Chapter 22
"You're pretty tough," komento ng lalaking kalaban ko sabay pahid ng dugo sa pisngi nito. Nadaplisan ko kasi ito kanina kaya naman ay bahagyang dumistansya ito sa akin.
"Thank you," I smirked.
Hindi ko pa lubos masukat kung gaano kalakas itong kaharap ko ngayon. Panay iwasan lang ng kanya-kanyang atake ang nagawa naming dalawa sa nagdaang minuto. I need to know his full strenght para naman alam kung paano ito matalo. Hindi ako maaring maging kampante sa labang ito.
"Tell me, alam mo ba itong pinasok mong laro?" he calmly asked as he took a stepped forward. "Alam mo ba, Erika Rysse?"
Kung sa ibang pagkakataon lamang ito, marahil ay nagtaka na ako kung bakit alam nito ang pangalan ko. Pero dahil na rin sa mga nagdaang araw, pakiramdam ko ay kilala na ako ng halos lahat ng taga-Enthrea. Everyone knows my name. Everyone knows who I am.
"Ikaw? Alam mo ba?" balik tanong ko dito.
Hindi ito kumibo. Blankong nakatitig lamang ito sa akin.
"All my life, pinangarap ko nang maging parte sa larong ito," aniya. Ramdam ko ang pagbabago ng aura nito. Mahigpit kong hinawakan ang sandata ko noong magrelease pa ito ng mas malakas na enerhiya kumpara kanina. "I was madly dreaming of winning this tournament," sambit pa nito sabay mahinang tumawa. "At ngayon ay matutupad na ito."
Hindi na ako nakapagreact pa. Kita ko kung paano ito umatake sa akin nang mabilis.
Shit!
"This is not about winning anymore!" asik ko habang umiiwas sa atakeng pinapaulan sa akin. Kita ko ang poot sa mga mata nito kaya naman ay buong lakas kong sinangga ang isang atake niya. Ikunumpas ko ang isang espada ko at may kung anong enerhiyang lumabas doon na siyang ikinagulat ko.
Natigilan ako samantalang tumalon palayo sa akin ang kalaban ko. Tinitigan kong mabuti ang espada ko pilit inalala ang nangyari. Saan galing ang enerhiyang iyon?
"You really have the powers of your parents."
Natigilan ako dahil sa narinig sa aking likuran. Hindi ako nakagalaw. Alam kong sa oras na lumingon ako, tiyak na ikamamatay ko iyon. Ramdam ko ang espada niyang nakatutok sa aking batok.
"You know my parents?" wala sa sariling tanong sa kanya.
"You don't have to know," malamig na wika nito. "Let's finish this."
I closed my fist firmly.
Ramdam ko ang paggalawa nito sa likuran ko at noong umangat ang espada niyang nakatutok sa batok ko, mabilis akong kumilos. I activated my speed ability as I switched our position. Ngayon ay ako na ang nasa likuran niya habang nakatutok ang espada sa gilid ng leeg niya.
"One wrong move, ikaw ang tatapusin ko," banta ko dito. Hindi ito kumibo. "Answer me, you know my parents? May alam ka ba sa nangyayari sa Enthrea?" I asked him. He didn't answered.
"This is not the usual Annual Dungeon Tournament," ani ko. "At mukhang alam mo iyon!"
"Wala akong alam sa pinagsasabi mo," mariing wika niya at umambang gagalaw kaya naman ibinaon ko ng konti ang dulo ng espada ko sa leeg niya. Hinawakan ko rin ang braso niya para huwag itong makagalaw.
"Stay still."
"Or what? You'll kill me? Come on, this is only a game," sambit nito.
"This. Is. Not. A. Game," may diin bawat salitang binibigkas ko. Lumapit ako nang bahagya sa kanya at bumulong sa may tenga niya. "Huwag na tayong maglokohan dito. Ano ang nalalaman mo?"
"Wala," matigas na sambit niya.
"Wala?" ulit ko sa sinabi niya, bumubulong pa rin. "Then fine, I'll get your value. Right here. Right now. You'll be out of this tournament. At pagkatapos nito, kung ano mang iyang ipinaglalaban mo, mawawalan ng saysay. Dahil ako na mismo ang magsasabi saiyo, ako ang mananalo sa larong ito. Sa kahit anong paraan pa man, gagawin ko dahil ang kinabukasan ng Enthrea ang nakasalalay dito."
Ramdam kong natigilan ito sa kinatatayuan niya. May alam siya sa kung anong mayroon sa Enthrea. Alam ko.
"Just save yourself, Erika Rysse. No need to save the whole Enthrea. Hindi mo kayang gawin ang nais mo, ang sagipin ang buong Enthrea. It's not worthy enough."
"Ano ang alam mo?" ngayon ay nauubusan na ako ng pasensya sa lalaking ito! Idiniin ko ang dulo ng espada ko sa leeg niya. Speak already!
"I already once tried saving this goddamn place, but I failed. Now, I'm here to save my sister!" asik nito at buong pwersang itinulak ako at ngayon ay itinutok sa akin ang espada niya. "Kung gusto mong iligtas ang buong Enthrea, kailangan mo ng sapat na lakas para talunin sila. I'm just here for my sister. Nothing more. I'll win for her. And not for Enthrea!"
Akmang susugod itong muli sa akin ngunit agad itong bumagsak sa kinatatayuan niya.
Fuck!
Tumakbo ako palapit sa kanya at mariing kinatitigan. Dumako ang paningin ko sa taas ng ulo niya at laking gulat noong unti-unting bumababa ang value niya! Nagpalinga-linga ako at halos di ako huminga noong makita ang isang lalaking prenteng nakaupo sa ibabaw ng isang gusali di kalayuan sa pwesto namin. I enhanced my vision and concluded that he's the one who attacked this man I was dealing earlier. Tumataas ang numero nito samantalang halos maging zero na ang isa.
"Stop it! He can't fight anymore!" sigaw ko at inihanda ang sarili. Bumaling akong muli sa lalaking kanina lang ay kalaban ko, hindi na ito gumagalaw.
Zero.
Wala na itong value ngayon. He's out from the tournament. He lose.
"I'm just here for my sister. Nothing more. I'll win for her."
Tila ba'y nag-echo sa akin ang sinabi nito kanina. Nandito siya sa tournament para mailigtas ang kapatid niya. Nandito siya dahil nasa panganib ang kapatid niya.
I hold my breathe as I watched his body's gone. Looks like nasa ibang lugar na ito, mas ligtas kumpara sa dungeon na ito.
Bumaling ako sa lalaking prenteng nakaupo pa rin sa taas ng gusali.
Sixty.
Iyon ang value niya.
"The famous Erika Rysse," ani ng lalaki at biglang tumalon mula sa mataas na gusaling kinauupuan niya. Seryoso akong tumingin sa kanya noong nakatapak na ito sa lupang kinatatayuan ko rin. "Lionel at your service," aniya at yumuko.
"Looks like ikaw ang makakalaban ko ngayon," malamig na turan ko at pasimpleng tiningnan ang numero niya. Damn, he must be really strong. He's value is pretty high compare to mine!
"Nope," he said then smile.
"I'm here as a comrade," anito na siyang ikinatigil ko. "Alam ko kung saang parte ng dungeon na to ang tunay na kalaban natin."
"What?" hindi makapaniwalang tanong ko. Umiling lamang ito at ngumiting muli.
"They said you are our savior, pero mukhang mas clueless ka pa sa akin," mahina itong tumawa at tinalikuran ako. "Come on. You're friends are waiting for you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top