Special Chapter

Nakasimangot akong nakatingin sa dalawang lalaking halos magpatayan na dahil sa masasamang tingin nila sa isa't-isa.

"Haba ng buhok nitong kaibigan natin, oh," biro ni Aly sa akin sabay upo sa tabi ko. Maging si Eli at Emy ay naupo na din sa tabi ko.

"Parang mga bata," bulong ni Emy na siyang ikinangiti ko na lamang.

Today is my brother's birthday. Lahat ng kaibigan at kakilala ni kuya Eros ay imbitado. Maging ang magkapatid na Bruce ay nandito. Clifford is the new ruler of Enthrea and having him here feels so strange and wierd. I've known him for so long pero iba ang dating nito ngayon, nakakakaba na ewan.

"Hoy, Eka, walang planong suwayin ang mga yan?" napailing ako sa naging tanong ni Eli sa akin.

"They can managed," I said then stand up immediately when I felt a familiar presence walking towards our house. "They're here."

"Really? Yung mga taga Tereshle Academy?" excited na tanong ni Aly na siyang ikinangiti ko sa kanya. Tumango ako dito at nagtungo na sa pintuan. Pagbukas ko ng pinto, agad bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Joseph.

"Eka!" bati niya at niyakap ako. Ngumisi ako dito at gumanti sa yakap. "I missed you!" he exclaimed as he hugged me tighter.

"Joseph, hands off."

Natawa naman ako noong marinig ang boses ni Second sa likuran namin. Agad na humiwalay si Joseph sa akin at inilingan ako. Tumabi naman ang dalawang lalaki sa akin kaya napaatras si Joseph sabay taas ng kamay.

"Chill, bros, ang sama ng mga aura niyo," ani Joseph at natawa na lamang.

"Eka," bati ni Sydney sa akin. I smiled then walk towards her for a hug.

"Sean. Althea," bati ko sa dalawang taong nakatabi at tahimik na nakamasid lamang.

"You have dark magic, right?" natigilan ako noong magsalita si Althea habang nakatingin kay X.

"How did you know?" X asked then looked at me.

"I do possessed that too. I can feel yours," walang ganang sagot ni Althea sabay tingin sa akin at ngumisi nang nakakaloko.

"Uh, let's go? Sa loob na tayo," nag-aalangang sambit ko na siyang ikinangisi lalo nito. Damn this girl! Lakas talaga pantrip ang isang to.

Lalong umingay ang buong kabahayan. Lahat nagsasaya at masayang nagkwekwentuhan. I wonder kong hindi nangyari ang nang kaguluhan noon dito sa Enthrea. Magiging ganito din ba ang kalalabasan nang lahat?

Tahimik akong naupo sa damuhan sa aming bakuran. Nagsiuwi na ang lahat. Maging ang mga kaibigan ko mula sa Tereshle Academy ay nagsiuwi na. The celebration was fun and I'm sure na may susunod pang mga ganitong araw na darating.

"There you are."

Napatingin ako sa gawing kanan ko noong marinig ang boses ni Second roon. Nakangiti itong naglakad palapit sa akin.

"Hey," bati ko at naupo ito sa tabi ko. "You're still here. Akala ko sumabay ka na kay Clifford kanina," ani ko at tiningnan ang mga bulaklak sa harapan namin.

"Nah, I'm not done here," aniya na siyang nagpalingon sa akin sa kanya. Malungkot itong ngumiti at umiling na lamang.

I sighed.

"Second, napag-usapan na natin to diba?" mahinang sambit ko sa kanya.

"I know. I know. I'm just so stubborn to accept that," sambit niya at mahinang tumawa.

"Second."

"It hurts," natigilan ako. "My expectation hits me big time. Hindi ko akalaing magiging ganito ang kalalabasan ng lahat. I love you and I know that you feel the same way. Before."

"Ako din naman," wika ko na siyang nagpatigil sa kanya. Bumaling ito sa akin at nginitian siya. Noong una naming pag-uusap ni Second, days after kong bumalik galing Academy, we just talked randomly. Nagkamustahan pero hindi napag-usapan ang aming sitwasyon. I know he already knew my true feelings during the war. Hindi ko nga lang naipaliwanag sa kanya nang mabuti.

Maybe this is the right time, huh?

"Remember the first time we've met? It was your birthday. You're wearing a suit back then, nakasimangot at lahat ng lumalapit sayo, inaangasan mo," napangiti ako noong maalala lahat nang pinagsasabi. "Nasa malayo lang ako noon, nagmamasid. Lihim na humahanga sa iyo. Kung hindi pa ako ipinakilala ni mommy sayo, hindi talaga ako lalapit sayo."

"You were beautiful that day," singit ni Second.

"Really?" natawa ako. "I don't know. I was nothing compared to those girls who danced with you that day."

Narinig ko ang mahina nitong pagtawa kaya naman ay napanatag ako.

"I love you, Second. Alam mo yan. But I guess I was not meant to be with you," ani ko at nag-iwas nang tingin sa kanya. "Sa inyong dalawa ni Alexis, mas una kitang minahal kahit palaging nasa tabi ko siya noon. I ignored my feeling for him because I already have you. I already have you so why bothered myself of knowing my own feelings towards him, right?"

"Eka."

"I was blinded with my own feelings not knowing that I already hurt the both of you. Dalawang lalaki ang minahal ko. Dalawang lalaki ang nasaktan ko. Bad, Erika. Such a bad girl."

"Hey, it's not your fault that we felt this feeling," aniya at hinawakan ang kamay ko. He smiled. "Loving you was one of the best feeling I ever felt."

"I'm so sorry, Second," ani ko at niyakap na siya. I'm really sorry for hurting this man. Hindi ko man sinadya, nasaktan ko pa rin siya. Hindi ko man ginusto, nangyari pa rin talaga. Hurting Second was never on my list. Matagal ko na siyang hinahangaan and I never thought na masasaktan ko siya.

"Can we still be friends?" mahinang tanong ko sa kanya habang nakayakap pa rin.

"Of course," aniya at hinigpitan ang yakap sa akin. "You'll be forever my Eka."

"Thank you, Second," ani ako humiwalay na sa yakap. Ngumiti ako dito at biglang napalingon sa gawing kanan namin noong makaramdam ako ng pagkakatitig sa amin.

"Panira nang moment," rinig kong bulong ni Second sa tabi ko at napailing na lamang ako. Kailan kaya magkakasundo itong dalawang to?Hindi naman siguro masamang mangarap diba?

Tumayo si Second sa tabi ko at tinapik ako sa balikat.

"Sa loob lang ako," aniya at tumango na lamang sa kanya.

Pagkaalis ni Second, siya naman ang paglapit ng Alexis. Nagkatitigan pa ang dalawa pero naunang mag-iwas ng tingin si Second at pumasok na sa loob ng bahay.

"Ano na naman ang kailangan ng isang yon?" tanong ni Alexis sabay upo sa tabi ko.

"We just talked, Alexis," nakangiting sagot ko habang pinagmamasdan ang nakasimangot na mukha nito. Natawa ako. "Ba't ganyan naman ang itsura mo?"

"Nothing," sagot niya at lalong nalukot ang mukha.

Napailing na lamang ako at inihilig ang ulo sa balikat niya.

"Alexis, we're just friends."

"I know, it's just you loved him first," aniya at hinawakan ang kamay ko. "I've witnessed how you were head over heels for him. Nakakatakot."

"Scared?" natatawang tanong ko dito. "I'm sure with my feelings for you, Alexis. Ikaw ang mahal ko."

"You were sure with your feelings before, too. Ilang beses mong isinampal sa akin yon noon."

"Teka nga," ani ko, umalis mula sa pagkakahilig sa kanya at tinaasan ng isang kilay. "You don't trust me, huh?"

Umiling ito.

"I trust you, Erika. You know that. It's just something is bugging me. Inside me."

"I love you," biglang sambit ko na siyang nagpatigil kay Alexis. I smiled. "What do you want me to do? Huh? Para maniwala ka na sa akin? Para mapanatag ka?"

Hinila ako ni Alexis palapit muli sa kanya at muling inihilig ang ulo ko sa balikat niya.

"Just stay with me," mahinang bulong niya. Tumango ako at yumakap na lamang sa kanya. "That's all I wanted since the beginning. You. Staying with me."

I smiled.

Alam kong hindi sapat ang salita lamang para maipanatag ni Alexis ang kalooban niya. It's true, mas nauna kong nagustuhan at minahal si Second pero mas matindi ang pagmamahal ko sa kanya. I can't image myself losing him. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin. I love him. Really. I am really sure that I love him, that I need him more than anything else.

A/N:

Hindi ko alam kung ano ang feels ko dito. hahaha Anyways, thanks for reading guys!

See you on Dark Magic!

Love,
xxladyariesxx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top