Chapter 30

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.

Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko na may hawak ng kahon at pasimpleng inilagay iyon sa aking likuran. Binalingan ko si Kuya Eros at pilit nag-isip ng paraan para makaligtas kaming dalawa.

"How are you, Erika?" I've heard Jeramaih asked.

Kinalma ko ang sarili at matapang na tumingin sa kanya. Hindi ako umimik kaya naman ay ngumisi ito sa akin.

"They say that you're a fierce and blunt young lady," anito. "Mukhang hindi naman."

"What do you want?" I managed to asked. Matapang ko itong tinitigan.

Humakbang ito ng isang beses kaya naman ay kusang umatras ang isa kong paa. Kita ko ang pagngisi niya sa naging reaksyon ko kaya naman ay hindi na ako gumalaw pa.

"Give it to me," aniya at naglahad ng kamay.

Blanko akong tumitig sa kanya. He wants what? This box?

"Wala akong ibibigay sayo," malamig kong turan at hinigpitan ang hawak sa kahon. Hindi ko pa alam kung ano ang nilalaman nito. Kung bakit ito nais makuha ni Jeramaih ay hindi ko alam.

Palihim kong sinipat ang kapatid.

Nakapikit ito ngayon. Tila ba'y iniinda ng husto ang sakit na nararamdaman. Kailangan na naming makaalis dito. Bago mahuli ang lahat. He's losing it.

I need to save my brother.

"Huwag ka nang magmatigas, Erika. Give it to me before I lose my temper," banta nito sabay tutok ng isang patalim sa aking kapatid.

Shit! Lalong humigpit ang paghawak ko sa kahong pagmamay-ari ng aking ina.

"Come on, Erika."

"Huwag mong sasaktan ang kapatid ko," mariin kong sambit. Kita ko ang ngisi nito sa mga labi. Tumaas ang isang kilay nito, tila nasisiyahan sa nasasaksihan. Inilapit pa nito ang dulo ng kanyang hawak na sandata sa aking kapatid.

"Erika. Erika. Erika. Sa tingin mo ba hindi ko kayang patayin itong kapatid mo?" anito sabay hakbang patungo sa kinatatayuan ko. "Tell me, nakita mo rin ba ito sa hinaharap?"

I frozed.

Kita ko ang pagngisi nito sa akin kaya naman tiningnan ko ito nang masama.

"Leave my brother alone," malamig na turan ko na siyang nagpatawa sa kanya.

"Give me the box," utos niya pagkatapos nang pagtawa at naglahad ng kamay. Dahan-dahan kong inilabas ang kahong nakatago sa aking likuran. Kita ko ang pagsunod ng tingin niya sa aking kamay kaya naman ay hindi na ako nagdalawang isip na itapon sa aking likuran ang hawak na kahon at mabilis na nilapitan ang halos walang malay na kapatid.

"Fuck!" rinig kong mura ni Jeramaih habang hinahabol ang itinapong kahon. "Erika!"

Hindi ko na iyon nilingon pa. Hinawakan ko ang kaliwang braso ni kuya Eros at sapilitang binuhat iyon. I took a deep breathe before activating my speed ability. Naging mabilis ang pangyayari. As I moved and ran fast, ramdam ko ang munting paggalaw ng kapatid ko. Mas lalo kong hinahawakan si kuya at mas binilisan ang paggalaw. We need to escape. I can handle Jeramaih pero dapat masiguro ko munang ligtas ang kapatid ko. He's my everything. Siya na lamang ang pamilya ako. I'll do everything to save him. Kahit ang kapalit nito ay ang sariling kapahamakan.

"Eka!"

Mabilis akong tumigil sa pagtakbo at binalingan ang pamilyar na tinig na siyang sumigaw ng pangalan ko.

"Second!" I shouted his name back. Kita ko ang paglapit nito sa akin at mabilis na inalalayan ang kapatid.

"What happend to him?" tanong nito noong tuluyang kinuha si kuya Eros sa akin. Huminga ako nang malalim at tiningnan ang pinanggalingan. Malayo na ang aking natakbo. Matatagalan si Jeramaih na mahanap kami dito

"Shit happened, Second," sagot ko sabay tingin sa kanya. "Nasaan ang iba nating kasamahan?" I asked.

"Come on, kanina ka pa namin hinahanap. They're safe," sambit nito at humakbang na habang inaalalayan ang kapatid.

"Mauna na kayo," I said to him. Natigilan si Second sa naging pasya ko. "Make sure na ligtas ang lugar na patutunguhan niyo, Second. My brother needs to be heal."

"No, you're coming with us," mariing sambit nito.

"I'm not. May kailangan pa akong gawin. I'm not leaving this place," I said with finality.

"No need to save the whole Enthrea, Erika," natigilan ako sa sinabi ni Second. "Just save yourself."

Hindi ako nakapagsalita agad. Aaminin ko, walang kasiguraduhan ang mga susunod kong hakbang. Hindi ko alam kung tama pa ang mga gagawin ko. Pero alam ko na ang tadhana ko. Alam ko na. Bakit pa ako matatakot? I'll be doom but not Enthrea. Not this place. Not my home.

"May iilang taga Tynera ang nasa Enthrea na. Let's go. We have to leave."

"Second, please, kailangan kong balikan ang kahon," tanging nasabi ko. Well, it's true. I need the box, for my mother, I need to get what's inside that freaking box! "Help my brother and wait for me. Pupuntahan ko kayo. Pangako."

Humakbang ako ng isang beses paatras. Kita ko ang pag-aalinlangan ni Second. Binalingan ko ang kapatid ko at ibinalik ang tingin kay Second. I smiled.

"No, Erika. Don't do this. Please. Sumama ka sa akin."

"I can't. I'm sorry. Please save my brother," I said, smiled sweetly at him then ran away.

"Erika!"

Hindi ko na nilingon pa si Second. I trust him. Gagawin niya ang nais ko. Maging ligtas lang ang kapatid ko, gagawin ko na ang lahat ng dapat ay matagal ko nang ginawa.

Mabilis kong tinungong muli ang mansyon. Ngunit hindi pa ako nakakarating ng tuluyan sa mansyon ay nakita ko nang nakatayo at nakaharang sa dinaraanan ko si Jeramaih. Tila ba'y hinihintay nito ang aking pagbabalik.

Kita ko ang masamang titig nito sa akin. Dahan-dahan na ang naging pagkilos ko. Mga ilang metro na lamang ang layo ko sa kanya noong tumigil ako sa paglalakad.

"You tricked me, Erika Rysse!" galit na wika nito sa akin. "Nasaan ang laman ng kahon na to!"

Walang laman? Paanong nangyari iyon?

"I need that, Erika! Ibigay mo sa akin iyon!" sigaw nito.

"Paanong walang laman?" mahinahong tanong ko, naguguluhan. The box was empty? That's impossible! Hindi maaring mangyari iyon!

"Give it to me, Erika Rysse!"

"Ibinigay ko ang kahon sa iyo!" giit ko.

"Damnit! I need to get that!"

"Alam mo kung ano ang laman ng kahon?" I asked him. Kita ko kung paano nanlisik ang mga mata nito sa akin.

"Kung alam ko man, hindi ko sasabihin sa iyo," anito.

"It seems like mahalaga sa iyo kung ano ang laman nong kahon. Bakit? Dahil pagmamay-ari iyon ng aking ina?" mahinang sambit ko. I took a step forward. Hindi ito kumibo. "Tell me, Jeramaih. Bakit nais mong makuha ang kung anong laman ng kahon. Bakit?"

Imbes na sagutin nito ang naging tanong ko, sumugod na ito sa akin.

"Shit," bulalas ko at inihanda ang sarili.

Jeramaih loves my mother. At kung ano man ang naging laman ng kahong pagmamay-ari ng aking ina, tiyak na mahalaga iyon para sa kanya. Mas lalo tuloy umalab ang kagustuhan kong malaman kung ano ang laman ng kahon.

It was important.

That's for sure.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top