Chapter 27

"Faster, X!" sigaw ko kay X noong tuluyan kaming nakalabas ng mansyon.

I saw a glimpse of the future earlier and a little bit scenario from my past. Kahit gising, nakita ko iyon! That was the first time! Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero isa lamang ang alam kong dapat kong gawin ngayon.

We need to get out of this mansion! We need to get out of this dungeon! We need to make a move now before it's too late!

"Eka, wait!" pigil sa akin ni X sabay hila sa braso ko. Natigil ako sa pagtakbo at matamang tiningnan iyon. "Tell me what's happening?" he asked.

"We need to finish this tournament. Nasa totoong mundo natin ang susi para maipanalo natin ang buong Enthrea. We can't stay here any longer!" sunod-sunod na sambit ko. Tama nga ang hinala ko. Simula pa lang, ginamit na nila ang Annual Dungeon Tournament para maisakatuparan ang mga plano nila.

The Phytons.

Sila ang kalaban namin dito. Mga taong walang ibang nais kundi ang angkinin at pamunuan ang Enthrea.

And the box we were looking earlier, wala iyon dito. Kundi nasa totoong mundo namin. They just used this freaking dungeon para mahanap iyon. With the help of me, of course!

"Alam ko na kung ano ang nais nila sa akin at kung bakit narito tayo sa dungeon na ito. Alam ko na, X. We need to go home now. We need to save Enthrea!" ani ko.

"We need to finish first this shit, Eka. Alam mo iyan. Isa ito sa dapat nating ipanalo. We can't just go home. We need to finish and win this tournament. And winning means you need to fight your opponents!" he said.

Natigilan ako.

He's right.

Pero may ibang paraan pa para hindi na kami maglaban-laban. Kung kusa nilang ibibigay sa akin ang mga valueng mayroon sila, then no more fighting between us. Ako ang mananalo. Makakauwi at maililigtas na namin ang Enthrea.

"Give me your values," seryoso kong sambit at tiningnan ang valueng nasa taas ng ulo niya.

Thirty five.

"Ito lang ang tanging paraan natin, X," mahinahong sambit ko. "Wala na tayong sapat na panahon pa."

"What do they want from you?" mariing tanong ni X sa akin. I didn't expect that question from him. Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya. "Tell me, Erika, anong nais nilang makuha mula sayo?"

"They want Enthrea," simpleng sagot ko sa kanya.

"Alam ko na iyon," aniya sabay hakbang ng isang beses palapit sa akin. "Uulitin ko. Anong nais nilang makuha mula sayo? Sabihin mo sa akin at ibibigay ko lahat ng valueng mayroon ako."

Hindi ako makagalaw. Mariin itong nakatingin sa akin kaya naman ay nag-iwas ako ng tingin.

"Sinabi mo noon sa amin ni Eros na nasaksak ka. Pagkatapos non, anong nangyari?" tanong pa nito.

"We need to.."

"Erika!"

"They want my ability!" sigaw ko. "Nais makuha nila ang kakayahan kong makita ang nakaraan at hinaharap! They want my eyes to be exact!"

Hindi kumibo si X. Umatras ako palayo sa kanya at humugot ng malalim na hininga.

"Now, you got what you wanted. Give me your values. I'll handle this tournament alone. You need to go back to Enthrea. Find my brother and help Second and Joseph. Alam kong alam na nila ang gagawin," utos ko dito. "Please, mas makakabuti iyon kung mauna kang umalis sa dungeon na ito."

"No," mariing sambit ni X. "Hindi kita iiwan mag-isa sa lugar na ito."

"Alexis naman!"

"Sasamahan kita hanggang tayong dalawa na lang ang matitira sa larong ito," anito. "Hindi kita iiwan."

Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko kay X para sundin nito ang nais ko. I know his words are final. Kilala ko ang isang to. Kung ano ang nais niya, gagawin at gagawin niya iyon.

"Hindi pa ba kayo tapos riyan?"

Natigil kaming dalawa sa pagtatalo noong marinig namin ang boses ni Lionel. Agad akong bumaling sa kanya at laking gulat ko noong mapatingin ako sa valueng mayroon siya.

"What have you done?" si X na ang nagtanong sa nais kong itanong kay Lionel. His value is now a hundred fifty!

Hindi ito sumagot imbes ay ngumisi ito sa amin. Humakbang ito ng isang beses kaya naging alerto ako sa naging kilos niya.

"I defeated them," anito. "They're on the safe zone now."

Safe zone? Sa Enthrea? That's bullshit! Hindi ligtas sa kahit saang parte ng Enthrea.

"Anong ginawa mo sa mga kaibigan namin?" mariing tanong ko sa kanya. Kinuyom ko nang mariin ang mga kamao ko. This guy. Is he really an alliance or an enemy?

Hindi ito umimik.

"Answer me, Lionel!" galit na turan ko.

"Nakita niyo ba ang pinapahanap ko?" tanong nito habang nakatuon ang paningin kay X. Wala sa sariling isinumon ko ang espada ko at itinutok iyon sa kanya.

"You'll get nothing from us, Lionel," mariing sambit ko sa kanya. "Kung ano man ang ginawa mo sa mga kaibigan namin, pagbabayaran mo iyon," seryoso at may pagbabantang sambit ko at nong akmang hahakbang na ako palapit sa kanya ay pinigilan naman ako ni X.

"Let me handle him," he said. Bumaling ako sa kanya. "I'll get his value and after that, ikaw na ang bahala sa lahat ng values na mayroon ako."

"I'll fight with you," I said as I summoned my another sword. Bumaling ako kay Lionel na ngayon ay tahimik kaming pinagmamasdan.

"Hindi ko alam kong anong nais mong mangyari ngunit kung sa tingin mo ay basta-basta mo na lang makukuha ang mga numerong mayroon kami, nagkakamali ka," wika ko at humakbang ng isang beses patungo sa kanya. "Ang kaligtasan ng buong Enthrea ang mahalaga sa amin ngayon kaya naman kung ano mang iyang ipinaglalaban mo, sana naman ay para sa ikabubuti ng lahat iyon."

"Erika Rysse, sa tingin mo ba ikaw ang magliligtas ng buong Enthrea?" tanong nito. "No! Dahil ikaw mismo ang sisira nito!"

"Lionel," si X. "I know what you are thinking so please, let's stick to what we have planned. Erika is no harm. Hindi niya ipapahamak ang buong Enthrea."

Now I'm confused.

Narinig ko ang pagtawa ni Lionel kaya naman lalong umalab ang poot na ngayon ay nararamdaman ko sa kanya.

"You are blinded with your own feelings, Alexis! Hindi ngayon ang tamang oras para riyan!" sigaw ni Lionel sabay handa ng sariling sandata. Hawak ang isang espada, inangat niya iyon at itinutok sa akin. "Simula pa lang, ramdam ko nang hindi magandang idea ang ibigay ang buong tiwala sa iyo, Erika. Isa ka sa nais makuha ng Phytons. At kung mangyari man iyon, ang makuha ka nila, tiyak katapusan na ng lahat na ipinaglalaban natin dito."

"So, ano ngayon ang nais mo? Ang mawala ako? Dahil para ano? Para hindi mawasak ng tuluyan ang Enthrea. Iyon ba?" may galit na tanong ko sa kanya. Hindi ito kumibo. "Ano bang alam mo? hah? You seem to know alot of things! Now, let me ask you something, alam mo bang pagkatapos ng larong ito, kaguluhan ang madadatnan natin sa Enthrea? Alam mo bang mamatay ako para sa Enthrea?"

"Erika..."

"Gagawin ko ang lahat para mabago ang mga nakita ko. Gagawin ko ang lahat para iligtas lahat ng mahal ko sa buhay na nakita kong mamamatay sa hinaharap," umakbang ako ng isang beses at ngumisi sa kanya. "At kung kakalabanin kita ngayon, alam kong mananalo ako sa kahit anong paraan. Bakit? Dahil hindi ikaw ang nakatadhanang pumatay sa akin!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top