Chapter 32

My dad.

My hero.

Paanong nangyaring buhay at nakalaban ko siya?

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Bahagya pa akong pumikit muli dahil sa liwanag na bumungad sa akin. I stay still. Pinapakiramdaman ang paligid.

Tahimik.

Marahil ay mag-isa lang ako sa kung saang lugar na kinaroroonan ko. Dahan-dahan kong muling inimulat ang mga mata. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako nasilaw sa liwanag. Pinagmasdan ko nang mabuti ang paligid. Nasa isang silid ako. Kulay puti ang pintura nito. Walang laman ito maliban sa akin. Sinubukan kong igalaw ang kamay ko at hindi na ako nagulat noong makitang nakatali ito.

Nawalan ako ng malay kanina. I lose. Ngayon ay hawak na ako ng mga kalaban. Pilit kong iginalaw ang kamay ngunit humigpit lamang ang pagkakatali sa aking pala-pulsuan. Muli kong iginala ang paningin at wala akong ibang makita kundi ang siradong pintuan nito. I even tried to move my feet but just like my hands, they're also tied.

"Come on, Erika. You need to freaking leave this place," I murmured as I tried to release my tied hands. "Fuck."

Ano nang mangyayari sa akin ngayon? They'll kill me? No. Hindi maaring mangyari iyon. May kailangan pa sila sa akin. They still need my...

I held my breathe with my thoughts. Hell! I freaking need to escape. Hindi maaring makuha nila ang aking mga mata!

Muli kong sinubukang makawala ngunit bigla akong natigilan noong makaramdam ng iilang presensyang papalapit sa silid na kinaroroonan ko. Natigil ako sa paggalaw at natuon ang buong atensyon sa nakasaradong pintuan ng silid. Minutes passed, bumukas iyon at bumungad sa akin ang isang lalaking kilala ko, si Jeramaih at yung lalaking kamukha ng aking ama.

"You're awake," ani Stefan.

Masama ko itong tiningnan at pinagtaasan ng kilay. "Obviously," I said. Kung hindi lang ako nakatali ngayon ay malamang sinugod ko na ang isang to. I still need to get my revenge for my parents.

Kita ko ang pagngisi nito sabay baling sa taong nasa kanan niya, ang lalaking kamukha ng aking ama.

"Did we surprised you?" he asked as he moved towards the man who looked exactly the same with my father. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya. Is he the leader of the Phytons? Kung siya nga, talagang alam niya ang magiging kahinaan ko. He was there when my parents died. Nakita ko siya sa aking panaginip at maging noong gabing pinatay ang mga magulang ko. At si Jeramaih? He's my parents friend!

Phytons! Mukhang makikilala ko na kung sino sila.

Blanko akong tumingin sa kanya. Walang emosyon at hindi kumibo.

"You're giving me chills, Erika Rysse," puna ni Stefan. "Kanina lang ay galit na galit ka. Ngayon naman ay halos walang buhay kang makatingin sa akin."

I stay still. Come on, Stefan, ipakita mo na sa akin kung sino ang tunay na kalaban ko.

"Efraem."

Umawang ang labi ko at binalingan ang lalaking tinawag ni Stefan. Bumaling ito sa akin at walang emosyong pinagmasdan ako.

"How dare you, Stefan," I said, calmly. "Don't call him by his name. He's not my father."

"He is," ngisi niya. Tila ba'y nang-aasar pa. Asshole!

"He's not," I answered back while fisting my hands.

"If that's what you believed," aniya at tinalikuran ako. Kita ko ang pagtapik nito sa kay Jeramaih. "Our head master was pissed at you, Jeramaih. Wag mo nang dagdagan pa. Let Efraem do his work. Let's go."

Hindi kumibo si Jeramaih. Blankong tingin lamang ang iginawad niya sa akin at tumalikod na rin. Sabay silang lumabas ni Stefan sa silid, leaving me and the man who exactly looked like my father.

"Eka."

"Don't you dare calling me that way," I said, like a warning to him. Wala siyang karapatang tawagin ako nang ganyan. What happened to the Erika Rysse? Iyon naman ang itinawag niya sa akin kanina diba? Fuck! "Don't you freaking try to mess my mind. Hindi ikaw ang ama ko."

"But I am," he said as he stepped towards me. "I am your father, princess."

"Stop!" I shouted. This time ay nawala na ako sa sarili ko. They're using my affection towards my parents to defeat me! For petesake, my dad was dead. I saw it with my own eyes. Patay na siya! "Hindi ikaw ang ama ko! Huwag mo nang subukang guluhin ang isipan ko!" I shouted, almost crying.

"Eka."

"Stop. I want to see your master," I said. "Dalhin mo ako sa kanya," ani ko pa.

"I can't do that," turan niya at mas lalong lumapit sa akin.

"Why not, huh? You want my abilities, then come on, take it! Pero wag kayong umasang ibibigay ko iyon ng kusa!"

"If that's the case, then will be hard on you," anito sabay labas ng isang bagay mula sa kanyang bulsa. It was like a remote control. Kunot noo ko itong pinagmasdan at napasigaw na lamang ako noong biglang nakaramdam ako ng matinding enerhiyang bumalot sa aking buong katawan.

"Aaah!" I cried as an intense and painful energy consume my whole being.

"Simula pa lamang iyan, Erika Rysse. Mas mahihirapan ka pa kung hindi mo isusuko ng mas maaga at maayos ang kailangan namin."

Ngumisi ako sa naging pahayag niya.

"Don't be little me, Efraem," mapait kong sambit. "Hindi ako kasing hina sa inaakala mo."

Another voltage of energy attacked me as he pressed the remote control. I cursed mentally as my vision become blur. Ipinilig ko ang ulo ko at pilit kinalma ang sarili. Kinakapos na rin ako ng hinanga. Fuck. That was fucking painful!

"Erika Rysse, iyon lang naman ang kailangan ni Isaac. Ibigay mo na."

Napamulat ako bigla noong banggitin niya ang pangalang iyon.

Isaac?

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakapamulsa ito ngayon sa aking harapan habang mataman akong tinititigan.

"Isaac," bulong ko. Kita kong natigilan ito sa narinig. Akmang ibubuka ko pang muli ang aking bibig upang magsalita noong muling pinindot nito ang hawak na remote control.

"Aaah!" sigaw kong muli at halos mawalan na ako ng malay noong tigilan niya ako.

"Pag-isipan mong mabuti ang hinihingi namin sa iyo," aniya at tahimik nang lumabas sa silid. Hindi ako gumalaw. I'm fucked up! Paanong nangyari iyon? Isaac? Does mean Isaac Xaiker?

Mapakla akong ngumisi at mahinang natawa sa mga naiisip. Master Isaac was dead! Matagal nang patay ang ama ni X! He died the day after my parents dead! Kaya imposibleng mangyari to!

It can't be!

Paanong buhay sila? Master Isaac and my dad? No!

Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at buong lakas na tinanggal ang nakatali sa aking mga kamay. Malakas na sigaw ang aking binitawan noong maramdaman ang matinding sakit sa aking palapulsuan.

"Come on, Erika! Release it!" I cried as I released an extreme energy from my body. Ramdam ko ang pagyanig ng silid na kinaroroonan ko. "Aaaaaah!" I cried again. Mas lalong lumakas ang pagyanig ng paligid. I cried again then I heard a voice shouting and cursing my name.

"Damn it, Erika Rysse!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top