Chapter 36

Lakad-takbo ang ginawa naming apat pagkalabas sa kwartong kinaroroonan. Nagkakagulo ang lahat. May iilan kaming nakasalubong na mga Agents ng Tynera. Ang ilan naman ay mga Phytons. Si Second at Steve ang lumalaban pagnakakatagpo kami ng kalaban samantalang patuloy lang kami ni Yna sa pagtakbo.

"Eka, why? May problema ba?"

Bigla akong tumigil sa pagtakbo at napatingin sa gawing kanan namin. That energy. Mabilisan kong iginala ang paningin sa paligid. Where are we, by the way?

"Nasaan tayo?" tanong ko dito at humakbang papunta sa isang bintana. Binuksan ko iyon at napako ako sa kinatatayuan.

"Nasa isang abandoned mansion tayo. Hindi ko alam kong sino ang may-ari nito. Sinundan lang namin kanina ang mga Agents noong sinabing nahanap na nila ang base ng mga Pythons."

Hindi ko na pinansin ang mga salitang sinabi ni Yna sa akin. I know this place. After all the shits happened, dito lang pala nagkukuta ang mga kalaban namin. If I only knew, if I only saw this on my dreams, sana mas maagang natapos sana ang gulo. Hindi na sana nasira ang iilang gusali ng Enthrea. Sana walang inosenteng nadamay sa gyerang ito.

"Eka," tawag muli ni Yna sa akin.

"We need to find him," mahinang sambit ko.

"Him? Sino?" tanong nito. Lumingon ako sa kanya at humingang malalim. "Alexis," tanging nasabi ko na lamang.

Hindi na nagsalita si Yna. Tumango ito sa akin at maya-maya pa ay dumating si Second and Steve.

"Let's move girls. Hanapin natin ang ibang kasamahan natin," ani Steve at nauna nang tumakbo sa amin. Sumunod si Yna sa kanya samantalang nanatili ako sa kinatatayuan.

"He'll be fine," narinig kong sambit ni Second kaya naman ay napatingin sa akin. "He's strong, Eka. Kahit anong ibato sa kanya, he'll surely survived."

"But this is different," ani ko at ipinikit ang mga mata. Alexis maybe strong but I know, hindi niya ito agad matatanggap. It will hurt him. That's for sure.

"You and X," sambit ni Second na siyang ikinatigil ko. Napamulat ako at napatingin sa kanya. "Tell me, Erika, do you like him?"

"Second, this is not the right time for this," seryosong sambit ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Parang tambol sa lakas ng pintig ng puso ko. I held my breathe.

"Fine, let's talk about it when this shits are done," walang buhay nitong wika at nagpatuloy na sa pagtakbo. I bit my lower lip as I my tears started to flow. Marahas ko iyong pinahid at humingang malalim. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam kong ano ang tama at mali. Pumikit ako at kinalma ang sarili. Focus. Dapat ang focus ko ay nasa laban. I should set aside my feelings. Hindi iyon ang mahalaga ngayon. Hinding-hindi.

Akmang hahakbang na ako upang sundan sila Second noong biglang natigilan ako dahil sa matinding presensya sa aking likuran. Marahas akong lumingon sabay summon ng espada ko.

Isang seryosong Jeramaih ang nadatnan ko. May galos na ito ngayon, tila ba'y nanggaling na ito mula sa isang laban.

"Sa wakas, nahanap din kita," Jeramaih said as he ready his sword too. Kita ko kung paano dumako ang paningin niya sa hawak-hawak ko. Sinipat ko siya at bahagyang ngumiti. Inihagis ko ang hawak-hawak sa gawi niya na siyang ikinakunot ng noo niya.

"A gift," I said. "Open it."

"You can't fool me, Erika Rysse," he said coldly.

Nagkibit-balikat ako sa kanya. "It doesn't bite, Jeramaih. Don't be such a coward," I mocked. Kita ko ang pagkairita niya sa akin kaya naman ay humuko ito at lumuhod. Hinawakan niya ang dulo ng tela kung saan ibinuhol ko iyon kanina. Dahan-dahan, binuksan niya iyon. He stopped as he realized what it is. Tumayo ito at masamang tiningnan ako. I equaled his stares then raised my sword.

"Yours will be next," seryosong sambit ko. Hindi na ito nagsalita pa. Sumugod na siya sa akin kaya naman ay hindi ko na hinintay na makalapit siya sa akin ng tuluyan. Sumugod na rin ako at halos tumilapon ako sa impact na nagawa naming dalawa. Mahigpit kong hinawakan ang espadang nasa kamay at sumugod muli. Ganoon din ang ginawa ni Jeramaih. I activated my speed ability as I dissolved my sword. Pinakiramdaman ko ang enerhiyang dumadaloy sa aking kamay at ikinuyom ko iyong mabuti. Noong marating ko ang kinaroroonan ni Jeramaih, madali kong naiwasan ang naging atake niya. Umikot ako at inangat ang paa at tinadyakan siya sa kanyang likuran. Tumilapon si Jeramaih dalhin sa ginawa ko at tumama ang katawan sa dingding. Rinig ko ang sigaw niya. He cursed for a couple of times kaya naman ay hindi na ako nagsayang pa ng segundo. Inatake ko itong muli ay sinuntok sa kanyang sikmura. Namilipit ito sa naging atake ko kaya naman ay tinadyakan ko itong muli na siyang nagpatilapon na naman sa kanya.

"Fuck!"

I smirked.

"I told you, ikaw ang isusunod ko," sambit ko at naglakad patungo sa kanya. Bawat hakbang na ginagawa ko ay para akong lumulutang. I summoned my sword and when I held it, ramdam ko agad iyong enerhiyang namana ko sa aking ama. Hindi ko na gagawin ang nangyari sa laban namin ni Efraem kanina. I won't risk my body this time. I can handle Jeramaih without pushing my limit.

"Any last word?" I asked him as I pointed my sword towards him.

"You're mom," mahinang sambit niya na siyang ikinatigil ko. "I loved her. So much."

I gritted my teeth.

Lumingon ito sa akin at malungkot na ngumiti.

"How I wished ako ang pinili niya. How I wished ang tunay na minahal niya. Sana ay buhay pa siya ngayon. Kung ako lang ang..."

"Tama na," I said, cutting his words. "Nangyari na ang lahat. Wala na siya. Patay na. Tanggapin mo na iyon."

"We can revive her."

Napako ako sa kinatatayuan ko. Is he for real? Gusto kong matawa sa sinabi niya. Mas inilapit ko ang espada sa kanya.

"Stop," nanginginig na ang boses ko ngayon. "Itigil mo na ang kabaliwan mo sa aking ina."

"Pero mabubuhay pa natin siya!" wala sa sariling sambit nito. "Iyang abilities mo! Iyan ang tanging susi natin para mabuhay siya! Isaac can do it! He can save her!"

"Shut up!"

"At iyong kahon!"

"What about the box?" seryosong tanong ko sa kanya. Kita kong napalunok ito sa naging tanong ko. "What about that freaking box?"

He knows what's inside that box. Hindi niya iyon hahanapin hanggang ngayon kung hindi iyon importante sa kanya, sa kanila.

Akmang magsasalitang muli si Jeramaih noong bigla akong tumilapon palayo kay Jeramaih.

"Fuck!" I cursed as my vision become blurred for a second. Nagpakurap-kurap ako at pilit ibinalanse ang sarili. Masama kong tiningnan ang pinanggalingan ng atakeng siyang nagpatilapon sa akin.

Stefan.

Buhay pa pala ang isang to. Mabilis akong tumayo at umatake sa kanya. Ngunit hindi pa ako tuluyang makarating sa kinatatayuan niya noong bigla akong naghina at napalunod na lamang.

The hell! Nag-angat ako ng tingin sa kanya at kita ko kung paano ito ngumisi sa akin habang hawak-hawak ang isang patalim sa kanyang kamay.

Wala sa sariling napatingin ako sa kanang braso ko at kunot noong pinagmasdan ang sugat na naroon.

Natamaan at nasugatan niya ako?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top