Chapter 23
Hindi ko alam kung bakit ako sumama kay Lionel. Pilit kong sinasabihan ang sarili na huwag magtiwala kahit kanino maliban sa mga kaibigan ko. Hindi pa namin matukoy kung sino ang tunay na kaaway kaya dapat ay mag-doble ingat ako.
"What are you thinking?" basag ni Lionel sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kanina pa kami naglalakad. Aniya ay pupuntahan namin sila X, they're waiting for me. But I won't let my guard down. Handa ako sa kung anong maaaring mangyari sa pagsama ko sa lalaking ito.
"I'm just thinking kung paano kita aatakehin sa oras na traydorin mo ako," walang ganang sagot ko. Narinig ko naman ang mahinang tawa nito at tumigil sa paglalakad. Natigil din ako.
"So, you're still thinking that I'm an enemy?" di makapaniwalang tanong ni Lionel sa akin.
"I don't know you," ani ko. "And I don't trust you."
Ngumisi ito.
"Tell me, Lionel. Paano ka nakapasok sa tournament na ito? Ano ang rason bakit narito ka?" tanong ko sa kanya.
"You don't have to know, Eka. Just focus and win this tournament."
"I need to know!" asik ko. "I need to know every details. Sayo, sa mga kaibigan ko at sa kung sino man! I can't trust you without knowing your side! Kahit sino ay maaring maging kaaway ko. At kung isa ka man doon, I swear, gagawin ko ang lahat para matalo ka."
"I'm just no one, Eka," walang buhay na sambit nito, naiiling. "I'm just a nobody not until they killed my family."
Natigilan ako.
"You see, Clifford didn't listed us to this tournament as a player without a valid reason. Pinili niya tayong makipaglaro sa kamatayan dahil alam niyang gagawin natin ang lahat para mabuhay. Na gagawin nating lahat para maghiganti. Para manalo."
"I'm not here for revenge," mariing sambit ko.
"Really? Kilala mo kung sino ang pumatay sa mga magulang mo."
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. That wasn't a question. It was a statement from him.
"Kilala mo sila. At ngayong malapit na kayong magkaharap, hindi ka pa rin ba maghihiganti?" tanong nito na siyang ikinailing ko. No.
"Erika Rysse, they are monsters!"
"At magagaya ako sa kanila kung maghiganti ako. Kung papatayin ko sila, magiging halimaw din ako gaya nila. I don't want that!" sigaw ko dito.
"Look, nobody wanted to be like them. To kill without any valid reasons! Pero iba ang sitwasyon natin ngayon, Eka. They took something important from us. They took lives. They killed our family. And now they wanted to conquer our home," giit ni Lionel. "I know this will happen. I was there when they killed my family. I've heard everything!"
"Who are you, Lionel? Sino ka ba talaga?" naguguluhang tanong ko dito. Marami siyang alam. Just like me, pinatay din ang pamilya niya. And just like me, he wanted justice for his lose.
Hindi niya ako sinagot. Huminga ito nang malalim at tinalikuran akong muli.
"Let's move. Nauubusan na tayo ng oras," aniya at naglakad muli.
"Lionel," tawag ko sa pangalan nito ngunit hindi na niya ako nilingon. Nagpatuloy ito sa paglalakad.
Akmang ihahakbang ko na ang mga paa ko para sundan siya nang bigla akong natigilan. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na nilingon ang nasa likuran ko. I mentally cursed as I watched an arrow shot towards my direction. Mabilis kong inihanda ang espada ko at ikinumpas iyon para hindi ako matamaan ng pana.
"Damn!" mura ko noong tumilapon ako dahil sa impact na natamo ko.
"Eka!" Lionel shouted as he ran towards me.
Ramdam ko ang sakit ng likod ko dahil sa pagkabagsak ng katawan ko pero ininda ko iyon. I scanned the whole area, hoping to find who attacked me. And when I saw a guy, holding a bow and arrow, agad kong dinisolve ang espada ko at pinalitan ito ng pana ko.
"Move! Nasa pangatlong gusali siya. Rooftop. Right side!" I said then ready my weapon.
"Alright!" mabilis na sambit ni Lionel at nagsimula nang tumakbo patungo sa gusaling tinutukoy ko. I enhanced my vision as I watched the enemy's every move. Inihanda ko ang pana ko at itinutok iyon sa kanya. Wala sa akin ang focus nito ngayon, na kay Lionel. Kita ko kung paano nito inihanda ang pana at itinutok sa gawi ni Lionel.
"Gotcha," I said as I release my arrow. Hindi pa nakakarating ang unang tira ko ay sinundan ko na ito ng isa pa. I smiled as my arrow hit his shoulder. Kita ko kung paano nawala sa focus ang kalaban at pilit inaalis ang pana kong nakatarak sa kanang balikat nito. "Nah, hindi mo iyan basta-bastang matatanggal," bulong ko at itinutok muli ang pana ko sa kanya. I saw how he scream as my another shot hit his right leg. Now he can't freaking move. Tiningnan ko ang numero niya sa taas ng ulo niya at kita kong bumababa iyon. He's losing it.
"One more shot then you're out," I said and when I'm about to release my third and final shot, I froze when I felt a cold and dangerous metal pointing my neck.
"Hello, young lady," ani ng lalaking nasa likuran ko. "Disolve your weapon," utos pa nito.
"And if I won't?" I asked as I slowly put down my hands. "You'll kill me?"
"No," agarang sagot nito. Naramdaman ko ang bahagyang paglapit nito at halos di ako huminga noong magsalita ito malapit sa tenga ko. "We still need you."
Shit!
"Release her."
Nanlaki ang mga mata ko noong marinig ko ang isang pamilyar na tinig. Humalakhak ang lalaking nasa likuran ko at bahagyang lumayo sa akin. Napalunok ako. Ramdam ko ang kapangyarihan nito. Wala pa nga itong ginagawa pero ramdam na ramdam ko na kung anong klaseng nilalang ito.
"Fucking release her or I'll fucking end your life here!"
X!
Humalakhak muli ang lalaki at dahan-dahang inangat ang patalim na nakatutok sa leeg ko at mabilis na lumayo sa kinatatayuan ko.
"See you again, soon, Erika Rysse."
Marahas akong lumingon dito ngunit tanging likod na lamang nito ang nakita ko at mabilis na nawala sa paningin ko.
"You okay?" I heard X asked. Tumango ako dito habang nakatingin pa rin sa gawi kong saan naglaho ang lalaking nagtangka sa buhay ko.
"We still need you."
"Erika."
"They want something from me," ani ko sabay baling kay X. "Hindi niya ako pinatay dahil may kailangan pa siya sa akin."
I bit my lower lip. Ano ang possibleng kailangan nila sa akin? Kapangyarihan ko? No. Impossible iyon. Ramdam ko ang kapangyarihan nito. Mas malakas ito kumpara sa akin.
"Erika! Alexis!"
Napabaling ako kay Lionel noong tawagin niya kami.
"What happened?" he asked, frowning.
"Shit happened," sagot ni X. "Let's go. Nagsisilabasan na ang mga tunay na kalaban natin."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top