Chapter 26
"Iyon lang ang nakita mo sa hinaharap?"
I bit my lower lip upon hearing it. Natigilan ako. Yes. Iyon lamang. Wala nang iba. Walang tungkol kung paano namin maililigtas ang Enthrea.
Dahan-dahan akong tumango.
"Are you sure, Eka? Baka naman may iba pa?" si Yna.
Umiling ako.
"Iyon lamang. Wala nang iba."
"Pero..."
"Stop questioning her. We need to go," putol ni X sa nais sabihin pa ni Yna. Tinulungan niya akong makatayo kaya naman kahit nanghihina ay pinilit kong gumalaw.
"Shit," mura ko nong makaramdam ako ng pagkahilo.
"Hey, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong nito sa akin. I nod and tried to move. Pero noong sinubukan kong gumalaw muli, I failed.
"Don't move," utos ni X.
"Pero," tutol ko sa nais niya.
"Mapapasama pa lalo ang kondisyon mo," umiling ako. No. We need to escape from here!
Kung parating na ang mga kalaban, malamang ay hindi iyon magiging maganda sa amin ang manatili sa lugar na to. We still need to when this tournament!
"Kailangan nating maghiwa-hiwalay," ani Lionel na siyang ikinatigil. Nakatayo na ako ngayon, with the help of X. Nakahawak ito sa aking braso at sinusuportahan ang katawan ko. "We'll go to the east part. Steve and Yna, west side. And you, Eka and X, magtungo kayo sa lugar na tinukoy ko kanina sayo X."
Kita ko ang patango ni X sa iminungkahi ni Lionel. Bakit kami maghihiwa-hiwalay?
"Teka," pigil ko noong magsisimula na sana silang umalis. Isa-isa ko silang pinagmasdan. "Why?" I asked as I looked at Lionel. Sa kanya ko itinuon ang atensiyon ko. Kita ko ang pagkunot ng noo niya sa naging tanong ko sa kanya. "Bakit kailangang maghiwa-hiwalay? We can fight together as a team!"
"We are a team here, Eka. But we need to do this. Kung lahat tayo ay mahuhuli nila dahil nasa isang lugar lang tayo, then it's game over."
"Hindi mangyayari iyon," nanghihinang sambit ko. "We'll fight together," pagmamatigas ko.
"Erika, listen, napag-usapan na namin ni Lionel ito," pukaw ni X sa akin. Bumaling ako sa kanya, hindi makapaniwala. "Come on, we need to go," ani pa nito at inalalayan na ako sa paglalakad.
I have a bad feeling about this. Ayaw kong maging negatibo pero hindi talaga ako sang-ayon sa nais ni Lionel.
I sighed. Defeated.
"Mag-iingat kayo," iyon lamang ang nasabi ko at nagsimula nang maglakad. Hindi ko na nilingon pang muli ang mga kaibigan ko. May tiwala ako sa kakayahan nila. Alam kong hindi nila ipapahamak ang mga sarili. Nasa tabi ko si X ngayon, tahimik habang hawak-hawak parin ang aking braso.
"Everything will be fine, Erika," rinig kong sambit ni X. Hindi ako umimik. Patuloy kami sa paglalakad. Kahit bahagyang nahihirapan pa ako, nanatili akong walang imik at ininda ang hindi magandang pakiramdam. Mayamaya pa ay natigil ako sa paglalakad. I scanned the sorrounding. As I took another step, tila ba'y nagiging mabigat iyon sa akin. Hanggang mapansin ko na talagang pamilyar na sa akin ang aming dinaraanan.
"Where are we going?" I managed to asked, I have a hint pero pinagsawalang-bahala ko iyon. Nagpalinga-linga ako. Katulad na katulad ito sa totoong Enthrea. From the building and streets, parehong-pareho ito.
"X, saan tayo pupunta?"
"To your mansion," ani X na siyang ikinatigil ko. Bumaling ako sa kanya habang naka-awang ang mga labi.
"At anong gagawin natin doon?" wala sa sariling tanong ko dito.
It's been years since the last time I saw that mansion. Yung tirahan namin noon. Noong buhay pa ang mga magulang ko. Anong gagawin namin doon?
"Malalaman natin pagkarating na natin doon," he said.
Hindi na ako umimik pa. May kung anong sakit sa aking dibdib ang namumuo sa buong pagkatao ko ngayon. Hindi ito ang totoong Enthrea. Hindi ito ang realidad ko pero bakit ang sakit? Bakit totoong-totoo?
"We're here," anunsyo ni X na siyang nagpaangat ng paningin ko sa harapan. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig noong makita ko ang mansyong dating pagmamay-ari ng pamilya ko. I bit my lower. This was my home before.
"Let's go," aya ni X sabay marahang hinila ako. Hindi na ako umapila pa sa nais niya. Humakbang na ako papasok sa loob ng mansyon. Dahan-dahan. Ni hindi kami gumawa ng kahit anong ingay ni X habang papasok sa mansyon. At noong tuluyan na akong makapasok sa loob, parang pinipiga ang puso ko. Lahat ng alaala ko sa mga magulang ko ay nasa mansyong ito. Kahit isang replika lamang ito, still, ang sakit ng nakaraan ay narito pa rin.
"Lionel said that we need to find something in here," pukaw ni X.
"At ano naman iyon?" wala sa sariling tanong ko sa kanya. Binusog
"Hindi ko alam."
"That was funny," I commented. "Hindi kaya magmukha tayong tanga sa gagawin natin?" ani ko sabay tingin sa kabuuan ng sala.
"Come on, we need to move a little bit faster. Nauubos na ang oras natin, Eka. Simulan na natin," anyaya ni X. Umiling ako dito at hindi na nagsalita pa. Umakyat kami sa magarbong hakdan. Pinasadahan ng aking kamay ang bawat muwebles na nadaraanan ko. I felt like I was home. That after a long dead years, I'm alive and breathing now.
"Eka, come here," bumaling ako kay X at nakita ko itong pumasok sa loob ng isang kwarto. I froze. That was my parents room! Agad akong naglakad patungo roon at noong makapasok ako ay agad kong inilibot ang pangin ko.
Empty.
Walang kahit anong naroon.
"This is weird," ani X. "Earlier, I went to our house. At kung anong mayroon doon sa orihinal, mayroon din dito sa dungeon na to."
Ipinikit ko ang mga mata ko. Trying to remember what my parents room looks like.
A king size bed. Tables. Cabinets. Chandelier. Frames.
"Erika, what are you doing?" rinig kong tanong ni X. Nanatiling nakapikit ang mga mata. May kulang pa. Alam kong may kulang pa! I need to remember!
"Erika! Stop!"
Sa pagkakataong ito ay nagmulat ako at kunot noong binalingan si X.
"I'm trying to remember what's inside this empty..."
Natigilan ako sa pagsasalita.
Umawang ang labi ko sa mga nakikita.
"What the hell?" mahinang bulalas ko habang inililibot ang paningin. "Paanong..."
"You are really connected to this place," ani X habang inililibot din ang paningin sa kabuuan ng silid. Ang kama, kabinet at maging ang mga disenyong inisip ko kanina! Narito na ito ngayon!
"I'm just trying to remember things," mahinang turan ko pa rin, hindi pa rin makapaniwala.
"At habang ginagawa mo iyon, unti-unting nagkakaroon mga bagay itong silid na ito. Mga bagay na siyang laman ng kwartong ito."
It doesn't make sense to me. Paano nangyari ito?
"Iyong pinapahanap ni Lionel? What exactly it is?" tanong ko kay X sabay lapit sa kinatatayuan niya. Kita ko kung paano ito bumuntong hininga at mariing ipinikit ang mga mata.
"You're not telling me something, Alexis. What is it?" tanong kong muli.
"A box," he answered me without looking at me. Natigilan ako sa sinabi niya.
A box?
Biglan akong napako sa kinatatayuan ko at natulala sa kawalan.
"Erika, darling, come here."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top