The Last Warrior : Ending

"Focus, Eka! One more time!"

Napasimangot ako noong sumigaw muli si Athea Magnus sa kabilang bahagi ng silid. Wala bang kapaguran ang isang to?

"Pwedeng break muna?" sambit ko at naupo agad sa sahig. Kita ko ang pag dissolve nito sa wind sword niya at sa isang kurap ko lamang ay nasa tabi ko na ito ngayon.

Athea Magnus. Sofia Stone of Zhepria. Kaibigan siya ni Joseph, yung pinsan ni Second, dito Tereshle Academy.

Yes, nasa Tereshle Academy ako ngayon.

It's been a year since napagdesisyonan kong pumasok sa Academy. Reason? My over flowing power. Hindi ko ito macontrol. Masyadong malakas ito. Natatakot akong makapanakit ulit dahil sa taglay kong kapangyarihan. At ang tanging paraan lamang na mayroon ako ay ang pumasok sa Academy. Dito, kaya kong pag-aralan kung paano gamitin ng maayos ang taglay kong lakas.

"You're doing great, Eka," ani Athea sabay tabi ng upo sa akin. I smiled at her. Yes, I'm doing great. Hindi na kasi siya nasasaktan tuwing nadadapuan ko siya ng kamay ko. I remember my first day in this Academy. Inilagay nila ako sa Shendra, yung top group na mayroon ang Tereshle Academy. Students with special ability just like me. Dito rin nabibilang sa grupong ito sa Joseph, kasama ang tatlo pa nitong myembro galing sa iba't ibang division ng Tereshle. Noon unang pagkikita pa lang namin ni Athea ay alam ko na ang kaibahan niya sa tatlong kasamahan niya. She possessed the dark magic kaya naman bigla kong nilayuan ito. I can't risk it. Baka mapahamak ko siya pero laking gulat ko na lamang na siya ang inutusan para itrain ako. I disagreed with the idea pero tinutukan niya lang ako ng espada at pinilit na labanan siya. Wala akong nagawa. Nakakatok din kasi ang isang to. Dahil kagaya ko, nag-uumapaw din ang kapangyarihang taglay nito.

"You think I can handle it?" mahinang tanong ko sa kanya na alam kong alam na niya ang tinutukoy ko. We've been at each other's throat for a year, may alam na siya tungkol sa akin.

"Of course, kaya mo na, Eka. See?" aniya at kinuha ang kamay ko. Hinawakan niya ito at wala man lang nangyaring masama sa kanya. I smiled. "For the past days, you trained yourself so damn hard. At ito ang resulta nang pagpupursigi mo."

"I'm not," natatawang sambit ko dito. "You forced me to trained and fight with you!"

Nakita ko itong ngumiti sa akin at umiling. Dapat ay nagpapahinga na kaming dalawa. Kailangan niya kasing umuwi sa Zhepria para sa duties niya bilang heir ng kanilang division, pero heto kaming dalawa ngayon, nagsasayang ng lakas at nagtratrain!

Binitawan niya ang kamay ako at tiningnan ang malawak na silid na kinaroroonan naming dalawa.

Katahimikan.

I smiled.

Sa loob ng isang taon ay nasanay na ako sa daily routine ko dito sa Academy. Aral. Training. Assignments outside the Academy and more training, of course.

"Nakikita ko kasi ang sarili ko sayo noon, Eka," aniya. Napaupo ako nang maayos sa sinabi ni Althea. Joseph told me something about Althea pero konting impormasyon lamang iyon. At sa loob ng isang taong pagsasanay kasama siya, nakilala ko ang isang babaeng malakas, walang inaatrasan pero may busilak na kalooban. She's Athea but she's also Sofia, the sweet and pure Princess of Zhepria. "I was given such a wonderful gift, too. Just like yours. Ang pinagkaibahan nga lang, dark magic ang mayroon ako. And you, you have the light."

"We have an opposite gift, Althea."

"Yes, we do," agarang sambit niya. "Kaya nga nagpresenta ako na ako ang magsanay sayo. I was challenged by your presense. I don't even thought na may ganitong klaseng kapangyarihang nag-eexist dito sa Tereshle. Alam kong ikapapahamak ko ang pagkakaroon ng physical contact sayo pero itinuloy ko pa rin ang nais ko. Wanna know why?"

Natigilan ako sa tinanong niya. Bumaling ito sa akin at ngumiti.

"Because I want you to feel comfortable with your gift. I want you to accept it fully gaya noong ginawa ko noon. And I want you to learn from your enemy, the dark magic. At hindi ako nagkamali sayo."

"Salamat, Althea," sambit ko dito at nginitian siya.

"Always trust your abilities, Eka," aniya at tumayo na. Inayos niya ang suot na damit at matamis na nginitian ako. "I think were done here."

Tumayo na rin ako at nagsimula nang maglakad palabas ng silid si Althea. Pinagmasdan ko itong naglakad at noong marating niya ang pintuan ng silid, tumigil ito at bumaling muli sa akin.

"And follow your heart. Always."

Mas lumapad ang ngiti nito kaya naman ay napangiti na lang din ako. Of course, she knows why I trained and tortured myself too much. That's because of him.

Huminga ako nang malalim at tiningnan ang relong nasa palapulsuan ko.

"Shit, baka maiwanan ako ng train!" ani ko at nagmamadaling lumabas na din sa silid.

***

"Ladies and gentlemen."

Tahimik akong naupo sa isang bakanteng upuan sa pinakadulong bahagi ng arena. I just enhanced my sight para makita nang maayos ang nangyayari sa gitnang bahagi nitong arena.

"Welcome to the Annual Dungeon Tournament of Enthrea!"

Malakas na sigawan ang namayani sa buong arena.

I smiled.

Parang kailan lang, isa ako sa kalahok ng palarong ito. Parang kailan lang, nangarap akong maging parte ng Warrior's of Enthrea. It was my childhood dream. To be a warrior. To fight and protect Enthrea. A dream. A part of my past.

A warrior, huh?

Napailing ako. Mukhang di ako nakatadhanang maging parte ng matagal ko nang pinapangarap.

Tadhana.

Destiny.

Noon pa man ay alam ko na ang kapalaran ko. Pero binago ko iyon. I created my own destiny. I created my own future. Hindi ko pinangarap noon ang pumasok sa Tereshle Academy pero nagawa ko. Ni minsan ay hindi ko naisip noon na iwan at lumabas man lang sa bayang mahal ko, ang Enthrea, pero nagawa ko.

Seeing a glimpse from the future was truly a gift but I stopped using that one. Hindi ko na kailangan pang gamitin ang kakayahang iyon, maybe in the near future, depende sa sitwasyon, pero sa ngayon, I decided to make my own destiny. Mas masaya ang ganoon. Hindi mo inaalala ang susunod na mangyayari. Dinaramdam mo ang bawat segundo ng kasalukuyan.

Isang malalakas na sigawan na naman ang narinig ko noong ipinakilala ang pamilyang namumuno ng buong Enthrea. The Bruce.

Napangiti ako noong makitang si Clifford na ang nakaupo sa gitnang upuan, the throne of the royal family. He's the new ruler, I can say. Sa tabi nito ang kanilang magulang at si Second.

Pinakiramdaman ko ang sarili noong makita ko ang lalaking hinahangaan ko noon. I have the same feeling towards him pero alam kong hindi iyon kasing tindi ng nararamdaman ko sa kanya. He doesn't change a bit. Kung ano ang itsura niya noong umalis ako ng Enthrea, ganoon pa rin. Or maybe tumaas ito ng ilang inches, I don't know.

"Focus on the tournament, young lady."

Nanlaki bigla ang mga mata ko at binalingan ang taong nagsalita sa tabi ko.

"Kuya!" I exclaimed when I saw my brother. Agad ko itong niyakap nang mahigpit na siyang nagpatawa sa kanya.

"You missed me, huh?" aniya at niyakap din ako.

"Of course, I missed you!"

"Namiss daw pero pinagbawalan akong dumalaw sa Academy," tunog pagtatampo nitong sabi. Humiwalay ako sa yakap at bahagyang pinalo ito sa kanyang balikat.

"Namiss talaga kita kuya. And I'm sorry for that one. It was a selfish decision, I know," ngumuso ako dito kaya naman ay ipinatong nito ang kamay sa ulo at ginulo ang buhok ko.

"It's okay little sis, ang mahalaga nandito ka na. Tapos na ang pagkukulong mo sa Academy," aniya na nagpasimangot sa akin.

"Hindi ako nagkulong doon! I was there to trained!"

"Whatever you say," sambit ni kuya at nagkibit-balikat na lamang. Nginitian ko muli ito at niyakap sa bewang niya. I missed him so much. Sa loob ng isang taon, isang beses ko lang nakita sa kuya. Nakiusap akong huwag lang muna itong dumalaw sa akin sa Academy hangga't di ko pa naayos ang sarili ko. Hindi naman ito magreklamo sa naging desisyon ko at sinunod ang nais ko.

"Are you ready to face him now, Eka?"

Natigilan ako sa tinanong ng kapatid ko. Tumango ako dito pero hindi ako humiwalay sa yakap sa kanya.

"I want to hear it from you, Erika," sambit muli nito kaya naman ay umayos ako nang pagkakaupo at humiwalay sa kanya. Hinarap ko sa kuya at mataman itong nakatingin sa akin. "I want you to be so sure, Erika. Hindi ko na gustong mag-alaga sa isang Alexis Xaiker sa loob ng isang taon."

"I am ready, kuya," seryosong sambit ko sa kapatid. "And thank you."

Ngumiti ito sa akin at binaling ang atensyon sa gitna ng arena kung saan ipinakikilala ngayon ang mga kalahok ng tournament.

"Nasa bahay siya ngayon. On my basement. Go and see him, Erika."

"Kuya..."

"He suffered too, little sis. He deserves to be with you now," ani kuya habang nasa arena pa rin ang buong atensyon.

"Thank you, kuya," sambit ko at tumayo na mula sa pagkakaupo. Muli akong bumaling sa arena at tumingin muli sa mga Bruce. Hindi na ako nagulat noong magtama ang paningin namin ni Second. I think he knows that I am here. After all, he knows every single detail of me. Alam kong nararamdaman niya ang presensya. I smiled kahit alam kong hindi niya ito makikita. I'll talk to him later. Sa ngayon, kailangan ko nang puntahan ang taong matagal ko nang gustong makita.

Nagpaalam na ako sa kapatid at umalis na sa arena. I activated my speed ability para mas mapabilis akong makarating sa bahay. Napangiti ako noong maalala ang nagyari noon. First day of the tournament din yun. Umalis din ako ng arena noon para habulin siya. Dahil hindi ko tanggap na kasali siya sa tournament at magiging kalaban ko siya. Pero iba na ngayon. Umalis ako sa arena hindi para habulin siya, kundi para puntahan na siya. Para matapos na ang paghihintay niya sa akin.

Agad kong binuksan ang pintuan ng basement ni kuya at namataan ko agad si X na nakatalikod sa akin habang may tinitingnan na espada.

"Eros, look at this, something is missing. Mukhang may mali sa design nitong espadang to," aniya habang nasa espada pa rin ang buong atensyon.

Hindi ako nagsalita. Pinagmasdan ko lang siya nang tahimik. Ngumiti ako habang nag-unahan nang lumabas ang mga luha ko sa mata.

"Eros, are you even listening? Ano ba..."

Natigilan ito noong bumaling siya sa gawi ko. Kita ko kung paano napaawang ang mga labi niya at kung paano nanlambot ang ekspresyon ng kanyang mukha.

I smiled at him.

"Erika," mahinang sambit niya ng pangalan ko.

"Alexis," ani ko at nagsimula nang humakbang palapit sa kinatatayuan niya. Ganoon din ang ginawa ni X at agad akong niyakap noong nasa malapit na ako sa kanya.

"You're back," he whispered as he hugged me.

"I am," ani ko at gumanti sa yakap niya. Lihim akong nagpasalamat noong walang naging epekto kay X ang physical contact naming dalawa. It was worth it. Ang isang taon sa Tereshle Academy was worth it. Hindi na siya nasasaktan!

"X," tawag pansin ko habang hindi pa rin bumibitaw sa yakap.

"Hmm."

"I'm sorry and thank you," ani ko at naramdaman ko ang paghigpit nang yakap niya sa akin. "I'm sorry for leaving and thank you for waiting."

"Anything for you, Erika. Anything."

E N D

A/N:

MARAMING SALAMAT, GUYS!

Love,
xxladyariesxx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top