Chapter 33
"Stop her!"
"She's destroying everything!"
"Prepare yourselves! The Agents might find us here because of this extreme energy she's releasing!"
Marami ng tao sa silid ngunit hindi ako natigil sa ginagawa. Nararamdaman kong lumuwag na ang pagkakagapos sa aking mga kamay at paa kaya naman ay pinagpatuloy ko ang ginagawa. I won't stop till I destroy this cuffs. At lalong hindi ako titigil hangga't hindi ako makalabas ng buhay sa lugar na to.
Idinilat ko ang mga mata ko at namataan ko ang iilang kawal na nakapalitbot sa akin habang hawak ang kanya-kanyang sandata. Handang-handa na silang pigilan ako. Napabaling ako sa mga taong nasa harapan ko. I smirked when I saw Stefan and Efraem. Seryoso silang nakatingin sa akin at tila ba'y handa na rin sila na sa susunod na gagawin ko.
"You want my power," ani ko at ngumising muli. "Come and get it, bastards!" sigaw ko at buong pwersang sinira ang mga nakatali sa aking mga kamay at paa. Mabilis akong tumayo at inihanda na rin ang sarili.
I heard Stefan cursed at nag-utos sa mga kawal na palibutan ako at maghanda sa pag-atake. Hindi pa man nakakahakbang ang iilang kawal ay itinaas ko na ang isa kong kamay at walang pag-alinlangang ikinumpas ito. Tumilapon at nagsigawan ang mga ito sa ginawa ko. I smirked at that then swayed again my other free hand. Napatingin ako sa aking kamay at napangiti sa enerhiyang nabubuhay roon. My power, I know this is not the right time to celebrate but I can't help myself but to feel happy. Matagal ko nang di ito nagagamit. Lagi kong pinaaalalahan ang sarili ko noon na dapat ay hindi ko gamitin ang tunay na lakas ko. Na dapat limitado lamang ang kakayahang ipapakita ko sa mga tao. I might scared them if they witness my true strenght and power. I might hurt them. I might lose them if I use it.
"Hold her!" sigaw ni Stefan kaya naman sabay-sabay na umatake ang mga kawal na hindi ko pa napupuruhan. Inihakbang ko ang kanang paa ko at malakas na itinapak sa sahig na siyang nagpayanig na naman sa buong paligid. Ginawa ko iyong muli at mas malakas na pagyanig ang aming naramdaman.
"You'll gonna pay for this, Erika Rysse!" rinig kong sigaw ni Stefan sa akin.
"Wala pa akong ginawa," I mocked him. "I'm just warming up, Stefan." Humakbang ako papunta sa kinatatayuan nila ni Efraem habang nagrerelease ang aking katawan ng kakaibang kapangyarihan kaya naman ay walang ni sino man ang nakakalapit sa akin. This overflowing power was like a cursed to me when I was young. Kaya naman ay nagkaroon ako ng limiter seal noon na kalaunan ay pinatanggal at pinabura ko na rin dahil kaya ko ng kontrolin iyon.
Bumaling ako sa dalawa. I saw how the two men become ready for my attack pero nginitian ko lamang sila. I summoned one of my sword then pointed it to them.
"Bring me to Isaac," I commanded them.
Kita ko ang pagkagulat at pagbaling si Stefan kay Efraem pagkarinig niya sa sinabi ko. Walang emosyon namang nakatingin lamang si Efraem sa akin. I raised one of my brow then tilted my head.
"He wants me, right? Bring me to him," ulit ko.
"Erika Rysse, kung hindi mo pa ibibigay ang nais namin, hindi mo makakaharap ang head master," ani Stefan.
Head master, my ass! Kung siya nga si Master Isaac, ang ama ni X, alam kong alam niya ang kakayahan ko. Matalik siyang kaibigan ng mga magulang ko. He already witnessed how powerful and dangerous my power is. He was there when I had my limiter seal.
I took a deep breathe. Knowing he was alive suffocates me. Paanong nangyari ang mga to? They were dead. Taon na ang lumipas noong pinatay sila. What is this? A fucking show? For what? For power? Damn this!
"Really? Then I have no other choice here. I'll defeat you two then I'll find him by myself," seryosong wika ko sabay summoned ng isa ko pang espada. Naging alerto ang dalawa kaya naman ay hindi na ako nagdalawang-isip pa at nauna na akong sumugod sa kanila. I slash my sword and I was a bit shocked when I saw a spark on the tip of my swords. Naramdaman ko na ito noon, noong nasa dungeon pa ako, at ngayon, alam ko kung saan ko ito galing. Ang kapangyarihang ito, alam ko kung kanino ito.
Bumaling ako kay Efraem at malungkot na ngumiti. It was my dad's special ability. Nakakalungkot nga lang na nagagamit ko ito ngayon sa taong kamukha at kapangalan niya.
I jump backward at mabilis na sumugod muli sa dalawa. I activated my speed ability kaya naman mas naging mabilis ang galaw at pagsugod ko. Hindi gumalaw ang dalawa sa kinatatayuan nila, imbes ay sinangga lamang nila ang naging atake ko.
"Sa tingin mo ba'y matatalo mo kami, ha?" nanlilisik ang mga mata ni Stefan sa akin. "Hindi, Erika Rysse! Wala kang sapat na kapangyarihan! Nag-iisa ka lang! Wala kang laban!"
I smirked to his words.
"Hindi ako nag-iisa, Stefan," simula ko habang di inaalis ang tingin sa kaniya. "Kasama ko sila. Ang mga kaibigan ko. Ang pamilya ko. Hindi ako nag-iisa sa labang ito!" mariing wika ko at ikinumpas muli ang mga espada. Electricity runs all the room. Sigaw ng mga kawal ang namayani sa silid. Umatras ako at dinisolve ang mga hawak na espada.
"Leave her to me, Stefan," narinig kong sambit ni Efraem na siyang ikinatigil ko. Ano ang plano niya? "Puntahan mo si Isaac. Tell him that I'll give him what he wants."
"Siguraduhin mo iyang mga salita mo, Efraem. Kamatayan na ang susunod mong parusa kung may kapalpakan pang mangyari ngayon," wika ni Stefan, matalim akong kinatitigan at umalis na sa silid. Tanging kami ni Efraem na lamang ang nakatayo sa loob ng silid. Lahat ng kawal na kasama nila kanina ay walang mga buhay na.
"Hindi niyo makukuha ang special abilities ko. Alam kong alam ninyo ang tamang paraan para makuha ng tuluyan ang mga iyon," I said then ready myself for a fight. Hindi na ako gumamit ng sandata. I know I can fight with my bare hands. Kaya ko siyang talunin. I know I can.
"Anong nais mong mangyari, Erika Rysee? Ang madamay pa ang mga mahal mo sa buhay bago ibigay ang nais ni Isaac?" natigilan ako sa sinabi niya. "He is ruthless. He can kill all of you in just a snap. And here you are, you're the salvation of all of this shit. Nasaiyo ang susi para mailigtas ang pinakamamahal mong Enthrea."
Hindi ako kumibo.
"You want to witness their death before giving your abilities. Is that what you want? Huh?" his voice roared. "You're father did that, too!"
I frozed as I listened to his words.
"Efraem," tumigil siya sa pagsasalita at matamang tiningnan ako. "Hinayaan niyang mamatay ang asawa at mga kaibigan niya. Hinayaan niya iyon sa kadahilanang ayaw niyang makuha ang kapangyarihan niya."
"A Tereshlian will die if he lost his attribute," galit na sambit ko.
"But not his abilities. Kaya nating magsurvive with or without it," ganti niya sa akin.
Ikinuyom ko ang mga kamay ko. He's right but heck, it was a treasure for us, Tereshlian to have one of special abilities. "Kahit na! At hindi mo kilala ang ama ko. Hindi niya hahayaan ang ina kong mamatay na lamang. Hindi niya kayang talikuran ang mga kaibigan niya!"
"But I did!" he shouted.
"You are not him!" bawat salitang binibitawan ko ay mariin at masakit. Fuck him for having my father's face and name! Fuck him for showing that face again. After a long fucking years, ngayon pa talaga!
"Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin makuha ang lahat, Erika? Huh, Eka? Hindi mo pa rin alam kong anong nangyayari?"
"You're destroying Enthrea! You're destroying my home! That's what I know!" I shouted then attacked him. Alam ko na! Nakukuha ko na ang nais niyang iparating but I'll closed my mind on that. He's not my father. He's an enemy. I'll defeat him no matter what. I closed my first firmly then punched him. Sinangga niya iyon nang walang kahirap-hirap at laking gulat ko na lamang nong makita ko ang kapangyarihang hinding-hindi ko inaasahang taglay niya.
Lumayo ako sa kanya at muling sumugod. Hindi maari. Marahil ay namamalik-mata lamang ako sa nakita kanina. Muli ko siyang inatake at sa pagkakataong ito ay ginamitan ko siya ng kapangyarihang ipinamana ng aking ama sa akin. Lightning. That's what my father's special ability. It was a rare ability to have. Another element. A powerful one.
"You can't defeat me using that ability, Eka. Ako ang may-ari niyan. Hindi-hindi mo ako matatalo gamit niyan," marahang sambit niya sabay suntok sa akin. Mabilis ko iyong iniwasan at lumayo sa kanya.
"This ability doesn't belong to you. It was my father's. At ngayon ay ako na ang nagmamay-ari," I said then buong pwersang inilabas ang kapangyarihang taglay. "I'll defeat you, Stefan, Jeramaih and Isaac. I'll save Enthrea no matter what. Dahil hindi ako tulad ng sinabi mo. Hindi ko kayang hayaan na masira lahat ng pinahahalagaan ko, lalo na ang mga mahal ko sa buhay. I'll save this division! At kung kamatayan man ang kapalit ng lahat ng ito then I'm willing to face my own death!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top