Chapter 5

Tahimik akong naupo sa natatanging bakanteng upuan sa silid na pinasukan ko. May limang pabilog na mesa dito ngayon. At sa bawat mesa ay may limang kataong nakaupo palibot roon. Mataman kong tiningnan ang mga kasama ko sa mesa. They're must be my teammates. For sure.

"X," I whispered when I saw him. Kasama ko sa mesa si X. And he's wearing same ribbon like mine. So, mag-aasume akong kagrupo ko siya.

Napabaling ako sa gawing kanan ko at kumunot ang noo ko sa nakita ko.

A girl?

Akala ko ba ako ang nag-iisang babaeng nakapasok sa tournament ngayong taon? Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid at noong mapansing dalawa kaming babae sa silid na ito ay napataas ako ng kilay. Tiningnan ko itong mabuti. Seryoso itong nakatingin lamang sa harapan.

"So, now we can finally start," anunsiyo ng lalaking nasa harapan namin. Clifford Bruce, ang panganay ng pamilyang Bruce. The Head Master of the Annual Dungeon Tournament.

"First, I want to welcome you all to the Annual Dungeon Tournament," he said while smiling. "As you can see, we created a group of contenders this year. Randomly," makahulugang wika nito. Napatingin ako sa mga kasama ko. Randomly, huh? "Five groups. Five dungeons."

What?

"Kill or be killed. Well, not literally killed. Dead. You'll just be out of the game," he make a small laugh. "That's the rule number one. The survival part of the tournament," ani pa nito na siya ikinakunot ng noo ko. Nakarinig ako ng iilang bulungan sa kabilang mesa samantalang tahimik lang kami ng mga kasama ko.

"Once na matapos ang unang parte ng tournament, saka ko lang sasabihin ang kasunod ng rule for the next round. Remember, kill or be killed. Isang dungeon, lima kayong naroon. You're a team, guys. Don't think first na kaaway niyo ang mga kasama niyo. We'll go to that part. Soon. But right now, just focus on this. When your team survived, all of you, then you'll in for the next round."

Napahinga ako ng malalim dahil sa mga naririnig. Itong mga kasama ko ngayon ay kakampi ko. But eventually, they'll become my enemies.

"If you can notice, that ball thing infront of you, that's your weapon. The one you surrendered yesterday," paliwanag nito kaya naman napatingin ako sa maliit na bola na nasa tapat ko. Pinulot ko iyon at pinagmasdang mabuti. My weapon is in here? Cool. "Just pressed it then, boom, your weapon is ready to go."

Napatingin muli ako kay Clifford sa harapan. Talagang pinaghandaan niya ang tournament na to. Really. Dahil walang ganito sa mga nagdaang tournament. It was a simple battle against Enthreans. Matira matibay. At sa isang Dungeon lang ginanap iyon!

"So now, when you are ready. Press the button placed at the center of your table. Dadalhin kayo niyan automatically sa dungeon kung saan magsisimula ang unang parte ng laro. Goodluck everyone," Clifford said then stood up. He smiled toward us and left the room.

Katahimikan ang bumalot sa buong silid. No one dared to talk. Tila ba'y nakikiramdam lang ang bawat grupo sa kung sino ang unang magtatangkang pumindot noong sinasabing button ni Clifford.

"So," the other girl on my team started. "Are we ready?" she asked. Nagkatinginan kaming lima at sabay-sabay na tumango sa isa't-isa. Unang inunat ng babae yung kamay niya patungong sa button. "Hands please," she sweetly said. Noong una ay hindi ko naintindihan ang nais niyang mangyari. But when X and the other three guys placed their hands on top of the girl's hand, inilagay ko na rin ang saakin.

"Welcome to the game, everyone," I said then pushed our hands.

Agad na nagliwanag ang mga kamay namin. Akmang ibubuka ko palang ang mga labi para magsalita noong biglang umikot ang paningin ko. Napapikit ako bigla. Shit!

Gusto kong masuka dahil sa hilong nararamdaman. Para hinahalukay ang aking tiyan kasabay ang matinding kirot sa aking ulo. What the hell!

Ilang sandali pa ay biglang natigil ang lahat. Gumaang muli ang aking pakiramdam kasabay noon ang dahan-dahan kong pagmulat ng aking mga mata.

Napanganga nalang ako noong bumungad sa paningin ko ang malalaking puno. Nasa isang gubat ako!

Nagpalingon-lingon ako sa paligid ngunit mag-isa lang ako! Where the heck are my  teammates?

Huminga muna ako ng malalim bago magsimulang humakbang. Mukhang nagkahiwa-hiwalay kaming lima. Now I need to find them first. Rule number one, lahat kami ay kailangang magsurvive sa stage na to. We need to fight together as one, as a group.

Inilabas ko ang bolang nasa bulsa ko. My weapon. I smiled when I remember what kuya Eros told me about the weapon he created just for this tournament. 'Use it properly, Eka. Ito lang ang tanging kakampi mo sa larong pinasukan mo.' He's right. Ito lang talaga ang magiging kakampi ko dito. This is what I've only got here.

Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa. I kept on walking and walking. But not until I've felt something. Like someone's eyeing on me. Bahagya kong binagalan ang lakad ko at pinakiramdaman ang paligid. Someone's in here. Hindi lang ako. I can feel it.

And when I'm about to step my right foot, I stopped and lowered down my body. Shit! Napamura ako noong biglang may kung anong bumulusog papunta sa akin at laking pasasalamat ko noong mabilis ko itong naiwasan. Napabaling ako agad sa dereksyon na pinanggalinga ng atake. I used my ability to see clearly whoever attacked me but no one's there.

Tumayo ako at naglakad patungo sa punong natamaan ng patalim na inatake saakin.

Pinagmasdan ko ito ng maagi at mabilisang binunot at ibinato ito sa gawing likuran ko noong makaramdam ako ng presensya roon.

"Shit!"

Halos mapanganga ako noong makitang isa sa kagrupo ko iyon.

"That was so fucking close, damn it!" bulalas natin sabay tingin sa akin ng masama. "Balak mo ba akong patayin? Cause honestly speaking, I am really closed to it!"

"I'm sorry," iyon lang ang nasabi ko. Napatingin ako sa patalim na ibinato ko na ngayon ay nakatusok sa katawan ng punong nasa likod nitong lalaking ka-grupo.

"I'm really sorry for that. May biglang umatake kasi saakin kanina," paumanhin ko dito. Kita kong pagkunot ng noo niya sa sinabi ko.

"May umatake sayo?" he asked and I just nod. Jez! I almost hit and killed him! Mabuti at naiwasan niya iyong ginawa ko kanina.

"Come on. Let's get out of this forest," yaya niya saakin. "Let's find first our teammates. Hindi pwedeng gumala tayo sa lugar na to na hindi kompleto. It's dangerous. Too dangerous," he said then looked at me intently.

I sighed.

Dangerous.

A/N:

Hello po!

I'm currently editing SHANAYA: QUEEN OF THE FAIRIES kaya super bagal ng update ko dito. Sarreh! hihi

Anyways, thanks for reading! Spread love!

-LadyAries ☺

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top