Chapter 2

Seryoso ba to? Hindi ba to panaginip?

Isang malakas na hiyawan ang aking narinig na siya nagpabalik saakin ng ulirat. Para akong napako sa kinatatayuan ko ngayon. I froze. I can feel my hands sweating. Jeez. I can hear my own heart beat beating so freaking loud and fast!

Kasali ako sa tournament! Kasali ako! Oh my! This is awesome! Freaking awesome!

Kinalma ko muna ang sarili ko. I need to compose myself at noong naramdaman kong sumusunod na ang katawan ko sa akin, patakbo akong lumabas sa arena! Kailangan kong makausap si Kuya Eros! I need to tell him this freaking news!

Mabilis akong tumakbo. Good thing walang ibang tao ako nakakasalubong ngayon. Kaya naman ginamit ko ang isa sa special attribute na meron ako, my speed. Akala ko noon ay hindi ko na ito magagamit. Madalang ko lang kasi itong magamit. Sa mga katulad nito na pagkakataon lamang. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalabas sa napahaba at tila walang katapusang hallway na tinatakbuhan ko ay agad akong natigilan noong may humarang sa dinaraanan ko. Nasa malayo ko pa naman ito. I enhanced may sight, my primary ability, at kunot noong tiningnan ang nasa unahan ko.

I reduce my speed. I stop from running and looked at him.

"Eka." malamig na turan niya. Anong ginagawa niya dito? He should be with his family now. Not here.

Taas kilay ko itong tiningnan at inirapan.

"Not now, Second. Nagmamadali ako. Kailangan kong makausap si kuya," sambit ko at nagsimulang maglakad muli. At noong makalapit ako sa kinatatayuan niya ay natigilan ko noong hawakan niya ang kamay kamay.

"Let's talk," sambit niya sabay hila saakin sa kung saan. Nasa may arena parin naman kami, hindi ko nga lang matukoy kung saang parte. Natigil ito sa paghihila saakin at iniharap sa kanya.

"What the hell, Eka!" bulalas nito saakin noong tumigil ito sa kakahila na siyang ikinabigla ko. What the? He never shouted at me before. Ngayon lang!

"What the hell too, Second!" ganti ko rito na ikinakunot ng noo niya. Huh! Akala mo ah.

Dahil sa umuusbong na inis sa loob ko, tinalikuran ko na ito at baka sa kung saan pa mapunta ang usapan namin. Mahirap na, noh.

"I'm not done talking to you, Eka!"

Napairap ako sa kanya noong mas lalong tumaas ang tono ng boses niya. Seriously? Tumalikod na ako ng tuluyan sa kanya at nagsimulang maglakad palayo.

Bahala siya!

Nakakainis din naman kasi siya. Akala mo naman ako lang ang may kasalanan sa aming dalawa!

"Eka!"

"Cut it, Second!" hindi ko na pigilan ang sarili ko. Hinarap ko ito at masamang tiningnan. "Ano bang ikinagagalit mo? Ang pagsali ko sa tournament? Well, I already said my sorry to you the moment I passed that damn application before. And for petesake, noong nakaraang taon pa iyon application na iyon!"

"That's my point here, Eka! Why did you fucking passed an application for that tournament? Alam mo ba ang pinasok mo?" malakas na sambit niya na siya nagpainit ng ulo ko lalo. Napatingin ako sa paligid namin. Good thing walang dumadaang mga tao dito. Nakakahiya itong pinaggagawa ni Second ngayon.

"Pwede ba, wag kang sumigaw." kalmadong wika ko ngayon. Mainit ang ulo ngayon ni Second, hindi ko itong pwedeng sabayan. "At kung tinatanong mo kung alam ko ang pinasok ko, yes, I freaking know, Second. Dahil simula noon pa man ay alam mo nang gusto kong makasali sa tournament." I paused from talking and sighed. "Ngayon, kung wala ka nang ibang sasabihin at tanong, aalis na ako."

"Eka naman," pigil niya saakin sabay hawak sa kamay ko.

"I'm tired, Second. Let's talk some other time. Mag-usap tayo kung pareho na tayong kalmado." wika ko at tinanggal ang kamay niyang nakahawak saakin.

Ilang hakbang palang ang nagagawa ko noong tumigil dahil sa may naalala ako. Hindi na ako nag-abalang lumingon rito at nagsalita.

"And by the way, congratulations for passing that examination to enter the Academy." sambit ko at tuluyan nang iniwan siya.

I used again my speed ability para mas mabilis akong makalabas sa arena. At nong tuluyan na akong nakalabas ay nakahinga ako ng maluwag. Damn that conversation. Nakakaubos ng lakas.

Ipinilig ko ang ulo ko at kinalma ang sarili.

Nilingon ako ang nilabasan kong pintuan ng arena at  kagat labing pinagmasdan iyon. He didn't follow me. He must be really pissed at me.

I'm sorry, Second.

Saka ko na iisipin ang naging pagtatalo namin ni Second. I need to talk to my brother! Siya dapat ang kinakausap ko. Hindi ang kung sino-sino. Let me handle Second next time. Really. Just not now.

Umalis na ako at tinahak ang daan pauwi sa bahay namin. At habang naglalakad ako, ramdam ko ang tinginan nila saakin. Ang iba pa ay may kung anong ibinubulong sa katabi nito. Marahil ay nalaman na nila ang balita. Marahil ay hindi sila makapaniwala. O di kaya iniisip nila na wala ako sa tamang pag-iisip. Na kagaya kay Second, they'll think I was out of my mind. Na hindi ko alam ang pinasok ko.

But I know better.

And I don't freaking care about them, anyway. Bahala sila sa iniisip nila!

Noong makarating ako ng bahay namin, agad akong tumungo sa basement namin. Kita kong abala ang kapatid ko sa paggawa ng panibagong sandata. Nakakunot ang noo nito at noong maramdaman niya ang presensya ko ay agad itong napatingin sa gawi ko.

I smiled awkwardly to him.

"Hi kuya." bati ko rito at naglakad patungo sa kanya. Ang kaninang nakakunot noo niya ay mas lalong kumunot. Idagdag mo pa ang tensyong nararamdaman ko ngayon sa buong basement namin.

"What did you do this time, Eka?" seryosong tanong niya saakin na siyang ikinangisi ko na lamang. "Don't tell me may binugbog ka na naman sa may sentro dahil may isang babaeng binastos na naman?" sarkastik na tanong nito na siyang ikinatawa ko.

"Of course not, kuya!" naglakad ako patungo sa kanya habang tumatawa. Sa aming dalawa, ako palagi ang napapasama sa gulo. While kuya Eros, well, palagi itong nagkukulong dito sa basement namin. He's busy. Always busy.

"Haven't you heard the news? Hmmm?" I asked him as I sat to the chair next to me. He looked at me for a second. Ang kaninang kunot na noo niya ay mas lalong nalukot. Umiling ito at ibinalik ang buong atensyon sa hawak na sandata.

What do I expect from my brother? Wala itong alam at pakialam sa kung nangyayari sa labas ng kwartong ito. He's always locking himself down here, simula noong namatay si daddy. Ni hindi na ito lumalabas ng basement.

But he still doing his responsibility as a brother to me. Hindi nga lang siya masyadong showy itong si kuya Eros. Well, that's okay. As long na alam kong buhay at still kicking siya dito sa kwartong ito, I'll be fine. Atleast.

"Just spill it already, Eka. You know I don't like surprise and such," he said as he continue on what he is doing. Right. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan siya. Isinukbit ko ang isang braso ko sa braso niya na siya ikagulat ni kuya.

"I'm officially one of the players for this year's tournament," I announced and I saw how his eyes widen on what I have said to him.

"Surprise," I said again with a grin on my face.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top