Chapter 35

"Eka, anak."

"Open your eyes, princess."

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Agad naman akong napabangon mula sa pagkakahiga noong makita ang dalawang taong matagal ko nang nais makitang magkasama.

"Mom, dad," I said, almost whisper, as I watched them closely.

"Are you okay, baby?" tanong ni mommy habang hinihimas ang likuran ko. Umiiyak ako!

Agad kong niyakap ang aking ina at doon ibinuhos ang lahat ng luha ko.

"I'm sorry, mommy! I'm sorry!" I cried as I kept on saying sorry to my mother.

Matagal ko na itong nais mangyari. Ang makausap silang dalawa. It was really hard for me. Everynight, pinapanalangin ko na mapanaginipan sila. And I failed. Ilang beses kong sinubukan pero lagi akong bigo. Nagigising na lamang ako na basa ang aking pisngi dahil sa magdamag na pag-iyak.

"Hush it, Eka. You did well," kalmadong sambit ng aking ina. "We are proud of you."

Suminghot ako ng isang beses at kumawala sa yakap ni mommy. Pinagmasdan ko itong mabuti at hinaplos ang pisngi niya.

Parang totoo. Parang totoo ang lahat ng ito.

Bumaling ako kay daddy na tahimik lamang nakamasid sa amin.

"Dad," I called him. "I'm sorry."

"Sorry for what, princess?" tanong niya at naupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at nginitian ako. Mas lalo akong naiyak.

"I'm sorry for being weak. I'm sorry for not saving you and mom. I'm so sorry," iyak ko.

"Wala kang kasalanan, Eka," alo ni mommy sa akin. Umiling ako. Paulit-ulit.

"Pero alam kong mangyayari iyon at hinayaan lamang na mangyari ang mga iyon," I cried again. Halos hindi na ako makahinga dahil sa pag-iyak ngunit hindi ako tumigil dahil lamang doon.

"No, Eka, it's not your duty to saved us. It was ours," ani Daddy na siyang ikinatigil ko. "Those men, hindi kami ang primary target nila. It was you."

What?

"I'm glad you'd survive. Afterall this years, ligtas ka, Erika."

"Princess, listen, simula pa lang, alam naming taglay mo ang isang biyayang nanaisin ng lahat na makuha. We did our best to protect you but I guess we failed on that," si Daddy at malungkot na nginitian ako.

"It was not your fault that we died, Eka. It was our choice to protect you until our very last breathe," sambit ni mommy at niyakap muli ako.

"You need to wake up now, princess."

Natigil ako sa sinabi ni daddy.

"You can always talk to us. Pero sa ngayon, your friends are worried. You need to wake up and finished your fight," he smiled then hugged me.

"No matter happened, whatever your decision is, always remember that we are always on your side, Erika. Always remember that."

Tumango ako at mahigpit na niyakap ang aking ama.

"Erika, please, wake up!"

Habol hininga akong naupo mula sa pagkakahiga. Humugot ako nang isang malalim na hininga at naubo na lamang.

"Shit! She's awake!"

"Oh my! Eka!"

Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa matinding sakit na naramdaman.

"You okay?" narinig kong tanong ni Second sa akin. Tumango lamang ako at nanatiling nakahawak sa aking ulo.

Speaking of! Agad akong nag-angat ng tingin kay Second, kunot noo itong nakatingin sa akin.

"Where's Efraem's head?" I asked.

"You know what, it's kinda wierd hearing those words from you but if you're looking for the head you were holding earlier," aniya at may itinuro sa gawing kanan niya. Isang mesa at may kung anong nakapatong roon at tinabunan ng puting tela.

The head, that's for sure. Nilingon ko ang buong paligid. A room. A plain room just like the room I was earlier. Nasa iisang lugar pa rin ako, lugar kung nasaan ang mga Pythons.

"Kaninong ulo iyon, Eka?" tanong ni Yna sa akin.

"Stop asking," masungit na sambit ni Second na siyang ikinataas ng kilay ni Yna. I know, marahil ay iniisip ni Second na maselang usapan ito para sa akin.

"I'm just asking, Mr. Bruce. Malay ko ba kung kanino iyon," pagtataray ng isa.

"That was from Efraem, a member of Phyton," mahinang sambit ko na siyang ikinatigil nila. Napakagat ako ng labi habang inaalala ang hirap na dinanas sa mga kamay ni Efraem. He was strong, medyo mahina nga lang mag-isip at naisahan ko siya.

"It was your father," ani Second.

Walang nagsalita sa kanila. Mukhang nagulat sa naging pahayag ni Second.

"No," basag ko sa katahimikan at inalala ang naging pag-uusap sa aking mga magulang kanina. Nakausap ko sila. Nayakap at nakahingi ng tawad. I sighed. That was part of my dream, a dream that I wished to be true. "Kamukha lamang niya si daddy. They only used his image to distract me."

"That was hard as fuck," rinig kong sambit ni Steve kaya naman ay nilingon ko ito. Yna, Second and Steve. Silang tatlo ang nakasalubong ko kanina. Binalingan ko si Second noong maalala ang tungkol kay Master Isaac. He knows him! He was the master of those students who dreamed to be a part of Tereshle Academy!

"Where's X?" agarang tanong sa kanya. Kung ako ay nagulat at halos mawasak noong makita ang imahe ng ama, ano pa kaya si Alexis? Noong namatay ang ama nito ay halos mawasak ang buong pamilya niya. His mother died weeks after the tragedy happened to my parents and his dad. Kaya naman ganoon na lamang kaclose ang kapatid ko at si X. They suffer the same pain. Losing both parents was hard, really hard.

"Kasama niya ang iilang Agents at si Clifford," imporma ni Second sa akin. "They're hunting down the leader of the Phytons."

"We need to move," sambit ko at pilit tumayo mula sa pagkakaupo.

"Stay still. Hindi ka pa magaling, Eka," pigil niya sa akin na siyang ikinailing ko.

"We can't just stay here. Mahalaga ang bawat segundong mayroon tayo. Hindi basta-bastang tao ang kalaban natin," wika ko at hindi na nagpapigil pa kay Second. Naglakad ako patungo sa mesang kinalalagyan ng ulo ni Efraem. Gamit ang puting telang nakapatong dito, ibinalot ko iyon at binitbit. Binalingan ko ang tatlo na matamang nakatingin lamang sa akin.

"Let's go, we still have a tournament to finished," seryosong sambit ko sa mga kasamahan. Hindi sila kumibo sa tinuran ko. "They started playing this shit, playing with us. Now, let's end this game the way we wanted to end it."

Kita kong nagkatinginan si Yna at Steve. Samantalang nakatuon lamang ang titig ni Second sa akin.

"Let's win this game and save Enthrea," si Yna na siyang ikinangiti ko.

"Let's become a real warrior!" Steve shouted then ready his weapon. Tumango ako dito at nauna nang maglakad palabas ng silid na aming kinaroroonan.

We can win this game. We can save Enthrea. As long as I am with them, as long as we are a team, we can defeat them.

We can. That's for sure.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top