. Seryoso itong tumatakbo sa treadmill na parang nagbibilang kasabay ng makina. Gumagapang ang butil ng pawis sa mukha nito. Ni hindi man lang ba ito tumingin?

"Salamat," sabi niya kay Shaun bago pinaandar ang treadmill.

Tahimik siyang nakinig sa music kasabay ng pagtakbo. Sa tagiliran ng mga mata niya ay nakikita niya si Grey na nakatutok ang mga mata sa harapan nito. Si Shaun naman ay nakikinig na rin ng music sa player nito at tuwing magkakatinginan sila ay ngumingiti. At bumibigat ang paa niya sa bawat hakbang. Una, dahil mabigat na nakatingin ang mga tao sa paligid. Mapang-akusa sa isang kasalanang sigurado siyang hindi niya ginagawa. Ikalawa, mahirap palang tumakbo at mawalan ng poise sa gitna ng parang nakaguwardiyang dalawang guwapo. At ikatlo, bakit mabigat lagi ang hangin sa pagitan nina Grey at Shaun?

Inalis niya ang earphones sa tainga, tumigil sa pagtakbo, at lumingon nang salitan sa dalawa.

"Magkaaway ba kayo? Direk? Shaun?" tanong niya sa mga ito.

Humihingal si Grey nang tumigil sa pagtakbo. "I don't know how to answer that. What would I have against him para isipin mo 'yan?"

Pero hindi naman niya iniisip lang, eh. Nararamdaman niya ang tensyon sa mga ito.

"Hindi kami magkaaway, Tonya," sagot ni Shaun sa kanya. "Though, he might not like it that I'm courting you."

Suminghap siya. Napalakas kasi ang boses nito nang sumagot. May mga pagsinghap din hanggang sa audience sa likuran.

"Hindi 'yon gano'n," sabi niya kay Shaun. "Ayaw lang ni Direk kapag working hours tapos may ligawan."

"That's right. You shouldn't give too much meaning on my actions," dagdag ni Grey.

Makahulugan ang paglapad ng ngiti ni Shaun bago nagtanong, "Does that mean there is no competition between us over Tonya?"

May singhapan uli. May nawawalan na naman ng hangin sa likuran nila.

Nakita niya ang paggalaw ng panga ni Grey at ang mariing paglalapat ng labi nito.

"I have to go," sabi nito na nakatingin sa kanya bago bumaling kay Shaun, "And to answer your question, yes, there is no competition between us."

Napalunok siya sa sagot nito. Wala raw competition. Bakit... wala?

Ngumiti nang makahulugan si Grey sa lalaki bago bumaling sa kanya, "You should come to the set at least an hour before the shoot. I called a stylist to look at you."

Nakatanga pa rin siya. Hindi pa nga niya naita-translate ang posibleng kahulugan ng ngiti nito, may sinasabi na naman itong kailangan niyang isipin.

Translation: Pumasok nang maaga. Ikinuha kita ng stylist?

"Stylist, Direk?"

"Yeah," sabi nito. "Sinabi sa akin ni Portia na hindi ka nakapunta sa salon appointments mo no'ng sumama ka sa amin sa Batangas. Since you won't be able to go to any salon in the days to come, I arranged things for you. Para maayusan ka as you like it."

Wala siyang ibang masabi kundi, "Thank you, Goryo."

Ngumiti ito bago nakipagtitigan uli kay Shaun. Seryoso na naman ang telepathy ng dalawa. At wala pa rin siyang alam sa lihim na pinag-uusapan ng mga ito.

"I'll go," sabi ni Grey sa kanya. "Make sure the suitor gets you on set, on time."

Dumilim ang mukha ni Shaun sa sinabi nito.

"And then, immediately run to me. Like you always do," seryoso at may diin na sabi nito sa kanya. Ginamit ang daliri sa pagkuwit sa iilang butil ng pawis na namumuo sa noo at sentido niya.

Nahigit niya ang hininga sa ginawa nito. Bakit ininitan siya?

"Later."

Tumalikod si Grey na ni hindi siya nakaimik. #

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top