Chapter 42
Hindi ako makapaniwalang natitig sa dalawang lalaking nakahiga ngayon sa sahig, nanghihina at halos mawalan na nang malay.
"X!" rinig kong sigaw ng kapatid ko at patakbong lumapit sa kaibigan.
Napako ako sa kinatatayuan.
Anong ginawa ko?
"Eka," si Second. Nasa tabi ko na ito ngayon. "Erika, snap it out. You're losing yourself."
Hindi ako kumibo. Nanatili akong nakatingin sa mag-ama. Isaac is screaming because of an unknown pain samantalang halos hindi na gumagalaw si X at ngayon ay kinakausap ng kapatid ko.
"Erika Rysse! Your killing him! Stop!" sigaw ni kuya Eros habang nakatingin na sa akin. "Stop, please!"
Gusto kong gumalaw. Gusto kong magsalita ngunit hindi ko magawa. I can't kuya! Hindi ko alam kong paano patitigilin itong kapangyarihang pinamamalas ko!
Nagpapanic na ang buong katawan ko. I can feel that I am trembling right now. Seeing X at that kind of situation because of me makes me want to cry. Ano bang ginawa ko? Tinanggap ko lang naman ng buong ang kapangyarihang nawala sa akin noon. Tinanggap ko lang naman iyon para matalo si Isaac.
Isaac. Dark magic.
Fuck! This light. This light will be the end of dark magic!
"Eka!"
Nagising ako mula sa pagkakatulala noong maramdaman ko ang sakit sa aking kanang pisngi. Napaawang ang labi ko sa ginawa ng kapatid ko.
"Eros, ano ba!" sigaw ni Second sa tabi ko.
"Eka, wake up! Tama na! Mapapatay mo pati si Alexis! Control your freaking power! Erika!"
Bigla akong nanghina kaya naman ay napaluhod. Literal na nanghihina ako sa nangyari. Yes, malakas na ako ngayon ngunit nakakapanghina ang katotohanang nakakasakit na ako ng ibang tao dahil sa taglay na kapangyarihan ko.
"Eka!"
"What have I done?" mahinang bulalas ko at napahawak sa aking mukha. Anong klaseng kapangyarihan ba ang mayroon ako? Bakit pati si Alexis ay nasaktan at nadamay?
"Calm down, Eka. X is fine," alo ni Second sa tabi ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili kong may masamang nangyari kay Alexis. I'll definately hate myself if something bad happened to him.
"Finish your battle. Ilalayo namin si X sa lugar na to. He'll suffer too because of your power," that was Clifford. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong pinagtulungan nila ni Kuya Eros ang walang malay na si X. Bumaling sa akin ang kapatid at tinanguhan ako. "Don't hold back, Eka. Kami na ang bahala kay Alexis. Second, let's go. Mas mabuting si Eka lang ang nasa silid na to."
"Be safe, okay?" ani Second at hinawakan ang kamay ko. Tumango ako dito at sinubukang tumayo mula sa pagkakaluhod. Inalalayan naman ako ni Second at noong makatayo na ako nang maayos ay binalingan ko si Second.
"Keep him safe, for me. Please," pakiusap ko sa kanya. Kita ko ang lungkot sa mga mata ni Second dahil sa sinabi ko. I'm sorry, Second. I'm so sorry.
"Of course, para sayo," aniya, tinapik ako sa aking balikat at tinalikuran na niya ako. Pinagmasdan ko silang apat na lumabas sa silid. Keep him safe, please. At noong tuluyang nakalabas ang apat sa silid, binalingan ko ngayon ang nakahigang si Isaac.
He's still alive, that's for sure. Kung hindi ko napigilan ang kapangyarihan ko kanina, malamang ay nawalan na ito ng buhay.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanya.
"Cursed that power," malutong na mura ni Isaac at iminulat ang mga mata sabay tingin sa akin. "You almost killed me and my son."
"Ikaw lang dapat ang nagkaganito. Dapat ay hindi na nadamay si Alexis," seryosong sambit ko. Hanggang ngayon ay mabigat pa rin sa kalooban ko ang nangyari kanina. Si X, nasaktan ko. Fuck! Kung hindi lang ako sinaktan kanina ni kuya Eros, who knows kung ano pa ang magagawa ko kay X!
"Sa ayaw at gusto mo, madadamay at madadamay pa rin siya. He possessed what I have," sambit niya habang nahihirapang gumalaw. Ito marahil ang epekto noong kapangyarihan ko sa kanya. Inangat ko ang kanang kamay ko at pinagmasdan iyon. I want to know more about this power. Pero sa pagkakataong ito, dapat ay tapusin ko muna itong labang kinakaharap ko. Focus, Eka!
"We're done here, Isaac," ani ko at ibinaba ang kamay. Pinagmasdan ko siya at isang masamang titig lamang ang ibinigay niya sa akin.
"You think you'll finish this chaos once you end my life, huh?" may paghahamon na sambit nito.
"Who knows?" sambit at lumuhod sa tabi niya. Honestly, hindi ko alam ang susunod na mangyayari. I want to know but my current state right now wants me to stop knowing things from the future. Hindi ko na kaya. Wala na akong sapat na lakas nang loob para gawin iyon. "Sa totoo lang, pagod na ako," ani ko sabay lapat ng kamay ko sa balikat niya. Naramdaman ko ang matinding enerhiyang dumadaloy ngayon sa aking mga ugat. Nagliwanag ang kamay ko noong naglapat ito sa balikat ni Isaac. Napahiyaw ito at mariing ipinikit mula ang mga mata. "Pagod na ako kakaisip kong bakit ako may kakayahang makita ang hinaharap. Kung bakit may taglay akong malakas na kapangyarihan pero hindi ko man lang nailigtas ang mga magulang ko sa kanilang kamatayan."
"Cause it was their destiny," nahihirapang sambit nito at muling sumigaw dahil sa sakit. How powerful this power of mine. Sa simpleng paghawak ko lamang sa kanya ay halos mawalan na ito ng lakas para labanan ako.
"Their destiny. You made it, right?" mariing sambit ko noong maalala ko ang naging usapan nila ni X kanina.
Hindi sumagot si Isaac sa naging pahayag ko.
He killed them, my parents and his beloved wife.
"How come you managed to kill them? For the sake of power, huh!" ngayon ay nilalamon na ako ng galit ko! How dare him to make someone's destiny! Inilapat ko pa ang isang kamay ko sa kanya kaya naman mas lalo itong humiyaw.
"You created their destiny and now, let me make yours, Isaac," malamig na turan ko dito.
"Erika Rysse," hirap niyang sambit sa pangalan ko. "Simula pa lang, alam na namin ng mga magulang mo ang kapalaran nila, ang kapalaran ng asawa ko at ang kapalaran mo."
"Yes, I was there when they were killed. Hindi ako pumagitna para pigilan iyon dahil iyon ang kapalaran nila."
"Shut up!" hiyaw ko at mas lalong nagalit sa kanya. "Hindi sa lahat nang pagkakataon ay dapat umayon tayo sa sariling kapalaran! I thought you were better than this! At ano? Bakit mo sinubukang sakupin ang buong Enthrea? Dahil ano? Nakasulat din ba ito sa lintek na kapalaran mo? That's bullshit, Isaac! Bullshit! You were fucking selfish! Sarili mo lang ang iniisip mo!"
"Maybe you're right," aniya na siyang lalong ikinainis ko sa kanya.
"Yes, I'm fucking right!" galit na sambit ko at mas pinalakas ang enerhiyang dumadaloy sa aking mga kamay.
"You're dissolving my dark magic," nanghihinang sambit nito. "You're ending my life too soon."
"This is for the best, Isaac. You've done enough. Death will be the best punishment for all of your crimes."
Hindi ito kumibo. Pinagmasdan ko lamang itong namutla at nanghina. Yes, tinatanggal ko ang dark magic sa katawan niya. Ito marahil ang primary use ng kapangyarihang naibalik sa akin. The light will eliminate the darkness. The light that will save us all from the darkness of this cruel world.
Isinumon ko ang espada ko at itinutok sa kanyang dibdib. Humugot ako nang malalim na hininga at muling pinagmasdan si Isaac.
"Para ito sa lahat nang kaguluhang idinulot mo. Para sa mga Enthrean na nasawi sa digmaan. Para sa mga magulang ko. Para sa asawa mo. At para kay Alexis."
"Erika Rysse," he whispered my name. Natigilan ako. "Thank you."
For a moment, nakita ko ang ngiting matagal ko nang di nakikita. Yung ngiting alam kong si Master Isaac lamang ang nagmamay-ari.
A tear escaped from my eyes. At sa isang kisap mata, itinarak ko ang espadang kanina ko pa itinutok sa kanya. Nawala ang ngiti nito sa labi at dahan-dahang ipinikit ang mga mata.
'Thank you.'
Narinig kong muli ang tinig ni Isaac. Hindi ko alam kung para saan ang pasasalamat niya pero tinanggap ko iyon nang buong puso. The sincerity on his voice was pure and I hope he'll rest in peace kahit na kaguluhan ang iniwan nito sa amin.
Tumayo na ako mula sa pagkakaluhod.
Tapos na. Tapos na ang gulo sa buong Enthrea. Ligtas na ang buong Enthrea.
Sa lahat na nangyari, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko ngayon. Gusto kong makita ang mga mahal ko sa buhay pero gustong magpahinga muna nang katawan ko. Masyadong nabugbog ito sa sunod-sunod na laban.
I sighed then I smiled weakly as I take a step forward, palabas ng silid. Alam ko ang una kong gagawin.
Alam na alam ko.
A/N:
Hello guys!
This will be the last chapter for the #TheLastWarrior. Masyadong maraming naganap sa kwentong ito at hindi ko alam kung nabigyan ko ito nanghustisya hahaha Anyways, maraming salamat sa lahat na umabot sa chapter na ito. Thank you with love guys!
Nagsisimula na ako sa Dark Magic story ko. It's a prequel from the four stories na nagawa ko na at sinusubukan kong gawing mas less ang chapter nito. Target will be 20 to 30 chapters only. So, sana supportahan niyo pa rin po.
Yun lang.
Wakas will be next!
Love,
xxladyariesxx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top