Chapter 6
"Steve!"
Napasimangot ako noong hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Suplado. Napairap ako sa kawalan dahil sa asal nito.
"Hintay naman," reklamo ko pa at mas binilisan ang paglalakad.
Kanina pa ako humihingi ng tawad sa lalaking ito. Yes, I felt guilty sa nagawa ko kanina! I was pretty sure na matataman ko ito. A hundred percent sure! Buti na lang talaga ay mabilis ang naging galaw nito at naiwasan ang atakeng nagawa ko sa kanya!
Muli akong napasimangot dahil hindi niya talaga ako pinapansin at mas binilisan din nito ang paglalakad niya! I sighed and secretly rolled my eyes. Hindi na ako umimik pa. I just kept my mouth shut as I followed him.
Forget about it, Eka! Hayaan mo na iyon. Nangyari na at wala na akong magagawa pa!
We keep on walking, trying to get out of this damn forest at kagaya kanina, wala rin direksiyon itong paglalakad namin ng kasama ko!
Hindi ko naman maalis sa sarili ang paghanga sa lugar na kinalalagyan namin ngayon. This place is beautiful! Detalyado masyado ang pagkakagawa tulad ng totoong gubat na mayroon kami sa Enthrea!
Mula sa mga naglalakihang mga puno na narito hanggang sa mga damo ay talagang nakakahanga! Clifford is really a powerful Enthrean. He used his own power for this tournament. And the fact na limang dungeon ang ginawa niya ngayong taon, mukhang pinaghandaan niya talaga ito! I wonder kung ano pa ang mayroon sa lugar ito? Knowing Clifford, alam kong may ibang ginawa pa ito na siyang magpapahirap sa aming makapasa sa unang stage ng laro!
Mayamaya pa'y natigilan ako sa paglalakad noong makaramdam ako ng kakaiba sa paligid namin. Maging si Steve na ngayon ay nasa unahan ko pa rin ay tumigil sa pagkilos. What is this?
I immediately scanned the whole place. I even activated my special ability para makita ko kung kanino nanggagaling ang enerhiyang nararamdaman ko ngayon! I feel bad about this. Ngayon ko lang naramdaman ang kakaibang enerhiyang ito! And I'm having freaking goosebumps right now!
Mayamaya lang ay bigla akong napaatras no'ng may nakita ako sa direksiyon kung saan nanggagaling ang enerhiyang nararamdaman. Kusang umawang ang mga labi ko at mariing napakuyom ng kamao. Holy shit!
Napakurap ako at hindi inalis ang paningin sa nakita. My breathing became heavy as I looked straight to its damn eyes! Nanlilisik ang mga mapupulang mata nito habang nakatingin sa kinatatayuan namin ngayon ni Steve!
"Fuck." I cursed, not believing what I'm currently seeing! Ipinikit ko ang mga mata ko at umiling. Baka nagkakamali lang ako! Yes... Baka na malik-mata lang ako!
And when I opened my eyes again, muli kong itinuon ang paningin sa gawi nito at laking gulat ko na lamang noong makitang wala na ito sa puwesto niya kanina! Shit!
"What is it?" I heard Steve ask.
"I don't know." I honestly answered as I scanned the whole place. "Ngayon lang ako nakakakita ng ganoong nilalang!"
"What?"
"Shit!" I cursed when I saw it again and now moving with such fast speed. "It's coming!" I shouted then pressed the ball I was holding. Mabilis namang umilaw ang hawak-hawak ko at biglang nag-transform ito into my own freaking weapon! Agad kong itinutok ang pana ko sa nilalang na mabilis na tumatakbo patungo sa direksiyon namin ni Steven! Damn!
I fired a shot.
At halos mapamura ako no'ng nadaplisan lang ito dahil sa bilis ng galaw nito!
"Shit!" rinig kong mura ni Steve na ngayon ay nasa tabi ko na. Holding a sword, he grabbed my arm and pulled me closer to him. "That was a freaking monster!" He exclaimed.
Monster. Iyon ba ang magiging kalaban namin sa lugar na to?
"We need to get out of this freaking forest!" dagdag pa ng kasama ko.
Panay ang hila sa akin ni Steve, trying to find a way out of this forest. Pero agad din kaming natigilan noong makaramdam kami ng kung ano sa likuran namin. Nagkatingin kami ni Steve at sabay na tumalon para maiwasan ang kung anong bumubulusog patungo sa aming dalawa.
It was a freaking tree trunk!
Napatingin ako sa likuran namin at halos mapanganga ako noong binunot ng halimaw ang isang puno at itinapon muli sa gawi namin.
Shit!
Agad akong umiwas sa ibinatong puno nito sa akin. At ang lintek na halimaw, mukhang nag-e-enjoy sa ginagawa niya! Nagpatuloy ito sa pagbato sa amin ng katawan ng puno samantala kaming dalawa naman ni Steve ay panay iwas lang ang nagagawa nito.
"We need to fight back!" I shouted.
"Alright." I heard Steve say. "Let's take him down."
I dissolved my bow and arrows and created another weapon, my twin sword. A special weapon made just for me. It was made of different metals found in our division. My brother made these weapons. It was connected with my attribute kaya naman ay kaya ko itong i-summon ng walang kahirap-hirap. Na kahit sa anong oras at pagkakataon pa ay kaya ko itong gamitin.
"Damn it!" bulalas ko noong tumilapon ako dahil sa impact ng atake ko. Masama kong tiningnan ang halimaw na nasa harapan ko ngayon. May mapupulang mata ito na siyang nagpatayo ng mga balahibo ko. It looks like a damn reptile!Nakanganga ito ngayon at tila handa na akong sunggaban nito! Shit!
"Careful, Eka!" rinig kong sigaw ni Steve at siya naman ang umatake sa halimaw.
Panay ang hampas nito sa espada niya sa gawi ng halimaw ngunit tila hindi ito naapektuhan sa bawat sugat na natatamo galing sa atake ni Steve! What the hell?
Pinagmasdan kong mabuti ang bawat galaw ng halimaw. Bahagyang dumadaing ito tuwing nasusugatan ni Steve. Panay ang hampas din nito sa gawi ni Steve na siya namang pilit na iniiwasan ng kasama ko!
Mayamaya'y napakunot ang noo ko noong mapansing may kulay pulang tila bato na nasa dibdib ng halimaw. Hindi mo ito makikita kung malayuan ngunit dahil nga sa ability ko, malinaw ko itong nakikita.
"What's that?" I whispered then saw how the monster screamed when Steve managed to hit and created a wound near to the red thing I've seen earlier!
Bingo! It's the monster's weak point!
Natigilan si Steve sa pag-atake at tumingin sa akin. Marahil ay iisa na ang nasa isipan namin ngayon. Segundo lang ay namataan kong tumango ito sa akin kaya naman ay agad na tumalon ako nang pagkataas-taas. I bit my lower lip and immediately dissolved my twin sword. Nasa ere pa ako noong ilabas ko ang bolang ibinigay ni Clifford sa amin kanina. And when I pressed it, automatikong nasa kamay ko na ang bow and arrow na gamit ko kanina.
Mabilis kong itinutok sa halimaw ang pana ko at inactivate ang ability ko. Agad kong itinuon sa weak point ng halimaw ang paningin ko. "Die, monster." I whispered then released my arrow.
I was a hundred percent sure na matatamaan ko ang weak point nito. My arrow's shot is fast and accurate ngunit bago pa man ito tumama sa target ko napamura na lamang ako sa isipan noong makitang biglang may kung anong bumalot roon! Damn! A freaking shield!
"I didn't expect that!" bulalas ko noong makatapak na ako sa lupa!
"Me either," sambit naman ni Steve sabay lapit sa kinatatayuan ko. "Now, what's the plan?" I heard him ask.
Hindi ko ito kinibo. Pinagmasdan ko lang halimaw na ngayon ay nagsisimula nang maglakad patungo sa kinatatayuan namin ni Steve! We need to move and fight. Kailangan naming matalo ito or else, kami ang matatalo sa larong ito! At kung mangyayari man iyon, game over. Talo na kami sa larong ito!
Kill or be killed. Iyon lang ang dapat kong tandaan sa tournament ito.
"Distract that monster." I uttered to Steve then ready my weapon. "I'll take another shot."
Hindi ko na hinintay pang magsalitang muli si Steve. Agad na akong tumakbo patungo sa kanang direksyon ng halimaw na kalaban namin. Kita kong natuon ang paningin nito sa akin. Gumalaw ito pakanan at nagsimulang tumakbo patungo sa akin.
"Steve!" I shouted his name.
Kita kong tumango ito sa akin at nagsimula nang umatake patungo sa halimaw.
Just one last shot, Eka. You can make it!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top