Chapter 40

"So, you made your choice now, huh? Erika Rysse?"

"Oo," ani ko at pumikit dahil sa munting kirot sa aking leeg. "Hindi ko na kailangan pang buksan ang kahon, Isaac."

Narinig ko ang mahinang pagngisi nito dahil sa sinabi ko sa kanya. Panibagong sakit ang naramdaman ko nong mas ibinaon nito ang patalim sa leeg ko. Fuck!

"Sapat na ang kapangyarihan ko upang matalo ka," nahihirapang sambit ko pa dito.

"Alright," aniya at tinanggal ang pagkakatusok ng patalim sa aking leeg. Humugot ako ng malalim na hininga noong dumistasya ito sa akin. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan. Pinakalma ang sarili at mariing hinawakan ang leeg. My blood is dripping! Mukhang napasama ito.

Kinuyom ko ang aking kamao ng mahigpit. Ipinilig ang ulo pakanan at diniin ang sugat para pigilan ang pagdudugo.

Ano kaya ang plano ng isang to?

Ramdam ko ang pag-alis nito sa aking likuran.

"Fine, Eka," aniya na siyang nagpalingon sa akin sa gawi niya. "You want a fight against me?" ngumisi ito at bahagyang umiling. "Then come on, young lady."

My limiter seal was gone. Kaya nang makipagsabayan ang lakas ko sa kay Isaac. I know I can equal his power. I know I can fight against him.

Isinumon kong muli ang espada ko at inihanda ang sarili.

"Erika Rysse, ang laman lang naman ng kahon ang nais ko. Pero kung ito ang gusto mo, ibibigay ko sayo," aniya at mabilisang sinugod ako. Kita ko ang bawat galaw na ginagawa ni Isaac. Mabilis ko itong iniwasan at sinalag. I can see an amusement reaction on Isaac's eyes. Tila ba'y nasisiyahan ito sa nangyayari sa aming dalawa.

Buong pwersa kong ikinumpas ang hawak na espada at mabilis na tumakbo sa kinatatayuan ni Isaac. Isinumon ko pa ang isang espada at pinag-ekis iyon. Isang malakas na enerhiya ang nabuo sa pagitan ng dalawang espada ko. A smile escape from Isaac's lips. Mukhang inaasahan niya itong gagawin ko. Pinagwalang bahala ko iyon at pinagpatuloy ang nasa plano. I activated my speed ability at sa isang pagkurap ko lamang ay nasa harapan na ako ni Isaac at inirelease ang enerhiyang ginawa ko.

Sapol ngunit nasangga ni Isaac ang atake ko. Tumilapon ito ngunit hindi sapat para mapuruhan siya. Ngumiti ito ng nakakaloko at tumayo mula sa pagkakabagsak sa sahig.

"Is that all?" he asked as he take a step forward. "Alam kong may mas lalakas ka pa, Erika Rysse. You don't have to control your self. Tayong dalawa lang ang nandito. It's either you or me who will suffer the most. Come, on. Show me what your parents gave to you. The power. Show it to me!"

Napaatras ako noong biglang sumugod muli sa akin si Isaac ngunit bago pa man ito nakarating sa kinatatayuan ko, bigla itong tumilapon at isang malakas na sigaw ang narinig ko sa kanya noong tumama ang katawan nito sa pader.

"Fuck!" he cursed.

Agad naman akong napatingin sa kung sino ang umatake kay Isaac. My heart beats faster than it's normal beat. With his deadly and dark eyes, mataman itong nakatingin sa kay Isaac.

"X," I managed to say his name.

"You okay?" malamig na tanong nito habang di inaalis ang masamang tingin sa sariling ama. Hindi ako sumagot. Gulat pa rin sa naging presensya niya ngayon.

"You bastard!" mariing sambit ni Isaac na siyang nagpalingon sa akin sa gawi niya. Tumayo na ito at masamang tiningnan si X. "How dare you to interfare!"

Hindi kumibo si X. Nagsukatan nang tingin ang dalawa. Humakbang ako patungo kay X at marahang hinawakan ang balikat nito ngunit agad akong napabitaw rito dahil sa matinding kapangyarihang bumabalot ngayon sa kanya.

"Alexis," natatakot na tawag ko dito.

I can sense extreme power within him. Dark. Dangerous. This is not him. Hindi ito ang kilala kong Alexis.

Umatras ako, umiiling.

No.

Not him, please.

"Alexis, calm down please," nakikiusap na sambit ko dito. Alam ko kung anong kapangyarihan ang pinamamalas niya ngayon. How come he owned this kind of power? This is dangerous! Mapapahamak siya!

"Just step back, Erika. Wait till Yna arrives. She'll heal your wound," malamig na turan nito at humakbang paabante patungo sa kanyang ama.

"Alexis, wait!" pigil ko dito. "You're power..."

Hindi ko matapos-tapos ang nais kong sabihin. Fuck! He's possessing dark magic!

Bumaling ito sa akin at bahagyang ngumiti.

"I'll deal with him. Take some rest," aniya at seryosong bumaling muli kay Isaac.

Oh my God! Hindi ito maaring mangyari! Paanong may ganitong kapangyarihan si Alexis?

Napabaling ako kay Isaac noong tumawa ito ng malakas. Para itong baliw habang nakatingin sa kanyang sariling anak.

"Alexis! Anak!"

"Shut up!"

Umalingawngaw ang sigaw ni X sa buong silid. Nanginig ang kalamnam ko sa lamig at galit na tono nito.

Alexis.

Natigilan si Isaac sa ginawa ni Alexis. Nawala ang tawa nito at naging seryoso.

"How dare you to hurt her," mas malamig na sambit ni Alexis sa ama. Natigilan ako. "Ganito din diba ang ginawa mo kay mommy noon? Ha? For power!"

"You don't know a thing, Alexis," ani Isaac. Hindi ko agad nasundan ang sunod na nangyari. Mabilis at mapanganib na atake ang ginawa ni Alexis. Isang kumpas lamang ng kanyang kamay ay bumulusog na ang itim na kapangyarihan nito. Bigla akong napaatras noong yumanig ang buong paligid. Binaling ko ang tingin kay Isaac at halos mapanganga ako noong sinagga at tinanggap lang nito ang atake ni Alexis. Ngayon ay nababalot na din ito ng itim na kapangyarihan, gaya ni Alexis.

"Alexis. Alexis. Alexis. Talaga bang inatake mo ako gamit ng kapangyarihang ito?" rinig kong tanong ni Isaac habang nababalot pa rin ng itim na kapangyarihan ni Alexis. Mayamaya pa ay unti-unti nawala ang itim na kapangyarihan, tila ba'y hinigop ito at hindi ako makapaniwalang napatitig sa itsura ni Isaac.

"Dark magic," mahinang sambit ko at napaatras muli.

Isaac and Alexis. They both possessed the dark magic!

"Tatapusin ko ang kabaliwang sinimulan mo," ani Alexis. "Ang kabaliwang sinimulan mo ten years ago."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makahinga nang maayos kaya naman ay pumikit ako ng mariin.

Ten years ago. Ten.

"You killed my mom," nahihimigan ko ang poot sa tinig ni X. Umiling ako. Don't say it. Please. Huwag, X. "And you killed your comrade. Your friends."

Fuck!

"You ruined everything!" sigaw ni X na siyang nagpamulat ng mga mata ko. "You ruined everything just for a fucking power!" aniya at sinugod na ang ama.

Isaac.

Siya ang puno't-dulo ng lahat.

Dapat ay hindi na ako magugulat pa. Pero alam ni X lahat! Alam niya ang ginawa ng sariling ama niya.

At inilihim niya ito lahat sa amin, sa akin.

"X," mahinang sambit ko sa pangalan niya. Paano niya naitago ito sa akin? Paano niya nalagpasan ang sakit na dulot ng aming nakaraan?

A tear escape from my eye. I closed my hands firmly then calm myself down.

"Alexis, let me fight, too," I whispered again. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa binitawang kahon at pinulot ito. This will help us, right? Alam kong may sapat na akong lakas. Pero mukhang kakailanganin ko ang kapangyarihan ng kahon na to. Isaac possessed dark magic at hindi ko alam kong paano ko mapapantayan iyon. At ito na lamang ang tanging paraang mayroon ako.

I took a deep breathe.

Binalingan ko ang mag-ama. Nagpapalitan ito ng kani-kanilang atake. Namataan ko ang pagbaling ni Isaac sa gawi ko. Gulat at poot ang sinisigaw ng mga mata nito. Akmang susugurin niya ako ngunit agad na pinigilan ni X ang balak ng ama.

"Just focus on me," pigil ni X sabay tutok ng espada sa ama. "Dad."

Masakit ang uri ng pagtibok ng puso ko. Nasasaktan ako para kay Alexis. Nasasaktan ako dahil naging ganito ang lahat.

Mahigpit kong hinawakan ang kahon at walang pag-alinlangang binuksan iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top