Chapter 13

"Daddy?"

Marahan na katok ang iginawad ko sa pintuan ng kwarto ng mga magulang ko.

"Mommy? Are you still up?" I asked behind the door. Sumimangot ako noong wala akong nakuhang response mula sa kanila.

Tulog na yata sila.

I sighed. Pilit kong kinalma ang sarili at bumalik sa aking kwarto. Ingat na ingat ang bawat hakbang na ginawa ko. Alerto din ako at halos nabunutan ng tinik noong narating ko ang silid ko. Madilim ang buong silid ko. Sumampa ako sa kama at kinumutan ang sarili.

I had a bad dream. Again. But this time, hindi ko iyon nagustuhan. Namatay daw ang mga magulang ko. Naiwan kami ni kuya Eros. We live Enthrea without them. Just the two of us.

Umiling ako at pilit ipinikit ang mga mata. Trying to go back to sleep. Escaping from the thoughts I'm having right now.

That was just a dream, Eka. Panaginip lamang.

But it scares me. Really. Hindi ko alam ang gagawin ko kung totoong mawala ang mga magulang ko.

I stay still. Hindi ako makatulog. Iminulat ko ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang dilim. Anong oras na ba? Siguro'y hating-gabi na. Palagi naman kasing ganito. Sa kalagitnaan ng gabi, magigising ako dahil sa masamang panaginip. But unlike those past nights, hindi ako dinalaw ng antok ngayon.

Maya-maya pa ay biglang may bumasag sa katahimikang namamayani sa gabi. Agad akong napabangon dahil sa kalabog na aking naririnig.

What was that?

Kahit nakakaramdam nang matinding takot, umalis ako mula sa aking kama at tinungo ang aking pintuan. Dahan-dahan ang naging paggalaw ko. I slowly opened my door then step out from my room.

Tanging liwanag lamang mula sa buwan ang nagsisilbing ilaw ko ngayon. Muli akong nakarinig ng panibagong kalabog kaya naman ay mas lalo akong kinabahan. The hell! Ba't hindi pa magising ang aming mga taga-silbi? O di kaya si kuya? O sila mommy at daddy? Damn it!

Sinundan ko ang ingay at halos tumigil ako sa paghinga noong makakita ako ng anino sa gawing kanan ko.

I frozed.

Nasa panaginip ko ba ako?

Marahan kong iniling ang aking ulo at pasimpleng kinurot ang sarili.

"Ouch," I mumbled as I felt the sting feeling from my arm. Shit! Gising ako pero bakit ganito? Iginala ko ang paningin ko. Alam kong nangyari na ito. Sa akin. This was my dream! Ito iyon!

Napabaling ako sa gawing kanan ko noong gumalaw ang anino ng kung sino mang nasa pamamhay namin. I take a step back. Parang tambol kung pumintig ang puso ko ngayon. I know what's next to happen. I already saw this one. In my dreams. Nakita at nasaksihan ko na ito!

My parents!

I need to save them!

"Eka, wake up!"

Napalikwas ako nang bangon at habol hiningang naupo mula sa pagkakahiga.

"Damn it! You're scaring us!" I've heard Yna said as I calm down my freaking self.

What was that? Bakit ko napanaginipan iyon? Bakit?

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Steve kaya naman bumaling ako sa kanya. Marahan akong tumango at huminga nang malalim.

"You're pale," rinig kong sambit ni X kaya naman ipinikit ko ang mga mata ko at kinalma ang sarili. " I'm fine," I lied.

"You're not," kontra niya sa sinabi ko. I slowly opened my eyes then looked at him. Sa taong kasama ko ang isang to, sa tingin ko'y alam na niya kung kailan ako nagsasabi ng totoo o hindi. He's my brother's companion. He's bestfriend.

"Kumusta pakiramdam mo?" Yna asked. "I've already reached my limit healing your wounds, Eka. May mga pasa ka pa. You need to rest para tuluyang gumaling ka," anito na siya nagpatango na lamang sa akin. She healed me. Again.

Katahimikan.

"Can you please leave us alone?" basag ni X sa katahimikang mayroon kami. Napabaling muli ako sa kanya at bahagyang nagtaas ng kilay. "Kakausapin ko lang siya," habol pa nito.

"She need a rest, X. Let her rest first," Yna suggested.

"It won't take so long. Please, I need to be alone with her."

Gusto kong barahin si X sa mga pinagsasabi niya pero sadyang hindi pa ako magaling dahil wala pa akong sapat na lakas. Narinig ko ang marahang pagbuntong hininga ng dalawang kasamahan namin. Wala silang nagawa sa naging hiling ni X sa kanila. Tahimik na lamang silang umalis sa kwartong kinaroroonan ko kaya naman kaming dalawa na lamang ni X ang natira.

"You can tell me now, Erika," seryosong sambit nito habang hindi inaalis ang titig sa aking mga mata. Tell him what? About my dream? For what?

"Wala akong dapat ikwento sayo, Alexis," mahinang sambit ko at isanandal ang likod sa pinaka head board ng kama.

"Stop lying. Masyadong halata," he said then crossed his hands against his chest.

"X naman," angal ko.

"You know you can always tell me, Eka. You have a bad dream again, right?"

Natigilan ako.

He really knows me too well.

Umiling ako.

"Come on, Eka. You know you can always trust me about this one. Just like before," ani pa niya at dahan-dahang lumakad patungo sa kinauupuan ko. Pinigilan ko ang sarili kong gumalaw noong naupo ito sa tabi ko. Marahan niya akong hinawakan sa braso at dahan-dahan hinila palapit sa kanya. Nagpaubaya ako. Inihilig ko ang aking ulo sa kanyang dibdib.

I closed my eyes when I felt his hand combing my hair. Ang sarap at gaan sa pakiramdam. Somehow, naibsan ang bigat na aking nararamdaman.

Noong bata pa ako, iniisip ko kung bakit lagi kung hinahanap ang presensya ni X sa bahay namin. My brother and X was always together. And kuya Eros never leave me alone too kaya naman kung nasaan ang dalawa, nandoon din ako. Madalas kaming mag-away tungkol sa mga walang kwentang bagay. Madalas naming pagtalunan ang mga simpleng bagay sa aming paligid. Pero kahit panay ang pagtatalo naming dalawa, ni minsan ay di ako nagalit sa kanya. Siguro'y nagtampo na ako noon pero hindi galit ang naramdaman ko para sa kanya.

"Feeling better?" I heard X asked.

Marahan akong tumango.

"Sorry, I can't sing," ani pa nito sabay tawa ng mahina. "Hindi ako gaya ng kapatid mo na kakantahan ka kahit sintunado naman."

"Kuya's not bad on singing," depensa ko sa kapatid ko. He's right. Kuya Eros used to sang me a song whenever I have a bad dream. Ito ang paraan niya para pakalmahin ako.

"Yeah, tell that right infront of his face. Siguradong magpaparty iyon at magcoconcert."

I laughed with his statement.

Maya-maya pa ay napawi ang tawa naming dalawa. I stay leaning on his chest.

"Eka," I heard him say.

"Hmm?"

"Let's go back to Enthrea."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top