Chapter 28

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Sumugod na ako kay Lionel.

Mabilis akong tumakbo patungo sa kinatatayuan niya at agad na ikinumpas ang isang espada ko.

"Erika!"

Rinig kong sigaw ni X sa pangalan ko ngunit hindi ko iyon pinansin. My mind was focus on defeating Lionel. Kung wala siyang tiwala sa akin, lalo naman ako. I don't trust him. No matter what, I won't give him my trust!

Malakas kong ikinumpas ang espada ko sa gawi ni Lionel at hindi na ako nagtaka noong nasangga niya ito.

"Hindi mo maililigtas ang bayan natin," seryoso nito wika. "Kaya mabuting mamatay ka na!"

"Hindi mo ako mapapaatay sa lugar na ito," ani ko sa seryosong tinig. "Now, surrender and give me your values! At kung makalabas na tayo sa dungeon na to at makabalik sa totoong Enthrea, pagkatapos ng lahat ng kaguluhan, doon tayo magtuos!" I said as I slash my sword with full force. I activated my speed ability as I step backward then attack him again.

"Erika! Tama na!" sigaw muli ni X sa kung saan pero hindi ko iyon pinansin. Nagpatuloy ako sa nais at sinugod nang tuluyan si Lionel. Sa pagkakataong ito ay hindi niya nasangga ang naging atake ko. Marahil ay nakatulong sa akin ang paggamit ng special ability ko. Sa bilis ko, hindi na nakailag pa si Lionel sa mga susunod na atake ko. I stimultaneouly slashed my sword and when I was about to hit his head, I stopped.

Nakahandusay na ito ngayon at nanlilisik ang matang nakatingin sa akin.

"Sumuko ka na," seryoso kong sambit.

"Kung ito lang ang lakas na taglay mo, hinding-hindi ka mananalo," anito sabay ngisi.

Ipinilig ko ang ulo ko at ngumisi rin.

"Hindi mo pa nakikita at nararanasan ang totoo kong kapangyarihan kaya mo akong husgahan," may diing sambit ko at dahan-dahang itinutok ang dulo ng espada ko sa bandang leeg nito. "Huwag mo akong galitin, Lionel. Alam ko ang nais mong mangyari."

Hindi ito kumibo.

"You want me to what? huh? Gusto akong magalit!" bulyaw ko sa kanya. "Alam ko ang kakayahan ko, Lionel!"

"Alam mo pero hindi mo ito ginagamit!" ganti niya.

Humigpit ang hawak ko sa espada.

"Gagamitin ko ang kapangyarihang mayroon ako sa paraang gusto ko! Huwag mo akong pangunahan!" sigaw ko sabay diin ng espadang nakatutok sa leeg niya. Kita ko ang pagngiwi nito kaya naman ay mas idiniin ko pa iyon.

"I'll end you now, Lionel. Pagkabalik mo sa Enthrea, siguraduhin mong magiging ligtas ka. Maghaharap muli tayong dalawa," I said as I finished him. I saw how his value decreased. At alam kong sa akin lahat mapupunta ang mga iyon.

"Make sure to save the whole Enthrea."

Iyon ang huling mga katagang binitawan niya bago tuluyang nawala sa paningin ko.

He's gone. Defeated.

Umayos ako sa tayo. I took a deep breathe closed my eyes. Mayamaya pa ay binalingan ko ang walang imik na si X. Kita ko ang pamumungay ng mga mata nito at humakbang papalapit sa akin.

"You did a good job, Eka," he said then smiled. I held my hand and pulled me for a hug. Hindi ako umangal at nagpaubaya sa nais niya. "I'll wait for you," bulong niya. "Maghihintay ako sa Enthrea."

Kumunot ang noo ko.

"X, ano bang..."

Natigilan ako sa pagsasalita noong biglang bumagsak ang katawan ni X.

"Alexis!" sigaw ko sa pangalan nito. Agad kong dinaluhan ito ngunit natigilan ako noong makitang may hawak akong patalim na may dugo.

"What..." nabitawan ko ang hawak-hawak kong isang patalim. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kamay ko at bumaling kay X. "Bakit mo ginawa iyon?" wala sa sariling tanong ko sa kanya. How dare him to use his trick towards me! Damn!

"This is our only choice," nanghihina niyang sambit.

"Alexis naman!"

"You have my value now," anito na siyang ikinailing ko. Yes, ako ang mananalo pero hindi sa ganitong paraan. Para kasing pinipiga ang puso ko habang tinititigang nakahandusay si X, duguan at halos mawalan na nang malay. Tiningnan ko ang valueng mayroon siya at unti-unti na itong bumababa. He's losing it.

"Hihintayin ko ang pagbabalik mo," he said, almost a whisper.

"X," I mention his name.

Ngumiti ito sa akin at ngumiti. Kasabay non ang pagkawala nito sa aking paningin.

I felt the sting feeling on my chest. Damn! Mahina kong tinampal ang aking dibdib at huminga nang malalim.

Calm down, Erika. He's alive. Nasa Enthrea. Now do your thing!

Pangangaral ko sa sarili.

Mariin akong pumikit at noong nagmulat ako ay inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng paligid.

Ako na lang ang natitirang manlalaro. The game is over pero bakit parang may mali? Dapat kanina, noong ibinigay ni X ang lahat ng value niya, ay tapos na ang laro. Ako ang maitatanghal na panalo. I activated my senses at muling inilibot ang paningin sa paligid.

At halos manigas ako noong may nakita akong isang bulto ng tao sa gusaling di kalayuan sa pwesto ko.

"So, hindi pa tapos," I mumbled. Akmang isusummon ko na ang espada ko para ihanda ang sarili sa isang laban noong bigla akong natigilan dahil sa kung anong hologram na lumitaw sa aking harapan.

Congratulations, Player! You completed the Dungeon Tournament!

Napaatras ako. What the?

Congratulations, Erika Rysse!

Muli kong binalingan ang bultong nakita ko kanina pero wala na ito. Akmang hahakbang na ako para makaalis sa kinatatayuan noong bigla akong nakaramdaman ng init sa aking katawan. Nanlaki ang mga mata ko noong makitang tila nawawala ang ako ang mga kamay. Shit! I was panicking pero pilit kong isinisiksik sa isipan ko na marahil ay tulad noong nangyari kay Lionel at X kanina, babalik na ang katawan ko sa totoong Enthrea.

I closed my eyes. Calming myself. And when I opened my eyes, tahimik at magulong arena ang namataan ko.

The war was begun. And now here I am, standing in the middle of desserted arena. Alone.

I firmly fisted my hands.

Hindi na ako nagdalawang-isip na umalis sa kinatatayuan ko. I activated my speed ability as I managed to get out myself from the arena. Hindi pa ako nakakalayo mula sa arena noong natigilan ako sa pagtakbo.

Magulo at walang katao-taong Enthrea ang bumungad sa akin.

"This is not happening," mahinang bulalas ko.

"Eka!"

Napalingon ako sa gawing kanan ko noong marinig ko ang boses ni Aly! At halos manigas ako noong makitang may kasama itong matandang babae na halos di makalakad na.

Shit! This is really happening! I know this old woman! Siya iyong nasa panaginip ko noon, iyong tinulungan ko!

"Umalis na tayo dito, Eka. Nasakop na ng mga kalaban ang sentro ng Enthrea!" anito na siya nagpakalabog ng dibdib ko.

That was exactly what she said on my dream! Pero bakit siya ang nakakita sa matanda? Diba dapat ako iyon? Fuck! I'm freaking late! Ilang oras ang aking pagkahuli? Ano na ang nangyayari?

Nagpalingon-lingon ako. Someone's coming. Yung mga lalaki!

"Nasa Lynus na ang iilang Enthrean. Nakalikas na sila kanina pa! Maging sila Eli at Amy ay naroon na!"

"I know, I know! Let's move!" nagmamadali akong lumapit sa dalawa. Tinulungan ko si Aly sa pag-akay sa matanda at mabilisang naglakad. Kailangan ko mailayo ang dalawa!

"Kailan nagsimula ang gulo na to?" tanong ko kay Aly habang di tumitigil sa paglalakad.

"Noong magsimula ang huling parte ng tournament," sagot nito sa naging katanungan ko. "Phytons, iyon ang tawag nila sa kanila."

"I know them," I said. "Sila X? Nakita mo?" Hindi ito imimik kaya naman ay napalingon ako sa kanya. I can see sadness on her eyes. "What's wrong?"

"Eka...."

This time ay natigil ako. Inayos ko ang pagkakaakay sa matanda at matamang tiningnan si Aly.

"Tell me what happened? Nasaan si X? Si kuya Eros? Where the hell are they?"

A/N:

ADVANCE HAPPY NEW YEAR EVERYONE.

My planned to finish #TLW this year was a big epic failed. Hahaha Bawi na lang ako next year, guys!

Have a safe and happy new year! 🎉🎊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top