Chapter 37
"Masyado mong binigyan ng pansin itong si Jeramaih, Erika Rysse. Ni hindi mo man lang naramdaman ang presensya ko," nakangising wika ni Stefan habang pinaglalaruan ang hawak na patalim. Kung tama ang hinala ko, ito ang ginamit niya para masugatan ako. At kung tamang muli ang hinala ko, may lason ang patalim na iyon.
Hinawakan ko ang sugat ko sa braso at mariing pinisil iyon. Fuck!
"Looks like napatumba mo si Efraem," aniya sabay sipa ng ulo ni Efraem na nakasilid parin sa puting tela. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya habang patuloy ako sa ginagawa sa sugat ko. I need it to bleed. Nasa dugo ko na ang lason at kailangang mailabas ko iyon. "At mukhang isusunod mo na itong si Jeramaih kung hindi ako dumating agad," pagpapatuloy nito at binalingan ang nakahiga at nanghihina na si Jeramaih.
Hindi ako kumibo. Bawat galaw niya ang mataman kong pinagmamasdan. I just mentally cursed when I felt the extreme pain on my shoulder. Shit! Kailangang mailabas ko ang lasong ito bago kumalat sa buong katawan ko. I'll be doomed if that happened.
"Nakapag-isip ka na ba, Erika Rysse?" tanong ni Stefan at sabay tadyak kay Jeramaih. Bahagya akong nagulat sa ginawa niya. The hell? "Napag-isipan mo na bang mabuti ang nais namin?" he asked. "Useless bastard," aniya muli at sinapa pa ng isang beses si Jeramaih. Kita ko ang pamimilipit ni Jeramaih sa ginawa ni Stefan. This man! Paano niya nagagawa ito?
"Wala kang ibang inisip kundi ang buhayin ang walang kwentang tao. Iyan tuloy ang napala mo."
"Itigil mo yan," mariing sambit ko na siyang nagpabaling sa kanya. "Kakampi mo siya, paanong nagagawa mo iyan sa kanya?"
Narinig ko ang mahinang tawa niya at tuluyang hinarap ako. Kita kong paano niya itinaas ang hawak na espada at walang pag-alinlangang itinarak ito sa dibdib ni Jeramaih.
Nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan. Pinanuod ko kung paano hinawakan ni Jeramaih ang espadang itinarak ni Stefan sa kanyang dibdib. Sinubukan niyang tanggalin iyon ngunit mas idiniin ni Stefan ang pagkakatarak.
He freaking killed his comrade!
Mariin kong ikinuyom ang kamao at matalim na tinitigan siya. How can he do this to Jeramaih? Fuck!
Seryoso na itong nakatingin sa akin. Dahan-dahan niyang hinugot ang espadang itinarak kay Jeramaih at itinutok nito sa aking direksyon.
"Master Isaac will kill him, anyway. Pinadali ko lang ang paghihirap niya," aniya na siyang lalong nagpagalit sa akin.
"Ganyan ba talaga kayo?" tanong ko sa kanya at tumayo mula sa pagkakaupo. Binitawan ko ang brasong may sugat at hinayaang dumaloy ang dugo roon. Alam kong bahagyang lumaki ang sugat nito dahil sa ginawa ko. It's a good thing for me, though. I can fight him before I lose too much blood on my body. "How can you kill your comrade?" Marahas akong lumunok at isinumon ang espada ko. Inangat ko iyon at itinutok din sa kanya.
"Erika Rysse, ibagay mo na ang nais namin at para naman matapos na ang lahat," aniya at humakbang palapit sa akin.
"Over my dead body," seryosong sambit ko sa kanya. "Hindi ko hahayaang gamitin ninyo ang kapangyarihan ko sa kasamahan! Hinding-hindi!"
"Ang kapangyarihan mo lamang ang nais ni Master Isaac."
"Huwag mo nang ipilit, Stefan. Alam kong hindi lang iyon ang nais niyo. Hindi niyo guguluhin ang buong Enthrea dahil sa akin. Hindi kayo papatay dahil lamang sa kapangyarihang taglay ko."
"Erika Rysse, sa takbo ng utak mo, talagang kapatid mo si Eros," aniya at sinugod ako. I was ready to block his attacked pero biglang nanlabo ang aking paningin. Umiling ako at itinuon sa kanya ang atensyon. Fuck! Not now. Please. I need more time. Shit!
"Looks like you're running out of blood," rinig kong sambit ni Stefan, tumingin ako sa gawing kanan ko at wala sa sariling iginalaw ang aking espada sa gawing iyon. Halakhak ni Stefan ang tanging naririnig. My vision is useless now. Halos wala na akong maaninag kaya naman ay napaupo na ako. Oh great!
He can't kill me, that's for sure. Kahit hindi ako lumaban sa kanya, mahalagang buhay niya akong maidala kay Master Isaac.
Mariin akong pumikit at idinisolved ang sandata. I can't fight him with this condition. Akala ko kakayanin ng katawan ko. Maybe I was wrong. Masyadong nabugbog ang katawan ko sa naging laban namin ni Efraem. Yna healed me but it wasn't enough for me to fully recovered. Hinawakan ko ang braso ko at mariing pinisil iyon. The poison is slowly spreading inside my body. Pinisil kong muli iyon at pinadugo pa lalo.
"You'll die if you continue doing that," narinig kong sambit ni Stefan. Malapit na sa pwesto ko ang kinatatayuan niya. I opened my eyes then tried to find him. Ramdam ko ang presensya niya sa aking harapan. Tumingala ako at tiningnan siya. Kahit nanlalabo ang paningin ay pilit ko siyang inaaninag.
"You won't let that to happened to me," kalmadong sambit ko na siyang nagpagalit sa kanya itsura. Marahas niya akong hinawakan sa braso at sapilitang itinayo.
"Let's move, Master Isaac is waiting for us," aniya at hinila na ako. Ininda ko ang sakit sa aking braso at nagpadala na lamang sa paghila ni Stefan. I want to see Master Isaac. I want to talk to him. To know his reasons. To know his goals of doing this mess.
"Anong pakiramdam," mahinang tanong ko. I know he can hear me so I continue talking. "Anong pakiramdam na makitang sira na ang naging tahanan mo?" narinig ko itong tumikhim sa aking tabi ngunit hindi ito nagsalita o sumagot man lang sa naging tanong ko. "Enthrea is my home, so is yours. Paano niyo nagawa ito?"
"Wala kang alam, Erika Rysse," he coldly said.
"Wala nga akong alam pero parte ako ng lahat ng plano niyo," I said. "You wanted my abilities. For what? All I can do is to see a glimpse from the future."
"Master Isaac knows how to use that special abilities of yours. Kaya naman ibigay mo na sa kanya."
"Kung gagamitin niya lang to sa kasamaan, hindi ko ito ibibigay sa kanya. Just kill me," seryosong ani ko na siyang ikinatigil niya.
"We only need your abilities, not your life, Erika Rysse," aniya.
"It's the same thing, Stefan. I won't give my abilities. No matter what. Then I'll become useless."
Narinig ko ang mahinang pagtawa nito kaya naman ay binalingan ko siya. Bahagyang naaaninag ko na siya ngayon. Though it's not clear, kahit papaano'y kita ko na ngayon ang mukha niya.
"It's not about killing," mahinang sambit niya na siyang ikinainis ko.
"Pero marami na ang namatay!" I said firmly. Kita ko ang pag-iling niya, tila ba'y hindi siya naging sang-ayon sa sinabi ko. "They were dead because they were destined to die," aniya na siyang nagpatigil sa akin.
Destiny.
Ngayon ko lang kinamunghian ng husto ang salitang iyan.
So, ako? Anong mangyayari sa akin? I was destined to become what?
To become a warrior and save Enthrea?
Or to become useless and killed just like my parents?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top