INTRO
Isang malaking pulo, hiwa-hiwalay na lupain. Ang bawat tribo ay may nakalaan na lupa para sa kanilang pamayanan. Ang Valda City ang nagpatupad ng ganitong batas. Ang Valda ay tinaguriang ‘the main city’ ng kanilang mundo.
Kada tribo, may mga badge sila sa kanilang mga kasuotan o kaya'y symbol na siyang palatandaan kung saang tribo sila nabibilang.
May ilan sa kanila'y kinakailangan pang magpa-tattoo para lang maipaalam ang tribe sign nila. Madalas ay sa tagong bahagi ng katawan nila ito inilalagay upang hindi mahirap itago ito kung sakali man na maglalakbay sila patungo sa ibang mga lugar o sa t'wing may labanang magaganap.
Kung ano ang layunin nila, kung saan sila nakatira o pinanganak, iyon ang kanilang kinabibilangang tribo.
Ang mga ito ay nahahati sa pitong pangkat: Una na rito ang Valda Tribe na nangangahulugang “to rule and power.” Binubuo ng mga awtoridad at nakatataas na mga tao, may higit na kapangyarihan kaysa sa ibang mga tribo. Kilala sila dahil tinuturing silang ‘the royal family.’
Pangalawa sa pinakamataas na tribo ay ang Audra Tribe, “noble and strength” ang kahulugan ng kanilang tribo. Sila ay ang mga taong nagpapatupad, gumagawa at nagmumungkahi ng mga batas na siyang isinasangguni nila sa mga taong kabilang sa Valda City. Sinasabing sila 'yung ‘the goverment’ ng kanilang mundo.
Pangatlo rito ay ang Humavo Tribe. Binubuo ng mga ordinaryong tao na hinahawakan ng Audra at Valda City. Sila ang pinapangalagaan ng mga ito at parating inuunang iligtas kaysa sa iba pang mga tribo. Wala silang kapangyarihan, mga mortal na walang kakayahang protektahan ang kanilang mga sarili kung ituring sila ng iba pang mga tribo sa ilalim nito.
Kasunod nito ay ang Elfrida, may kahulugang “elf power” at itong Nakhti Tribe na nangangahulugang, “strong.” Sila ay uri ng mga nilalang na may 'di kapani-paniwalang kakayahan na kayang magpalabas ng iba't ibang klase ng mahika. Pinaniniwalaan ng lahat na kabilang dito ang mga masasamang elemento kagaya ng mangkukulam, duwende, kapre, fairy at kung ano-ano pa.
At ang panghuli ay ang grupo ng mga mamamaslang. Ebba Tribe, “strength of an animal” ang kahulugan ng kanilang tribo. Binubuo ng iba't ibang grupo ng mga assassin hunters, sila rin 'yung mga taong madalas nasasangkot sa gulo, suki ng kulungan at may lakas na 'di pang-ordinaryo sa kagaya nilang mga tao.
Maajiba Tribe “powerful, keepers.” Sila naman ay ang grupo ng mga tao na may patas na pagtingin sa gobyerno at lipunan. Hindi sila papatay ng tao hangga't naidadaan pa ang mga salarin sa masinsinang usapan. Subalit, ibang usapan na rin kung manglaban man ito sa kanila.
Sa madaling sabi, ang Ebba at Maajida ay parehong may lakas at kasanayan sa pakikipaglaban. Sila ang madalas na atasan ng Valda City kung kailangan na talagang gamitan ng dahas ang isang suliranin nila, ito'y upang maresolba kung ano ang dapat na mairesolba.
At sa isang malayong lugar, sa tagong isla na kung saan maraming mga tao ang nagsasanay ng kani-kanilang mga sandata, makikita na ang kanilang pagsusumikap na makapag-ensayo ay nagbubunga ng isang kagila-gilalas na uri ng kapangyarihan na bukod tanging nasa kanilang tribo lamang unang masisilayan.
Dala ang iba't ibang uri ng armas ay sabay nagsasanay ang mga kalalakihan at kababaihan sa Maajida Tribe. Tribo ng mga taong tinatawag na “warrior killer.”
Sila'y isang uri ng mga sundalong may kaalaman sa iba't ibang klase ng pakikipaglaban sa iba't ibang uri din ng digmaan. Kilala sila, bilang mga taong walang awang pumapaslang ng kapwa nila subalit, ang hindi alam ng karamihan, ang mga taong ito ay pumapatay lamang kung kinakailangan.
Hustisya ang pinaglalaban nila at hindi kagaya ng ibang mga tribo na teritoryo ang rason kung bakit sila nakikipaglaban sa karatig bayan nila.
At sa mga panahon na ito, laganap ang iba't ibang klase ng gera sa mundo. Kaliwa't kanan ang ingay sa paligid, pawang nagpaparinig ng mga hinaing, ilang hinagpis ng mga namatayan at sigaw ng mga taong patuloy na lumalaban kahit na hindi na kaya ng kanilang mga katawan.
Sariwang mga dugo ang nakakalat sa paligid, pawang mga baboy na kinatay ang mga tao na animo'y inosente ang mukha dahil sa mga pagpapaawa ng mga nito.
“Noong gumahasa ka ba, naawa ka sa babaeng pinatay mo?” may bahid ng sarkasmo ang tono ng isang may edad ng lalaki.
Nakasuot ito ng kulang kahel na putong, gayundin ang kulay ng kaniyang pang-ibabang damit na tinatawag nilang, saluales. Telang sinturon ang nagdudugtong sa dalawang kasuotan nito. Nakayapak at walang kahit na anong pamproteksyon sa paa ang matanda.
“W-wala akong alam sa sinasabi mo, parang awa mo na—” kaagad pinutol ng matanda ang linya ng taong kausap nito bago pa man ito tuluyang tumanggi sa paratang niya rito.
“Ha... talaga ba?” walang emosyong saad ng matandang lalaki.
Ilang beses tumango ang kausap na lalaki ng matanda, nakaluhod ito, tumatangis na animo'y nagpapakita na pinapahalagahan talaga nito ang kaniyang buhay.
“Sa tingin mo ba, naniniwala ako sa ‘yo?”
“H-hindi, wala! Huwag n’yo akong patayin!”
“Anon—”
“Hindi ako puwedeng mamatay dito!”
Mula sa pagkakaluhod ng isang 'di kilalang lalaki ay daglian itong tumayo at mabilis na tumakbo palayo sa matanda na ngayon ay seryosong nakatingin sa lalaking gumahasa ng isang minor de edad na babae.
“Hindi ka makatatakas sa ‘kin,” aniya bago pinalipad ang palaso nito papunta sa lalaking tumakbo at saktong sa bandang puso ito tumama.
“Raja, sa likod mo!” sigaw ng isang kasamahan nito at gamit ang talim ng kaniyang balisong na nakuha niya sa kaliwang gilid ng kaniyang baywang ay nahiwa niya ang kamay ng kalaban nito.
Sunod-sunod niya itong pinaulanan ng iba't ibang hiwa at tusok sa katawan nito hanggang sa tuluyan itong humiga sa buhanginan at saka ito nawalan ng buhay.
Pagkatapos no'n ay limang tao naman ang sumugod sa matanda. Nagkasabay sa pagsugod ang tatlong lalaki na pare-parehong may hawak na kampilan sword.
Napabuntong-hininga muna ang matandang lalaki bago bumwelo para makatalon siya nang mataas. Saktong tumama ang gamit na patalim ng tatlong kalaban nito sa kanila mismo.
Sunod niyang hinarap ay itong dalawa pang natitira. Kitang kita sa dalawang mata ng mga ito ang matinding pagkamuhi at ang kanilang pagnanasa na matalo ang matandang Raja, subalit salungat ito sa reaksyon ng kanilang mga katawan.
Kapansin-pansin ang paglambot ng kanilang mga tuhod, panginginig sa paraan ng pagkakahawak nila sa kanilang mga espada.
Ang isa pa rito ay kamuntikan na ring mapaupo sa buhanginan dahil sa sobrang lakas ng hangin na siyang bunga ng pagtalon ng matandang lalaki.
Subalit dahil mas nanaig ang galit sa mga puso nila ay sumugod pa rin sila kahit na alam nilang mas malakas ang matandang Raja kaysa sa kanila.
At dahil sa kabagutan ng matanda, inilabas na nito ang kalis niya mula naman sa kanang bahagi ng kaniyang baywang, walang kahirap-hirap na iwinasiwas ito ng matandang lalaki sa dalawang kalaban niya.
Matamang pinagmasdan ng matandang Raja ang paligid, nasisilayan na nito ang parehong pagkatalo at tagumpay nila dahil ngayon, sigurado na siyang pantay na ang bilang ng kaniyang mga tauhan sa tauhan ng kasalukuyang kalaban nila.
Naantala ang kaniyang tahimik na pagmamasid sa mga taong nakikipaglaban nang biglang may lumapit na babae sa kaniya. Nanliliit ang paningin niyang tinitigan ito at inaalala kung ano ang pangalan nito.
“Raja Gertrude,” mahinang ani ng babae, nakabalot ng kumot ang buo nitong katawan, tanging mata lamang ng babae ang makikita rito.
Malumanay pa itong yumuko sa harapan ng matanda bilang paggalang na rin sa katayuan nito.
“Bakit, Bedelia?”
“Si Datu Warrick po, pinapatawag ka po niya.”
Isang tango na lang ang iginanti ng matandang lalaki na si Gertrude sa babaeng nagngangalang Bedelia.
“Sandali, si Flux? Nasaan ang apo kong iyon?”
“Pinauna ko na po siyang pumunta ro’n,” tugon ni Bedelia.
“Talaga? E, nakita ko lang siya—”
Hindi pa man natatapos ni Gertrude ang kaniyang salita, may biglang lumitaw na isang batang lalaki, nayapak ito at nakabahag. Habol ang kaniyang hininga'y nanghihina itong tumabi kay Raja Gertrude na siyang inalalayan kaagad ng matanda.
“Tara na ho, Lo! May panibagong armas na naman ang mga kalaban!” nagtotoreteng wika ng batang lalaki.
At sakto, pagkatapos nitong magbitaw ng ilang salita ay biglang sumabog ang isa sa pagmamay-ari nilang mga bangka na siyang ginamit ng mga ito upang makapunta sa isla kung nasaan man sila ngayon.
“Anong—”
“Raja Gertrude, Prinsipe Flux. Tara na po!” tila'y nagmamadaling tawag muli ni Bedelia sa dalawang lalaki.
Dagliang naglakad palayo ang matanda at ang isang batang lalaki na nasa sampung taong gulang pa lamang. Pinauna nilang maglakad si Bedelia. Inakbayan ng matanda ang apo nito saka sila naglakad kasunod ng babae.
Napadpad sila sa isang makipot na yungib. Walang anumang panangga sa kadiliman ang tatlo at umaasa lang sila sa kanilang pandama papunta sa kanilang pinagtataguang lugar.
At no'ng natunton na nga nila ang puwesto nila'y hindi mabilang na ningning sa mga mata ang makikita sa mga taong nag-aabang doon nang masilayang buhay ang Raja at ang Prinsipe ng kanilang tribo.
Dagliang dumeretso si Gertrude at Flux sa gawi kung nasaan si Warrick, ang kasalukuyang datu ng kanilang tribo, anak ni Gertrude, ama ni Flux.
Naabutan ng matanda at no'ng batang lalaki na lumuluha ang isang babae na siyang katabi ni Warrick. Nakabalot ito ng kumot, nakahiga sa sabsaban na puno ng diyami at mahigpit na nakakapit ang kamay nito sa datu.
Kapansin-pansin ang pawis sa katawan ng babae at hindi rin maitatanggi na parang kinakapos na ito sa kaniyang paghinga.
“Anong nangyayari dito?” usisa ni Gertrude na seryosong tumitig pa sa kaniyang anak na lalaki, si Warrick.
“Sa wakas, ama! May prinsesa na tayo!” Masiglang usal ng datu na si Warrick.
Makikita sa kislap ng dalawang mata nito ang kaniyang kasabikan na sabihin sa kaniyang amang raja ang magandang balita na ito.
“Ha?! Ano? Totoo ba ‘yan!? Etana, Warrick?” sunod-sunod na sambit pa ni Raja Gertrude.
Bakas ang pagkamangha sa mukha ng matandang Raja. Waring 'di makapaniwala sa natanggap nitong balita. Sabay lamang tumango ang mag-asawang sina Etana at Warrick bilang tugon sa tanong ni Gertrude.
“Nasaan na ho siya?” tanong ni Flux na siyang kalalabas lang mula sa likod ni Gertrude.
“Ito siya, apo.”
Sabay napangiti sina Warrick, Etana, Flux at Gertrude nang tuluyan na nilang nasilayan ang isang batang babae. Nakasiksik ito sa tabi ni Etana, nakayakap at kasalukuyang nakamulat ang talukap ng mga mata nito.
At sa 'di nila malamang dahilan, ngumiti ang walang muang na sanggol sa kanilang harapan dahilan upang mawili silang pagmasdan ang batang kapapanganak pa lamang.
“Jaiyana,” wala sa wisyong wika ng matandang Raja.
“Strength ang pakahulugan nito na maaaring makapagbigay ng kakaibang saya sa bawat isa,” dagdag pa ni Gertrude sa naunang sinabi nito. Parehong ngumiti ang mag-asawa at sumang-ayon sa sinabi ng raja.
“Tama, mula sa araw na ito... ikaw na si Prinsesa Jaiyana,” pagdeklara ni Warrick sa ngalan ng bagong silang na sanggol.
“Gusto mo ba iyon anak? Jaiyana,” malambing na saad ni Etana na siyang nagpangiti muli sa kaisa-isa nitong anak na babae.
At mula sa sandaling iyon, wala silang kamalay-malay na roon pala maipapanganak ang kahuli-huliang “warrior killer” na siyang nagmula mismo sa kanilang angkan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top