Chapter 31

Galit at nanlilisik na mga mata ang ibinigay ni Jeramaih sa akin.

Hinawakan ko ang sugat sa aking kaliwang braso at tahimik na ininda ang sakit. I tilted my head as I summoned one of my sword. Ang kaninang galit na ekspresyon nito ay mas lalong dumilim.

"Stop playing tricks here, Erika!" giit na naman niya. Simula noong magpalitan kami ng mga atake kanina ay iginigiit talaga niyang pinaglalaruan ko lamang siya. Pero hindi. Hindi ko talaga alam kung saan napunta ang laman ng kahon. Kaya nga ako bumalik dito dahil doon diba? Cause I want to know kung ano ang laman non!

"Ang kulit," mahinang usal ko at sumugod muli. Hindi ko na binigyan pansin ang sugat sa aking braso. I need to finished him. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako nag-alangan pa. I need to finished this fight para makaalis na sa lugar na to. I activated my speed ability as I ran towards him. Pinag-ekis ko ang dalawang espada ko at naramdaman ko ang enerhiyang bumabalot roon. At noong tuluyan kong nalapitan si Jeramaih, buong pwersa kong pinaghiwalay ang dalawang espada at pinakawalan ang matinding enerhiya na siyang nagpatilapon kay Jeramaih. I took a step backward then dissolves my swords. Tumalon ako ng pagkataas-taas at lumebel sa taas ni Jeramaih. I summoned my bow and arrow then aimed my target. I enhanced my vision at noong masiguro kong matatamaan ng tira ko si Jeramaih ay pinakawalan ko na ang pana ko. I know, matatamaan ko siya. I'm a hundred percent sure of that. Ngunit bago pa matamaan siya ng pana ko ay bumagsak na ito sa lupa.

Fuck!

Anong nangyari?

Mabilis ang naging galaw ko. Dahil na sa ere pa ako, sapilitan kong ibinaba ang sarili ko.

Binalingan ko si Jeramaih na ngayon ay namimilipit sa sakit. Hindi ko siya natamaan. Hindi umabot ang pana ko sa kanya. Alam ko. Kitang-kita ko iyon pero anong nangyari sa kanya?

Akmang hahakbang ako upang lapitan ang namimilipit na si Jeramaih noong bigla akong natigilan sa paggalawa. I held my bow tightly when I felt someone else's presense. Nagpalinga-linga ako ngunit wala akong makita. Shit! Humakbang ako ng isang beses paatras at laking gulat ko na lamang noong makaramdam ako ng malamig na bagay sa aking likuran.

I frozed.

"Finally," a familiar voice echoed the whole place. "The girl with an eye of an eagle and an eye who can see a glimpse of the future. Finally."

Nanlamig ang buong katawan ko sa mga katagang binitawan niya. Ang boses na ito. Alam kong narinig ko na ito. Pero saan? I tried to calm myself. But, fuck! Hindi ako makagalaw dahil alam kong may patalim itong hawak at nakatutok sa aking likuran. Naramdaman ko ang bahagyang pagkilos nito sa aking likuran kaya naman ay pigil hininga akong kumilos din. I tried to move a little but he held my left arm firmly. Shit. I cursed mentally when he touched my wound. Oh crap!

"Don't you dare," bulong nito sa aking tenga. Shit! How come he was this closed to me? "Jeramaih was such a coward. Ba't hindi ka niya agad itinumba? You're not that strong as I expected."

Humigpit ang hawak ko sa aking pana dahil sa mga katagang sinasabi niya. Am I that weak?

"Marahil ay kamukha ka lang talaga ng iyong ina kaya hindi ka niya kayang saktan. Such a loser," ani pa nito.

He knows my mother!

"Who are you?" I managed to asked. Lahat na lamang ay konektado sa aking mga magulang. Lahat na lamang ay kilala sila. Don't tell me kaya nagkakagulo ang Enthrea ay dahil sa kanila? Fuck! No the hell way! Hindi iyon magagawa ng mga magulang ko! I tried to remove my arm to his hand pero lalong humigpit ang hawak nito sa akin. Fine! Tama na ang pagpipigil, Erika! You have a promise to make! Nangako akong babalik kaya kailangang ligtas akong makabalik sa mga kaibigan ko!

Buong pwersa kong tinanggal ang braso ko sa kanyang pagkakahawak at mabilisang umalis sa kinatatayuan. I activated my speed ability para naman ay tuluyang makawala ako sa kanya. One. Two. Three. Tatlong hakbang lang ang ginawa ko at tuluyan na akong nakalayo. I dissolved my bow and arrow while I summoned one of my sword. Buong tapang akong lumingon sa pinanggalingan at halos manigas ako sa kinatatayuan ko.

Tila lahat ng lakas ko ay biglang nawala dahil sa nakikita. Bahagyang umawang ang labi ko at kumurap ng isang beses. Baka ay niloloko lang ako ng aking mga mata. I blink twice, no, thrice pero ang imaheng iyon pa rin ang aking nakikita.

Paanong nangyari ito? Paanong nasa harapan ko siya?

"Another special ability, I see. Such a gifted Enthrean."

No. Hindi siya ito. Hindi maaaring mangyari to!

"Tell me, Erika Rysse, ano pa ang kaya mong gawin?"

Hindi ako kumibo. Nag-uumapaw na emosyon ngayon ang namamayani sa buong pagkatao ko. I tried to stop my tears but I failed. Nag-unahang lumandas ang mga luha ko sa aking pisngi. This man. How come he looked exactly like my dad? My father? Paanong kamukha niya ang aking ama?

"Sino..." hindi ko matapos-tapos ang tanong sa aking isipan. Fuck! This is not happening! Hinawakan ko nang mabuti ang espada ko at ipinikit ang mga mata. "Sino ka?" I asked. Iminulat ko ang aking mga mata at matalim na tiningnan ang taong nasa harapan. "Who the hell are you?"

"A Phyton," aniya sabay ngisi sa akin. Hindi na ako nakapagpigil pa. Marahil sa galit na nararamdaman ko ngayon ay hindi na ako nakapag-isip nang maayos. Sinugod ko ito at buong pwersang inihampas ang hawak na espada. Gamit ang hawak na espada niya, sinangga niya ang aking naging atake. Bigla akong tumilapon dahil sa naging impact ng atakeng ginawa. I was so used to this. Marahil ay sanay na ako sa ganitong senaryo kaya naman ay agad akong nakarecover sa nangyari. Wala pang segundo ay umatakeng muli ako. Sa pagkakataong ito ay isinumon ko pa ang isang espada ko at halos sabay na inihampas sa kanya ito. Ang isa ay nasangga niya gamit ng hawak na espada samantalang ang isa naman ay gamit ng kanyang braso.

I heard him cursed as my sword slash on his bare skin.

Humakbang ako ng isang beses at tumalon palayo sa kanya. Kita ko ang panlilisik ng mga mata niya sa akin. Napalunok ako roon habang pinagmamasdan ang naging sugat niya dulot ng aking sandata. Ngunit bago pa ako makaangat ng tingin muli sa kanya ay naramdaman ko na ang presensya niya sa aking likuran, nakatutok na ngayon sa aking leeg ang dulo ng espada niya. The hell!

"Maybe I underestimated your ability, Erika Rysse. My bad. Hindi ka naman pala basta-bastang kalaban," aniya.

"Pakawalan mo ako," matapang na turan ko. Kahit nanghihina na, pilit kong nilalabanan ang emosyong namamayani sa akin ngayon.

"At ano? Masusugatan mo na naman ako? That was a reckless move, you know. Hindi mo kilala ang kinakalaban mo."

"Hindi mo rin ako kilala!" I shouted and tried to escape from his dangerous sword pointing on my bare neck. He's not my father, that's for sure. Dahil kung siya ang ama ko, hinding-hindi niya itututok sa akin ang espadang hawak niya ngayon. He's not my beloved dad!

This is insane!

I tried to move pero bago ko pa maiactivate ang speed ability ko, bigla na akong nanghina. Nahirapan akong huminga at nanlabo ang paningin. Kumurap -kurap ako at pilit na ibinabalanse ang sarili. Umiling ako at  hinigpitan ang hawak sa aking espada.

Oh crap! This is not good.

"Sleep for awhile, Erika Rysse."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top