Chapter 4
"Eka."
"Tigilan niyo muna ako ngayong araw," naiiritang sambit ko at muling naglakad.
Kanina pa ako kinukulit ng mga kaibigan ko. Ngayon ang unang araw ng tournament. Maaga pa lang ay handa na ako pero hindi ko inaasahang maaga din palang mambubulabog itong tatlong ito.
"Anong tigilan? Nako, Eka! Kung saan-saan ka namin hinanap noong opening day ng tournament. Tas kahapon, missing in action ka rin! Seriously? Pinagtataguan mo ba kami? Dahil kung oo, sinasabi ko sayo, ngayon palang itigil mo na," mahabang sambit Eli habang nakasunod parin saakin.
"At saan niyo naman nakuha yang ideyang nagtatago ako?" huminto ako sa paglalakad at nilingon ang tatlong kaibigan ko. Natigilan din ang mga ito sa paglakad. I crossed my arms againts my chest at tinaasan sila ng kilay.
Sabay na tinuro ni Eli at Aly si Emy.
"Oh, teka! Ba't ako?" natatawang tanong ni Emy habang nakataas ang dalawang kamay.
"Ikaw nagsabi saamin kahapon noon, uy!"
Napailing nalang ako sa inaasal ng tatlong to. Aly, Eli and Emy are my childhood friends. Actually, magpipinsan ang tatlong to. Their family came from Lerna group, middle class family dito sa Enthrea. Samantala ang pamilya naman namin ay dating Ynus, a wealthy family, na ngayon ay nasa Lerna na rin. It was a long story kung bakit kami napunta sa Lerna group. A story that I don't want to remember at all.
"Listen girls. Today is the first day of the tournament. Alam niyo naman kung gaano ko kagustong mapasali sa larong ito diba?" kita kong sabay-sabay silang tumango. I smiled. "And for petesake, hindi ako nagtatago sa inyo. Kuya Eros asked me to stay at home."
"Really? So, your kuya is still alive, huh?"
This time, si Aly naman ang nagtaas ng kilay saakin. I nodded at her. Aly and her issues with my brother. Bahala sila.
"At papuntang arena kana ngayon?" Emy asked. Umiling ako rito at bumuntong hininga.
"No. Hindi sa arena ang destinasyon ko ngayon. A messenger went to our house last night. Lahat daw ng players for this year's tournament ay kailangang magtipon-tipon sa bahay ng mga Bruce," paliwanag ko sa kanila. "And I'm really sorry about what happened for the other day and well, yesterday too. Pasensya na at nawala ako nang parang bula that time, kailangan ko na kasing makausap si kuya Eros non."
"It's alright, Eka. Now, go. You'll be running late," mahinahong sambit ni Eli saakin.
"I'm really sorry, girls. I'll be fine. Don't worry too much," sambit ko na ikinangiti ng tatlo.
"That's all we need, Eka. We know that you'll be fine. Beat the hell out of them," nakangiting sambit ni Aly.
"I will," sagot ko naman dito at tinalikuran na sila.
I activated my speed ability para mas mapadali kong marating ang bahay ng mga Bruce, ang ruler at leader ng Enthrea. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa maaring madatnan ko doon sa mansyon ng mga Bruce. For sure nandoon ang lahat ng mga kalahok ng Annual Dungeon Tournament. And for sure nandoon si Second! At speaking of that guy, hindi ko alam kong ano ang gagawin sa kanya. He's mad at me. That's for hella sure.
Dahil sa dami ng iniisip ko, hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng mansyon ng mga Bruce. Napalunok ako dahil sa kabang nararamdaman. Ang lakas ng tibok ng puso. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon. I took a deep breathe and started walking. Pagkatapat ko sa malaking gate ng mansyon, kusang bumukas iyon.
Napanganga ako sa aking mga nakikita.
Ito ang mansyon ng mga Bruce? Ito iyon!
Wow.
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng masyon. I can see soldiers on every corner of this place. Ang iilan pa ay tila nagsasanay sa pakikipaglaban!
Isang malungkot na ngiti ang lumabas sa aking labi. Marahil ganito rin noon ang aking mga magulang. Afterall, they served the Bruce. They served till their last breathe.
Natigilan ako sa pagmamasid noong may isang babae ang lumapit saakin. She smiled at me kaya naman nginitian ko rin ito pabalik.
"Hi," she greeted me. "Here. Take this," ani niya sabay abot saakin ng kulay puting ribbon. Kunot noo ko itong pinagmasdan. "Wear that, Eka. Like a bracelet style or whatever you call it. Basta suotin mo," nakangiting sambit niya. Wala sa sariling tinanggap ko ang ibinigay niya. I looked at her. Confused.
"You know me?" tanong ko rito na siya ikinatawa niya. Inagaw nito ang inabot niyang putting ribbon saakin at siya mismo ang nagsuot sa kamay ko. "Of course, I do know you. You are the Erika Rysee," she smiled widely. "Now, let's move. Ikaw nalang ang kulang sa kanila," sambit niya sabay lakad palayo saakin.
She knows me! And I don't have a freaking idea who she is. Who is this woman, anyway? Wala sa sariling napasunod ako rito. Is she a part of Bruce family? I don't know. Si Second lang talaga ang kilala ko sa pamilyang ito, well his parents, too. Yun lang. Tanging pangalan lang naman nila ang alam ko. They're really full of mysteries and at the same time, nakakatakot.
Noong makapasok na kami sa loob ng masyon ay lalo akong namangha. Their wealth is beyond my expectation. Grabe! Ang yaman talaga nila! Pakiramdam ko ay kumikinang ang mga mata ko habang nakatigin sa kabuuan ng mansyon. Bawat painting na nadaraanan ko ay napapatitig ako.
"Walk faster, Eka. Mamaya na yan," wika nito na siyang ikinatingin ko sa kanya. Patuloy ito sa paglalakad kaya naman bahagya kong binilisan ang paglalakad ko. At noong tuluyan akong nakahabol sa kanya saka naman ito tumigil sa kanyang paglalakad.
Hinarap niya ako at ngumiti ulit. What's her deal anyway? She kept on smiling. And I don't like it. I feel like she knows everything about me. Samantalang ako ay ni pangalan niya ay di ko alam!
"We're here," anunsyo niya sabay bukas ng pintuang nasa harapan namin. I hold my breathe for a second. At noong tuluyang nabuksan nito ang pintuan ay natigilan ako.
Nasa isang malawak na silid kami. Inilibot ko ang paningin ko at seryosong pinagmasdan ang mga taong naroon. This woman beside me was right. Mukhang ako nalang ang kulang dito. I can feel their stares on me. Feeling ko nga butas na ang noo ko sa uri ng mga titig nila saakin.
"Pumasok ka na, Eka. Find your group," utos nito na siyang ikinagulo ko.
"Group?" wala sa sariling tanong ko dito. She nodded and smile. Again!
"Find those Enthreans who are wearing same ribbon like yours," she said then pointed the ribbon like bracelet I'm wearing. Agad akong napabaling sa kumpulan ng mga tao sa loob.
A group. In a Dungeon Tournament!
This is not what I've expected!
Oh crap!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top