Chapter 25

Hindi ako kumibo.

Hindi dahil sa wala akong masabi pero dahil alam ko kung ano ang pinupunto ni Lionel.

"They want something from you, Eka. It's either your power or your special abilities," ani Lionel sa akin. It's impossible they wanted my power. Hindi ako ganoon kalakas. Pero kung sa special ability ang pag-uusapan, I have tons of it. Kaya marahil tama nga si Lionel, ako ang target sa larong ito.

"Ikaw ang makakapagligtas sa Enthrea at ikaw din ang ikakasira nito," malamig na turan ni Henson. I slowly nod my head.

"Can you do it again?" biglang tanong ni Yna kaya naman napabaling ako sa kanya. "Do it?" balik tanong ko, naguguluhan. "To see a glimpse of the future. Kaya mo bang gawin iyong muli?" anito.

Umiling ako.

"I don't know. Maybe yes. Maybe no," I said. Hindi ko talaga alam. The last time I dream about it, I was stabbed. I died on my dream. Kaya hindi ko alam kung magagawa ko pa iyon.

"Did you try it again?" si Steve.

"It's dangerous," mariing sambit ni X. "The last time she have that dream, she stopped from breathing."

"What?" halos sabay na sambit ni Yna at Steve sabay tingin sa akin.

"Eross might kill me if I let her do it again. So, it's a no," ani X.

"But..."

"I'll do it," agarang wika ko na siyang ikatigil ng lahat.

"Erika..."

"I'll do it, X. Please, allow me to do it," nakikiusap kong sambit sa kanya. Wala nang ibang paraan. Kailangan kong makita ang hinaharap. Ito na marahil ang aming alas laban sa mga kaaway.

"Ikapapapahamak mo ito, Erika," tutol pa rin ni X sa naging desisyon ko. Umiling ako sa kanya.

"I'll be fine. I promise," mataman ko itong tinitigan sa mga mata niya. Kita ko ang pag-aalinlangan dito kaya naman ay hinawakan ko ang mga kamay nito. "Don't worry, it won't harm me."

I saw how X sighed then closed his eyes. Tumingala ito at narinig ko ang mahihinang mura nito.

"Fuck this!" he cursed. "Fine!" nagmulat ito ng mga mata at bumaling ito sa mga kasamahan namin. "We'll guard her," aniya. Napabitaw ako ng hawak sa kanya. "We need to make sure na walang masamang mangyayari kay Eka. Cause the last time she had a dream, she fucking stopped from breathing. I don't want to happened it again!"

Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Ramdam ko ang frustration ni X sa mga nangyayari. Tutol siya pero alam naming makakatulong sa amin ang gagawin ko.

"Her body will release such enery kaya marahil ay matunton tayo ng Pythons dito. We'll protect her. No matter what," seryosong anito at nagsitanguhan naman ang mga kaibigan ko. "Erika," tawag pansin sa akin ni X. "Do you need to lay down?" tanong nito na siyang ikinailing ko.

"No. Kahit nakaupo lang," sagot ko. Dahan-dahan akong naupo sa lapag at pinagcross ang mga paa. I took a deep breathe then smile to my comrade. "I'll be back," ani ko at ipinikit ang mga mata.

Focus, Erika. Focus.

Katahimikan. Para akong nabibingi dahil sa katahimikan. But seconds passed, wala pa ring nangyari. I see nothing. I feel nothing. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at pinigilan ang sarili na huwag imulat ang mga mata. Come on, Erika! Focus!

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng kaluskos. What was that?

"Pakawalan niyo siya!"

"Erika!"

"Open your damn eyes!"

Agad akong nagmulat ng mga mata at habol hiningang lumingon sa paligid. Bigla akong nahilo kaya naman ay ipinikit kong muli ang mga mata ko. Naubo pa ako sa hindi malamang dahilan.

Noong naramdaman ko na medyo nawala ang pagkahilo ko, I slowly opened my eyes.

Where am I?

"Our little princess is awake," ani ng isang di pamilyar na lalaki na siyang nagpatigil sa akin. Kunot noo ko itong pinagmasdan ngunit agad akong natigilan nong makaramdam ng sakit sa aking mga kamay. And to my surprise, parehong nakatali ang magkabilang kamay ko, maging ang mga paa ko ay nakagapos din habang nakaupo ako sa isang silya.

The hell!

I tried to move pero mas lalong sumasakit at humihigpit ang pagkakagapos nito sa akin.

"Wag ka nang magtangka pa, Erika. Masasaktan ka lang," ani ng lalaki.

"Who are you?" malamig na tanong ko sa kanya.

Narinig ko itong humalakhak kaya naman ay hindi ko mapigilang di gumalaw dahil sa pagkainis sa lalaking ito.

"Damn!" I cursed.

"Stay still, Erika."

Nanlaki ang mga mata ko nong marinig ko ang tinig ng aking kapatid. Kuya Eros! Umawang ang labi ko noong makita ko ang kalagayan ng kapatid ko. Gaya ko, nakagapos din ito ngunit mukhang napalaban ito ng husto dahil sa mga sugat na nasa kanyang mukha.

"Kuya," ani ko.

"Such a lovely view," sarkastik na wika ng lalaki. "The son and daughter of Efraem Rysse, my good friend," anito sabay ngisi.

"Don't you dare mentioning my father's name!" galit na sambit ng kapatid ko.

"Why? Totoo naman iyon? He's my friend. My old and dead friend."

"Damn you! Ikaw ang dahilan kung bakit wala na sila ngayon!" sigaw ni kuya sa kausap. Nais kung magsalita ngunit ni isang salita ay wala akong mabigkas.

Nanatiling nakaawang ang mga labi ko habang pinagmamasdan ang lalaking nasa harapan ko. Sino ang lalaking ito? Kaibigan ng ama ko?

"Trinaydor mo sila!" muling sigaw muli ni Kuya Eros.

"You're father cheated on me first," mariing sambit ng isa. "Efraem knows that I, Jeremaih, loved Eunika," I frozed. Eunika. Our mom! Kahit naguguluhan, nanatili akong tahimik. Pilit iniintindi ang nangyayari. "Pero ano ang ginawa nang magaling niyong ama, inagaw niya pa rin si Eunika sa akin! Pinakasalan at nagkaroon ng dalawang anak!"

"Hindi iyon sapat na dahilan para ipapatay mo sila!"

"Hindi ko sila ipinapatay! I will never do that to Eunika!" natahimik ito pero agad din natawa di kalaunan. "But then,they were destined to die, to be dead," malamig na turan nito. "Right, Erika?" natigilan ako noong bumaling ito sa akin. Nakangisi ito ngayon sa akin samantalang ako naman ay gusto nang magwala sa kinauupuan. How dare him! Pilit kong ikanalma ang sarili. Mabilis na rin ang pintig ng puso ko at kinakapos na rin ako nanghininga! Damn!

"My parents," panimula ko na siyang ikinaseryoso niya. "Iyon lang ba ang kasalanan nila kaya namatay sila?" mahinang tanong ko dito. I have witnessed how they killed my parents. I was so young back then. Walang sapat na lakas para maprotektahan ang mga mahal ko sa buhay. "Tell me, iyon lang ba!" ngayon ay sumigaw na ako sa kanya.

"Kung sabihin kong oo, may magagawa ka pa ba?" natatawang tanong nito sa akin. "Wala kang nagawa noon, Erika. Kahit alam mong may papatay sa mga magulang mo, wala kang ginawa. Hinayaan mo lang mangyari iyon," nakangising sambit niya. "At wala ka rin magagawa sa pagkakataong ito. You'll just witness everything. Wala kang gagawin. Manunuod ka lang habang unti-unting nawawasak ang Enthrea. Manunuod ka lang habang isa-isa naming pinapatay ang mga mahal mo sa buhay. Cause you, Erika Rysse, is destined to be like that."

"Shut up!" I screamed. "Sino ka para sabihin ang mga dapat kong gawin? Hah?" inis kong tanong ko sa kanya. "Walang sinuman ang pwede magdikta nang kung ano ang dapat kong gawin! I'll decide my own fate!"

"Really?" naghahamong tanong nito at hindi natigil ang paghinga ko noong biglang itinutok nito ang espada sa kapatid ko.

"Fuck you, Jeremaih!" ani ng kapatid ko.

"Erika Rysse, pagmasdan mo itong mabuti. Wag na wag kang kukurap," nakangising sambit nito at walang sabi-sabing ikinumpas ang espada patungo sa ulo ng kapatid ko.

"No!" sigaw ko. "Kuya!"

"Erika Rysse! Open your damn eyes now!"

"Eka!"

"Shit! I think they're coming!"

"Erika! Gumising ka na!"

Habol hininga akong nagmulat ng mga mata.

Damn! Damn! Damn! No! Not my brother. Hindi maaring mamatay ang kapatid ko!

"She's awake!" rinig kong deklara ni Steve.

"Damn, she scared the shit out of me!" si Yna.

Nanginginig ang mga kamay kong inangat at inilapat sa pisngi ko. Tears. Umiyak ako? Fuck!

"Kaya mo na ba? We need to move. They're coming," tanong ni X. Umiling ako. Nanghihina ang buong katawan ko. "Erika, what did you see?" matamang tanong nito sa akin. Ramdam kong natigilan ang mga kasamahan ko. Tila ba'y hinihintay nila ang sasabihin ko.

I closed my eyes. Pilit inaalala ang lahat.

"A man named Jeremaih," mahinang sambit ko. "Hindi ko alam kung ano ang koneksyon niya sa Pythons, but he was there. I was captured. Me and my brother," kwento ko pa sabay baling kay X. "He killed kuya Eros. Infront of me. Just like what happened years ago."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top