Chapter 20

"What's wrong?" Stefan asked as I take another step backward away from him.

It was him. It was freaking him!

Umatras muli ako. Kailangan kong makalayo sa lalaking to. He's dangerous!

"Erika," tawag sa akin ni Clifford. Bumaling ako sa kanya at mariing napapikit.

"I'm leaving," deklara ko at walang imik na lumabas sa kwarto.

Dali-dali akong naglakad palabas ng silid. Ramdam ko ang pagsunod nong dalawang kawal na siyang nag-escort sa akin kanina. Marahas akong bumaling sa kanila at masamang tiningnan.

"Stop following me," mariing sambit ko. "I can handle myself."

"We don't take orders from you, miss," ani ng isa na siyang ikinainit ng ulo ko. Kanina pa nais kumawala ang galit ko. Wala sa sariling isinumon ko ang isang espada at itinutok ko sa kanya. Akmang gagalaw naman ang isang ngunit agad ko itong pinigilan at itinutok ang isang espada ko na kakasumon ko lang.

"Stop messing with me. Dahil hindi sa lahat nang pagkakataon ay kalmado ako," walang emosyong sambit ko. Hindi kumibo ang dalawa. "Now, leave me alone," umakbang ako ng isang beses paatras habang di inaalis ang pagkakatutok ng sandata ko sa kanila. Masama lamang akong tiningnan ng dalawa.

"Just don't, soldiers," I warned them as they move their feet. "Hindi niyo nanaisin ang mangyayari kong sundan niyo pa ako."

Tumalikod na ako sa kanila. Wala na akong sapat na oras, we need to have a plan. I activated my speed para naman mas mapadali sa akin marating ang paroroonan. At noong marating ko ang pribadong silid na nakalaan para sa amin, hindi na ako nag-abala pang kumatok sa pintuan at dali-dali ko itong binuksan at agad kong namataan ang mga kaibigan kong nagkukumpulan.

"Eka!"

"Erika!"

"We need to move," ani ko.

"Anong nangyari?" tanong ni Yna kaya naman bumaling ako sa kanya.

"Clifford said I need to win this tournament," wika ko na siyang ikinagulat nilang lahat.

"What?"

"Pero.."

"Magsisimula na ang susunod na round ng tournament. Bukas. At nais niyang ipanalo ko iyon. Para sa Enthrea," ani ko sabay tingin kay Second. Alam ko na ang tingin ni Second ngayon sa kapatid ay kaaway na namin. At iyon din ang nasa isip ko kani-kanina lang. But seeing Stefan, I know Clifford is not the real enemy here.

"And X, I saw Stefan!" sambit ko dito, hindi mapakali. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. I closed my eyes. Damn it!

"Fuck," malutong na mura ni X sabay lapit sa akin. "That bastard is back?"

"Sino naman si Stefan?" tanong ni Steve ngunit ni isa sa amin ay walang sumagot.

"You mean, Stefan Ross?" I heard Joseph asked me. I looked at him and nod. "Really? We thought he was dead!"

Dead?

"During our last mission, I saw Stefan. Nasa headquarters ito ng Eiwerds. At sa pagkakatanda ko, nasawi ito sa naging laban. And if he's alive, it only means he's an enemy," kwento ni Joseph.

"He is," mataman kong sambit. "I need to see what will happened next. Come on, X."

"Erika, no," agad na pigil sa akin ni X. Kita ko kung paano ito umiling ng ilang beses. "Hindi mo gagawin iyan," malamig na turan nito.

"What do you mean by that, Eka?" Yna asked. "You want to see what will happened next?"

"I need to do this," mahinang ngunit may diing sambit ko.

"Maaring ikapahamak mo iyon!" giit ni X.

"Don't raise your voice on her, Alexis," sabat naman ni Second sabay lapit sa pwesto ko.

"For petesake, pwede bang tigilan niyo na ang bangayan niyong dalawa? Kanina pa kayo at naririndi na ako! May problema tayong kinaharapan ngayon! Wag na kayong dumagdag!" inis na wika ni Yna sa dalawa. Bumaling ito sa akin na nakataas ang kilay. "Now tell us, Erika. Ano ang mga nalalaman mo? We need to know the situation. We need to know everything para naman ay alam namin ang gagawin."

"Listen, hindi pa malinaw sa akin ang mga nangyayari. May kung ano pang di ako maintindihan dito. Ang alam ko lamang ay nasa panganib ang buong Enthrea. This dungeon tournament is just a freaking show! Hindi na ito ang dating tournament na kinalakihan at minahal natin. This is not about winning anymore guys. This is not being the next members of Warrior of Enthrea. This about our future. The future of Enthrea."

"Kailangan nating protektahan ang kung ano ang sa atin. Enthrea is our home, our land. We need to stop them, sa kahit anong paraan," seryoso ko pang sambit. Gusto kong sabihin sa kanilang nakita ko ang hinaharap ng Enthrea. I saw how it was destroyed pero pinili kong huwag nang ipaalam sa kanila. Mas lalong magiging komplikado ang lahat pag nalaman nila ang kakayahan ko! Jez! This is frustrating!

"How can we stop them?" Steve asked. "Saan tayo magfofocus? Sino ang mga kaaway? The headmaster? That's bullshit! Hindi natin kakayaning kalabanin sila!" sunod-sunod na tanong nito, naguguluhan.

"Sabi ni Clifford sa akin kanina, kailangang maipanalo ko ang laro. Mukhang nais niyang iparating sa akin na kailangan kong ipanalo ang Enthrea. Cause once I lost, the whole Enthrea will suffer," lintaya ko sa kanila.

Katahimikan.

"And I think that's the primary reason kung bakit ka kasali sa tournament na to, Erika Rysse," basag ni Joseph sa katahimikang namayani sa amin. Wala sa sariling napatingin ako sa kanya. What does he mean? "For this year's tournament, may babaeng naging kalahok, which is hindi naman dapat. That was against the rule. But you were announced as one of the contender. And you," aniya sabay tingin kay Yna. "Ipinatawag ka lang ng headmaster diba?"

Tumango si Yna dito.

"Hindi ba kayo nagtaka? Hah?" tanong pa nito.

"This was all planned," deklara niya. "Mula sa pagpili ng mga manlalaro hanggang sa magsimula na mismo ang laro," pagpapatuloy ni Joseph. "At sa tingin ko, lahat kayo ay may tungkuling dapat gawin para iligtas ang Enthrea. You are not here for nothing,"

"Really?" Yna said with an awe. "Where did you get that idea, huh?" di makapaniwalang tanong nito kay Joseph. Hindi ito kumibo at mataman lamang tumingin sa akin.

"He's a Shendra, Yna," imporma ni Second kay Yna, tinutukoy ang pinsan. "He's more advance than the rest of us."

"Wait till you meet the three of my Shendra friends. Mas matindi ang tatlong iyon," ani Joseph sabay ngisi.

Napaawang ang mga labi ko. They're talking about the Tereshle Academy!

"Kung tama iyang mga sinasabi mo, Joseph, anong koneksyon namin dito? I'm sure walang mapapala si Clifford sa pagsali sa akin sa larong ito," ani X.

"My parents," panimula ni Yna. "Naging parte sila noon ng pagbuo ng tournament."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"They were part of the first ever Dungeon Tournament," pahabol pa nito na siyang ikinagulat ko. Just like my parents, too!

"Ang mga magulang ko din," si Steve naman ngayon. "Sila ang mga naghanda ng mga sandata para sa mga kalahok noon."

That's it! Joseph was right! This was all planned! Lahat kami ay konektado sa larong ito!

"Pero bakit ako ang naisali sa laro?" wala sa sariling tanong.

"I'm sure your brother doesn't want this shit, Eka. Kaya ikaw ang inilista nila," si Second.

Tama siya, ni minsan ay di ninais ng kapatid ko ang maging manlalaro ng tournament. Tanging ako lamang ang may kagustuhan nito kaya noong mga nagdaang taon, kahit alam kong di ako makakapasok, nagpasa pa rin ako ng application form.

"So, ano na ang plano?" si Steve.

"I suggest, you'll continue to play the tournament. Give them what they want," suhestiyon ni Joseph sa amin. "Kami nang bahala habang nasa arena kayo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top