Chapter 14
Hiyawan at malakas na palakpakan ang sumalubong sa aming apat noong mabalik kami sa arena ng Enthrea.
Bahagyang nakakaramdam pa ako nang pagkahilo dahil sa pagdaan namin sa portal mula sa dungeon pabalik dito sa mundo namin. Pakiramdam ko ay kahit anong oras ay babagsak ang katawan ko.
"Ladies and gentlemen! Our last group that will continue for our next round of the tournament!" anunsyo nang tagapagsalita at isang malakas na hiyawan na naman ang aking narinig. Dahan-dahan kong inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng arena. Maraming tao ang naroon at naghihiyawan. Lahat sila ay may mga ngiti sa labi. Napabaling naman ako sa gawing kanan ko at namataan ang iilang kalahok ng tournament. Sa tatsya ko ay walo sila katao ang naroon. Mataman lamang silang nakatingin sa gawi namin. Mukhang kami ang huling grupong nakabalik kaya naman nasa amin ang kanilang atensyon.
"We're back," rinig kong mahinang sambit ni Yna sa tabi ko.
Yes.
We're back. Finally.
Nasa Enthrea na muli kami. Tapos na ang unang pagsubok ng tournament.
Isang ngiti ang lumabas sa aking labi dahil sa tuwa na nakabalik na kami ngunit agad iyong nawala. Pakiramdam ko ay biglang nabuhay ang mga dugo ko sa katawan. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao ko noong maramdaman ko ang tensyon sa pagitan namin at sa ibang kalahok ng tournament.
Mas lalong lumakas ang hiyawan.
Bigla namang lumapit ang tatlo sa akin at gaya ko, alam kong ramdam din nila iyon.
"What the hell?" bulong ni Steve habang inililibot ang paningin.
Akmang ibubuka ko na ang mga bibig ko upang magsalita noong biglang tumikhim ang tagapagsalita ng laro.
"Looks like our players here are ready for the next round," bahagya itong tumawa sa sinabi. Yeah, mukhang handa na nga ang ibang grupo. "Pero ikanalulungkot kong sabihin sa inyo na hindi muna kayo magsisimula para sa susunod ng round ng laro."
Natigilan ako, maging ang mga kasamahan ko. Nakarinig din ako ng iilang pagtutol mula sa mga manunuod at maski sa mga kapwa ko manlalaro. Samantala kaming apat ay nanatiling tahimik at matamang tumingin lamang sa tagapagsalita ng laro.
"The headmaster of the game and the committees decided to postpone the next round of the tournament. Gusto nilang magpahinga muna ang mga manlalaro ng ilang araw. Nasaksihan namin ang naging hirap niyo sa unang yugto ng laro at alam naming kailangan niyo ng sapat na lakas at pahinga para harapin ang mga susunod na pagsubok."
Kahit naguguluhan ay napatango ako rito bilang pagsang-ayon. We need rest. Enough rest. Aaminin ko, hindi naging madali ang unang naging pagsubok sa amin. Kailangan namin nang sapat na pahinga para sa susunod na laban.
"Ang Annual Dungeon Tournament ay pansamantalang ititigil. It was an order. Pero wag kayong mag-alala, matutuloy ang tournament kaya naman players, be ready. Always. Dahil ipapatawag namin kayo pag magsimula na ang susunod na round."
Hindi na ako umimik pa. Bakit nila itinigil ang laro? Hindi pa ito nangyari sa mga nagdaang laro! Ang Annual Dungeon Tournament ang ipinagmamalaki ng Enthrea sa buong Tereshle. Sa apat na division kasi nito, kami lamang ang mayroong ganitong klasing laro. Kaya naman nakakapagtaka kung bakit ito itinigil, e, kasisimula pa lamang nito.
"Something's off," I've heard Yna whispered just enough for us to hear her.
"You felt it, too, huh?" si X naman ngayon.
May mali? Oo, mayroong mali. Pero ang tanong, ano ang mali?
"Welcome home, Eka," magiliw na bungad sa akon ni Kuya Eros. Ngumiti ako dito at mahigpit na yumakap sa kanya. "Namiss kita, kuya," sambit ko at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya. Narinig ko itong tumawa nang mahina at hinaplos ang buhok. I feel relax. Napakagaan sa pakiramdaman.
"You've done so well on that tournament, Eka," mahinang sambit niya na siyang nagpangiti sa akin. Bata pa lang ako, si kuya Eros na talaga ang taga puri sa bawat achievements ko. Kahit maliit na bagay at walang halaga ito, pinupuri niya pa rin ako. Alam niya kasing ginagawa ko ang lahat nang makakaya ko upang makuha ang inaasam ko.
"You saw it?" I asked with an awe to him. Humiwalay ito sa pagkakayap sa akin at nakita ko itong tumango.
"Pinaghandaan talaga nila ang tournament ngayong taon," aniya at nagsimula nang pumasok sa bahay namin. Sumunod naman ako. "Kahit nasa ibang dimensyon kayo, kita namin ang bawat galaw ninyo," sambit pa nito at dumiretso sa basement namin na siyang pinaka-kwarto na niya.
"Really? That's cool," wika ko at umupo sa upuang pinakamalapit sa akin. "Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit inihinto muna ang laro," ani ko at isinandal ang likuran sa sandalan ng upuan. Kita kong napabaling sa gawi ko si kuya kaya naman ay tumingin ako sa kanya.
Hindi muna ito nagsalita at matamang kinatitigan lamang ako.
I raised one of my brows to him.
I saw him sighed and started walking towards me. Tahimik itong naupo sa tabi ko.
"I suggest you need to rest for a while, Eka. Mabuti nga iyon ay ipinagpaliban muna nila ang laro."
"I am resting, kuya," agarang sambit ko dito at mariing ipinikit ang mga mata ko. I know he's watching me right now but I didn't bother to opened my eyes. Kanina pa kasi gumulo sa isipan ko ang mga nangyari. Natapos namin ang unang round ng laro. I am happy, hindi ko ikakaila iyon. Matagal ko na kasing pangarap ito. Pero noong malamang pansamantalang itinigil iyon ay hindi ko lubos maunawaan. Idagdag pa dito ang mga katagang binitawan ni Yna at X kaninang nasa arena kamin. They knew something is not freaking right. They can feel it, so am I.
"Rest, Eka," rinig kong sambit ni kuya Eros at naramdaman kong umalis ito mula sa pagkakaupo niya sa tabi ko. I took a deep breathe before opening my eyes. Agad akong napabangon noong may naalala ako at mabilisang lumapit sa kapatid ko.
"Kuya, may naalala ka bang dating proyekto sila mommy at daddy? Yung pinakahuling ginawa nila?" I asked him. Bata pa lang kasi ako noon at halos wala rin akong maalala sa mga magulang ko. Kung mayroon man ay alam kong limitado lamang ang mga iyon.
"Why do you ask?" tanong sa akin ng kapatid ko.
"You said earlier that you've seen me on that dungeon right? Alam mo siguro ang tinutukoy ko, kuya," sambit ko dito.
Hindi ito nagsalita.
"Come on, tell me..."
"Stop it, Erika. Magpahinga ka na," he said firmly and with finality. Natigilan ako roon. So, I must be right. Kahit walang kompirmasyon mula sa kapatid ko, alam ko na tama ang mga hinala ko.
"That dungeon, our parents, kuya..."
"Erika, I said stop it," now my brother look pissed. "Go to your room and rest. Stop overthinking. Hindi iyan makakabuti sayo," aniya na siya ikinabuntong-hininga ko na lamang. Marahil ay alam din niya, ayaw niya lang kumpirmahin talaga sa akin.
"Fine! Magpapahinga na," I said, surrendering from our arguement.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top