Chapter 24

"Eka, may sugat ka," ani Yna at hinawakan ang leeg ko. Bahagya akong nagulat noong biglang dumampi ang kamay nito ang leeg ko. "Chill, I'll heal your wound."

Tumango ako dito.

"Namumutla ka," puna ni Yna sa akin. Tumingin ako sa kanya. "Are you sure you're alright?"

"Ayos lang ako, Yna. Marahil ay nabigla lang ako sa nangyari kanina," ani ko. That's the truth. Nabigla talaga ako sa nangyari kanina. Muntik na akong makuha ng mga kaaway. If it wasn't for X, mukhang nasa kamay na nila ako.

"What if I lose this tournament? Anong mangyayari sa atin?" wala sa sariling tanong kay Yna. Tinanggal niya ang kamay niyang nakalapat sa leeg ko at kinatitigan ako.

"Will definately win this game, Eka. Hindi tayo papayag na masakop nila ang buong Enthrea," ani Yna. Hindi na ako kumibo. Gusto kong pangaralan ang sarili ko dahil sa mga iniisip. Sa mga oras na ito, hindi dapat ako mag-isip ng mga negatibong bagay. I need to be strong. We need to win. No matter what.

"Eka! Yna!"

Bumaling kami kay Steve noong tawagin ang pangalan naming dalawa. Tumango ito sa amin kaya naman ay lumapit na kami sa kanila.

Naroon si Lionel, X, Steve at isa pang lalaking sinasabing kaibigan ni Lionel.

"Kanina, isa sa kanila ay nilapitan si Eka," rinig kong kwento ni X sa mga kasamahan namin. Nilingon ako nito at tinanguan ako. "They already here. In this dungeon."

"Paano natin maiidentify kung sila ba iyon o hindi? Marami tayong nasa dungeon na ito, paano?" tanong ni Steve sa amin.

Walang sumagot sa mga kasamahan ko. Marahil ay hindi nila alam ang isasagot. I sighed.

"They have a tattoo on their neck," ani ko. "Nakita ko na ito noon. Sa mansyon ng mga Bruce at maging sa panaginip ko," kwento ko sa kanila.

"Panaginip?" Lionel asked.

Napalingon ako dito at napaawang ang labi. Great! Did I just said it loud? Wala sa sarili akong napabaling kay X at naabutan ko itong kunot-noong pinagmamasdan ako.

"Anong panaginip, Eka?" tanong muli ni Lionel sa akin. Oh come on!

"Stop questioning her, Lionel," pigil ni X sa kay Lionel.

"May hindi kayo sinasabi sa amin," seryosong ani Lionel. I bit my lower lip. This is not good.

"Sinabi ko na ang mga dapat malaman ninyo, Lionel," ani X. "Nasa panganib ang Enthrea. We need to save it."

"Paano niyo nalaman na nasa panganib ang Enthrea?" seryosong tanong ni Lionel, hindi inaalis ang titig sa akin. "Paano, Erika? Dahil ako, matagal ko nang alam na sasakupin nila ang Enthrea. Hindi lang ako nakagawa ng hakbang noon dahil hindi ko alam kung tama bang ibuwis ang buhay ko para dito," pagpapatuloy niya. Humakbang ito ng isang beses palapit sa akin kaya naman naging alerto ako. "Tell us. Paano niyo nalaman ang mga ito?"

"Lionel..."

"I saw it," pag-aamin ko. There's no other way here. It's either sabihin ko ang totoo o mawala ang tiwala ng mga kaibigan namin dahil sa paglilihim namin.

"Erika, stop it," banta ni X sa akin. Bumaling ako dito at umiling. "They need to know, X."

"So, may hindi nga kayo sinasabi sa amin?" this time, si Yna naman ang nagsalita.

"I'm sorry. Mas magiging komplikado ang lahat kung sasabihin ko pa ito," sambit ko at huminga ng malalim. Ipinikit ko ang mga mata ko at noong iminulat ko iyon, matapang kong kinatitigan ang mga kasama ko.

"Sasabihin ko ito dahil pinagkakatiwalaan ko kayo," panimula ko at pinagmasdan ang mga kasama. Natigil ang mata ko sa kaibigan ni Lionel. Tahimik lamang ito, nagmamasid. Kung gagawa ng hindi maganda ang isang to, ako na mismo ang uubos ng numerong nasa ulo niya. Hindi ko kailangan ng traydor sa mga kasama ko. "I can see a glimpse of the future."

Katahimikan.

"Noong bata pa ako, akala ko ay isang masamang panaginip lamang iyon. I kept on dreaming of someone's killing my parents. Paulit-ulit. Parang sirang plaka na paulit-ulit na nagplaplay sa utak ko tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Wala akong sinabihan tungkol sa panaginip ko. Natatakot ako. Pero noong nangyari at nagkatotoo na ang lahat, para akong naupos na kandila sa mga nasaksihan. Kung ano ang nasa panaginip ko, iyon din ang nangyari sa mga magulang ko."

I took a deep breathe as pain started to consume my being.

"That time, I wished it was just like my nightmare. Na hindi totoo ang mga iyon. Na nananaginip pa rin ako. Na isang bangungot pa rin iyon. Pero mali ako. Dahil iyon na ang realidad ko. Hindi na ako tulog at nananaginip. Totoo na ang lahat. Pinatay na nila ang mga magulang ko at wala akong nagawa."

"Stop it already," naramdaman ko ang paghawak ni X sa braso ko at bahagyang hinila ako palapit sa kanya. Isinubsob ko ang ulo ko sa dibdib niya at pilit pinipigilan ang pagbuhos ng emosyon.

"You're parents were killed because they knew about them," natigilan ako noong magsalita ang kasama ni Lionel. "They used to work with them. Pati ang mga magulang natin."

"Our parents?" mahinang sambit ni Steve. "You mean this dungeon tournament?"

Natigilan ako roon. Right! Naikwento nila Steve at Yna noon na nagtrabaho ang mga magulang nila noon para sa tournament na ito!

Napaangat ako ng tingin kay X at kita ko ang seryosong tingin nito sa akin. I smiled a little, trying to look fine infront of him. Bumaling ako sa mga kaibigan ko at nakinig sa kani-kanilang opinyon.

"Our parents were used to work as team for this dungeon tournament," ani ng kaibigan ni Lionel. Who's this guy again? "And they were all been killed."

"My parents are still alive, buddy," ani Steve at tumingin kay Yna. "Same goes with her parents," sabay turo kay Yna.

"They're alive because the Bruce kept them. Naprotektahan sila ng mga Bruce bago pa sila inatake. Unlike sa mga magulang namin," ani pa ng lalaki na may galit na ang tono sa pagsasalita.

"Henson," ani Lionel. "Calm down."

"So, you mean, narito tayo dahil sa mga magulang natin?" Yna asked.

"Yes," agarang sagot ni Henson. "Sinimulan ng mga magulang natin at ngayon tayo na ang tatapos."

"This is crazy!" ani Steve. "Why would they killed your parents? Para saan? Para sa palarong ito?"

"They were desperate. They wanted to eliminated people who are powerful enough to create something like this!" si Henson. "They killed them because they saw them as a threat!"

"Henson! Calm the fuck down!" Lionel interupted his friend. Bahagya akong hinatak ni X at inilagay sa likuran niya. The tense between the two is getting higher and stronger. Nagkatitigan lang ang mga ito at naputol lamang noong binalingan ako ni Henson.

"It was your parents idea to create something like this. Sixty percent of this dungeon was from your parents, Erika Rysse," anito na siya nagpaawang ng mga labi ko. What? "And the rest was contributed by our parents."

"That's explain why I felt something weird during the first round of the tournament," bulong ko sa sarili.

The physical contact between the things sorrounds the dungeon. The familiar feeling. Hindi ko lang iyon guni-guni. I was damn right the whole time! Gawa iyon ng mga magulang ko!

"Pero ano pa ang kailangan nila sa atin ngayon? Why continue this tournament? For what?" Yna asked.

"Because the Pythons still wants for more," this time, si Lionel na ang nagsalita.

Pythons?

"At mukhang alam ko na ang nais nila pang makuha," ani pa nito sabay lingon sa akin. "They still need you, right, Erika Rysse?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top