Chapter 17

Tahimik akong naglalakad papasok sa engrandeng mansyon ng mga Bruce. Palihim kong pinagmasdan ang katabi kong kawal na siyang nag-eescort sa amin ni X patungo sa silid kung saan daw nagtitipon-tipon ang mga kalahok ng tournament.

Kung tama ang hinala at sinabi ni X kanina sa akin, marahil ay nagsimula na ang gulo na nasa panaginip. Marahil ay ginawang distraksyon lamang ng mga kaaway ang Annual Dungeon Tournament para doon matuon ang atensyon ng lahat.

My dreams are accurate. Alam kong mangyayari ang mga iyon. Ang gulo sa Enthrea. Ang mga pagsabog. At maging ang pagkamatay ko. Pero maari ko pang mapigilan iyon. Maari ko pang baguhin ang nakatakdang mangyari sa Enthrea. At maging sa sarili ko.

"We're here," anunsyo ng isa sa kasama naming kawal. Natigil kami sa harapan ng isang malaking pintuan. Pinagmasdan ko iyong mabuti. Kung tama ang pagkakaalala ko, ito rin ang pintuang pinasukan namin noong unang araw ng tournament.

I took a deep breathe when the two guards slowly open the doors.

"Pumasok na kayo," malamig na turan ng isa sa dalawang kawal na siyang nagpalingon naman sa akin dito. I slowly closed my fist. Deretso ang tingin nito sa unahan kaya naman ay kitang-kita ko kung anong mayroon sa leeg nito. Bagama't natatabunan iyon, kita ko pa rin ito. Hindi ako maaring magkamali. Ang mga markang iyon. Katulad ito nong nasa panaginip ko!

Nag-iwas naman agad ako ng tingin noong bumaling ito sa akin.

"Let's go, Eka," mahinang sambit ni X at nauna nang pumasok sa silid.

They're here. The enemies are here!

Gusto kong umatras. Gusto kong umalis sa kinatatayuan ko ngunit di ko maigalaw ang mga paa ko. Idagdag mo pa ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Damn!

Move, Eke. Freaking move!

Napabaling ako sa gawing kanan ko noong maramdaman ko ang paghawak ni X sa braso. Napaawang ang labi ko. Seryoso itong nakatingin sa unahan namin at marahan hinila ako. Wala sa sariling pakagat ako ng labi noong napagtanto ang nangyari. Naduwag ako! For petesake! Para akong bumalik sa dating Erika na takot na takot sa mga maaaring mangyari sa akin!

"It's okay," mahinang sambit ni X. "I'm here."

Humugot ako ng isang malalim na hininga. Tumango lamang ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Hawak pa rin ni X ang braso ko hanggang marating namin ang dalawang bakanteng upuan sa tabi nila Yna at Steve. Tinanguhan lamang ako ng dalawa at tinuong muli ang atensyon nila sa harapan. Dahan-dahan naman akong naupo roon at kinalma ang sarili.

I should act normal. I should stop freaking out here. Hindi dapat malaman ng mga kalaban na may alam ako!

"Good day, everyone!" magiliw na bati ni Clifford sa aming lahat. "I want to congratulate you all for passing the first round of the tournament," anito na may ngiti sa mga labi. Kung isang normal na pagkakataon lamang ito, malamang ay magdiwang ako gaya ng ibang mga kalahok. Pero hindi, hindi dapat ako magdiwang. May gulong papalapit at kailangan ko itong paghandaan.

Mataman kong tiningnan si Clifford. He's still his usual self. Walang kakaiba sa kanya. Well, yun ang napapansin ko sa kanya. Napabaling naman ako sa gawing kaliwa niya at nakita ko yung babaeng sumalubong sa akin noong unang araw ng tournament. Nakangiti rin ito. Ipinilig ko ang ulo, sino nga ang isang to?

Napaayos naman ako sa pag-upo noong napatingin ako sa kanang bahagi ni Clifford. Shit.

Second!

Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba nasa Tereshle Academy na ang isang to? Hindi ba siya tumuloy roon?

Halos hindi ako makagalaw dahil sa uri ng tingin ni Second sa akin. Mataman lamang niya akong tinititigan kaya naman ay nag-iwas na ako ng tingin sa kanya. Hindi ko kayang pantayan ang mga titig niya lalo na at nag-kasagutan pa kami sa huling pagkikita namin.

Second, matagal na kaming magkakilala. I met him when I was a little girl. Naging malapit kami sa isa't-isa at hindi ko maipagkakailang may pagtingin ako sa kanya. Pero hanggang doon na lamang ang ugnayan naming dalawa. We can't go any futher on that. Alam naming pareho ang limitasyon naming dalawa. We both know that our relationship won't stand against the rules of Enthrea. Kaibigan. Hanggang doon na lamang iyon.

"You're spacing out, Erika."

Napabaling ako kay X noong magsalita ito sa tabi ko.

Nasa isang pribadong silid na kaming apat ngayon, X, Steve at Yna. Hindi binuwag ang naging grupo namin at sinabihang manatili na lamang sa silid na to at maghanda. Kanina pa natapos ang pagtitipon namin sa kung saan naroon ang iilang mga Bruce. Wala din naman akong naintindihan sa mga pinagsasabi ni Clifford kanina dahil wala doon ang diwa ko. X was right, I'm really spacing out.

"We need to talk to them. We need them," ani X sa mahinang tinig sabay tingin sa dalawa naming kasama.

Steve and Yna.

"X.."

"I trust them," ani pa nito na siyang nagpatigil sa akin.

Sa ilang araw na nakasama namin silang dalawa, napalapit na din ang loob ko sa kanila. And just like Alexis, yes, pinagkakatiwalaan ko din sila. Pero tama nga ba ito? Tama nga bang magtiwala sa kanila?

"Eka, we need to do this as fast as we can. Tumatakbo ang oras natin," sambit nito. "You're brother is having his own investigation. Kaya dapat ay kumilos na rin tayo dito."

"Pero, baka ikapahamak nilang dalawa ito," bulong ko sa kaniya. Napabaling si X sa akin kaya nagtama ang aming paningin. Umiling ako sa kanya. No. Hindi maaring kapakanan ko lamang ang isipin namin dito. Yes, makakatulong sila sa amin but I won't risk it. Hindi ko sila ilalagay sa kapahamakan. Afterall, I already consider them as my friend.

"This is for the sake of  the whole Enthrea, Erika. Hindi lang ito para sa kaligtasan mo," sambit ni X sa akin. "Think about it. Dahil kung ako lang ang masusunod, mas makakabuti para sa atin ang magkaroon ng kakampi."

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.

For the sake of Enthrea.

I closed my both eyes and think about it.

Akmang magsasalitang muli ako noong biglang may kumatok sa pintuan. Napalingon ako roon at kunot-noong pinagmasdan si Steve na buksan ito. I saw two men standing opposite to Steve.

Napahugot ako ng hininga noong makita kong sino ang naroon.

Second.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top